Chapter 3
Pagpasok namin sa Condo niya ay agad na bumungad sa akin ang kulay ocean blue na kulay ng dingding. Malinis din ang buong paligid, nilibot ko ang aking paningin at may nakita ako na dalawang kwarto.
"Hmm, saan kaya ang sakin diyan?" kausap ko sa sarili ko.
Pero di na ako nakatiis kaya tinanong ko na si Liam. "Ahm Liam, saan diyan ang magiging kwarto ko?" tanong ko sa kanya.
"Sa bandang kaliwa, yan ang magiging kwarto mo dito." sagot naman ni Liam sa tanong ko. "Thank you, Liam," I said. Maglilinis lang ako ng katawan at magpapalit ng damit." wika ko naman sa kanya.
"Okay, magluluto lang ako ng hapunan natin." wika ni Liam. Tumango naman ako at saka naglalakad patungo sa kwarto na sinasabi niya sakin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may naalala ako.
"Ay, anu ba yan! Bakit ko nakalimutan na wala pala akong damit na ma-isusuot ngayon." sabi ko sa sarili ko.
"Hay naku, Agata! Na comatose ka lang, naging makakalimutin ka na agad!" Kastigo ko sa sarili ko. Agad ko naman tinawag si Liam. "Liam, paano pala ako magpapalit ng damit? Eh, wala akong dalang damit dito." I said.
"Don't worry, lahat ng gamit mo ay nasa loob na ng kwarto na matutulugan mo at ready na rin lahat ng dadalhin mo para sa pag-alis natin bukas." He explained.
Napa nganga na lang ako sa mga sinabi niya sakin. Hindi ko alam na ready na pala lahat ang dadalhin kong mga gamit. Nadala na pala niya lahat dito sa Condo niya at ako na lang pala ang kulang.
"Bilib na talaga ako sa kanya. Kailan kaya niya nagawa ng dalhin dito lahat ng gamit ko? Wala ba nagtataka sa kanya sa mansion kong bakit niya kinuha ang mga damit ko?" Kausap ko sa sarili ko. Tumango na lang ako bilang sagot at agad na naglalakad pabalik sa kwarto ng matutulugan ko.
Pagpasok ko ng kwarto ay namangha ako sa nakikita ko. May nakapila ng mga maleta sa gilid ng silid. Totoo pala ang sinabi ni Liam, na ready na lahat ng mga kailanganin ko at pati na rin ang mga dadalhin ko bukas.
Agad kong nilapitan ang closet na nandito sa silid na ito. At nagbabakasakali na may damit ako na pwedeng isuot ngayong gabi. At hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko ng closet ay may laman itong mga damit ko doon sa mansion namin.
Napangiti na lang ako ng makita ko ang favorite ko na pantulog. Terno ang damit na ito, favorite ko to dahil bigay to ni Mommy ng magbonding kami sa mall.
"Speaking of Mom, ay bigla na naman ako nalungkot. Miss ko na si Mommy at Daddy. Kailan ko kaya matututunan isipin na wala na sila at hindi na sila babalik pa. At mag-isa na lang ako sa buhay ko."
"Sino kaya ang may kagagawan ng lahat ng ito? Mom, Dad, pangako ko sa inyo hahanapin ko kung sino man ang may kasalanan at pumatay sa inyo. Pangako paghihiganti ko kayo. Ako mismo ang papatay sa kanila!"...
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Natauhan lang ako ng pumasok sa loob ng kwarto si Liam at agad naman niya ako na nilapitan ng mapansin niyang umiiyak ako.
"W-what happened, Agata?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Liam. Hindi ako makasagot, kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang umiyak ng umiyak, gusto ko ng mag sisigaw.
Di ko napansin na bigla ko na lang niyakap si Liam at umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya. Narinig ko naman siya na may sinabi.
"Hash now, baby! Please don't cry, malalagpasan mo rin ang lahat ng ito." Pag papatahan niya sakin. Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa ganoon position. Nang medyo okay na ako ay saka pa lang ako bumitaw ng yakap kay Liam. Agad ko siyang tiningala at sinabing...
"Thank you, Liam, kung wala ka sa tabi ko baka hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong ka mag-anak na mahihingan ko ng tulong. Na masasandalan ko at sasabihin ko ng saloobin. Thank you, talaga, Liam!" Pagpapasalamat ko sa kanya.
"Wag mo munang isipin yan, ang mabuti pa ay kumain muna tayo at baka nagugutom kana!" wika ni Liam.
Agad naman akong tumango sa kanya. At niyaya na niya ako upang kumain. "Tara na, kain na tayo Agata!" Pag-aya niya sakin sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako papunta ng kusina. Nagpati-anod na lang ako sa kanya dahil gutom na rin ako.
Habang kumakain kami ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ang awkward lang kasi ng setwasyon namin, eh! Magkatapat kami ng upuan. Napuna ko naman na masarap ang niluto niya kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Ang sarap ng pagkain, magaling ka pa lang magluto Liam!" Pagpuri ko sa kanya.
"Well, thanks, Agata, dahil na appreciate mo ang luto ko. Bago kasi ako maging Abogado ay nag-aral muna ako ng Culinary Arts. Kaya kahit papaano marunong akong magluto." he said.
"Ay, kaya pala masarap ang luto mo. Alam mo maswerte ang mapapangasawa mo Liam. Magaling ka ng magluto at magaling ka rin magtanggol ng naapi. Wala nang hahanapin pa sa'yo, lahat na ay na sa iyo na." Pagpupuri ko sa talento niya.
"Hahaha!!" he laughed.
Napalingon naman ako sa kanya ng marinig ko siyang tumawa.
"What's funny Liam, huh?" tanong ko sa kanya. "Eh, kasi naman sabi mo lahat na sa akin na. Eh, anu naman ang mga iyon? Hindi ko kasi alam eh!" wika niya habang tumatawa pa rin. Sinagot ko naman siya agad.
"Really, Liam! Hindi mo talaga alam kung ano ang meron ka!" singhal ko sa kanya. Umiling lang siya sakin pero nakangiti pa rin.
"Well, if you don't know talaga. Sige sasabihin ko sayo." asik ko sa kanya. "Una, as I said earlier, magaling ka magluto. Pangalawa, stable na rin ang trabaho mo. Mabait ka at gwapo, matangkad ka pa, maputi at higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan. Kaya lahat na sa'yo na." I explained.
Bigla na lang siyang natahimik at di nagtagal ay ngumiti na rin siya. Kaya napangiti na rin ako.
"Thank you, Agata!" Pagpapasalamat niya sakin. "For what?" tanong ko naman sa kanya dahil di ko naman alam kong para saan ang "Thank you" niya.
"Thank you for trusting me, Agata." wika ni Liam. Bigla tuloy akong napangiti sa kanya. "Yun pala ang pagpapasalamat niya sakin. Well, he deserves naman, eh!" Sabi ng isip ko.
"Wala yun, ano ka ba Liam! Ibinabalik ko lang ang mga nagawa mo sa akin. Alam mo Liam, masaya ako dahil kahit sa kabila ng lahat nandito ka. May makakausap ako, may magsilbi ng magulang ko, kapatid at kaibigan. Wala na akong masasabi pa, salamat talaga. Dahil kung wala ka dito, baka mabaliw na ako dahil wala akong karamay at makakausap." I said.
Lumapit naman siya sakin at pinunasan ang pisngi ko. Nabigla naman ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. "Hash now, Agata! You will be strong, I'll be always here for you," he said.
"Kung kailangan mo ng kaibigan, pwede ako. Kung kailangan mo ng Kuya, pwedeng pwede ako. At kung kailangan mo ng magulang, nandito lang ako Agata, hindi kita iiwan, pangako." he said.
Napangiti na lang ako sa tinuran niya.
"Alam mo Liam, ang corny mo!" Natatawa na sabi sa kanya. "Weh? Di nga? Corny nga ba talaga!!" sagot naman niya sakin. At nagtatawanan kaming dalawa...