bc

Healing Justice (TAGALOG)

book_age18+
13.5K
FOLLOW
287.1K
READ
sex
second chance
playboy
kickass heroine
independent
doctor
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

Brave Doctors Series #2

Si Deonna Myrcelle Dela Fuente ay isang matagumpay at tanyag na doktora sa larangan ng pag-oopera. Isa siya sa masasabing pinakamahusay sa larangang ito kahit na hindi man siya kasing tanda at kasing batikan tulad ng iba. Lumaki sa tabi ng kanyang ama at mga pinsan, naging kuntento siya sa buhay niya. Subalit nang mamatay ang ama niya ay nagbago na siya.

Si Lucas Gabriel Bautista ay isang hinahangaang abogado. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya hindi lang dahil mahusay siyang abogado, kung hindi, dahil na rin sa gwapo niyang mukha. Totoo, hindi maipagkakailang isa siya sa pinakamakisig na lalaki sa henerasyon niya ngunit may kulang sa kanya. Hindi niya magawang magmahal. Lahat ng bagay para sa kanya ay laro lang.

~*~

Book cover by Siiryal's Graphics

chap-preview
Free preview
Prologue
The music inside the bar blasted into my ears. Halos mapapikit ako sa lakas ng tugtog. Katabi ko pa naman ang mga malalaking speakers. “Doktora! Sayaw tayo!” ani Margaux, isa sa mga doktor ko ring kaibigan. Sa totoo lang, siya ang dahilan kung bakit nasa bar ako ngayon. Oath taking kasi niya kanina kaya naisipan niyang mag-aya para mag-bar. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako palapit doon sa dancefloor. Ang sikip at ang init. Halos dikit-dikit na ang lahat ng mga taong nagsasayaw at hindi ko maipagkakailang nandidiri ako sa lagkit ng mga pawis ng mga ito. This is not the first time na sumayaw ako sa bar. Pero sa sobrang dami ng mga tao ay naaasiwa ako sa sobrang lapit ng mga tao sa akin. “Hey,” anang isang lalaking may manyak na ngiti. Wala pa mang limang segundo ay naramdaman ko na ang kamay niya sa may baywang ko. What the hell?! I rolled my eyes and yanked his hands off me. Kung bakit ba kasi ako sumama sa gig na ito?! Dapat ay dumiretso na lang ako sa bahay at natulog! Lumapit ako kay Margaux na abala sa pagsasayaw kasama ng isang mukhang foreigner na lalaki. Sa sobrang dikit ng mga katawan nila ay hindi ko masasabing kakakilala lang nila segundo ang nakalipas. Hindi naman ako pa-conservative pero ayoko lang na makihalubilo sa madaming tao nang ganito kadikit. Bukod na nanlalagkit na ako at gustung-gusto ko na silang buhusan ng tubig para makaligo na sila ay pagod na ako. Naging busy sa ospital kanina kaya halos wala na akong lakas. “I’ll just go to the bar!” sigaw ko sa tainga ni Margaux sabay turo sa pinakapayapang lugar sa club na ito. Tumango siya pero hindi ko sigurado kung narinig ba niya ako dahil busy siya sa pakikipagbulungan sa foreigner na iyon. Para akong nakikipagbakbakan para sa buhay ko nang naglakad ako patungo sa bar. “Damn!” I have been shouting expletives in my head as I tried to get out of this sea of people. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero may bumangga sa akin. “Ano ba?!” I screamed nang halos mapaupo sa tigas ng nabangga ko. “Aren’t you looking at your way?!” Damn it! May mga tao pa rin pa lang hindi tumitingin sa dinaraanan nila. “Miss, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.” Isang mababa ngunit matipunong boses ang bumungad sa akin. Apparently, he’s a lot calmer than me. Hindi ko lang alam kung nasaktan siya kahit na halos sumalampak na ako sa sahig. Tiningnan ko siya at kumunot ang noo. Lucas Gabriel Bautista. That renowned hunk attorney na sikat ngayon dahil naipanalo niya ang isang m******e case ng isang pulitiko. “What?! Stunned to see someone as handsome as I am?” A smirk played on his lips and how I badly want to punch his face. I rolled my eyes. “Ang yabang mo!” I pushed him out of my way and went straight to the bar kahit na rinig na rinig ko pa ang halakhak niya sa likuran ko. Damn it! Asshole! “Tequila,” mabilis kong sinabi habang umuupo ako sa high chair. Dalawang beses pa akong tiningnan ng bartender bago niya ginawa ang order ko. Inilabas ko muna ang cellphone ko at nagtext sa mga makukulit kong pinsang ayaw akong tigilan itext. To: Francis Jericho Dela Fuente I’m at Revel. Uuwi rin ako mamaya. Yes, sober. Pinangunahan ko na siya sa mga susunod niyang tanong. Ganun si French, hindi niya ako tatantanan hangga’t hindi siya nakakasigurong makakauwi ako. “No date tonight?” Agad kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang boses na iyon malapit sa tainga ko. Nilingon ko siya at nakita kong umuupo siya sa tabi kong may malaking ngisi sa labi. “Why do you care?” singhal ko sa kanya at saka tumingin ulit sa cellphone ko. From: Francis Jericho Dela Fuente Sober? You sure? Wala ako sa bahay ngayon. I’m out with Janice. I’ll see you first thing in the morning. I heard him chuckle. “Bakit ang sungit mo?” Tumawa ulit siya. “Nagtatanong lang naman ako kung may date ka o wala.” I glared at him. “Bakit ang bulag mo? Kita mo bang may kasama ako?” singhap ko pabalik. Bakit ba siya tanong ng tanong? Ganito ba talaga pag abogado? Laging may interrogation? Akala ko ay magagalit siya ngunit humagalpak lamang siya sa tawa. “Your thinking’s too twisted,” aniya. “I’m Luke, by the way.” I rolled my eyes. I want to tell him that I know him, I’ve seen him on TV but that would only boost his ego up. Ayoko. Masyado nang matayog ang self-confidence niya. “Okay,” I replied and ignored him again. Narinig ko siyang tumawa sa tabi ko at saka umorder ng inumin. “Ngayon lang kita nakita dito,” aniya. “Bago ka lang ba sa bar na ito?” Tiningnan ko siya at umiling. “Bakit ba andami mong tanong?” Naiirita na ako. “Bakit ba ayaw mong sumagot?” Tanong niya pabalik. “Wala namang masama sa tinatanong ko, a?” He even shrugged. Sasagot sana ako pero ibinigay na ng bartender ang inumin ko. “Thanks,” ngumiti ako at kinuha ang tequila. “Wow! Mabait ka naman sa iba. Bakit sa akin parang lagi kang nireregla?” Nilingon ko ang gagong abogadong. “Baka kasi mukha kang regla,” sagot ko at saka nilagok ang tequila. I’m not the drinking type. Most of the time, puro light lang ang iniinom. Pero sa sobrang inis ko sa lalaking ito, napaorder at nalagok ko ang isang buong shot glass ng tequila. Humagalpak siya ulit sa tawa. “Are you kidding me? Ako? Mukhang regla?” tanong niya. “Itong mukhang ito?” aniya at saka inilapit ang mukha niya sa akin. “Now, tell me…” may panunuya sa boses niya. “Ito ba ang mukhang regla?” Halos matuyo ang lalamunan ko habang tinitingnan ang mukha niya nang malapitan. Hindi. Hindi siya mukhang regla, that’s a fact. Actually, mukha siyang isang prinsipeng nakalabas sa storybooks. Sobrang lalim ng kanyang mga mata at masyadong nadedepina ang kanyang panga. I’ve never seen such perfect human being. When I saw him smirk, I was brought back to reality. “Oo! Mukha kang regla.” I cleared my throat and saw him laugh in front of me. Damn. Napahiya ba ako doon? “Oh, please, woman! Stop denying it. Alam kong hindi ako mukhang regla.” May ngiting naglalaro sa mga labi niya. I can’t remove his lips from my sight! Lasing na ba ako?! Damn those kissable lips! I let out a heavy breath. “Whatever.” I rolled my eyes and gulped. What the hell am I feeling right now? Hindi ito tama! Umorder pa ako ng isang tequila at narinig ko na naman ang nakakairitang boses niya. “Woah! Naglalasing ka ba?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Umirap lang ako at hindi siya pinansin. Bwisit! Wala ba siyang ibang lelechehin? Quota na ata ako sa gabing ito. “Are you, perhaps, broken?” Tanong niya ulit ngunit hindi ko siya pinansin. I’m a doctor. At kahit hindi Psych o Pedia ang specialization ko ay alam kong ang mga kagaya niya ay hindi titigil kapag ineentertain mo. “Come on,” aniya ulit. “I just want to know your name.” Tiningnan ko siyang nangingiti. “Pag nalaman ko ang pangalan mo, titigil na ako.” Itinaas pa niya ang kanang kamay. “I promise.” Ngiti niya. I sighed heavily. “Deonna.” Sagot ko. Ngumiti naman siya at nakita ko na naman kung gaano kagwapo ang mukha niya. “Deonna. Nice. Parang dyosa.” Halakhak niya. Suminghap ako. “Akala ko ba titigil ka na?” Para kasing nang-aasar pa siya. He shrugged. “I like your lips. I wonder how they taste like,” aniya bago niya ako hinila at siniil ng halik. His lips are undeniably soft. Tama nga ako, malambot ang mga mapupula niyang labi. Damn, kissable. Unti-unting pumikit ang mga mata ko habang nilalaliman niya ang halik. Lumipad ang kamay niya sa batok ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at idinikit ang sarili sa akin. Shit! Naramdaman kong masyado nang lumalalim ang halik niya. Hindi ito ang unang beses ko sa halikan pero bakit sa tingin ko ay baguhan ako? Damn it! He broke the kiss and smiled, panting and gasping for air. “Well, you sure know how to French kiss.” He smirked. Halos mawindang ako sa boses niya pero mas lalo akong nawindang noong hindi ko napigilan ang sarili kong hilain siya palapit sa akin upang mahalikan ulit. I’m not a sucker for kisses or for any physical contact but what the hell? Why does my body seem to love being near his? Hinawakan niya ang baywang ko at hinagod ito pataas at pababa. Halos mapaungol ako sa ibang klaseng sensasyong nararamdaman ko. Naglakbay pa ang mga kamay niya sa likod ko habang bumaba naman ang halik niya sa leeg ko. Damn! Ilang taon kong inalagaan, ngayon pa ba ako bibigay? Halos dalawang taon kami ng ex ko noon pero iningatan ko ito pero bakit sa abogadong ito, parang handang handa na ang katawan ko. “Let’s get outta here.” Matigas ang ingles niya habang bumaba ang kamay niya para hawakan ang kamay ko palabas ng club na ito. Lumingon ako sa pangalawang tequila ko na hindi ko pa nababawasan. “Which hotel?” Tanong niya sa akin nang tumambad sa harap namin ang pinakabagong modelo ng Strada. Hindi pa ako nakakasagot ay iginaya na niya ako sa loob ng sasakyan niya. Nawawala na ako sa tamang isip. Bawat galaw ng bibig niya ay nag-uudyok sa akin para halikan siya ulit. Oh, Dad! Forgive me for I have sinned.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.9M
bc

Contract - Tagalog

read
767.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.3K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook