Chapter 4- Part 1
Ngayon na ang araw ng alis namin papuntang America, kaya maaga akong nagising dahil 9 am ang flight namin. Naligo na ako at nagbihis na rin, naka crop top at skinny jeans lang ako. At pinatungan ko ng hoody jacket.
Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magbihis dahil kakain na raw sabi ni Liam sakin.
Naglakad na ako papuntang kusina ng makaamoy ako ng masarap na pagkain. "Anu kayang niluluto niya at ang bango bango nito?" kausap ko sa isip ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko. Pagdating ko ng kusina ay napangiti na lang ako sa nakita ko. Kaya pala mabango, kasi yung favorite ko ang niluto niya.
"Tika! Alam ba niya ang favorite ko ang caldereta?" tanong ko sa sarili ko.
Habang nag-iisip ako, ay hindi ko namalayan na malapit na pala sa akin si Liam. Nabigla na lang ako ng nasa harapan ko na siya.
"Let's eat," pag aya niya sakin.
Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon ko. At sabay na kaming lumapit sa mesa. Nakaready na ang pagkain, pati na rin ang pinggan at baso ay naka ready na rin.
Napapa "wow" na lang ako sa isip ko dahil career na career niya talaga ang ginagawa niya. Habang kumakain kami ay kinausap ko siya. "Ahm, Liam, can I ask a question?" tanong ko sa kanya.
"What is Agata?" he asked. "Did you know that caldereta is my favorite?" tanong ko sa kanya.
??????????
Matagal bago siya naka pagsasalita, at ilang segundo lang ay sinagot niya ang tanong ko..
"Y-yes" I-I know." nauutal niyang sagot sakin. Napa-mata naman ako sa kanya dahil sa pagka utal niya.
"How did you know?" sabi ko. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tanong ko.
"Tinanong ko ang mga katulong nyo sa mansyon kaya alam ko. Since titira tayo sa isang bahay, kaya inalam ko ang gusto at ayaw mo." pagpapaliwanag niya.
Hindi na lang ako nagtanong pa. At ipinagpatuloy na ang pagkain namin.