Chapter 4 Part 2

1174 Words
Chapter 4 Part 2 Nandito na kami ngayon sa "NAIA AIRPORT." At naghihintay na lang oras ng flight namin. Bigla ko namang na imagine ang dati naming ginawa ni mommy pag magbabakasyon kami. (Flashback) "Mommy, bili muna tayo ng burger, hindi pa naman oras ng flight natin may kalahating oras pa naman." saad ko sa Mommy ko. "Ok, Agata, bibili tayo." sabi ni Mommy." At saka Mommy mag picture tayo mamaya habang kumakain ng burger para may remembrance tayo dito sa airport." sabi ko naman. "If that's what you want, honey." paglalambing ni Mommy. Habang si Daddy naman ay nakangiti lang na naka masid sa amin. ( end of flashback ) Sa pag-iisip ko sa nakaraan, ay hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. At napansin naman iyon ni Liam. "What happened? Why are you crying?" magkasunod na tanong niya. "I miss my Mom and Dad. I miss them so much." I whispered. At tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dahil hindi ko na mapigilan pa. Nataranta naman si Liam. Kaya niyakap na lang niya si Agata para kahit papano ay maramdaman niyang may karamay siya at para gumaan na rin ang pakiramdam niya..... Nang kumalma na ako ay agad naman akong bumitaw sa yakap ni Liam sakin. At hindi nagtagal ay tinawag na ang mga pasahero ng eroplano ng sasakyan namin. "Pinanawagan po ang mga pasahero ng flight 101, aalis na po ang eroplano in five minutes, thank you." Agad naman kaming tumayo ni Liam at naglakad na papunta sa pinto ng eroplanong sasakyan namin. Pagkapasok namin ay marami na ang nakasakay sa eroplano. Dun kami umupo malapit sa bintana ng eroplano dahil mas gusto kong makita ang labas. Naalala ko na naman si "Mom and Dad." Tumulo na naman ang mga luha ko. "Mom! Dad! I miss you both so much." Kung pwede ko lang ibalik ang panahon at oras na magkasama tayo. Sana hindi ko na lang hiniling na maging buo tayo sa araw ng birthday ko. "Sa kung hindi ko hiniling yun buhay pa sana kayo at kapiling ko pa sana kayo at nandito sa tabi ko." kausap ko sa kanila sa hangin. Hindi ko na mapigilan ang mapa hagulgol dahil sa mga alaala ng nakaraan nang araw na magkasama kami. Tapos bigla na lang may mga armadong lalaki ang humarang samin. Nakatatak pa sa isip ko ang mga pangyayaring yun. Iyak lang ako ng iyak, hinayaan naman akong umiyak ni Liam. Sige, ilabas mo lang yan, iiyak mo lahat ngayon at sa pagdating ng bukas ay mawawala rin yan. Magbabago ang buhay mo simula bukas at dapat maging matatag ka dahil kailangan mo ito ngayon, kailangan mong harapin ang realidan na ikaw na lang mag isa at kailangan mong harapin ang bukas na ibang Agata na ang makilala ng mga taong makakakita sayo. Mahabang litaniya ni Liam sakin. Hindi ko napansin na nakatulogan ko na pala ang pag iyak ko. Ang tanging naaalala ko na lang ay ang katagang sinabi ni Liam, na dapat ibang Agata na ang makikita ng mga taong nakakakilala sakin. Dapat yun ang itatak ko sa puso't isip ko. Ang baguhin ang sarili ko at makilala ako bilang isang matapang, isang babaeng hindi marunong maawa at higit sa lahat marunong makipag laban. " Mom, Dad," ipag hihiganti ko kayo. Pangako…" _____ Nakalipas ang ilang oras ay nakalapag din kami sa wakas sa bansang Amerika. Nakalabas na kami ng airport at nag-aabang ng taxi para makasakay papuntang bahay na sinabi ni Liam sakin. Hindi ko alam na may nabili na pala siyang bahay na titirahan namin pagdating dito sa Amerika. Nang may taxing dumaan na walang naka sakay ay agad naman kaming sumakay dito. Habang nasa daan kami papuntang bahay na titirahan namin ay kinausap ako ni Liam. "How do you feel now? Agata! Okay, kana ba?" tanong niya sakin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm okay, now, Liam. Don't worry." saad ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay na sinasabi niya. Namilog naman ang mga mata ko dahil akala ko simpleng bahay lang ang binili niya. Pero mali pala ako nang pag aakala dahil kasing laki ito ng mansion namin doon sa Pilipinas. Napansin yata ni Liam ang naging reaksyon ko kaya natawa siya sabay sabing... "What did you think about the house, ha? Akala mo siguro anu, na simple lang ang titirahan natin dito sa Amerika?" nakangising saad niya sakin. Ngumiti na lang din ako sa kanya. "Thank you, Liam, for all you've done for me. Thank you for everything." I said. At hindi ko alam na bigla ko na pala niyakap si Liam dahil sa tuwa. "It's okay, Agata, Ginagawa ko lang naman ang dapat para sayo. Nang makapag move on kana sa masalimuot mong dating buhay." "And promise me, Agata, that you will be tough, change your life here and make your dreams come true. And forget Kung anu ang dahilan, kung bakit ka nandito." "Starting tomorrow, sasamahan Kita sa lahat ng gusto mong puntahan at bilhin. And after that, mag enrolls kana sa school to continue your studies." Mahabang salaysay ni Liam sakin. Napatango na lang ako sa Kanya. Bilib din ako sa kanya. Despite his age, ganyan na siya Kung mag isip, kina carrier niya talaga ang pagiging Guardian niya sakin. "Well, ok lang naman sakin yun, kasi may makakapagsabi sakin kung ano ba ang dapat at tamang gawin ko." Sa dami ng mga iniisip ko hindi ko napansin na nakapasok na pala si Liam sa loob ng mansion . "Hey! Agata! Hindi ka pa ba papasok sa loob?" Tanong niya sakin. Agad naman akong tumalima sa sinabi niya, at naglakad na papasok sa loob. Mas lalo pa akong namamangha sa mga nakita ko sa loob ng mansion. May nakasabit na mga frame sa wall, pictures namin ni Dad at Mom. Mayroon din mag isa lang ako at pictures din ng bata pa ako. Pero mas naagaw ang attention ko sa picture frame na nakasabit sa gitna ng living room. "It was the picture of me and Mom with Dad, on my 15th birthday before the accident happened." Naalala ko ang picture naming iyon. Nasa may park kami noon ng mag picture kami nila Mom sa lalaking inarkila ni Dad ang araw na yon. "It was my last memorable birthday in my life." Masaya kami sa araw na iyon, pero may kapalit pala ang kasiyahan na iyon. Dahil naging miserable ang Buhay ko ng mismong araw din na yun. "Agata, what happened? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala na sabi ni Liam. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa pagbabalik tanaw ng kahapon ko. Inalo naman ako ni Liam, dahilan para mas lalo lang lumakas ang iyak ko. "Liam, I miss my Mom and Dad, I miss them so much…" I said. "Calm down, Agata, malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Matututunan mo rin mamuhay ng Ikaw lang. Hindi magtatagal ay matatanggap mo rin ang lahat ng ito." Pag-aalo ni Liam sakin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD