bc

Kasaysayan: Ang Unang Yugto (Tagalog)

book_age16+
47
FOLLOW
1.0K
READ
reincarnation/transmigration
student
drama
tragedy
bisexual
campus
medieval
school
multiple personality
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Hindi lahat ng makasaysayang yugto ng isang pag-ibig, tuluyan itong nakakaligtaan. May mga oras na hindi lahat ay kailangan ding balikan. Minsan din ay nananatili nalang itong kasaysayan. Ngunit bakit kailangan balikan kung kasaysayan mismo ang hahanap at siyang madudutong sa inyo pabalik sa nakasanayan? Bakit mo pa kailangang tanawin muli ang iyong nakaraan kung mismong panahon ang magaatubiling pagtagpuin muli kayo nang wala sa nakaraan.

"Nagkakilala kami nang dise-otso. Namatay nang dise-nuebe. Hanggang sa muli naming pagkikita." -Natalia/ Nathaniel.

Mahalagang Mensahe:

Ang nobelang ito ay purong tagalog lamang at walang halong salita ng mga dayuhan. Ito ay hindi pangkaraniwang kwento ng pag-ibig na kung saan, sa pilipinas ito ang nakasanayang takbo ng isang storya na patungkol sa pagiibigan ng isang magkasintahan. Ito ay kwento ng isang pag-ibig nang dalawang lalake na hindi aakalaing magkikita muli at magkasamang haharapin ang mga unos sa kanilang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
Simula
"Kuya. Matagal pa ba 'yan?" Namimilipit kong sabi kay kuyang nasa loob ng palikuran dahil kanina pa ito doon at hindi pa ito lumalabas. Nasa pampublikong palikuran ako dito sa may malapit sa unibersidad na kung saan ako kasalukuyang nagaaral. Isa akong estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na kasalukuyang nag aaral sa kursong pagpepeplikula. Ilang minuto nalang bago ang una kong klase kung kaya't gan'to nalamang ako kung kumilos. Isa sa mga pinapahalagahan ko ay ang pag-aaral ko lalo na at isa pa akong skolar ng aming paaralan. Hindi din nagtagal at bumukas din ito at iniluwal niyon ang taong kilala ko. "Kuya Aries!" Bulwas ko sa kaniya nang lumabas ito. "Kayo pala 'yan." Sabi ko. "Natan?" Naguguluhang sabi ni Kuya Aries. At napatango nalang ako habang nakangiti sa kaniya. Ilang taon ding hindi ko nakita si kuya Aries simula nung nawalan ito ng trabaho sa amin. Kung hindi niyo lang natatanong, siya dati ang tagamaneho namin nung mga panahong may pera pa kami. Ngunit nang namatay si Ama ay hindi na nagana ang kompanya hanggang sa bumagsak ito at ibinenta. "Binatang-binata ka na." Nakangiting sabi ni Kuya. Hindi ko na din ramdam ang sakit ng pantog ko dahil sa ihi ko kanina. "Opo kuya." Tango ko lang sa kaniya. "Nga pala, saan na po kayo nagtarabaho?" Tanong ko sa kaniya. "Kina madam Mari--." "Ano ba kuya Aries? Bilisan niyo nga diyan!" Bulalas ng isang lalake sa may isang sasakyan habang nakadungaw ang ulo niyo rito. Si kuya Aries ang tinutukoy niya at hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay sumulpot na ito. "Sino po siya?" Agad kong tanong kay kuya Aries nang mapadako na ulit ako sa kaniya. "Amo ko. Oh siya, mauna na ako. May dalaw na naman 'tong amo ko." Nakangiti ngunit bakas ang hiya sa mukha niya nang sinabi niya ang mga 'yon. "Sige po kuya, hayaan mo 'pag nagkita ulit tayo, ililibre na kita." Huling sabi ko at tinapik naman niya ang balikat ko habang nakangiti. Nanag tuluyan itong nakaalis ay nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago ako pumasok ng kubeta. Ang sungit ng amo niya, paano kaya siya tratuhin doon? Limang minuto akong nahuli sa klase ko kung kaya't hindi ako pinapasok ng propesor. Niligaw ko nalang ang sarili ko at naisipang magpunta nalang sa kung saan kami laging nanonood ng mga pelikula. Ito ang una kong karanasan tungkol dito. Yung hindi ka pinatuloy ng propesor mo sa kadahilanang nahuli ka lang ng ilang minuto. Hindi na ako nangamba dahil nandun naman panigurado sina Kelvin at Camille. Makikikopya nalang ako sa mga tinalakay nila ngayon. Habang nasa daan ako papuntang teatro ay hindi ko parin lubos maisip kung bakit hindi ako umabot sa klase at kung bakit ako ngayon nagising ng hindi maaga. "Ang tanga mo kasi Nat." Sisi ko sa sarili ko habang tinutungo ang daanan. Nang marating ko ang teatro ay walang kahit na sino ang nandito at siyempre oras ngayon ng akademiks kung kaya't walang napapadpad ngayon dito at ako lang. Tinahak ko nalang ang daan papunta sa may gitna upang mapaupo. Itinunganga ko nalang ang aking sarili kasabay non ang pagtitig sa harapan kung saan nakapwesto ang malaking puting tela, dito itinututok ang pelikula. Habang nasa kalagitnaan ako ay naisipan kong itutuloy nalang sana ang nobelang ginagawa ko ngunit bigla nalang nawala ang mga ilaw. Kaba at pangamba agad ang biglang bumalot sa akin pagkawala ng mga liwanag. Nanginginig ko niyakapa ang sarili ko habang nakatungga pataas at naghahanap ng sinag ng liwanag ngunit bigo ako dahil wala kahit isang sinulid man lang ang sukat. Takot ako sa dilim, sa ingay at katotohanan. Takot ako sa mga magagandang balita. Natatakot ako na baka hindi din maganda kung akin ding malalaman. Takot ako sa dilim kung saan wala akong nakikita at sa bawat dilim na aking nararanasan ay laging may mga bagay na hindi ko alam na bigla-bigla nalang susulpot sa isipan ko kagaya ngayon. Takot akong lamunin ng dilim dahil baka bigla-bigla nalang may hahatak sa akin. Takot akong sumigaw. Takot akong magpakawala ng mga letra dahil ayaw kong maulit muli ang mga kaganapan noon. Ayaw kong maulit muling makasaksi ng isang madilim na pangyayaring hindi ko lubos matanggal sa aking isipan. Takot ako. Ramdam ko na ang pamamasa ng aking mga mata habang nakayakap sa aking mga tuhod. Hindi ito ang una kong karanasan ngunit ito nag pinakanakakatakot dahil iisa lang ako dito sa malawak na teatro. Biglang tumunog ang isang pamilyar na bagay mula sa itaas sa may likuran tanda na may bumukas sa prodyektor ng pelikula. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi nga ako nagkamali. Isang pelikula ang kasalukuyang napapalabas sa harapan at kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pelikulang nilikha ng isang tanyag na manunulat sa larangan ng pagpepelikula. Isa iyong pelikula na patungkol sa pagmamahalan ng dalawang magkasintahan ngunit hindi sila malaya. Nasa ibang panahon ang bidang lalaki at ang babae naman ay nanggaling pa sa taong 1892. Isa iyong makasaysayang pelikula ngunit ang ipinagtataka ko ay kung sino ang may kagagawan sa mga nangyayari ngayon. Nawala ang kaba. Nawala ang luha at nawala ang pangngambang kanina pang binabalot ako. Iwinaglit ko ang mga isiping hindi naman kaayaaya sa akin at inilibot ko ang aking paningin nagbabakasakaling makita kung sino ang nagbukas ng prodyektor. Bigo ako sa paghahanap ng kung sino man ang kasama ko dito ngayon. Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa harap at sumakto naman ang linyang binitawan ng lalaki sa binibini. "Gusto kong banggitin, at ibig ko ding iyo'y dinggin. Sa huling hiningang aking bibitawan hanggang sa mawala ako sa iyong mundong ginagalawan. Mahal kita. Paalam. Hanggang sa muli nating pagkikita." Iyon ang huling linya ng ginoo sa binibini bago ito tamaan ng isang palakol mula sa mga rebelde sa panahong iyon. Hanggang sa nawalan ito ng hininga at agad na naglaho sa kinatatayuan nito pabalik sa kaniyang totong mundo. Naiwan ang babae sa kaniyang mundo at walang tigil itong humagulgol ng iyak habang yakap-yakap ang sarili nito. Kaninang natuyong luha sa aking pisngi ay tila nanumbalik dahil sa pelikulang aking napanood nanaman. Ilang ulit ko nang napanood ngunit tatak na tatak parin sa akin ang mga pangyayari sa kanila. Mga linyahang hindi mo basta basta malilimutan. Nang natapos ang pelikula ay dilim nanaman ang bumalot at pangangamba nanaman ang aking naramdman ngunit agad din iyon naglaho dahil biglang bumukas ang pintuan ng teatro at iniluwa niyon ang isang lalaking hindi ko kilala. Malakas ang sinag ng araw na lumalabas sa pintuan kung kaya't hindi ko iyon maaninag. Hindi parin matigil ang mata ko sa pagiyak na iyon din ang dahilan ng panlalabo ng mga mata ko. Mabilis itong pumarito sa aking kinauupuan at agad akong niyakap ng mahigpit. Madilim at nakakatakot ngunit nang yakapin ako ay nawala lahat ng mga iyon at napalitan ng kasiyahan at kaginhawaan. Mas tumulo ang luha ko nang higpitan pa niya ang kaniyang pagkakayakap sa akin hanggang sa ito'y napabulong sa akin. "Sana, hindi matulad ang nangyari kina Natalia at Miguel sa kung saan tayo ngayon. Mahal kita at hindi kita iiwan." Malumanay niyang sabi sa gilid ng kanang tenga ko. Ang haplos ng kanyang hininga ay marahang sinalubong ng tenga ko. Pagkadinig ko sa mga sinabi niya ay parang may nga ala-alang sumasagi sa aking isipan kasabay non ang pagkurot ng puso ko na sinasabayan ng pagluha ng aking mga mata. Subalit ang pinagtataka ko. Ano 'to? "Cut!" Isang boses ang lumabas mula sa kung saan na siyang hudyat upang lahat ng ilaw ay bumukas at bumalik sa kaliwanagan ang buong teatro. Bigla akong kumawala sa yakap. Hindi maproseso ang mga nangyayari. Isa ba itong kagaguhan? O pinagtitripan lang ako? Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng teatro at hindi lumalagpas sa sampu ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nahihiya at naghahalohalong emosyon dahil din sa mga naipakita sa akin kanina. "Congratulations!" Sigaw ng isang estudyante. Oo estudyante dahil nakauniporme pa ito at kung hindi ako nagkakamali, nasa ikatlong taon na ito sa kursong pagpepelikula. Hindi parin marehistro ang mga kaganapan sa aking utak. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon at nang mapadako ang paningin ko sa lalaking kaharap ko ngayon ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa loob ko. Hindi niya maalis ang paningin sa akin at patuloy parin itong nakatitig sa akin na para bang may mali sa akin. "Erick, tapos na!" Pukaw ng isang estudyante sa kaniya dahil hindi niya pa ito inaalis ang paningin sa akin. "A-ah, Oo!" Tumayo ito sa kaniyang inuupuan at pumalakpak ito kasabay non ang pagpapakawala ng halakhak. Ang nakatitig kong mukha ay unti-unting bumababa at nahihiyang itungo ang sarili. Unti-unti akong tumayo at akmang aalis na sana ngunit pinigilan ako nung tinawag nilang Erick. Hinablot nito ang kamay ko kasbay non ang pagharap ko sa kaniya. Sa ikalawang pagkakataon, nagtagpo ang aming mga mata at pilit inaninag ang kung ano ang nandon. Biglang nanumbalik ang isang ala-alang hindi ko lubos maisip at maaninag dahil bigla nalang itong hinaplos ang aking puso at pinaubayang tumulo ang luha ko sa mga mata ko. Isang ala-alang hindi ko lubos maaninag dahil malabo. Pintig ng dibdib ko nalang ang naririnig ko kasabay non ang pagpukaw sa akin. "Hoy! Ano yan?" Sigaw nung mala direktor na estudyante sa amin kung kaya't nawala din kami sa kalunuran ng pagkatitig. Nang kumawala ako sa titigan namin ay hindi ako nagkamaling nakita ang kaniyang mga mata. May bahid ng luha at agarang pinunasan ang mga iyon. "P-paumanhin." Malumanay niyang sabi ngunit parang may hindi pagkasinseridad. Pinunasan ko din ang mga luhang kanina pang daloy ng daloy sa pisngi ko kasabay non ang paglinga sa paligid ko. Lahat sila ay nakatunghay sa amin na siyang nagdudulot sa akin ng hiya. Tumakbo ako papaalis sa lugar na 'yon at pilit kong pinoproseso ang mga kaganapan kanina. Tumingin ako sa aking relo ngunit alas dies na. Hindi na ako nakapasok pa sa aking sumunod na klase dahil oras na ng meryenda. Naghilamos muna ako bago magtungo ng canteen dahil alam kong hinihintay na nila ako doon. Hindi nga ako nagkamali at nasa upuan na sila habang hinihintay ako pagkarating ko ng canteen. Pabagsak akong napaupo na siyang nagdulot ng ingay sa amin kung kaya't gulat silang napatingin sa akin. Nung una ay gulat silang napadako sa akin ngunit napalitan din 'yon ng pagtataka. "Asan ka ba nanggaling?" Bungad na tanong sa akin ni Kelvin. Wala pa silang pagkain at sa pagkakalam ko ay hinihintay nila ako. "Dalawang propesor ang hindi mo nakita ngayon." Sarkastikong usal ni Camille sa akin at ginanthihan ko nalang ng isang hindi kaaya-ayang tingin. "Diyan lang." Wala kong ganang sabi sa kanila. "Siguro mangongopya nalang ako sa inyo ng mga sinulat niyo. Patuloy ko. "Nakapili na ba kayo?" Tanong ko nalang para hindi na sila magtanong pa ng iba. "Oo, yung dati na naman." Sagot ni Kelvin habang si Camille naman ay kaharap ang kaniyang telepono. "Teka." Biglang sabi niya habang nasa telepono ang baling nito. "Ngayon yung araw ng surpresa 'di ba?" Tanong niya sa amin ni Kelvin. Napakunot kami pareho ngunit nakuha agad ni Kelvin ang tinutukoy niya. "Ah, Tama ngayon yun." Gulat pang sabi niya sa amin. Pero ako, wala paring kamalay-malay. "Sabihan niyo akong bobo. Pero ano 'yon?" Gulong tanong ko sa kanila at sabay naman silang napatingin sa isa't isa at pilit na tumawa. "Seryoso Nat, wala kang alam sa araw ngayon? Ayan oh." Inabot sa akin ni Camille ang tinutukoy niya at akin ding binasa agad. "Mahalagang anunsyo: Ang araw na ito ay ang araw ng paggunita sa isang okasyong nakasanayan ng ating unibersidad. Ito ay naging tradisyon na sa atin kung kaya't kada tayon ay isinasagawa ito upang bigyang pansin ang mga bagong estudyante sa larangan ng pelikula. At hindi nga kami nabigo dahil may isang estudyanteng nahulog sa aming produksyon. Maraming salamat at pasensya na din dahil ika'y aming nabiktima. Yun lang at abangan niyo mamayang tanghali dahil napakaganda nitong palabas. Welcome Freshmen." Iyon ang nakasulat sa blog ng Unibersidad namin. Bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking kunauupuan habang pilit iniisip lahat ng nangyari kanina. Ito na rin ang kasagutan sa aking tanong kanina na kung saan, wala akong alam sa mga nangyayari at sa kasamaang palad, ako ang nabiktima sa tradisyong sinasabi nila. "Sino kaya 'yon? Luh nakakaengganyo naman!" Sabik na sabi ni Camille pagkabalik ko ng kanyang telepono. PISTI! "Hindi lahat ng surpresa ay nakakaengganyo dahil minsan, ito din ang nagdudulot ng hindi kaaya-ayang kaganapan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG

read
396.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.5K
bc

NINONG III

read
429.4K
bc

NINONG II

read
654.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
183.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook