Taong 1891
Abala ang lahat sa paghahanda ng mga handa para sa pagdating ng pinakamamahal na mayor ng San Ildefonso at ang kaniyang mga natatanging mga anak.
Isa ako sa mga naatasang magluto ng kakainin nila kung kaya't nasa pwesto ako ng mga taga luto. Isa akong namamasukang kasambahay dito sa mansyon ng mga Ildefonso ngunit minsan lang ako magawi dito kung may mga okasyon na kailangan nila ng taga luto.
Ang pamilya ng Ildefonso ay halos pagmamay-ari nila ang lahat ng mga kabuhayan dito sa bayan ng San Ildefonso kung kaya't hindi ka na magtataka kung bakit hinihirang ang pamilya nila. Sila ang pinakamayamang pamilya dito kung kaya't ganon nalamang katakot ang lahat na nakatira dito.
Ako ay nakaatas sa bahay tuluyan na pag mamay-ari ng pamilya Ildefonso ngunit kasalukuyan akong nasa mansyon ngayon dahil nga sa kanilang pagdating. Ang bahay tuluyan na pinapasukan ko ay doon na din ako namamalagi. Doon na ako nakatira simula nung nawala sina Ama at Ina.
"Natalia, tapos ka na ba riyan?" Tanong sa akin nang isang kasambahay dito sa mansyon. Siya ang mayor doma at tagapangalaga sa mga kasambahay at ang buong kabahayan.
"Opo." Tanging sagot ko lang at hinango na lahat ng mga aking niluto at inihanda sa lamesa.
Ilang minuto din ang lumipas at biglang tumunog ang mga trumpeta at mga tambol tanda na nandiyan na ang pamilya Ildefonso. Inihanda na nila ang lahat at sinalubong ng masigabong pagbati sa pamilyang Ildefonso. Hindi ko iyon batid kung gaano kaengganyo sa kadahilanang nasa loob ako ng mansyon.
Nang pagbukas ng malaking pintuan, doon naman pumasok ang pamilya Ildefonso at masaya silang binabati ng marami. Ilan ang nagpaunlak ng masigabong palakpakan at ilan din ay nagpugay sa mayor ng San Ildefonso.
Ibinaba ko din ang aking ulo tanda ng paggalang sa kanilang pamilya. Malaki din ang aking utang dahil simula nung nawala na ang lahat sa akin ay pamilya Ildefonso na ang tumulong sa akin.
Agad silang nagtuloy sa hapagkainan at may mga dumalong bisita din ang naupo doon. Isang pamilyang tanyag din sa buong San Ildefonso, ang pamilyang Magsinta.
Nagharap-harap sila sa hapagkainan at masayang nagkukwentuhan. Ang gagarbo ng kanilang mga kasuotan tanda na hindi basta-basta ang mga taong ito kundi sila ang mga tinatanyag na pamilya sa bayan ng San Ildefonso.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkukwento ay may parang hinahanap si Ginoong Miguel na siyang ikalawa sa mga anak ni Alkalde Ildefonso. Tila ito ay nababagabag habang may hinahanap ngunit hindi iyon pansin ng iba kung kaya't patuloy lang sila sa paghahanap.
Tinawag nito ang punong Kasambahay na si Madame Juliana upang ipahanap ang kaniyang hinahanap. Tumango lang silang dalawa at 'di nagtagal ay umalis din ito at sinimulan nito magtanong sa ibang kasambahay.
"Batid niyo ba kung saan nakatago ang natatanging mga akda ni Señor Miguel?" Tanong sa amin ni Madame Juliana. Hindi siya iyong mayor domang mapanlait, mapanakit at mapanukso bagkus siya ang pinakamaamong mayor domang aking nakilala.
"Hindi po madame." Sagot ng iba. Ngunit tila alam ko ang kaniyang tinutukoy at agad akong kumilos at umalis sa aking pwesto.
"Saan ka pupunta, Natalia?" Gulong batid niya sa akin. Nagpakawala nalang ako ng ngiti at gayong naintindihan naman niya ang aking gustong iparating.
Nagtungo ako sa itaas ng mansyon. Habang naglalakad ay hindi parin ako makapaniwala sa mga ilaw na siyang nagbibigay liwanang sa mga daanan dito. Limitado lang ang nagkakailaw na ang nagpapagana ay kuryente dito sa bayan ng San Ildefonso at isa na rito sina Señor Julio, ang Alkalde.
Tinahak ko ang daan papuntang bodega at hinanap doon ang mga akda ni Señor Miguel at ang kaniyang mga sulat para sa kaniyang sinisintang kababata na si Natasha. Siya ang anak ng pamilyang Magsinta na kasama nila ngayon sa baba na naghahapunan.
Isa iyong kahon na may disenyong M at N na nakaukit sa gilid niyon. Kulay ginto at kumikinang pa ito ngunit hindi ko na batid kung makintab pa ba ito kagaya noon.
Maliwanag sa loob dahil sa mga ilaw na nagbibigay liwanag gamit ang kuryente. Maraming mga nakatambak doong mga bagay na hindi na pa nagagamit. Habang nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ay mga sulat at iba pang mga papeles na aking nahahalungkat.
Biglang nawala ang ilaw pagkahawak ko sa aking hinahanap na siyang nagbigay ng pangamba at takot sa loob ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko iyon gusto dahil takot ako sa dilim. Takot akong masilayan muli ang mga kaganapang hindi ko lubos matanggap.
Napakabilis ang pagtibok ng aking puso kasabay non ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mga mata habang dahandahang niyayakap ang mga tuhod ko. Wala akong magawa. Umiyak at nagaantay ng liwanag. Takot ako sa dilim. Walang ilaw ang maaninag dahil nakasara pa man din ang pintuan.
Ngunit agad akong hinaplos ng malamig na hangin. Biglang may singaw ng kaunting ilaw na pumasok sa aking pintuan. Aking narinig ang dahan dahang pagbukas ng pinto at doon din ako napadako ng tingin. Isang lalaki ang nakatayo at agad na anglakad paparito sa aking kinaroroonan.
Agad niya akong sinalubong ng yakap. Mahigpit iyon ngunit hindi ko batid kung sino ito subalit nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hinigpitan pa nito kung saan ramdam mo ang pananabik.
"Nandito lang ako. Huwag kang matakot. Hindi kita iiwan." Hinaplos niyon ang aking kanang tenga kasabay non ang mainit na hiningang nanggaling sa kaniya. Sa kaniyang tinig, hindi ako nagkakamali. Si Señor Miguel.
Humagulgul ako sa iyak. Hindi niyon natapos hanggang sa bumalik ang mga ilaw kasabay non ang pagkaqala ko sa mga yakap niya.
"Hoy Nat!" Napabalingkwas ako sa aking kinauupuan. Nang luminga ako sa paligid. Nasa teatro pala kami at nanonood ng panibagong pelikula.
Hindi ko iyon namalayan. Napaidlip pala ako nang hindi ko batid. Namamasa na din ang aking pisngi kasabay non ang pagkurot sa aking puso.
"Kanina ka pa humahagulgol ng iyak diyan." Sambit ni Camille sa akin habang naguguluhang nakaharap ito sa akin. Pinunasan ko naman niyon ng panyong aking dala.
"Tapos na ba?" Pukaw kong tanong sa kaniya habang kunwaring napatingin sa harap.
"Malapit na." Maikling tugon niya. Inalis na din niya ang kaniyang paningin sa akin ngunit nandon parin ang kaniyang nagtatanong na ekspresyon.
Bumalik na naman ako sa isiping hindi ko mabitawan ang aking panaginip kanina. Hindi ko lubos maintindihan kung anong ibig sabihin non.
"Sino ba si Miguel?" Biglang tanong niya sa akin nang wala sa hulog. "Hindi ko alam na may gusto ka pala sa lalake?" Dagdag na takang tanong niya pa sa akin.
'Sino nga ba si miguel?'
"Hindi ko din alam. Lagi nalang siya at si Natalia ang laman ng panaginip ko at habang nagigising ako. Laging basa ang mga mata't pisngi ko." Deretsang sagot ko sa kaniya. Napakunot pa siya ng bahagya.
Wala si Kelvin ngayon dahil iba ang kaniyang skedyul ngayon kung kaya't kami pang ni Camille ang nasa teatro ngayon at nanonood ng pelikula na panigurado bibigyan nanaman namin ito ng replekyon at reaksyong papel. Ano pa nga ba?
"Pano ba 'yan, hindi mo napanood lahat yang pelikula? Bibigyan natin ng reaksyon at repleksyon 'yan pagkatapos nating panoorin." Batid niya sa akin.
"Ako pa. Napanood ko na 'yan. Tsk." Hambog kong sabi sa kaniya.
Hindi ko na ramdam ang bigat ng mata ko at tuyo na ang kaninang basang pisngi ko dahil sa mga luha. Siguro isa lang namang pangkaraniwang panaginip 'yon kung kaya't kinakailangan ko ding limutin.
Natapos ang pelikula at gaya nga ng sabi ko, napanood ko na 'yon kaya alam na alam ko kung ano ang magaganap at katapusan. Nagsilabasan na kaming lahat at kami ang nahuli dahil nasa pang unahan kaming upuan kanina.
Nang nasa wangwangan na kami ng pintuan ng teatro ay doon naman kami sinalubong ni Kelvin na tuwang tuwa. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ang kaibigan kong nakasama ko mula elementarya hanggang kolehiyo.
"Napanood niyo na ba?" Bungad niyang tanong sa 'min ni Camille. Hindi ko batid ang tinutukoy niya sapagkat bigla akong nakaramdan ng kaba. "Sikat ka na !" Sigaw niya sa akin na tila ba lahat ng mga taong papalabas ng teatro ay nakatunghay sa amin.
Naguguluhan parin ako hanggang sa mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. Yung bidyong ipapalabas sa blog ng unibersidad tungkol sa Araw ng Surpresa.
"A-ano 'yon?" Maang na tanong ni Camille. Ngunit kalaunan ay namilog din ang kaniyang mga mata tanda na ang tinutukoy niya ay yung bidyo ko. "I-ikaw yung biktima?" May halong ngiti at pang aasar ang pinakaaalan nito sabay tanong sa akin. Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga.
"Panoorin mo. Angganda pramis. Hindi ko alam kung matutuwa ka o matatawa ka." Masayang usal ni Kelvin kay Camille habang panay pindot naman si Camille sa kaniyang telepono.
Kalauna'y, naririnig ko na ang mga linyahang binitawan ni Erick sa akin kanina sa teatro at doon naman parang kinilig si Camille. Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyong ilalabas ko.
"Hala. Ba't ang ganda. Swerte mo kay erick bwiset ka!" Sadista niyang usal sa akin sabay tulak ng bahagya.
"Hindi ako bading. At hindi ako kailanman magkakagusto sa kaniya." Depensa ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumabas sa bunganga ko.
Napaiwas naman kunwari ng pwesto sina Camille at Kelvin na tila nang-aasar.
"Luh! May sinabi ba akong gusto mo yung tao?" Pilyang tanong niya sa akin.
"Oo nga. Wala akong narinig." Maang ding sabi ni Kelvin. Napaisip din ako at wala nga.
'Yawa.'
"Ah basta. Ganon na rin 'yon." Sambit ko ngunit may halong hiya sa aking tono. Pilit kong itinago nalang iyon at sinimulan nalang namin naglakad papunta sa susunod naming klase.
Bago pa namin marating ay napagpasyahan kong sumaglit muna sa palikuran dahil nakaramdam ako ng biglaang pagkiliti ng pantog ko.
"Iihi lang ako saglit. Tutal may ilang minuto pa naman tayo bago magsimula ang klase." Paalam ko sa kanila at ayun, hinarap naman nila ako ng may pang-aasar.
"Naihi sa kilig amp!" Asar ni Kelvin sa 'kin at nagkatinginan pa ang dalawa at kunwaring nag-apir.
"Mga sira-ulo! Bwiset!" Bulalas ko nalang sa kanila at walang atubiling umalis sa kinatatayuan namin.
"Mag hulos dili ka Ildefonso. Baka mahulog ka riyan!" Pahabol pang sigaw ni Camille at sinabayan nila ito ng tawa.
'Mga baliw.'
Nang marating ko ang palikuran ng aming departamento ay tila nanlumo akong makita iyon dahil may mga plakang nakaukit doon na 'Under repair'. Isa lang ang ibig sabihin nito, sa kabila nalang ang pwede kung saan ang palikurang iyon ay ang nagdudugtong sa mga Juniors o mga estudyanteng nasa ikatlong taon na ng pagpepelikula.
Sampung minuto pa ang nalalabi bago magsimula ang huling klase ko ngayon araw kung kaya't hindi gaano ako nagmamadali. Hindi din malayo ang tinutukoy kong palikuran sapagkat hindi rin iyon masyadong malapit.
Habang nasa daan ako ay may mga estudyanteng nakatingin sa akin na tila ba may mali sa akin. Hindi ko nalang iyon ininda at patuloy parin akong naglakad.
"Waaahhh! Nandito yung Freshman!" Sigaw ng isang estudyante. Kung susuriin, isa siyang Junior at ibig sabihin non ay mas matanda siya sa akin. Ate.
"Oo nga! Hala ang gwapo pala pag personal." Sigaw din nung kasama niya.
Nagsilapitan sila sa akin ngunit tila ako ay nahihiyang humarap kaya medyo nakbaba ang aking paningin.
'Mahuhuli na naman ako neto.'
"Ako nga pala si Mina." Pakilala sa akin nung ateng unang lumapit sa akin. Hindi ba nila alam na mas bata ako kaysa sa kanila at ayaw ko yung mas matanda sa akin.
"Ako naman si Kyla." Inabot naman niya ang kaniyang kamay sa akin.
"Nat nalang po, mga ate." Ngiting pakilala ko sa kanila ngunit sa 'di malamang dahilan ay bigla silang nanlumo at parang nawalan ng saya ang kanilang mga mukha.
"Hindi mo naman kami kailangang tawaging ate." Walang ganang sabi ni Ate Mina. "Nagmumukha tuloy kaming matanda at parang inaabuso ka pa namin." Malungkot niyang tuloy sa akin.
Marami ang nakatingin sa aming direksyon at tila ang iba ay natatawa na dahil sa mga Ateng ito sa harap ko.
"Sayang ka, ang gwapo mo pa naman." Sambit ni Ate Kyla na tila nanlumo.
Naguluhan ako, Oo. Isa ba iyong papuri o paginsulto?
"Paumanhin po mga Ate. Pero kailangan ko na pong umalis dahil may klase pa ako." Iyon nalang ang sinabi ko at tinuloy nalang ang dinadaanan ko.
Kalaunan ay narating ko din ang aking patutunguhan. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at agad akong umihi na.
Ugali ko yung sa loob ako umihi at hindi yung mga nasa labas na ihiian ng mga lalaki. Mas komportable ako dito at parang mas sekyur. Hindi sa nag mamaarte pero gusto ko lang.
Akmang aalis na sana sa loob ngunit biglang may mga pumasok dahilan para hindi muna ako lumabas.
"Sikat ka na naman, Buenavista." Sabi nang nasa labas.
"Maliit na bagay." Hambog namang usal nung buenavistang kinakausap niya.
"Ano pa bang aakalain mo sa isang Erick Buenavista?" Ibang boses naman ang nagsalita. At si Erick nga ang kanilang sinasabing sikat.
"Pero teka." Napatigil saglit yung nagsasalita kanina. Sumilip na din ako sa pintuan at 'di nga ako nagkamali at sila Erick 'yon kasama niya ang kaniyang kasam kanina sa teatro.
"Pero bakit hindi ka sinumpong ng sakit mo kaninang pagkayakap mo sa Freshman na 'yon?" Takang tanong niya pa. Doon naman na sila naghuhugas ng kamay at tila napatigil si Erick at agad na napatingin siya sa nagsalita na para ding nagtataka.
"Homophobic ka diba?" Tanong din nung isa. Hindi parin nakasagot si Erick dahil nakatingin parin ito sa salamin.
"Hindi naman siguro yun bakla?" Iyon lang ang kanyang nasabi. Ngunit naningkit naman ang mga mata nung kasama niyang dalawa.
"Eh ba't kami. Hindi mo masubukang yakapin dahil takot ka." Yung nasa kanan niya yung nagsalita.
Imbes na sumagot si Erick ay agad itong napatingin sa kaniyang mga kamay na tila ba naghahanap ng mali. Hindi ko iyon alam dahil hindi ko naman siya kilala.
"Oo nga no? Nakakapagtaka."
"Siguro siya na yung gamot mo." Suhestiyon nung nasa kaliwa niya ngunit gad din itong binatukan nung isa.
"Ulol, sabi nga ng doktor niya eh aala pang gamot sa kalagayan niya." Pambabara niya.
May sakit siya? Ano 'yon?
"Siguro..." napatigil siya saglit at napatingin ang dalawa sa kaniya.
"Ano?" Gulong sambit parin nung isa. Bale tatlo sila. Si Erick ang nasa gitna at ang nasa kanan ay medyo singkit at kaliwa naman niya ay mestizo.
"Siguro, hindi siya pangkaraniwan. Ang gaan niya sa loob ko. Alam niyo yung pakiramdam na parang kilala mo siya." Deretsang sabi niya sa dalawa. Tila naman natulala ang mga ito.
Nasa loob parin ako at walang planong umalis sa kadahilanang ayaw lang akong mapagkamalang espiya o tsismoso.
"Pero ba't sa iba, takot akong yumakap, humawak." Si Erick.
"Siguro sa mga kakilala mo lang. Yung malapit sa 'yo?" Tanong nung medyo singkit.
"Kilala niya ba yung kaninang freshman na 'yon?" Sulpot na tanong nung nasa kaliwa. Ngunit ilang segundo ang lumipas na walang sumagot bago nila ito basagin.
"Siguro, especial siya sa akin? Hindi ko alam!" Iyon nalang ang huling sabi niya bago sila lumabas.
Hindi ko maintindihan ngunit nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay umukit ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nang marinig ko na ang malakas na kalabog ng pintuan ay tanda na sila ay nakaalis na.
Doon nalang ako tuluyang lumabas pagkaalis nila at agad na tinahak ang daan papunta sa susunod kong klase.
Hindi pa nag-uumpisa ang klase kung kaya't isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Agad din akong napansin ang mga kaibigan ko kung kayat daglian nila akong sinenyasan sa papuntang sa kanilang kinauupuan. Hindi pa din ganoon karai ang mga kaklase namin kung kaya't hindi ako nakaramdam ng kaba na baka hindi nanaman ako papasukin.
"Antagal mo ha." Salubong sa akin ni Camille ngunit may pilya itong ngiti. Umupo din ako sa kaniyang tabi at sa tabi naman nito ay si Kelvin.
"Siguro hinanap niya muna si Mr. Buenavista kung hindi ako nagkakamali." Asar ni Kelvin sa akin.
"Mga baliw. Sira yung kubeta dito sa atin kaya doon ako sa mga Juniors." Pagtatama ko sa kanila ngunit hindi parin nawawala sa kanila ang mga ngiti.
"Eh di pumunta ka din doon." Ika pa ni Camille.
"Hindi ko naman aakalain na nandon siya." Deretsang sabi ko ngunit namilog anng mga mata nilang dalawa.
"So nagkita kayo?" Patuloy pariin ni Camille.
"Siguro, hindi siya pangkaraniwan. Ang gaan niya sa loob ko. Alam niyo yung pakiramdam na parang kilala mo siya." Agad na sumulpot sa aking isipan ang sinabi niyang ýon.
"Sagutin mo, 'wag kang ngingiti-ngiti diyan." Singit pa ni Kelvin.
Napukaw ako sa kaniyang sinabi at napansin ko ding nakangiti na pala ako. Hindi 'to tama pero bakit ganon? Hindi ito ang ako. Hindi napapangiti ng isang simpleng bagay lamang.
"Ngayon ko lang nakita ulit 'yan Ildefonso ah." Asar na namn ni Camille. "Siguro, Iba na 'yan." Patuloy pa niya.
"Kailan ulit yung huling nakangiti ang isang Ildefonso?" Tanong din ni Kelvin.
"Huwag niyo nga akong matawag-tawag na Ildefonso, nakakalumag pakinggan."Sinita ko nalang sila kesa sa sagutin ang tanong nila. Pero hindi parin tumigil si Kelvin.
"Siguro sumagot na si Gina. Siya lang naman kasiyahan mo eh." Patuloy pa niya.
"Gago, wala na kami nun. Matagal na." Depensa ko.
"Eh sino?" Si Camille.
Hindi nalang ako sumagot bagkus pumasok na ang profesor namin at hindi na muli kami nakapagkwentuhan nila Camille at Kelvin. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagkadismaya kung kaya't hindi ko rin maiwasan ang mapangiti.
Hindi ko alam kung bakit ang saya ko na hindi ko maintindihan. Gusto kong kumawala sa mga bagay na siyang nagpupumilit na hindi ilabas ang aking nararamdaman. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya sa loob ko nang hindi ko maintindihan. Siguro, magaan lang siya sa aking loob.
"Ako pa ba 'to, o ibang Nathaniel Ildefonso na ang nandito." Sabi ng isipan ko habang hawak-hawak ang parte kung saan nakalagay ang puso ko. "Sana nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko. Pero alin ba ang masama?"
"Minsan, hindi mo kailangang hanapin ang iyong kasiyahan, dahil mismong tadhana ang magdadala sa'yo at ilalayo sa dati mong nakasanayan."