Chapter 12
Kanina ko pa panay na kinakagat iyong mga kuko ko. Kanina pa din lumilipad ang utak ko. Saturday and I don't have work today. One week had passed pero hindi pa kami nagkakausap uli ni Cristian. Ang huling message nya sakin ay lilipad na sila ng team nya papunta sa New York and he seem so excited about it.
Well bilang isang photographer, big dream ang mapasali sa ganoong kalaking event sa New York. And I should be proud right? Ako dapat ang unang masaya kasi ako ang girlfriend pero...
Makailang ulit kong binura ang tinipa kong message para sa kanya. Tama bang makipaghiwalay muna ako kay Cristian just because of Emoji? Akala ko ba graduate na ako sa pagiging marupok kay Eris? Bakit ganto na naman?
Teka nga muna, Sinag. Pagisipan mo nga muna bago ka humingi ng space kay Cristian.
I took my time thinking. Nangstalk muna ako sa social media accounts ni Cristian. Tama nga si Bryan, pagwapo na nang pagwapo ang isang to. Tyaka puro tags ang nasa timeline nya. Napatigil ako sa isang picture kung saan magkatabi sila nung Lindsay. Umarangkada na naman ang pagka-insecure ko. Maganda iyong Lindsay. Halatang halata na may lahi sya at may halong pilipina pa din.
Umabot nang isang buwan ang hindi pagtawag sakin ni Cristian at para sa akin, wala lang. Ewan, siguro iniisip ko talagang busy sya. Isang buwan na kaming walang usap na dalawa pero kalmado lang ako. Ni hindi ko iniisip na baka may iba na sya, wala sa isip ko iyon.
"Mama.."
Nginitian ko si Zk matapos ko syang lagyan ng damit. Sinakbit ko din sa kanya iyong maliit nyang backpack.
"Di pwedeng Mama at Zk ang pupunta kina Papa?"
I cupped his face. "Anak, madaming work si Mama ngayon eh. Siguro next time." Pinakita ko pa iyong thumbs up ko.
He pouted. "Lapit na birthday Zk."
"Oo nga pala. Anong gusto ng baby?"
"Family, Mama. Tapos miming."
Hindi ako sumagot at nilagyan na sya ng sumbrelo. I smiled at him.
"Sige. Sasabihin natin kay Papa mo yan ha." I pinched his nose.
He nodded his head repeatedly. Nagpaalam na ako kay Mama na ihahatid lang si Zk sa mga Lausingco. Since, tapos na sa amin.
We hold hands as we walk. Kumakanta pa si Zk nung ABCD song. Tapos kapag may nakakakilala sa kanya, kakaway sya.
Binuhat ko sya para sya ang magpindot noong doorbell. Hiningal pa nga ako dahil bumibigat na talaga ang baby boy ko.
I don't know but suddeny I feel nervous. Dahil makikita ko ba si Emoji? Malandi ka, Sinag!
Nakarinig kami ng mga yabag ng pagtakbo. Not so soon, the gate open and it revealed Manang who's smiling at us.
"Magandang umaga po." Bati ko na may hilaw na ngiti. Godness Sinag! Are you really expecting that Eris will open the gate for you? Abuso ka.
"Magandang umaga din. Pasok na muna kayo."
"Ah, hindi na po. Hinatid ko lang po si Zk."
"Ineexpect ka ni Ma'am Merlie ngayon. Sumaglit ka lang."
Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Zk papasok sa loob. Sumalubong ang garden ni Tita Merlie. Sinarado na ni Manang iyong gate at binalikan ang pagwawalis doon.
Humagikhik si Zk sa tabi ko at nilalagay ang hintuturo nya sa labi nya. Kumunot ang noo ko at bago pa ako makapagtanong ay may naramdaman na akong mga braso sa baywang ko. Emoji's scent filled my nose.
Hinila nya ako palapit sa kanya and I felt him kissed the side of my forehead kapagkuwan ay pinatong nya ang baba sa balikat ko. My heart skip a beat... again.
"How's my Zk?" Aniya sa paos na boses.
"Fine Papa. Gusto ko chicken." Zk's eyes twinkled.
"Mamita's already cooking. See for yourself."
Jumping with glee, Zk's run inside the mansion and I am left here with Eris. Tumikhim ako.
"Got work for today?" He asked.
"Uh, meron. Laguna. Debut party."
Paunti unti syang kumalas sa akin.
"What time?"
"Around lunch. Hinatid ko lang si Zk dito, since I will be very busy for today and tomorrow."
Tumango sya nang nakatitig sa akin. I can't help but to notice his biceps. Parang lumalaki ata yun each passing day? I don't know. At bakit doon ka nakatitig, Sinag? Imagining yourself there? Eiw. Lande.
"Sinag, I lost you again." He snapped his fingers infront of me.
"Sorry."
Dumaosdos ang kamay nya sa kamay ko. I immediately pulled away but he won't let me.
"Let's go inside. Ineexpect ka ni Mama."
"But I still have work. Mag aayos pa ako."
"Saglit lang. Come here."
He pulled me inside the mansion. Sa kusina kami dumiretso at nakita kong safe na nakaupo na si Zk sa baby high chair nya at maayos na nakalagay ang back pack nya sa isang gilid. Zk was obviously talking to Tita Merlie. Aliw naman na tumatawa si Tita Merlie habang nakikinig sa mga kwento ni Zk about school.
Emoji laughed kaya napabaling ang tingin ni Tita sa amin. Nilapag nya ang isang hita na part ng manok sa harapan ni Zk. Himay na iyon na may gravy, may isang bago din ng tubig sa tabi ni Zk.
"Hija, kumusta?"
Bumitaw ako kay Emoji at nilapitan si Tita Merlie. She smiled and kissed both of my cheeks.
"May trabaho ka?"
"Meron po."
"Sayang naman. Mama called me, tinatanong nya kasi kung may kilala ba akong event organizer at syempre mabilis kong sinabi na ikaw. Gusto ka daw nyang makausap."
I bit my lower lip. "Sorry Tita, ano kasi. Dalawang event iyong pupuntahan ko. Ngayon at bukas. But don't worry, isisngit ko po si Lola Yolly dito."
"It's okay, Hija. Just give me a call okay?"
Tumango tango ako. "I will, Tita. Si Zk po."
"Akong bahala. Anyway, si Aida ba ang busy? Magpapasama ako sa kanyang bumili ng tela dahil gusto kong magpagawa ng bagong kurtina."
"Nasa bahay lang po yun. Kakatapos nya lang dun sa tatlong tindig na uniform."
"Okay. Puntahan ko nalang." Aniya na may pagpisil pa sa braso ko. "Saglit lang at magbaon ka ng chicken. Tatlong kilo itong binili ni Ej para kay Zk since ayaw mo ng puro fast food."
"Tita kasi, bata pa si Zk."
"Iyon din ang sinabi ko. Hayaan mo na."
Matapos ibigay sakin iyong tupperware kung saan may lamang anim na chicken ay nagpaalam na ako sa anak ko. Goodthing for Zk, hindi na sya gayong habol sa akin. Baka dahil siguro lumalaki na sya.
"Si Eris po?"
"Baka nasa library. Akyatin mo na para makapagpaalam ka."
Umiling ako. "Naku, Tita. Huwag na po. Mauuna na ako." Binalingan ko ang anak ko. "Anak, behave ha."
Tulad nang palagi nyang ginagawa, sasaludo sya sa akin na may kasamang paghagikhik pa.
---
Kakatapos ko lang iassist ang mga tauhan ni Mrs. Verjes. Si Betsy ay nagkakape na sa isang tabi habang may kung anong dinudutdut sa tablet nya.
I check my phone but still, walang tawag galing kay Cristian. Pa-two months na ah. Asan dun ang sinabi nya magfacetime kami palagi? Ayoko man pero nagagalit na ako.
"Sinag, di ka nagugutom?" Di ko namalayang nakalipat na pala si Betsy sa tabi ko.
"Hindi pa. Mamaya nalang siguro."
"Any minute daw magsisimula na ang party sabi noong nanay ng debutante."
"At pwede na tayong mamahinga talaga." Tawa ako. Hinilot ko ang sakong ko dala ng pagod sa paglalakad kanina.
"Oh! This is new. May bago na naman daw na na-lilink kay Eris Jon Lausingco. Isang modelo na naman. Wow, dikitin talaga to ng mga modelo. Siguro iyong bagong model ng Lausingco Hotel." Ani Betsy matapos basahin ang isang article kung saan nakahanap na naman ng bagong model ang LH.
May pictures doon na kuha mismo sa opisina ng LH. May isang babae doon na hindi katangkadan pero bawing bawi sa hubog ng katawan at sa mukha. Her hair is shinny and perfectly fit for her.
"Myrthel Rejano. An international model, 24 years old. Single and every mans dream as of now."
Hindi ko naiwasang makisilip sa tablet ni Betsy nang makita kong sinearch nya talaga iyong modelo.
I don't know but again, insecuritues filled with me again.
May interview pa nga doon. Pinindot ni Betsy ang play.
"Hi Myrthel. How's your stay here in Philippines?"
"So far, I am enjoying it. Mabait ang mga pilipino."
"We heard na walang dalawang pag iisip na tinanggap mo na maging bagong modelo ng Lausingco hotels. Is it true na dahil sa CEO nitong si Eris Jon Lausingco? May namamagitan ba sainyo?"
Humagikhik sya. "I've known the Lausingco clan since then. At nainterview na din ako ni Emsi one time and we get along. Walang namamagitan sa amin ni Ej. And dahil lang talaga kay Emsi kaya ako pumayag to be the new model of LH."
"Pero may nakakita sainyo last week sa isang restaurant? How is it true?"
Her eyes twinkled. Umarko ang kilay ko. Nagkita sila sa restaurant last week? Wala sa sariling napakuyom ang kamao ko.
"Ahm.. that is because I'm waiting for Emsi and luckily, I bump into Ej. Walang kaso doon."
"Last question, Myrthel. If you were given a chance to date Ej Lausingco? Papayag ka ba? Alam naman ng lahat na single yun."
"Why not. He's hot and fun to be with, medyo masungit lang." Natawa ito. "But hindi issue na may anak sya sa ibang babae. I love kids. Hope to meet his son not so soon."
"Diba ikaw yung nanay nung anak ni Ej Lausingco? To be honest, maarte itong Myrthel. Pagsasalita palang." Kumento ni Betsy.
"Maganda sya." sabi ko nalang.
Nang matapos ang video ay nakasimangot na ako at parang wala sa mood. So what kung maganda iyong Myrthel? Wala akong pakialam.
Inintay namin ni Betsy matapos ang debut. Pero sa mga oras na iyon, wala na talaga ako sa mood. Ewan, nainis ako eh.
"Ahm, Sinag. Itatanong ko sana kung sasabay ka na pauwi kaso..." nginuso nya iyong white pick up. "Mauuna na kami at may sundo ka pala."
"Hindi sasabay ako sainyo."
Betsy rolled her eyes. "Arte. Sige na. Bukas ha. Mga one pm tayo."
Betsy wave her hands at dali daling sumakay sa van. Doon bumaba sa sasakyan si Emoji. Naka-blue na sando at cotton shorts plus his slippers.
"Am I late?" He smiled. Hinagilap nya ang baywang ko para sa gagawing paghalik sa pisngi ko nang umiwas ako.
"Let's go home. I'm tired."
Tinalikuran ko sya. Pumikit ako at pinagalitan ang sarili ko. Bakit, Sinag? Bakit naiinis ka kay Emoji matapos mong malaman ang tungkol kay Myrthel? Huwag mong sabihing nagseselos ka kasi talagang malandi kang tunay!
"Sinag." Kinulong nya ako sa pagitan ng sasakyan at katawan nya. "Look at me. May problema ba?"
"Wala."
"I'm not buying it." He chuckled.
"Di ako nagbebenta. Tanga."
Tumaas ang kilay nya. "Oh! May problema nga. Come on tell me."
Hinampas ko ang dibdib nya. He groaned and afterwards smile like an idiot.
"Ang gago mo! Ayoko ng nararamdaman ko! Ayokong magselos, kasi hindi pwede!" Inis na inis kong sabi pati sa sarili ko naiinis ako.