Chapter 11
"Miss Sinag, may naghahanap po sa inyo."
Mula sa pagkakatitig ko sa laptop ay inangat ko iyon.
"Sino daw?"
Kumibit balikat iyong sekretarya ni Mrs. Verjes. My heart pounded. Was it Eris Jon? Pero nasa Manila yun ngayon? Imposible.
"Sige. Lalabasin ko nalang."
Hinilot ko ang noo ko habang iniisip kung sino ba iyong bisita ko. Wala akong ideya pero agad na may taong pumasok sa isip ko.
Hinanap ko sa main lobby iyong naghahanap daw sa akin. Nabanggit ni Indie na lalaki daw. May nakita akong nakatayo sa may labas na nakapolong itim. Kaagad na kumabog ang dibdib ko. May ideya na ako kung sino pero imposible dahil tatlong buwan pa bago sya umuwi.
Kahit kabado ay nilapitan ko iyong lalaki. Mukhang naramdaman nya iyon kaya mabilis syang humarap.
"Hi Sinag! Long time!"
Nabunutan ako ng tinik at nanlaki iyong mata ko nang mapagtantong hindi si Cristian itong naghahanap sa akin, kundi si Bryan. Ang higpit ng yakap nya sa akin. Limot ko na halos magkasing katawan pala sila ni Cristian.
"Hoy!" He pinched my cheeks. "Hindi ka naman masyang makita ako eh."
"No. Na-shookt lang ako."
Ngumisi sya. "Anyway. Nagkita kami ni Cristian sa trabaho. Gagong yun. Mas lalong gumwapo. Naku, laglag panty mo dun kapag umuwi." Humalakhak pa sya.
"Siraulo." Iiling ko.
"May mga dala ako sayo tyaka may pinabot din si Cristian." Tinaasa baba nya ang kilay nya. Pinitik ko ang nguso nya. "Aray ko. Di man lang maki-operate? Behave ka daw ba?"
"Sya ang magbehave doon. Daming magagandang modelo dun."
"You know him. Kapag in a relationship yun, di yun titingin sa iba." Inakbayan nya ako. "I really missed you. How's Zk?"
"Pinasok namin sa school. Kaso salingkit pusa lang."
"Bakit hindi nyo pa inenroll? Matalino naman yun."
"Ayaw pa ni Eris."
"Iyong Emojing yun talaga. Ang epal sa buhay nyo no? Huwag mo nang balikan yun."
"San ka ba galing?"
"Work. Pagod nga ako eh."
Bumitaw sya at nilapitan ang BMW nyang nakaparada hindi kalayuan sa amin. Kinuha nya doon iyong supot ng isang sikat na restuarant. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Iba na talaga kapag umaangat sa buhay no?" I shooked my head.
"Ganun talaga. Ayaw mo sakin eh, so bahala kang maglaway."
"Kapal ng mukha mo ah."
Humalakhak sya at hinila na ako papasok sa loob ng Petticot. Kaagad nga syang pinagkaguluhan. Dahil, si Bryan? Sikat na sikat na yan ngayon.
Tumagal kami sa main lobby dahil sa mga 'fangirls' kuno nya. Aliw ko naman syang pinanuod. Parang dati lang hindi pa sya ganun kasikat. Tagal naming di nagkita.
"Akala ko hindi na matatapos." Sabi ko nang sumakay na kami sa evelator papuntang mismong opisina namin ni Mrs. Verjes.
Ngising ngisi pa din si Bryan kaya tinulak ko sya sa braso.
"What? Chill."
Umismid ako. "Naku, for sure may natipuhan ka dun sa mga bebot na lumapit sayo."
Hinarap nya ako. Mas lalong lumaki ang ngisi nya.
"You really know me huh?"
"Correction. Lahat kayong magkakaibigan."
Humalakhak na naman ang gagu. Hay naku.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko doon si Betsy Verjes--isang babaeng anak ni Mrs. Verna Verjes.
"Oh Hi, Sinag." She greeted. "Boyfriend?"
"Hindi ah." Sagot ko agad. Si Bryan naman nakatitig na nakatitig kay Betsy.
Well Betsy is wearing bohemian outfit. Litaw na litaw ang blonde hair nya. Last month ko lang sya nakilala dahil personally ang nakikita ko ay iyong tatlo nyang Kuya.
"Si Bryan Manalo, a friend of mine." Siniko ko si Bryan. "Si Betsy, anak ni Madam Verjes."
Mabilos na nilahad ni Bryan ang kamay nya kay Betsy. Betsy smiled and shake her hands. Pagkatapos ay binalikan na nya ang ginagawa sa table ng Mommy nya. Tinawanan ko si Bryan dahil hindi umubra ang charming look nya kay Betsy.
"Halika na. Dun tayo kumain."
May sofa at mini center table doon. Inayos ko ang pagkain na dala ni Bryan.
"Betsy, sabay ka na samin." Alok ko.
"Thank you pero mamaya na ko. Kinukulit na kasi ako ni Mama dito sa report. Eat well."
"Oh eat well daw." Pang aasar ko kay Bryan.
"Hindi nya ba ako kilala? All of the women are drooling over me."
"Sorrry pero may iilan ding hindi ka kilala. Kumain ka na nga."
Panay syang nagkekwento sa akin sa mga napuntahan na nya. Nakikinig naman ako habang naghihimay ng ulam namin. We used to eat with hands, doon ko nakitang hindi naman pala maarte si Bryan.
"Ma'am Betsy, pinatatawag po kayo sa conference room ni Madam." Singit ng sekretary ni Mrs. Verjes.
"Okay. I'll be going."
Dumighay si Bryan kaya napalingon kami ni Betsy sa kanya. Sinapak ko ng mahina sa pisngi nya. At niligpit na ang mga pinagkainan namin.
"Sinag, conference lang ako."
"Okay. Goodluck."
She made a face. Kasi at this point alam nyang award na naman sya sa Mommy nya.
"Ingat ka, pakakasalan pa kita." Pahabol naman ni Bryan nang maisara na ni Betsy ang pinto.
"Sari sari Bryan."
May mini bathroom doon at sabay kaming naghugas ng kamay ni Bryan.
"Kilala mo si Hans Verdadero?"
"Hmm.. I heard his name somewhere." Umakto akong nag iisip. "Baka naging kliyente namin. Why?"
"Ah, crush ni Eli yun. Nabanggit nya."
"What about him?"
"He married Camille Angelie."
"Oh! Iyong pantasya mo? So sad." Ngumuso ako. "Better luck next time bro."
"Anong oras out mo?"
"Five. Bakit na naman?"
"Antayin kita." May pagkindat pa. Umakto akong nasusuka.
Hinayaan kong mahiga si Bryan doon sa sofa. Hindi naman ako nababahala kay Madam Verjes dahil kilala nya itong lalaking ito. Iyong anak lang naman nya ang walang pakialam sa mga model.
I continue doing my work when Cristian called me for face time. Excitement dwell on me but afterwards, it faded immediately. What now, Sinag?
Okay blame my heart. Tinitigan ko lang iyong tawag hanggang sa nawala. Pumikit ako.
If I asked him to go home, will he be here with me now? I don't think so. Kitang kita kay Cristian na mahal nya ang trabaho nya.
Cristian: I bet your busy? Call me when you have time. I missed you baby.
Hinilot ko ang sentido ko. Godness Eris, stop running in my mind. Si Cristian dapat ang iniisip ko not you!
Sinag: Sorry baby. Madaming line up na event can't call.
Talaga ba, Sinag? Talaga bang madami kang naka-line up na event? Eh bati kayo ni Betsy diba?
Cristian: It's okay. Inform lang kita na may malaking event sa New York, nakuha ako bilang isa sa mga photographer baby!
Tumitig ako sa screen ng laptop. May bago na namang offer sa kanya sa trabaho. Mas lalo syang magiging busy.
Sinag: Congrats baby. Mas lalo kang magiging busy. :(
Cristian: Ofcourse I'll make te for you always. After this, uuwi na ko.
Napatalon ako na mula sa labas ay narinig ko ang ginawang pagsigaw ni Mrs. Verjes. Siguro mainit na naman ang ulo kaya nagpaalam na ako kay Cristian.
"I told you already pero hindi ka nakinig. Mommy mo ako!" Sigaw ni Mrs. Verjes kay Betsy.
Tumayo ako at nakitang himbing na himbing si Bryan sa sofa, not minding if someone is shouting.
"Pero Mommy..."
"Basta ayoko. Ang kulit mo. Kung sa mga Kuya mo, ayos lang pwes sakin hindi!"
Tuluyan ng bumukas ang pinto. Iyong nguso agad ni Betsy ang nakita ko. Nilapitan ko si Bryan para tapikin, mabilis syang naalimpungatan at napabalikwas ng tayo. Mula naman sa pagkakasungit ni Mrs. Verjes ay umamo ito nang makita si Bryan.
"Good Afternoon, Tita Verna."
"Hijo! What a pleasant surprise!"
Bryan kissed Mrs. Verjes cheeks.
"Buti at napadalaw ka?"
"Mama's been asking for you. Di nyo na daw po sya binibisita sa studio. Tyaka I went here Tita nang malaman kong dito nagtatrabaho si Sinag." Inakbayan ako ni Bryan. "She's a friend."
"I know. Nagkasama kayo sa isang photoshot diba?" Ngiting ngiti na si Mrs. Verjes.
"Bagay ba kami, Tita?" Bryan smirked. Siniko ko sya.
"Enough, Bryan. May Cristian na si Sinag at kababata mo pa."
Hinarap na ni Mrs. Verjes ang anak na si Betsy.
"Out ka na ba?"
"Four palang." Sagot ko.
---
Overtime ako ng one hour kaya by six na ako nagpaalam kay Mrs. Verjes. Nakaalis na si Betsy na masama ang loob. Ewan, may pinagtalunan ata silang mag ina.
May mga humabol pa ng autograph kay Bryan sa lobby. Napapailing nalang ako dahil sayang saya ang loko sa atensyon. Nauna na ako sa labas ng building, but I already spotted Emoji's pick up whose parked infront of the building. And he's puffing on his vape beside.
"Thank you, Gals. Please do grab my new magazine. It's out now." Maligayang sabi ni Bryan dahilan para mapabaling si Eris sa amin.
"Ej ma man!" Si Bryan ang unang bumati at nakipagfist bump pa.
"What are you doing here?"
"Ah! Binisita ko si Sinag. Masama ba?"
"Yes." He breathe. Inagaw ni Bryan ang vape at humithit doon.
"Possessive pa din, Pre? Ipaalala ko lang na hindi yan sayo."
"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." Supla ni Emoji sa kanya na tinawanan lang si Bryan.
"Ahm, pwedeng dumaan muna tayo sa bayan. Bibili lang akong ulam." Sabi ko kay Bryan.
"Sur--"
"Sakin ka na sumakay. Convoy nalang pre." Seryosong sabi mi Emoji.
"Scary." Bryan mumbled. Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Una nalang ako sa inyo, Sinag. Miss ko na si Zk." Ani Bryan nang papasakay na sa sasakyan nya.
"Daanan mo sa bahay. Nandoon yun." Ngisi ni Emoji.
"Maniwala sayo. Ingat kayo, huwag ng mag-three hours ha!"
Pinakita ni Emoji ang middle finger nya kay Bryan.
"Kanina pa kayo magkasama?" Tanong nya agad hustong makasakay ako sa pick up. He even arranged my seatbelt.
"Uh.. oo, nagdala sya ng lunch."
Isang tango ang sagot nya bago pinasibad ang pick up. Tinikom ko ang bibig ko at pinagmasdan sya. And again, Sinag, you're in trouble.
---
Nagtake out lang si Emoji ng tatlong bucket sa jollibee. Isa pa tong mahilig din sa fast food. May kiddie meal pa para kay Zk.
"Ako na." Sabi ko nang tangka nyang aabutin iyong mga paper bag.
He shut his mouth and walked beside me. Nasa may pinto palang kami ng marinig ko ang hagikhik si Zk at ang malagong na tawa ni Bryan.
We greeted them. Aliw na humalik sa labi ko si Zk, hinila agad ni Emoji ang anak at hinalikan din sa labi.
"Ang arte nyo sa part na yun. Di nalang nagkiss. Ginamit pa ang anak." Puna ni Bryan. Inirapan ko sya at dumiretso sa kusina.
May note doon si Mama sa may ref.
Nak, punta lang kami kay Papa mo. Inaapoy ng lagnat eh. May saing na jan. Mamaya pa naman si Kuya mo. Uuwi din kami, painumin ko lang ng gamot papa mo. Tigas ng ulo.
-mama.
Napailing nalang ako at tinext si Mama na may mga bisita kami. Alam na daw nya at nagtext sa kanya si Bryan.
Inayos ko nalang ang pagkain sa lamesa nang maramdaman kong humawak si Emoji sa baywang ko. Nilingon ko sya but his lips landed on my cheek.
"Hm?" I asked him.
Sanay na akong touchy sya. Dahil simula ng gabing yun, up until now. He became touchy and showy.
Hindi sya umimik at tuluyan na akong niyakap.
"May problema?"
Landi lang, Sinag? Hinahayaan mo na syang yakapin ka? Marupok ka din.
"I'm just tired." Halata sa boses nya iyon.
Tinapik ko ang pisngi nya.
"Sarap ng ganto. Iyong uuwi akong ikaw ang nakikita at nayayakap." He murmured as he kissed my neck.
"Okay. Let's eat." Lumayo na ako sa kanya dahil hindi na namam magkamayaw ang puso ko.
He stared at me for a second, I just smiled at him.
I should make my desicion now.