bc

One Brat and the Three Bodyguards

book_age16+
3.9K
FOLLOW
22.3K
READ
spy/agent
possessive
billionairess
drama
tragedy
comedy
friendship
school
bodyguard
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagtakas ni Rachelle gabi-gabi para lang gumala kasama ng mga kaibigan ay kinuhanan siya ng Dad niya ng tatlong bodyguard na magbabantay sa kanya sa araw-araw. Nung una ay medyo hindi sila magkasunod ng kanyang mga bodyguard dahil palagi siya nitong inaasar, pero di nagtagal ay naging magkasundo din sila lalo na nang mamatay ang kanyang ama, wala siyang naging karamay kundi ang tatlo niyang bodyguard lamang at mga katulong. Sa pagkawala ng kanyang Dad ay nanatili sa kanya ang tatlo niyang bodyguard, hanggang sa na-inlove siya kay Clark na siyang pinakamasungit sa tatlo at naging boyfriend niya ito. Pero sa araw mismo ng kasal nila ni Clark ay naaksidente ito at hindi dumating sa simbahan, bagkus ay mga pulis ang dumating at binalita ang pagkamatay nito. Umuwi siyang luhaan at bigo, at ang masaklap pa ay nalaman niyang buntis siya.

Para makalimot sa mga masakit na pangyayari ay sumama siya sa isang bodyguard niya papunta sa ibang bansa. Lumipas ang mahigit dalawang taon ay muli silang bumalik ng Pilipinas.

Pero sa kanyang pagbabalik ay hindi niya inaasahan na makikita niyang buhay si Clark na inakala niyang patay na 2 years ago. Gusto nitong makipaglaban sa kanya.

Pero paano siya makikipagbalikan kay Clark kung kasal na siya kay Terrence? At ang dating pinagbubuntis na inakala niyang si Clark ang ama ay hindi pala kundi si Terrence?

Sino nga ba ang pipiliin niya sa dalawa kung parehong nagsinungaling ang mga ito sa kanya?

Pipiliin niya ba si Clark na siyang lalaking mahal niya? o si Terrence na siyang lalaking pinakasalan niya at nanatili sa tabi niya nung mga panahong bigo siya at kailangan ng masasandalan?

Nagbabago ba ang puso kung ito ay minsan nang magdusa at naluko?

Ano nga ba ang dapat piliin, 'yung taong Mahal mo, o 'yung taong Mahal ka?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MAINGAY na tugtog ng DJ ang maririnig sa loob ng Moonlights Bar habang patay-sindi ang iba't-ibang kulay ng ilaw at masayang sumasayaw ang mga babae at lalaki na karamihan ay mga lasing na. “Come on, Rachelle! Dance! Wooo! Dance!” Gwen shouted while dancing in the middle of the dance floor, she's still holding a bottle of vodka. “I'm happy! Yohoo!” sigaw naman ni Lexa habang sumasayaw din. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Enjoy girls! Yahoo!” malakas ko ding sigaw at itinaas pa ang dalawa kong mga kamay bago sinabayan ng pag-indak ng katawan ang malakas na musika. Lexa and Gwen are my best friends, at narito kaming tatlong sumasayaw sa gitna ng dance floor nitong club. Sa lahat ng taong narito sa loob ay kami lang ata tatlo ang menor-de-edad dito sa loob. Buti nalang napapayag namin ang security guard sa pamamagitan ng pera, kaya madali kaming nakapasok dito. Well, sabi nga nila, basta may pera, may pag-asa. Kaya heto kaming tatlo, nag-e-enjoy at ninanamnam ang kasiyahan ng gabing ito. “Hi Miss beautiful! My name is Dorne!” malakas na sabi ng isang lalaki sa tabi ko na agad na naglahad ng isang kamay sa akin habang umiindak din ang katawan tulad ko. I rolled my eyes. “I don't care! Back off, you ashole!” pabalik kong sigaw para umabot sa pandinig ng lalaking nasa harap ko. Dahil sa lakas ng tugtog ay kailangan talagang sumigaw para magkarinigan. Hindi ko man masyadong maaninag ng mabuti ang mukha ng lalaki pero kita ko ang pag-asim ng kanyang mukha sa pamamagitan ng patay sinding ilaw. I know he was insulted by what I said, but I really don't care. Siya 'tong lumalapit, so kasalanan niya na kung mapahiya man siya sa sagot ko. Malakas na tumawa ang lalaki bago ito seryosong tumingin sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napataas naman ang isa kong kilay at inirapan ito habang patuloy ang pagsayaw. Parang nakaramdam naman ako ng kaba sa klase ng kanyang tingin. Mukha din siyang manyak. Tingin ko ay hindi bababa sa 30 ang kanyang edad. Hindi din siya 'yung klase ng lalaki na guwapo o kaya macho, dahil may pagkapayat ang lalaking 'to at parang nakadruga ang itsura niya base sa kanyang lubog na pisngi. “Wow, pakipot ka pa, Miss! Baka gusto mong birahin kita dito mismo sa kinatatayuan natin!” Ngumisi ito sa akin at hindi ko inaasahan ang paghaplos nito sa aking pisngi na kanaiktad ko sa gulat. What the heck! Nang mapatingin ako sa dalawa kong kaibigan ay wala na sa aking tabi at may kasayawan ng mga lalaki na tingin ko ay kasing edad lang nila. “Don't touch my face, idiot!” Tinabig ko ang kamay ng lalaki sa aking pisngi. “Baka magkaroon pa ng pimples ang makinis kong mukha dahil sa marumi mong kamay!” matapang kong sigaw kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Akmang aalis na ako sa harap ng lalaki nang bigla nitong hinawakan ang isa kong braso. “Huwag kang pakipot! Alam ko naman ang mga babaeng tulad mo ay pera lang ang katapat. Pero huwag kang mag-alala dahil marami naman akong pera,” bulong ng lalaki sa aking tainga. Parang nagpintig ang tainga ko sa narinig. Do I look like a beggar? w***e? Slut? Damn! Gusto ko siyang sampalin. “Hoy utak tilapia! Para sabihin ko sa’yo, hindi ko kailangan ng pera mo dahil meron ako no'n, gago!” Inagaw ko ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak. “at mas lalong hindi ko kailangan ng mukha mo na parang patapon na, kaya 'wag kang mag yabang. Mukha ka namang palaka!” malakas kong sigaw sa kanyang mukha bago tumalikod para umalis. Ngunit nakakadalawang hakbang palang ako ng biglang may humablot sa aking buhok na kinangiwi ko. “Gaga ka pala eh, gusto mo talagang makita ang galit ko. Puwes, ipapakita ko kung paano ako magalit!” Pakiramdam ko ay parang madadala na ang anit ko sa sobrang higpit ng pagkahawak sa buhok ko at napakasakit din. Pilit kong inaagaw ang buhok ko sa kamay ng lalaki ngunit napakahigpit ng pagkakapit niya sa aking buhok at parang baliwala lang sa mga taong nasa loob ng bar ang nangyayari. “Ano ba! Bitiwan mo ako—ouch!” Muli akong napangiwi nang bigla hinila ng lalaki ang ulo ko palapit sa kanyang mukha. “Masarap ka siguro, Miss!” nakangising sabi ng lalaki na inamoy-amoy ang leeg ko. Dahil sa inis ko ay malakas kong iniuntog ang ulo ko sa kanyang ulo. Sa sobrang lakas pakiramdam ko ay parang naalog ang utak ko at parang umikot din ang paningin ko. At tingin ko ay nahilo din ang lalaki dahil sa ginawa ko dahil nabitiwan nito ang buhok ko at napahawak sa sariling ulo. Kaya kahit nahihilo ako ay agad akong nakipag-siksikan sa mga tao at lumapit sa dalawa kong kaibigan. “Rachell, ano ka ba naman! sumasayaw pa ako!” reklamo ni Gwen at ganoon din si Lexa. Hindi ko na pinansin ang reklamo ng dalawa kong kaibigan at agad ko silang hinila palabas ng bar bago pa kami maabutan ng lalaki, dahil baka patayin na ako nu'n kung maabutan ako. Kung bakit naman kasi ang m******s ng hinayupak na 'yon. Pasalamat siya at headbang lang ang inabot niya sa akin, dahil kung nagkataon na may kutsilyo akong hawak ay baka putulin ko pa ang junjun niya. Hays! Kinikilabutan ako sa kanya. Pagkalabas namin ng bar ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse at agad na pinapasok ang dalawa kong kaibigan na panay ang reklamo at tila lasing na lasing na. Akmang sasakay na ako ng kotse nang bigla akong napatigil dahil sa tunog ng pagkasa ng baril. Pag-angat ko ng tingin ay para akong napako sa aking kinatatayuan at hindi agad nakagalaw nang makita ang isang lalaki na isang dipa lang ang layo mula sakin at nakatutok sa akin ang hawak nitong baril. Napalunok ako. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa takot. Sa kasamaang palad ay walang kahit na isang tao man lang ang napadaan o lumabas man lang ng bar maliban sa aming tatlo. Alam kong walang kamalay-malay ang dalawa kong kaibigan na nasa loob na ng kotse. Kitang-kita ko ang pagngisi ng lalaking may hawak na baril at ang unti-unting paggalawa ng hintuturo nito para kalabitin ang gatilyo ng baril. Napapikit nalang ako at hinintay ang balang tatama sa aking katawan. Pero ilang minuto na akong nakapikit ay wala naman akong naramdaman na bala'ng tumama sa akin o putok man lang ng baril. Kaya agad kong minulat ang mga mata ko. Napakunot noo ako nang makitang wala na ang lalaki kanina. Napailing nalang ako at mabilis na pumasok sa driver seat ng kotse. Siguro ay imagination ko lang na may lalaking gusto akong barilin. Baka sa alak lang na ininom ko. Pero kunting lang naman ang nainom ko dahil hindi ako puwedeng mag pakalasing. Usapan kasi naming tatlo na ako ang magmamaneho ngayong gabi kaya kunti lang ang ininom ko. Napailing nalang ako at malalim na bumuntong hininga bago binuhay ang makina ng sasakyan. At akmang paaandarin ko na ang kotse para sana umalis na nang biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita sa side mirror ng kotse ang lalaking nakahandusay na sa semento. 'Yung lalaking may hawak na baril kanina ay patay na at naliligo na sa sariling dugo. “Rachelle, bilisan mo na nga. Magmaneho ka na,” inaantok na sabi ni Lexa habang nakapikit na nakaupo sa backseat at nakasandal ang ulo sa balikat ni Gwen na masarap na ang tulog at wala ng kamalay-malay sa nangyayari sa paligid. Hindi ko pinansin ang reklamo ng kaibigan ko at dali-dali akong bumaba sa kotse at agad na nilibot ang aking paningin sa buong paligid. He's here, alam kong narito pa siya. Iniligtas na naman niya ang buhay ko mula sa kapahamakan. Pero kahit nilibot ko na ng tingin ang buong paligid ay hindi ko parin makita ni anino niya. Hindi ko parin makita ni anino ng taong palaging nagliligtas ng buhay ko tuwing nasa panganib ako. Palagi niya nalang ako nililigtas, pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita kahit minsan. He's my Red Rose. My Knight in Shining Armor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.7K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.3K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook