Chapter 1
Nasa isang pribadong bar ang magkaibigang sina Ash Herson de’Vlaire at Giovannie Zakynthus, o mas kilala bilang Vahn. Gusto raw ng huli na magsaya ngayong gabi kaya naman pinaunlakan niya ang imbitasyon ng kaibigan. Sumama siyang nakasimangot dahil ayaw niyang iwan ang kanyang trabaho. Umayos siya ng upo nang humarap sa kanya ang isang bartender.
“Come on, Ash, don’t be so hard on yourself, man,” saad ng kaibigan niya. Nakanguso itong humarap sa kanya habang hawak-hawak ang isang baso ng alak sa isang kamay at nilalaro iyon.
“Have some fun, bro,” dagdag nitong sabi.
“I’m having fun, Vahn,” sagot niya.
Napaismid ito sa sinabi niya. “You mean, having fun playing with the cigarettes? Tsk!” singhal nito. Nilagok ni Vahn ang laman ng hawak nitong kopita.
“I’ll go and dance with someone. Kung gusto mo sumayaw ka rin, igalaw mo iyang katawan mo. Baka naman mabawasan ang performance mo sa... alam mo na,” nakangising wika nito. “... sa kama,” dagdag nitong usal. Kumindat pa ang kaibigan niya at pagewang-gewang na umalis sa kinauupuan. Tumawa pa ito nang malakas saka hinila ang babaeng nakatayo malapit dito.
“Tss! In your dreams,” bulong niya.
Sa totoo lang, ayaw niya talaga ang pumupunta sa mga matataong lugar. Nahihilo siya katitingin sa mga taong dumaraan sa harap niya nang pabalik-balik. Mga taong sumasayaw na animo’y wala ng bukas.
Mas gusto niya pa ang magtrabaho magdamag kaysa sa tumunganga rito. Aalis na sana siya nang biglang may babaeng kumapit sa kanya. Amoy-alak ang hininga nito. Napangiwi siya nang manuot iyon sa kanyang ilong.
“Hello, handsome,” bungad kaagad ng babae.
Napaismid siya. Ayaw niya sa lahat ay ang mga katulad nitong easy-to-get. Madaling mauto at higit sa lahat, ibinibenta ang kaluluwa para lang sa pera.
“What do you want?” asik niyang tanong. Pasimple niya itong itinulak palayo. Hindi naman napansin ng babae ang pagka-disgusto niya rito dahil lumapit pa ito nang bahagya, binalewala ang pagkakatulak niya rito.
“You, of course,” malandi nitong turan. Marahan nitong hinaplos ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan hanggang sa maramdaman niya ang init ng palad nito sa pribadong parte ng kanyang katawan. Wala man lang iyon epekto sa kanya. Hindi siya madaling makuha. Iyon ang nasa isip niya.
Itutulak niya na sana ulit ang babae nang biglang may lumapit na isa pang babae. Nakasuot nang pulang-pulang damit na hapit sa katawan nito. Sakto lang ito para dito. Hindi masyadong mapang-akit ngunit sapat na iyon upang pagtuunan niya ito ng pansin.
Nakuha nito ang kanyang atensyon. Ang kanyang mapupulang labi, maamong mga mata na animo’y nagpapahiwatig ng kalungkutan. Lumayo sa kanya ang kaninang babae saka hinarap ang bagong dating. Nagsukatan ang mga ito ng tingin bago humarap sa kanya ang bagong dating na babae, nagtatanong ang mga mata. Nalito siya.
“I’ve been looking for you, love,” nakangiting usal ng babae. Tinabig nito ang kaninang babae saka ito tuluyang lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Napalunok siya ng wala sa oras. Para siyang na-hipnotismo sa taglay nitong ganda. Hindi pa siya kailanman nagkagusto—hindi pa siya nagkaganito sa unang tingin lang.
“Nandito ka lang pala,” anito. Hinalikan ng babae ang tungki ng kanyang ilong. Nang-aakit saka bumaling sa nakataas ang kilay na babae kanina. “Sorry, he’s with me,” saad nito. Bago pa man siya makapagreklamo ay nahigit na siya ng babae.
Siniil siya nito ng halik. Halik na nagpapahiwatig ng kagustuhang ma-angkin siya. Naramdaman niya iyon. Naiparamdam nito iyon sa paraan nang paghalik nito. The next thing he knew, she’s turning him on. He was like a walking hard on. Nang maiwan silang dalawa ay bigla na lang siya nitong tinulak paupo saka marahas na binawi ang labi.
“W-What?” naguguluhan niyang tanong. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang maramdaman ang namumuong sakit doon. Tinamaan talaga siya.
Shit! Wala pang nakakagawa nito sa akin!
Napapikit siya sa inis. Sa simpleng pagngiti lang ng babae ay nagwawala na ang kanyang kalooban.
“Are you teasing me?” inis niyang tanong. Hindi man lang siya nito tiningnan. Para bang sukang-suka ito sa isang kagaya niya.
“Ganito ba talaga ang sinasabi nilang Ash Herson de’Vlaire? You’re easy to get, buddy,” natatawang saad ng babae. Napamaang siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Nasaktan ang ego niya.
Ako? Madaling makuha? Ha!
“Nagpapatawa ka ba?” hamon niyang tanong rito.
“Of course, not!” ngisi nito. “Bakit? You want proof?” nakangising tanong pa ng babae. Sinundot nito ang parte ng kanyang katawan na kanina pa naninigas. Bahagya siyang napaatras dahil sa hiya.
“Eh, ano ‘yan? Bakit nagkaganiyan ‘yan, ha?” natatawang tanong nito, halatang nang-aasar. Ibinalik ng babae ang paningin sa hawak na bote ng beer.
Beer? Bakit hindi ko man lang nalasahan ang beer sa bibig niya?
“Niligtas lang kita mula sa babaeng haharot sana sa ‘yo kanina. Just be thankful,” saad nito. “Anyway, I’m not into you,” pagbibigay-alam ng babae. Nakatulala lang siya rito.
Kaya ba siya lumapit?
“Thanks for the kiss, handsome,” nakangiting usal ng babae. Tumayo na ito at inayos ang suot na damit saka iyon pinagpagan. “I hope you’re having a hard…” nakangisi nitong saad. Sumulyap pa ito sa ibaba niya bago nagsalita ulit. “…time.” Naglakad na ito paalis.
Nasampal niya ang sariling mukha. “What happened?” naguguluhan niyang tanong. “What just happened? Oh my God, Ash!” bulalas niya pa.
Rejected?
A de’Vlaire was rejected by some random woman!
Napainom siya ng alak. Tinungga niya iyon galing sa bote dahil hindi siya makapag-isip nang maayos. Paano nangyaring naging ganoon ang kinahinatnan ng lahat?
“Yo!” ani Vahn nang makabalik sa mesa nila. “I thought you’re having fun? You had two chicks kanina, bro,” komento nito.
“You saw it?” nagulat niyang tanong.
Napatingin ito sa kanya. “Bakit naman hindi? Kitang-kita kaya kayo rito,” wika ng kaibigan niya saka uminom ulit ng alak. Nagsalin naman siya sa baso saka nilagyan ng ice. Gusto niyang maligo at magbabad sa malamig na tubig nang mahimasmasan siya.
“Napanood mo ang kahihiyan ko?” tanong niya.
“Kahihiyan? Bakit? What happened?” naiintrigang tanong ng kaibigan.
Napabuga siya ng hangin. Dapat pala ay hindi na siya nagtanong pa. Mas mapapahiya tuloy siya.
“A random woman rejected me,” bulong niya. Nagsalita pa rin siya kahit alam niya namang hindi siya nito maririnig dahil sa lakas ng musika.
“What?!” bulalas ng kaharap niya. “Talaga? That’s new bro! That’s new! Oh my God!” saad nito na sinabayan nang pagbunghalit ng tawa.
“Tss!"
Sinabi niya ritong mauuna na siya dahil may trabaho pa siya bukas. Um-oo lang ang kaibigan niya saka tinawagan nito si Ridge, ang pinsan nito.
Medyo malalim na rin ang gabi. Pagkalabas niya ay kaagad siyang sinalubong ng malamig na hangin at mga nagkikislapang bituin sa langit na siyang nagpapapayapa sa kanyang isipan.
Pinatunog niya ang dalang sasakyan saka sinundan ang ingay na nagmumula rito. Mukhang tinamaan din siya ng espirito ng alak. Napasapo siya sa kanyang noo habang papalapit sa sasakyan. Bubuksan na niya sana ang pinto niyon nang mapansin niya ang isang babaeng pagewang-gewang sa tabi ng kalsada.
Namataan niya rin ang isang lalaking papalapit dito. Hindi na niya sana ito papansinin ngunit nagdalawang-isip siya. Noon niya lang napagtanto na ang babaeng iyon ay siyang nagpahiya sa kanya kanina.
Ano ba ang pakialam ko sa kanya? I am Ash Herson de’Vlaire for pete’s sake! Don’t mind her you, idiot! Papasok na sana siya ngunit sadyang may sariling isip ang kanyang mga paa. f**k! What am I doing? Am I gonna help her? She save me earlier yet humiliate me. But... Nagtatalo ang kanyang isipan.
No buts, Ash.
Litong-lito man ay nagpanggap siyang may hinahanap habang nagmamadaling naglakad papalapit sa gawi ng babae.
“Wife!” biglaang sigaw niya.
What the heck, Ash! Anong wife? Ha? Saan mo naman napulot ang salitang ‘yan?
Nagulat ang babae pati ang lalaking nasa tabi nito na pilit siyang kinakarga. Lumingon sa gawi niya ang babae. Namumungay ang mga mata. Ang magandang damit nito ay medyo gusot na. Nabura na rin ang mapulang lipstick ng babae. Medyo magulo na rin ang mahaba at maitim nitong buhok. Nakalugay lang iyon.
“H-Hubby?” mahinang usal nito nang tuluyan siyang makalapit. Naguguluhan sa nangyayari. Natigilan siya sa narinig.
Hubby?
Ang paraan nang pagkakatawag sa kanya ng babae ay parang musika sa kanyang pandinig. Bakit parang gusto kong tinatawag niya ako sa ganoong paraan? Bakit? Naikuyumos niya ang kanyang kamao.
“Why are you here? I’ve been looking for you inside,” malambing niyang turan. Saka niya ito inalalayan sa baywang. “I’m sorry. She’s my wife,” baling niya sa lalaki. Nakakunot ang noo nito na animo’y naguguluhan din sa nangyayari.
“I’m so sorry. Sige, aalis na ako.” Tinalikuran sila ng lalaki. Bumaling siya sa katabing parang lantang gulay.
Ano ba'ng gagawin ko rito? Iiwan? No! Paano kung bumalik iyong lalaki?
Wala siyang nagawa kung ‘di ang igiya ito papuntang sasakyan. Ipinasok niya ito sa passenger seat saka hinayaang mahiga roon. Nakatulog na ang babae kanina pa at tahimik siyang nagdarasal na sana hindi muna ito magising.
Nag-iisip pa siya kung saan niya ito dadalhin. Hindi p’wede sa bahay dahil sigurado siyang pagpi-piyestahan ito ng kanyang ina. Tinitigan niya ito mula sa salamin. Hindi mo aakalaing may wild side ang babae. Kung titingnan mo siya habang natutulog ay para itong maamong tupa.
Dahil wala siyang ibang maisip ay dinala niya na lang ang babae sa condo. Nang nasa tapat na sila ng pinto ng condo ay nagdalawang-isip pa siya. Wala pa siyang dinadalang babae rito pero ayaw niya ring maging bastos sa babae.
Gusto niya ring malaman kung saan ito nakatira, kung ano ang trabaho nito at higit sa lahat, kung ano ang pangalan nito. Ang katotohanang ito lang ang nakakuha ng kanyang atensyon ang siyang nag-udyok sa kanya na papasukin ang babae sa teritoryo niya. Naguguluhan na rin siya sa sariling desisyon.
Binuksan niya ang kuwarto saka pumasok doon. Pinahiga niya ito sa kama saka tinanggal ang suot nitong heels. Pati ang kuko ng babae ay nagugustuhan niya. Napangiti siya ng wala sa oras.
What the heck? What’s wrong with me?
Bumuntong-hininga siya saka kumuha ng labakara at binasa iyon. Pinunasan niya ang mukha ng babae. Tinanggal niya rin ang peke nitong pilikmata. Ayaw niyang mamantsahan ng kolorete ang kumot at unan niya.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto saka naligo sa guest room. Sa guest room niya sana papatulugin ang babae ngunit hindi niya pa iyon napalilinisan kaya sa sariling kuwarto niya na lang ito dinala.
“What now, Ash? What now?”
Napaisip siya. Kung namumukhaan siya nang lalaki ay sigurado siyang kakalat na ang balitang may tinawag siyang asawa. Ang malala pa rito ay sa labas pa ng bar siya nakita nito. Pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao.
Pagkatapos niyang maligo ay bumalik ulit siya sa kwarto saka nagbihis. Nakasuot lang siya ng boxer shorts. Tumabi siya sa babae.
What the f**k am I doing here?
Ni minsan ay walang tumabi sa kanyang babae. Kahit si Elise ay hindi pa niya nakatabing matulog. Hindi dahil sa ayaw ng babae kung ‘di dahil ayaw niya. Ayaw niyang may tumatabi sa kanya. Ayaw niyang kung sino-sino lang na mga kamay ang dumadapo sa kanyang katawan.
Ngunit heto at nandirito siya, gustong-gusto niyang kabigin ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Pinagmasdan niya ang mukha ng babae sa hindi niya na mabilang na beses. Napakaganda nito para talaga itong maamong tupa. Inosenteng-inosente.
Dahil ayaw niyang mabawasan ang kanyang dignidad, kailangan niyang sundin ang kanyang nakagawiang pagpapanggap na mabagsik at masama gaya nang ipinapakita niya sa lahat. Tumayo siya saka kuyom ang palad na lumabas sa sariling kuwarto.
Dismayado siyang pumasok sa guest room saka pabagsak na dumapa sa kama. Mas mabuti na rin ang ganito, ang malayo siya sa nakakaakit na babaeng hindi pa man niya nakikilala ay nababaliw na siya.
Hindi niya pa ito naramdaman kahit kanino, kahit kay Elise na ilang beses nang nagpapahiwatig ng nararamdaman nito para sa kanya ay binabalewala niya lang.
Kapatid. Nakababatang kapatid. Iyon ang turing niya kay Elise.
NAGISING siya na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Marahil ay epekto ito ng alak na pinagpiyestahan nilang magkaibigan kagabi. Napatingin siya sa paligid. Nasa kakaibang kuwarto siya saka lang niya naalala ang nangyari nang nagdaang gabi.
“May babae sa kuwarto ko?” tanong niya sa sarili nang matauhan. Halos tumalon siya sa pagmamadaling bumangon, naghagilap ng maipantatakip sa kanyang katawan saka humahangos na tinakbo ang kabilang kuwarto. Dire-diretso siyang pumasok doon.
May babae nga! Pag-kompirma niya.
“Kailan pa ako nag-uwi ng babae rito?” tanong niya.
Wala pang nakakapasok dito maliban sa kanyang ina. Ni minsan ay hindi niya dinala si Elise rito. Ano na lang ang sasabihin nito kapag nalaman nitong nagdala siya ng babae sa condo? Ang malala pa roon ay pinatulog niya sa sarili niyang kuwarto.
I don’t care! Mabilis na kontra ng kanyang diwa. Napaismid siya sa naisip.
Kailan pa ako nawalan ng pakialam? Halos ayaw nga niya ang may makapasok na langaw sa pamamahay niya, babae pa kaya?
Mabuti na lang at hindi pa gising ang babae. Nagmadali siyang naligo dahil kakausapin siya ng kanyang ina. Nakatanggap siya ng tawag kagabi bago tuluyang nakatulog. May pag-uusapan sila ng matanda.
“What does she want this time?” kunot-noong tanong niya.
Inis na inis siya habang nagsasabon. Halos malunok niya ang sariling dila nang maalala ang paghalik ng babae sa kanya kagabi. Ang halik at ang pangre-reject nito sa kanya ay bumalandra sa kanyang isipan.
Naiinis siyang napahilamos dahil sa kahihiyang naramdaman. Pinagtatawanan siguro siya ng babae. Nagbanlaw siya saka nagpunas ng katawan bago tuluyang lumabas ng banyo.
Mahimbing pa rin itong natutulog sa kanyang kama. Nagbihis siya ng simpleng pambahay dahil sa bahay lang din naman ang punta niya. Naroon na ang lahat sa main house. Doon na rin siya kakain. Napaisip siya kung gigisingin ba niya ang babae o hahayaan na lang na matulog hanggang sa makauwi siya.
Iniwan niya na lang ang babae roon. Ito na ang bahala kung aalis ba pagkagising o hihintayin pa siya. Why would she wait for me? Oo nga, 'no? Nababaliw na talaga ako. Stupid!
Hanggang sa biyahe ay hindi siya mapakali. Para bang nanghihinayang siya na iniwan niya ang babae. Bakit naman hindi? Hindi naman siya obligadong bantayan ito, hindi ba? Bakit parang kasalanan ko pa kung may mangyaring masama sa kanya? Bakit ganoon ang nararamdaman ko?
“What the f**k is wrong with me? Tsk. I’m going crazy over that girl.”
Napabuntonghininga siyang nagmaneho. Nang makarating sa destinasyon ay kaagad siyang pumarada sa labas. Ayaw na niyang pumasok sa garahe dahil hindi naman siya magtatagal dito. Kailangan niyang umuwi kaagad, dahil gusto niya pang makita ang babae.
“Ash!” sigaw nang kababata niyang si Elise.
Tumakbo papalapit sa kanya ang babae saka mabilis siyang hinalikan sa pisngi bilang pagbati. Ngumiti siya rito. Pinagsalikop ng babae ang kanilang mga kamay na kaagad niya ring tinanggal saka nakapamulsang pumasok ng kusina.
Nakabusangot itong sumunod sa kanya. Alam naman ni Elise na hindi niya ito gusto. Alam na alam nito dahil sinabihan na niya ito noon pa nang minsan ay nagtapat sa kanya ang babae. Tinanggihan niya ito.
“You’re acting weird today,” komento ni Elise. Nakanguso itong naupo sa tabi niya.
“Not really. This is me, Elise. Nothing has change,” malamig niyang sagot. Bumuga siya ng hangin saka hinarap ang plato at mga kubyertos. Sinipat niya iyon kung nasa ayos ba. Tiningnan niya rin ang baso sa harap niya.
“Bakit ka nga ba narito?” tanong niya. Pinagmamasdan niya ang mga pagkaing inihain ng mga kasambahay. Bakit parang may piyesta? Ang daming pagkain. Hindi niya iyon magawang isatinig.
“You didn’t know? We’re getting married!” masayang sigaw ni Elise na dahilan upang matigilan siya. Napatingin siya sa babaeng ngiting-ngiti sa kanya.
“What?” bulalas niyang tanong. Pati ang mga naroon ay nagtataka sa naging reaksyon niya.
Sigurado siya na salubong na ang kanyang mga kilay dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo. Gulat na napabalik sa huwisyo ang babae saka tinitigan siya nito na animo’y naguguluhan.
“We’re getting married. That’s why there’s a lot of food,” paliwanag ni Elise.
Napasinghap siya sa gulat nang tuluyang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ni Elise. Ako? Mag-aasawa? At siya ang pakakasalan ko? Hindi pwede! Kontra ng kanyang isipan.
“What’s wrong with us getting married? Ash, we’ve known each other for a long time, now. Ano ka ba? Chill out,” anito. Ngunit hindi siya pinapakalma sa isiping ikakasal siya sa babaeng kailanman ay hindi niya gusto at hinding-hindi niya magugustuhan.
Nang makapasok ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nagkakasiyahan ang lahat. May mga ngiting naglalaro sa mga labi ng lahat maliban sa kanya. Nakasimangot siyang nakatitig sa mga pagkain.
“Ano ba ang ikinagagalit mo riyan, Ash?” bulong na tanong ng kanyang ina. Maganda pa rin ito sa edad na singkuwenta. Mapusyaw ang balat at maikli ang kulay-kapeng buhok. Nginitian siya ng kanyang ina saka marahang hinaplos ang kanyang balikat.
“I’m hungry,” iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Nagpokus siya sa pagkain, hindi niya pinapansin ang kahit na sino sa kanyang pamilya.
“Ash,” baling sa kanya ng kanyang Lolo nang matapos sila sa pagkain. Matangkad at maputi ang kanyang Lolo–si Mike de’Vlaire. May lahi itong griyego, kulay-itim ang mga mata at sa edad na otsenta ay kapansin-pansin na ang pangungulubot ng balat nito.
“Lolo,” sagot niya. Nasa pagkain sa kanyang plato ang kanyang tingin. Hilaw na ngumiti ang binata nang salubungin nito ang titig ng matanda.
“I'll arrange a marriage between the Vallejos and de’Vlaire. Ikakasal ka kay Elise,” usal ng matanda.
Kumuyom ang kanyang kamao sa narinig. Tumayo siya sa sobrang inis. “I don’t want to!” matigas niyang tanggi.
Napasinghap ang lahat sa sinabi niya. Lumabas na naman ang kinatatakutan nilang mga de’Vlaire.
“Ayaw kong maikasal sa kanya,” sabi niya. “I will find myself a wife but not her. I have to go.” Kuyom ang palad na umalis siya sa hapag. Lahat ng naroon ay hindi nakapagsalita.
Aligagang sumunod sa kanya si Mrs. Judith, ang kanyang ina. “Ash, wait! Anak, wait lang,” anito. Hinihingal itong huminto sa harap niya. Nasa b****a na sila ng pintuan.
“Why did you do that?” inis niyang tanong. Patungkol sa kasal na wala siyang kaalam-alam. “I didn’t agree to this.”
“Gusto na ng lolo mo, anak. Wala akong magawa. I’m sorry please, calm down,” pagpapakalma nito sa kanya.
“Bakit naman? Palagi na lang ‘yang pag-aasawa! Nagmamadali yata kayo na maikasal ako! I don’t see Elise as my wife. I don’t see her that way. She’s like my little sister for Pete’s sake! I can’t do this,” matigas niyang tanggi.
“I know. I know,” pagpapakalma ulit sa kanya ng ina niya. “Bakit ayaw mo? I thought you like each other?” usisa nito.
“No, I don’t love her enough to be my wife, Mom. I don’t want to ruin this lovely morning but I can’t marry her,” mahinang sabi niya.
Malungkot itong tumango. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay saka iyon marahang pinisil.
“But, I think I found myself a wife, Mom,” usal niya. Napasinghap sa galak ang kanyang ina. Kumikislap sa tuwa ang mga mata nito. “Ipapakilala ko rin siya sa iyo, soon, Mom.”
“OMG! Okay, I’ll wait, and I’ll cancel the wedding,” nakangiting usal nito.
Humalik siya sa pisngi ng Mommy niya saka tuluyan nang lumabas ng bahay. Papasok na sana siya sa sasakyan nang bigla sjyang hinarang ni Elise. Namumugto ang mga mata nito halatang kagagaling lang sa pag-iyak. She looks desperate.
“Look, I’m sorry. I didn’t mean to hurt you but, that’s what I feel about you,” diretso niyang usal.
“I heard you found a woman. Is she beautiful than me? Sexier than me? I will defeat her, Ash, and you will be mine!" pagbabanta nito.
Binitawan nito ang kanyang braso saka nagmartsa paalis.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng galit. Galit na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
“Try to hurt my woman, you’ll beg me your life!” bulong niya sa hangin. Tumingala muna siya upang pakalmahin ang sarili bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.