Chapter 8

2171 Words
Chapter 8 Kasalukuyang nagpapahinga sa sala sina Ash at Sean. Nanonood ang dalawa ng palabas sa telebisyon. Naiinis si Ash sa pinsan n'yang papansin. What is he doing here? I was planing to take Isla to a fine restaurant but this id**t keeps on tailing us. Ano ba ang nakain niya at nagpa-iwan pa siya rito? He was so frustrated! This was supposed to be a date, but then his stupid cousin is here ruining the plan. Prenteng nakaupo sa sofa ang binata habang kumakain nang binili niyang pizza para kay Isla at wala rito ang dalaga. "Can you just go home?" pagtataboy niya sa pinsan. Natigil ito sa pag-nguya saka nakangusong humarap sa kanya. Nabitawan pa nito ang isusubo sanang Pizza. Parang bata, tss. "I like it here," anito saka sumubo ulit ng Pizza. "That's not for you!" awat niya rito nang akmang kukuha pa ito ng isa pang slice nang kinakain. Kanina pa kasi ito kumakain at hindi man lang tumitigil. "You can buy another one, Hyung," walang paki-alam na sagot nito. Nasapo niya na lang ang sariling noo sa kakulitan nitong singkit. Dahil sa inis ay iniwan niya ito sa sala saka pumasok sa kuwarto. Hindi niya nakita si Isla sa loob kaya naman lumabas siya suot ang paborito niyang swimming trunks. Nagpaalam pala ang dalaga kanina na lalangoy ito sa pool. Nagpahatid rin siya ng pagkain sa pool area. Nasa pintuan pa lang siya ay kitang-kita niya na kung paano lumangoy ang dalaga. Aliw na aliw siyang panoorin ito. Hindi man lang nito napansin ang kanyang presensya. Nang nasa ilalim na ng tubig ang dalaga ay nagmadali siyang sumuong sa upang makalapit kaagad siya rito ngunit hindi niya inaasahan ang paglitaw ng dalaga sa mismong harap niya kaya nagulat siya. Kaagad siyang nakabawi at kinabig niya ito papalapit sa kanya ngunit hindi pa man niya ito tuluyang nayayapos ay nagtatakang mukha na ni Isla ang nasilayan niya nang lumingon ito sa gawi niya. Tinitigan siya nito. Ang mga mata ng dalaga ay nakitaan niya nang pagkalito at tulala. What is she thinking? It feels like she is staring straight to my soul through my eyes. "Ano ba'ng ginagawa mo?" biglang tanong nito. Naging masungit ang dating niyon sa kanya kaya naguluhan siya sa inasta ng dalaga. Akala niya ay nakita niya sa mga mata ni Isla ang pagkamangha. Ngunit mukhang siya lang ang nag-iisip niyon. "S-Swimming," aligagang sagot ni Ash sa dalaga. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "What should I do in the pool? Sleep?" napipikon niyang tanong sa dalagang nakataas ang kilay sa kanya. "Bakit may pakabig-kabig ka pang nalalaman d'yan? Doon ka nga!" asik nito sa kanya kaya lumayo siya nang bahagya. "Why are you mad? It's not like I'm a stranger," reklamo ni Ash. Ngumuso ang dalaga saka sumandal sa gilid ng pool. "Bakit, hindi ka ba talaga estranghero?" ismid nitong tanong. "Baka nakakalimutan mong kailan lang tayo nagkakilala," dagdag pa nitong sabi. Nakaramdam siya ng kaunting hiya sa sarili. "Pervert!" dagdag nitong bulong kaya napasipol si Ash. "W-What did you say?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Isla. "You're a pervert!" singhal ng dalaga. Tumawa siya nang pagak saka napahilamos sa mukha. Nainis siya dahil sa narinig. "Me?" tanong ni Ash sa dalaga habang nakaturo sa sarili. "A pervert?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. "What the h*ll!" singhal niya sa kawalan ng masabi. Nag-init ang kanyang mukha. "Ewan ko sa 'yo. Doon ka, dito ako," utos ni Isla sa kanya habang itinutulak siya nito papalayo rito. "Umusog ka roon!" anito. "I can't believe this!" bulalas niya. "Now you can," usal ng dalaga saka mabilis na umahon sa pool. Nagpunas ito ng katawan bago ibinalot sa sarili ang bathrobe na dala nito. Hindi niya alam kung ano ang ikinagalit nito kaya hindi niya rin malaman kung ano ang gagawin. Wala na rin siyang nagawa kundi ang maligo na lang. Pagkatapos niyang mag-Swimming ay pumasok na siya sa loob ng bahay upang magbanlaw. Naririnig niya pa ang gripo sa banyo kaya alam niyang nasa loob pa ang dalaga. Sa guest room siya naligo saka nagbihis. Nang makalabas ay nasa kusina na si Isla, nakaupo. Halatang naghihintay sa kanya. "What are you doing?" kaagad na tanong niya nang makalapit. Natigilan ito saka gulat na bumaling sa kanya. "Uh, nothing," palusot nitong saad saka nag-iwas ng tingin. "Are you hungry?" tanong niya rito bago lumapit sa counter. "Sort of," nahihiyang sagot ng dalaga bago umatras. "I'll cook," presinta niya. "Marunong kang magluto?" namamanghang tanong ng dalaga sa kanya. Napangiti siya. Of course, I'm a great cook. "Of course! I live by myself, Wifey," malambing na sagot niya sa dalaga. Akala niya ay matutuwa ito ngunit kurot ang natanggap niya. "You've been nipping my butt cheeks lately," usal niya. "I think you're the one who's pervert here, Lady," komento niya dahil ilang beses nang kinukurot ng dalaga ang puwitan niya. She's pinching it unconsciously. Napamaang ang dalaga sa sinabi niya. Napaatras pa ito saka nag-iwas ng tingin. He's sure she's like a tomato right now. Namumula ang mukha nito at hindi makatingin sa kanya. "Ano'ng sinabi mo?" gigil na tanong nito sa kanya dahilan upang mapataas siya ng kamay bilang pagsuko. "D*mn! She's scary! I can't believe she's glaring at me," nanginginig na bulong sa sarili ni Ash. He zipped his mouth to stop himself from saying something st*pid and focus on cooking food for his Fiancé. "You can watch me, there," usal niya bago itinuro ang maliit na bangko malapit sa mesa. Tumango ang dalaga saka naupo doon ngunit ang paningin nito ay masama pa rin. "Stop glaring at me?!" reklamong singhal ni Ash. Hindi siya makapag-pukos dahil pakiramdam niya anumang oras ay may aatake sa kanya. "It looks like you're going to attack me from behind! Geez!" dagdag niya pang sigaw sa takot. "Psh!" singhal nito kaya nanahimik na lang siya. Nasa hapag na sila kasama si Sean. Tahimik lang si Ash pati si Isla. Si Sean lang ang sobrang mabunganga at naririndi na si Ash sa pinsan. "Sino ang nagluto?" kunot ang noong tanong ni Sean sa kanya. Ngiwi nang ngiwi ang binata na animo'y hindi nagustuhan ang kinakain. Hahaha! Sabi ko sa 'yo, umuwi ka. Kumain ka ng sandamakmak na damo ngayon. 'Yan ang napapala ng mga taong hindi nakikinig. "Me," matapang na sagot niya sa pinsan habang nagsasandok ng gulay para kay Isla. Tahimik naman iyong tinanggap ng dalaga. "I don't like it!" singhal na reklamo ni Sean pero walang pumansin sa binata. "You know I don't eat this kind of food. What is this?" ngumangawang tanong nito na parang batang inagawan ng kendi. "I'm not a goat, Hyung," ismid pang sabi nito. "I told you. Go home. Hindi ka nakinig," sermon ni Ash sa pinsan niya. "Just eat it, or you can order your own food," suhestiyon niya rito. Bumaling ang binata sa tahimik na kumakaing dalaga. "Can you cook for me, Please?" pagmamakaawa pa ng pinsan niya sa Fiancee. Natigilan naman ang katabi niya dahil sa sinabi ng kaharap saka tumingin sa kanya. "No," pinal na sabi ng dalaga na sa kanya pa rin nakatingin. What are you looking at? He furrowed his eyebrows. He's a bit scared she might hit me or what but nothing happened after that. "Why not?" nakangusong tanong ng pinsan niyang hindi pa rin makakain ng gulay. "Tinatamad ako," walang emosyong sagot ng dalaga kaya ngumiwi na lang ang pinsan niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Wala itong nagawa kundi ay ang kumain ng gulay. Mangiyak-ngiyak itong ngumunguya sa tabi. Tumatawa lang siyang nanonood sa binata na pinangingiliran ng luha. Dahil hindi talaga nito maatim na kumain ng mga gulay ay umalis na lang ito sa hapag. Naiwan silang dalawa ni Isla. "Anyway, I'm going to the office tomorrow. Wanna tag along?" basag niya sa katahimikan. "Depende," may bahid ng inis ang boses na sagot nito. Nalito siya. Hindi man lang kasi nagsasabi ang dalaga kung ano ang ikinagagalit nito kaya hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. "Why?" tanong niya rito. "Kailangan kong umiwas, ay, este, kailangan kong mag-" pigil nito sa sasabihin saka bumuntonghininga. "Maglaba!" sigaw nito na animo'y nauubusan ng hininga. "'Yon, kailangan kong maglaba. Ang daming labahin sa bahay," pagdadahilan nito. "Really?" naniniguradong tanong niya rito. Tumango ang dalaga saka nagpatuloy na sa pagkain. "Can I come then?" "Ano? No! Hindi pwede!" mabilis na tanggi nito sa kanya. Nagtaka siya sa inasta nito. "Why?" "Sabi mo nga ay pupunta ka sa opisina? Ano naman ang gagawin mo sa bahay? 'Wag kang sasama!" pigil nito sa kanya. "Okay. But can I visit you?" pangungulit niya pa rin kay Isla. "No! Pero bibisitahin kita sa opisina mo. Baka may kaharutan ka na roon ng hindi ko alam." "What? No! I'm not a flirt!" depensa niya sa sarili. "Talaga? Paano kung haharutin ka n'ong Elise monkey na 'yon? Humanda ka talaga sa 'kin," asik nito. Pinandilatan siya ng dalaga. "Wops! Not happening, Wifey." "Wifey my foot!" ngiwi nito dahilan upang matawa siya nang malakas. Hindi niya napigilan ang sariling bumungisngis. "Hahaha! You are funny," komento ni Ash "Ano ang nakakatawa r'on, de'Vlaire? Huh?" asik na tanong nito sa kanya. Natigil siya dahil masyadong seryoso ang mukha ng dalaga. "Sorry, Wifey," hinging paumanhin niya rito. "Ayos lang," anito na parang walang nangyari. Geez! Women are scary! Ang dalaga ang nag-presentang maghugas ng pinagkainan nila. Inayos niya ang kuwarto habang abala sa kusina ang dalaga. Inayos niya rin ang tutulugan ng dalaga. Hindi pa naman sila puwedeng magtabi ngunit gusto niya sana itong makatabi ngayon. But looking at her, I'll just think about it. Baka bukas ay magising akong lumpo na. "Hihihi!" mahinang tawa niya sa isip. What the heck, Ash! You're going crazy! "Ano ba ang iningiti-ngiti mo riyan?" "God! You scared the sh*t out me!" bulalas niya dahil sa gulat. Muntik niya nang matapunan ito ng unan nang bigla itong sumulpot sa harap niya. Parang lumabas yata ang kaluluwa ko, eh. "Parang tanga 'to. Gulat ka, no?" pang-aasar na tanong nito sa kanya. "A little," pag-amin niya. "D'yan ka sa kama. Dito ako sa sofa," usal niya rito sabay turo sa kamang nakaayos na. "No," mabilis na tanggi ng dalaga. "Mas maliit ako kaya sa sofa ako. Matangkad ka, kaya sa kama ka. Hindi ka kasya riyan," she pointed out, looking straight in his eyes. "No!" pigil niya rito. "You, stay there. I'll stay here," mariing usal niya sa dalaga. "Bahala ka nga riyan. Huwag kang tatabi sa 'kin, ah," taas ang kilay na banta nito sa kanya. He wink at her in approval. Ngumiwi lang ito bilang sagot. Palihim siyang natawa. Kumuha siya ng isang unan at kumot sa drawer saka iyon binitbit hanggang sa sofa. Pabagsak siyang naupo roon habang dahan-dahang inilalatag ang dalang kumot. Palihim siyang nagdarasal na sana ay babawiin ng dalaga ang sinabi at yayain siya nitong tumabi sa kama ngunit mukhang hindi iyon mangyayari. "Wifey!" malambing niyang tawag sa dalagang nakatalikod sa gawi niya. Hindi man lang ito natinag. Bumuntonghininga siya nang malakas upang kunin ang atensiyon nito. Akala niya kasi ay hindi nito tatanggapin ang alok niyang sa sofa siya matutulog. Totoo naman talagang hindi siya kasya sa sofa dahil matangkad siya kaya lang wala siyang natanggap na sagot mula sa dalaga. "I can't sleep here," pagbibigay-alam niya rito ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Nagtalukbong kaagad ito ng kumot. "Turn off the lights please." Sa halip ay utos nito sa kanya kaya pinatay niya ang ilaw. Nahiga siya sa sofa. Pilit pinagkakasya ang sarili. Impit ang pagdaing niya dahil muntikan na siyang mahulog. Kanina pa siya nagpaparinig pero wala talagang karea-reaksyon si Isla. "Balak talaga niyang patulugin ako rito?" bulong niya sa sarili habang nakanguso. My back hurts! I can't stretch my legs! I can't sleep in this position. Dang! Mahimbing nang natutulog ang dalaga nang makalapit siya kaya naman dahan-dahan siyang tumabi rito. Ang problema, dinaganan nito ang comforter kaya nahihirapan siyang humiga dahil baka magising niya ang dalaga. Napabuga siya ng hangin nang matagumpay niya naihiga ang sarili. Hays! Ngayon naman, kung paano niya ito ipapausog sa tabi. Halos nasa dalaga kasi ang lahat ng espasyo. Nakadapa kasi ito kaya sakop na sakop niya lahat ng espasyo. NAGSASAMPAY si Isla ng mga labahin nang biglang may pumaradang sasakyan sa harap ng bahay nila. Gulat pa siya nang lumabas mula roon ay walang iba kung 'di si Elise. Kunot na kunot ang noo nito at nagsusuntukan ang mga kilay habang nagpalinga-linga sa paligid. Mas lalo lang naging masama ang mukha ni Elise nang dumapo sa kanya ang paningin nito. Nakaismid itong nagtakip ng ilong habang diring-diri sa itsura ng tirahan nila. OA nito. "Ano ba ang kailangan mo at naparito ka?" tanong niya rito. "You," gigil nitong sambit. "Stay away from Ash!" singhal nito sa kanya. Napaatras siya sa gulat. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang masamang-masama ang tingin sa kanya. "Why would I?" nakangiwing tanong niya rito. Ano ba'ng akala niya sa akin, aso na susunod sa utos niya? Utot niya! "Because I said so," pinal nitong sabi. "At sino ka naman para sundin ko?" singhal niya sa inis. "I'm his girlfriend!" "Weh? Sino'ng nagsabi? Ikaw? Hahaha! Pathetic!" natatawang asik ni Isla saka ngumiwi. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito dahil sa sinabi niya. "What did you say?" inis nitong tanong habang humahakbang papalapit. "Ang sabi ko, umalis ka na, bago pa kita ipalapa sa aso namin," pananakot niya rito kahit wala naman talaga silang alagang aso. "Psh! I don't see any f**king dogs here." anito, hindi naniniwala. Hindi ba kapani-paniwala? Dahil naiinis na siya sa dalaga ay sumipol siya, kunwari may tinatawag na aso nang bigla na lang may tumahol na aso. Papalapit ito sa gawi nila at laking gulat niya nang makita kung gaano katangkad at kalaki iyon. "Hala!" nagugulat niyang sigaw. "Oh my!" bulalas ni Elise saka nagtatakbo sa sasakyan nito. Naiwan nakanganga si Isla dahil sinundan ito ng aso habang tahol nang tahol ito sa dalaga. Mabilis itong nagmaneho paalis. "Sino 'yon Isla?" usisa ni Christine sa kanya nang makalabas ito ng bahay upang suriin kung ano ang narinig nitong ingay kanina. "Ewan ko, Ate. Bigla na lang sinugod ng aso, eh," mahinang usal niya bago nagpatuloy sa ginagawa. "Talaga? Akala ko kaibigan mo?" hindi naniniwalang tanong ni Christine sa kanya. Hindi niya naman puwedeng sabihin na kaibigan iyon ni Ash at may gusto ito sa lalaki. "Hindi ko po siya kilala, Ate," pinal na sagot niya. Hindi naman na kumibo si Christine. Pumasok na ito sa loob. Naiwan siyanb naguguluhan kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi. At isa pa, medyo naging cold sa kanya ang babae simula nang makita nito si Ash. Malapit ng magtanghalian kaya naisipan niyang bisitahin si Ash sa kompanya ng binata. Naghanap siya ng magandang susuotin. Isang skinny jeans, heels, at isang white top na pinatungan niya ng blazer. "Ate, hindi ka ba aalis?" tanong niya rito na tahimik lang na nagtutupi ng mga damit. Tumingin ito sa kanya saka tumango bago bumalik sa ginagawa. Nagpaalam siya saka naghintay nang masasakyan sa labas. Tatawagan niya na sana ang binata kaso hindi niya pa pala nahihingi ang numero nito. Pumara siya ng taxi saka nagpahatid sa de'Vlaire Group of Companies. Napapitlag siya sa gulat nang tumunog ang dalang cellphone. Tiningnan niya ang caller I.D. Unknown number. Sinagot niya pa rin dahil baka 'yong manager sa pinagtatrabahuan niya ang tumatawag. "Hello?" "Wife." Boses ni Ash ang narinig niya. Nanibago siya. Matagal bago siya nakasagot. "Bakit?" tanong niya rito. "Where are you?" "Nasa taxi," sagot niya habang iginagala ang paningin sa labas ng bintana. "What? Where are you going?" "Sa 'yo," nahihiyang sagot niya. "Really? Bababa ako. Susunduin kita sa baba, ah. Let's eat together," anito saka pinatay na ang tawag. Tinago niya ang cellphone sa hawak na purse. Nasa harap na sila ng VGC nang biglang may nakagitgitan silang sasakyan. Mamahalin iyon sa hitsura pa lang. "Hala ma'am. Nagasgasan yata 'yong sasakyan niya," natatakot na sambit ng drayber. "Paano na 'yan?" nag-alalang tanong niya. "Ginitgit po ako, Ma'am. Nasa tamang lane tayo. Galing siya sa kabilang lane, bigla na lang siyang nag-take over Ma'am. Hindi ko kasalanan," mahabang paliwanag ng drayber. Natigilan siya ng may lumabas na babae sa nakabanggaan nilang sasakyan at hindi na siya nagulat nang makita si Elise. Tiningnan nito ang gasgas ng sariling kotse saka nagtitili. Eskandalosa. Kinakatok nito ang bintana ng sinasakyan niya. Takot na lumingon sa kanya ang drayber. "Baka makulong ako, Ma'am. Mukhang mayaman ang nakabangga ko" mangiyak-ngiyak na sumbong ng drayber. "Huwag kang mag-alala, Kuya. Ako na ang bahala sa 'yo," pagpapagaan niya sa nararamdaman nito bago bumaba ng taxi. Nakapameywang na Elise ang humarap sa kanya. Kunot ang noo nito habang sinisipat siya. "Oh? Look at you, riding a taxi 'cause you can't afford a damn car, " pagmamayabng nito habang dinuduro siya. Tatawa-tawa ang dalaga halatang hindi makapaniwalang sumakay siya ng taxi para lang makapunta rito. Nameywang rin ako. "Eh, ano ngayon sa 'yo?" hamon niyang tanong rito. "Pinangalandakan mo lang na mahirap ka," mayabang nitong sambit. Matapobre! "So? Problema mo ba 'yon? Atupagin mo iyang damn car mo, uy. Gusto mo, mas palalain pa natin? Hindi na gasgas ang aabutin niyan, sisirain ko talaga 'yan," singhal niya sa dalaga dahilan upang manlaki ang mga mata nito. "Did you just call my car, a damn car?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Sa mismong bibig mo galing 'yan," inis niyang turan saka binalingan ang drayber ng taxi na sinakyan niya. Iniabot niya rito ang isang libo saka sinenyasang umalis na. Huling pera na niya iyon. Nagmamadali nitong pinaadar ang sasakyan saka nagmaneho paalis. Hindi na napigilan ni Elise ang drayber kaya galit siya nitong binalingan. "You! Pay for this," banta nito pero pinandilatan niya lang ang dalaga. Mas lalo tuloy itong nainis sa kanya. "Hahahaha!" pang-aasar niya pa. Naramdaman niyang may tumatawag kaya kinuha niya ang cellphone at sinagot iyon. "Hubby, hinarang ako ng childhood friend mo," sumbong ni Isla kay Ash. Pinarinig niya talaga kay Elise ang childhood friend kaya mas lalong umusok ang ilong nito sa galit. "What? I'll fetch you," mabilis na tugon ng binata saka pinatay ang tawag. "Tss. Sumbungera," komento ni Elise na diring-diri pa. "Kaysa naman sa 'yo, eskandalosa," balik niyang asar rito. Padarag itong umalis saka nagmartsa papalayo. "Hindi ko talaga maiwasang hindi siya patulan. Kumukulo ang dugo ko sa kanya," bulong niya sa sarili. "Wifey!" Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nagmamadaling Ash ang papalapit sa kanya. Napangiti siya habang kumakaway sa binata. "What happened?" nag-aalalang tanong nito habang sinisipat ang kabuuan niya. "Walang nangyari. Nagkasagutan lang kami. Binangga kasi ng kotse niya ang taxing sinasakyan ko," paliwanag ni Isla sabay angkla ng kanyang braso sa binata. "Oh, thank God you're okay!" bulalas nito. Nakahinga nang maluwag ang binata. "Let's go," anito saka siya nito iginiya papasok sa gusali. Tumango siya saka sumabay na naglakad sa binata. "It's huge!" namamanghang komento ni Isla nang tuluyang makapasok. Ang daming bumabati. Ang iba ay damang-dama niyang plastikan lang. Ang iba naman ay mararamdaman niyang tanggap siya ng mga ito. Wala naman siyang pakialam. Hindi naman sila ang makakasama niya kung 'di ay si Ash. "I'll order food for us," usal ni Ash nang makapasok sila sa office nito. Malaki ang silid. Malawak at maaliwalas. Not your typical type of office. May malaking aquarium na may naglalanguyang Koi fish sa tabi ng mesa nito. "Wow! Ang ganda naman nito!" bulalas ni Isla dahil sa pagkamangha. Ang mga isdang ay nakamamanghang pagmasdan habang lumalangoy. "Bakit may ganito rito?" usisa ni Isla sa kasama. "They help me calm down," sagot ng binata saka umupo sa swivel chair nito. "Really?" "Hmm. Why? Is it weird seeing fish in an office?" "No. Maganda siya. Nakakarelax sa mata," komento niya saka nag-i-imagine na nasa tabing-dagat siya at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. "Do you want to eat outside?" "Hindi ba nag-order ka na?" takang tanong niya sa binata. "Yes. I'm just asking if you prefer fine dining." "Huwag na. Dito na tayo." Pagtatapos niya sa usapan. Tahimik nilang kinain ang inorder na pagkain. Siya na ang nagligpit ng pinagkainan nila habang ito naman ay nagpatuloy na sa ginagawa. Ayaw niyang istorbohin ito dahil abala ito. Naglaro na lang siya ng candy crush sa tablet ng binata habang nagcha-charge ang cellphone niya. Inis na inis siya dahil isang maling kilos na lang ay mawawalan na siya ng buhay. One wrong move, and I'm dead. Ngunit mas lalo lang nalukot ang mukha niya nang pagbukas ng pinto ay si Elise ang pumasok. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya rito. May bahid ng inis ang boses niya. Umismid lang ito saka binalingan ang kasama niya sa silid. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kapapasok lang na babae. "We're having a meeting at 3 o'clock," pagbibigay alam ni Elise kay Ash dahilan upang kumunot ang kanyang noo. Ano siya, sekretarya? Tss. "I know. You don't have to come here, Elise. I have my secretary" walang ganang sagot ni Ash. Hindi man lang ito nagtaas ng tingin. Akala mo naman papansinin ka... Lihim na tumawa si Isla. Nagpanggap siyang naglalaro nang mapatingin si Elise sa gawi niya habang kunot ang noo. Mataray iting umismid bago tumalikod at nagmartsa palabas. "Katakot ka naman," komento niya nang makalabas ang bisita pero sa loob-loob niya ay nagustuhan niya naman kung paano nito tratuhin si Elise. Mukhang tama si Vahn, masungit si Ash sa kanila... "Don't be. If I tolerate her, she would constantly bugging me. It's irritating," walang emosyong sagot nito. Bigla siyang dinalaw ng kaba. Ito ba ang sinasabi nilang nakakatakot na de'Vlaire? Ganito ba talaga siya kapag nasa trabaho? Seryoso itong nagbabasa ng mga papeles na nakalatag sa harap nito. Mataman nito iyong hinahanapan ng mali, kung may mali man. "Don't mind her. Just tell me if she'll harass you. I'll deal with her," mariing saad ni Ash. Wala siyang ginawa kundi ang tumango at sumunod sa kung ano ang gusto ng binata. Pagod siyang nahiga sa kama nang maihatid siya nito sa bahay. Gusto nitong sumama siya sa Condo nito ngunit tumanggi siya. Kailangan niya ring makausap si Christine tungkol sa nakita niya sa album ng dalaga. At saka hindi pa sila kasal ng binata. Ang pangit naman kung titira na siya kasama ito. Natulog ka nga sa kuwarto niya, tsk. Gabi na rin naman ay naghugas na siya ng katawan saka nagbihis ng pantulog. Ginawa niya ang skincare niya saka nahiga sa kama. Iniisip kung ano ang mangyayari bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD