Chapter 1

1520 Words
“Reresetahan kita ng antibiotic at pain reliever,” ngumiti ako sa pasyente. Kakatapos ko lang tanggalin ang isang cyst sa may tagiliran niya. Isinulat ko na ang reseta ko para sa kanya at saka siya ibinigay sa kanya. Hindi naman siya maubusan ng pagpapasalamat hanggang makalabas siya sa clinic ko. Masaya akong tumayo sa upuan ko at nag-stretch ng buto. Halos kalahating araw rin akong nakaupo at nagchecheck up. “Doc, wala ka daw pong in-patient,” ani Kim, ang secretary ko. Tumango at nag-ayos ng gamit. “Okay, then. I better go,” sabi ko habang nilalagay sa bag ko ang mga gamit ko. Ngumiti si Kim sa akin at tumango. “Ingat, doc!” aniya at saka kumaway pa. Naglakad ako palabas ng Out Patient Department ngunit bago ko pa marating ang exit ay bumungad sa akin si Luke na mga hindi magkamayaw ang ngiti sa mukha. “Hey,” aniya at hinaplos ang baywang ko. Kahit na naka-skater dress ako ay halos manginig ako sa paghawak niya sa akin. Tumikhim ako at tiningnan siya. “What are you doing here, your honor?” Ngumiti siya sa akin. “Lunch?” Kinuha niya ang bag ko. “I’m starving, Deonna. Alam kong gutom ka na rin.” He grinned. Alam kong nakatingin sa kanya ang halos lahat ng babae sa lobby at may mga iba pa ngang ipinaparinig pa ang bulong sa akin. Kesyo nagpapabebe pa daw ako. Ugh! If they only knew… Tiningnan ko siyang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. I wanted to roll my eyes so bad. Akala siguro ng mga tao ay boyfriend ko ang abogadong ito pero hindi. It’s all just physical contact. Since that fateful night, our physical desire for each other continued. And it’s been going on for six months now. “Tara na!” Sigaw ko sa kanya at nagsimulang maglakad. Humalakhak naman siya bago sumunod sa akin. Sa tagal naman naming magkasama ay medyo nakasanayan ko na ang kakulitan niya. May mga oras din naman siyang seryoso. May isang beses ko siyang pinanood sa court tungkol sa isang malaking case niya. I must say I’m pretty impressed of his judgments. Halos walang masabi ang prosecutor sa galing niyang magdefend ng client. Pinatunog niya ang car alarm at binuksana ang pintuan ng itim niyang Strada para makapasok ako. Pinanood ko siyang umikot sa kabilang dako nang nakangiti. “Did you bring your car?” Inaayos ko ang seatbelt ko pero nagawa ko pang sumagot ng, “Oo.” Pinaandar niya ang sasakyan niya. “Iwan mo na lang. Ihahatid kita sa inyo.” Aniya. Tiningnan ko siya. “E, paano bukas?” Tanong ko. “Susunduin kita. Anong oras ka bang papasok bukas?” “Mga ten,” sagot ko. Alam kong mga alas-otso siya pumapasok sa office kaya medyo umigting ang panga niya. “It’s okay. I can just ride the cab.” Pagbawi ko ngunit tiningnan niya lang ako. “No. I can fetch you home and drop you at work.” There was no sense of humor in his voice. It was dead serious and marked with finality. I shrugged. “Sure. Whatever you say, your honor.” I resigned and just agreed with him. I have a feeling na sa condo na naman niya ako matutulog anyway. Kinuha ko ang iPod niya at naghanap ng tugtog. Masyadong tahimik, naasiwa ako kapag tahimik kaming dalawa. Nahanap ko ang bagong kanta ni Chris Brown at siyang hinayaan kong tumugtog hanggang sa makaabot kami sa gusto niyang restaurant. Luke stayed beside me as we walked through the restaurant. It’s one of the fanciest restaurants in town kaya naman napansin kong wala masyadong tao sa loob. “Table for two?” tanong ng receptionist na bading na hindi magkamaliw ang titig kay Luke at halos mapakagat labi pa. Seriously? Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong mukha ngayong high-end naman ang restaurant na pinagtatrabahuan niya? “Yes, please,” tipid na sagot ni Luke bago kami sumunod sa baklang receptionist. Lumingon siya sa akin at tumaas ang isang kilay. “You alright?” tanong niya sa akin. “Parang makakapatay ka ng baklang receptionist.” Mahinang halakhak niya. Umiling na lang ako at inunahan siyang maglakad. Nagfifeeling na naman ang isang ‘to. Tss. “Here po, Sir,” malanding sabi ng bakla kay Luke. Wow! Ako ang nasa harap niya pero si Luke lang ang nakikita niya! “Thanks,” ngumisi pa si Luke at saka kinagat ang labi. See? Nagpapalaki lang ito ng ego! Mahinang humgikgik ang bading at saka tumingin sa akin. “Enjoy po. I’ll leave you with Marko.” Bigla siyang naging pormal nang tumugon siya sa akin habang ipinapakilala ang waiter sa tabi niya. Ngumiti ang Marko na ito at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako pabalik kahit na nandidiri ako sa itsura niya. Well, sure, he looks okay but he looks like he would f**k anything that moves. In short, manyak. Mukhang manyak. Ngiti pa lang niya ay maihihilera na siya sa mga manyak na tambay sa tabi-tabi. Umismid naman si Luke at saka hiningi ang menu kay Marko. “What do you want, Deonna?” Seryoso ang mukha ni Luke habang pinapasadahan ang menu. Nakakunot ang noo niya at parang gusting-gusto na niyang punitin ang menu. Agad akong tumingin sa menu at pumili nang makakain. Hindi ako makapili sa mga pagkain nila dahil halos masarap ang lahat. Tiningnan ko si Marko kahit na ayoko siyang makita. “Anong house special niyo?” tanong ko. Kahit naman kasi tinatanong ako ni Luke ay alam kong sa bandang huli, siya pa rin ang pipili ng makakain ko. Ngumiti siya sa akin. “You can choose one of our seafood dishes, Ma’am,” he replied with that same annoying smile. “She can’t eat seafood, though,” sabat naman ni Luke at ibinaba ang menu. “Two orders of Tournedos Rossini and Mediterranean pizza,” aniya sabay tingin kay Marko at ngumisi. “And also, do you have green tea?” Umiling si Marko. “Wala po kaming green tea,” sagot niya at halos manginig sa takot nang makita niyang kumunot ang noo ni Luke. “B-but I’m sure we can provide you, Sir.” Ngumiti si Luke. “Never mind. We’re cool with a bottle of white wine,” aniya. Agad namang tumango si Marko at mabilis na umalis sa table namin. I looked at Luke with narrowed eyes. “You scared him!” Kahit naman mukhang manyak si Marko ay nakakaawa pa rin ang mukha niya noong nakatingin siya sa kanya. Nagkibit balikat lamang si Luke at saka luminga linga sa paligid. “I’m going home this weekend,” aniya sa akin. Tubong Cebu si Luke at kapag nakakatapos siya ng kaso ay umuuwi siya para sa pamilya niya roon. He says his father is running a business on wines while his mother is also a lawyer based in Cebu. He’s an only child kaya naman laking gulat ko nang nalaman kong pinayagan siya ng mga magulang niya na lumayo sa kanila knowing that Cebu is not that bad. “Okay,” sagot ko. “Ilang araw?” He smirked. “Four days,” sagot niya at lumaki ang ngisi. “Mamimiss mo ako, ‘no?” Pang-aasar niya sa akin. Natawa ako at umiling. “Kapal!” sagot ko at tumawa naman siya. “Alam mo, Deonna, pwede mo namang diretsuhin sa akin kung crush mo ako. Sanay naman ako.” Natatawa pa siya. “Tsss.” I rolled my eyes. “Anong diameter ng ulo mo? Parang palaki nang palaki.” Humalakhak lamang siya sa tanong ko. “Ikaw naman kasi ang Queen of Denial. Sasabihin mo lang namang mamimiss mo ako, e!” aniya. “Ako? I will miss you, of course.” Ngumiti siya. Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. “Stop joking around, Luke. Alam naman nating maraming naghihintay sa’yo sa Cebu.” Tukso ko. “Just be safe. Ayoko namang hawaan mo ako ng sakit.” Halakhak ko. He snarled at me. “As if I’m gonna have s*x with someone else!” Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin. “Bakit? Hindi ba?” “Hindi!” He defended. “Wala naman akong ibang nakakasex kung hindi ikaw lang.” Halos mabingi ako sa sinabi niya sa akin. Walang iba? Ako lang? Bakit parang kahit ang seryoso ng pagkakasabi niya ay hirap pa rin akong maniwala? “What?” He blinked at me. “Don’t tell me nakikipag—” “No!” I exclaimed bago pa man niya matapos ang sasabihin niya. Wala naman talagang iba. And besides, bakit pa ako maghahanap ng iba kung halos araw-arawin naman niya ako sa kama? Or alright, gabi-gabi. He smirked. “So, ako lang?” Napangiwi ako sa sinabi niya. “Stop boosting your f*****g ego.” Saway ko sa kanya. Tumawa siya. “What boost are you talking about? I’m just trynna confirm it!” “f**k you!” singhal ko na lalo lamang nagpatawa sa kanya. “When? Where? You know I’m always ready.” Kumindat siya. I rolled my eyes. “Whatever, attorney,” sagot ko at humalukipkip na lang sa upuan. He laced his fingers as he leaned his elbow on the table. “Do you wanna come to Cebu?” He asked. I looked at him in disbelief. “Are you crazy?” I asked him back. “Ano naman ang gagawin ko sa Cebu?” He just stared at me. “You know, para hindi mo ako mamiss masyado, pwede naman kitang isama.” Halakhak niya. “Mag-Cebu kang mag-isa,” sagot ko. “May trabaho ako.” He laughed once more. “Pwede ka namang mag-leave. Or out of town. Hindi lang naman ikaw ang general surgeon sa ospital niyo,” aniyang parang desididong isasama niya talaga ako. “No way, Luke. Busy akong tao,” sagot ko. Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang pagkain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD