Inanyayahan ko si Luke na kumain ng agahan kasama ko. Hindi pa rin niya ako tinitigilan sa kakatanong niya sa akin tungkol sa kung anong nangyari kagabi. “Wala. Napagod lang ako kaya hindi na ako nakapagtext.” Iyon lang ang lagi kong isinasagot. Kahit na alam kong hindi siya naniniwala, tumango na lang siya. After all, wala rin naman siyang magagawa dahil iyon talaga ang isasagot ko sa kahit anong itanong niya sa akin. Hinatid niya ako sa trabaho sa araw na iyon. Sinabi niya sa aking may meeting siya kasama ang kliyente niya kaya hindi niya ako masusundo mamayang gabi. It’s fine with me. I have to meet Janice tonight to discuss the case I will file against my mother, her daughter and Calvin. Pwede ko namang ipahawak kay Luke ang kaso ngunit hindi ko magawa. I’d rather have Janice as

