PEDESTAL Final Chapter (Part 2) Tuluyan kong pinatay muna ang aking sasakyan at inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang balitang sasabihin sa akin ni Tzekai tungkol kay Mark Kym. Huminga ako ng malalim. Gusto kong maibsan ang nararamdaman kong bigat ng kalooban. Mabigat na ang dinadala ko sa kalagayan namin ni Romel at pilit ko pang kakayanin ang lahat ng darating na pasakit. "Sabihin mo sa akin ang dapat kong malaman tungkol kay Mark Kym." "Ced, maalala mo noong naaksidente si Mark Kym nang hinabol ka niya at sinubukang pigilan ka?" pagsisimula niya. "Oo. May kinalaman ba ang nangyari noon sa sasabihin mo sa akin?" "Ced, dahil sa aksidenteng iyon ay tinamaan ng bubog ng nabasag na salamin ang cornea niya. Nakusot niya ito dahil sa pag-aakalang napuwing lang siya nang kung ano l

