bc

Lovesick

book_age16+
981
FOLLOW
3.1K
READ
arrogant
goodgirl
doctor
sweet
bxg
humorous
lighthearted
city
first love
slow burn
like
intro-logo
Blurb

Sa batang edad ay iniibig na ni Lavender ang guwapo at sikat na pintor na si Pablo Vicente Munis. Kahit hindi siya pinapansin ni Pablo ay patuloy pa rin ang puso niya sa pagtibok para dito. Patuloy siyang umaasa na magkakaroon sila ng mala-fairy tale na love story.

But he broke her young heart.

Sinikap niyang kalimutan ito; napagtagumpayan naman niya.

And they eventually became friends.

Nagawa rin niyang umibig sa ibang lalaki. When someone broke her heart again, Pablo was there and kept her sane.

Biglang nagbago ang relasyon nila nang dumating sa buhay nila ang limang taong gulang na bata na diumano ay anak ni Pablo. Nag-iba ang ikot ng kanilang mundo. Mas naging malapit sila sa isa't isa at mas nakilala niya ito. Muli, nahulog siya rito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sigurado kung makakaahon pa siya. Ang natitiyak lamang niya ay nakahanda siyang isugal uli ang kanyang puso, mabigo at masaktan kung ang mga iyon lamang ang paraan upang maipadama niya rito ang wagas na pagmamahal niya.

chap-preview
Free preview
1
“SIYA si Pablo, Lavender. Pablo, I want you to meet my lovely stepdaughter, Lavender.” Biglang naging eratiko ang t***k ng puso ni Lavender na tila tumakbo siya nang ilang milya. Hindi rin niya maalis ang kanyang mga mata sa matangkad na lalaki sa harap niya. Ang guwapo nito kahit hindi pa ito nag-aahit at nagpapagupit. May matipid na ngiti ito sa mga labi. Habang lumilipas ang bawat segundo na nakatitig siya rito ay lalo itong nagiging makisig sa paningin niya. Nasa bahay nila ito dahil kaibigan daw ito ng Ate Blythe niya. Nanalangin siya na sana ay hindi ito nobyo ng stepsister niya dahil crush na niya ito. Noon lang nagwala nang ganoon ang buong sistema niya dahil sa isang lalaki. Noon lang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Noon lang din siya humanga nang ganoon katindi sa isang lalaki. Madalas niyang naririnig sa mga kuwento ng mga kaibigan niya ang mga ganoong pakiramdam sa mga crush ng mga ito. Ang akala niya ay exaggeration lang ang sinasabi ng mga ito dahil ang totoo, hindi pa siya nagkakaroon ng totoong crush. Totoo pala na bumibilis ang t***k ng puso sa simpleng tingin. Hindi niya iyon nararamdaman sa mga artista at boy bands na hinahangaan niya nang lubos. Bahagya lang niyang narinig ang sinabi ng stepfather niya na ang pamilya ni Pablo ang pinakamalapit nilang kapitbahay dahil nakatutok ang buong atensiyon niya sa binata. Hindi niya maalis ang tingin dito. Nais niya itong titigan hanggang sa magsawa siya. Nang tumingin uli sa kanya si Pablo ay nagsalubong ang mga kilay nito. Nababaghan marahil ito sa tingin na ibinibigay niya rito. Siguro ay mukha siyang tuta na nakatanghod sa amo. Kahit sawayin niya ang sarili, hindi niya magawa. Mahirap magpakapormal sa harap nito.   TULUYAN nang nagbago ang buhay ni Lavender mula nang pakasalan ng kanyang ina na si Lara ang Papa Simeon niya. Bago dumating si Papa Simeon sa buhay nilang mag-ina, simple lang ang buhay nila. Cashier sa isang department store ang kanyang ina. Limang taong gulang pa lang siya nang mamatay sa isang aksidente sa construction site ang kanyang ama. Mula noon ay mag-isa na siyang itinaguyod ng kanyang ina. Kahit gaano kahirap ang buhay, sinikap nitong ibigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan niya. Mula kinder ay sa pribadong paaralan siya pinag-aral nito dahil matalino raw siya. Hindi niya inakala na may minahal itong iba bago ang kanyang ama. Mayaman na mayaman ang lalaki kaya hindi umubra ang kanyang ina na anak lamang ng isang labandera. Nakatakda nang ikasal noon si Papa Simeon sa babaeng gusto ng mga magulang nito para dito at wala nang pag-asa ang kanyang ina. Alam nito na hindi ito matutulad sa mga babaeng bida sa mga telenobela. Lumayo ito pagkatapos ng kasal. Natagpuan nito ang kanyang ama at umibig ito rito. Naging masaya raw ito sa piling ng kanyang ama. Ang tatay raw niya ang nababagay na lalaki para dito. Magkalebel daw ang estado ng buhay ng mga ito at magkasundo ang mga ito sa lahat ng bagay. Natagpuang muli ni Papa Simeon ang kanyang ina nang minsang maligaw ito sa department store na pinagtatrabahuhan ng huli. Sinuyo ni Papa Simeon ang  kanyang ina. Namayapa na rin pala ang asawa nito. Hindi akalain ng nanay niya na umibig din pala si Papa Simeon dito sa kabila ng magkaibang estado ng mga ito. Nanariwa ang dating pag-ibig ng mga ito. Tila muling nagdalaga ang kanyang ina. Naging napakasaya nito. Mas matamis ang mga ngiti nito at mas makinang ang mga mata  kapag nasa malapit lang si Papa Simeon. Noong una, ayaw ng kanyang ina na mapaugnay kay Papa Simeon. Ayaw nitong maakusahan na nananamantala. Langit at lupa pa rin kasi ang agwat ng mga ito sa isa’t isa. Ayaw mangarap nang gising ng kanyang ina. Ngunit matiyaga si Papa Simeon. Mahal talaga nito ang kanyang ina at wala itong balak na palagpasin pa ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa mga ito. Ang sabi nito noon sa kanya nang kausapin siya nito, ayaw raw nitong pagsisihan ang lahat. Hindi pa naman daw huli ang lahat para dito at para sa kanyang ina. Nais nitong maging masaya kasama ang kanyang ina. Nais nitong maging isang pamilya sila. Ayaw raw nitong mamatay na hindi nagkakaroon ng katuparan ang pag-ibig ng mga ito. Nagbunga ang pagtitiyaga nito. Wala nang nagawa ang kanyang ina kundi hayaan ang sarili nito na maging masaya sa lalaking iniibig.  Pati siya ay agad na napamahal kay Papa Simeon. Wala pa siyang muwang nang iwan siya ng kanyang ama. Habang lumalaki ay kinaiinggitan niya ang kanyang mga kaibigan na may mga ama. Hindi lang ama ang ibinigay ng kanyang ina sa kanya nang magpakasal ito kay Simeon Groesbeck, binigyan din siya nito ng isang ate. Ate na ubod ng ganda. Natulala siya nang unang masilayan ng kanyang mga mata ang kagandahan ni Blythe Groesbeck. She was tall and beautiful. Dinaig nito nang ilang ulit ang kagandahan ng mga modelo at artista sa telebisyon. Perpekto ito mula ulo hanggang paa. She was a goddess. Hindi niya noon alam kung paano ito pakikitunguhan. Napakataray ng dating nito. Kahit hindi nito lantarang sabihin sa harap nilang mag-ina, ramdam nila na tutol ito sa pagpapakasal ng kanilang mga magulang. Madalas na hindi nito pinapansin o kinakausap ang kanyang ina. Hindi naman sila inaapi nito; hindi lang sila nito gaanong pinapansin. Naiintindihan naman nila ito ng kanyang ina. Kinailangan nila pare-pareho ng panahon upang mag-adjust sa isa’t isa. Hindi niya masasabing mag-best friend na sila ng Ate Blythe niya ngayon. Magkasalungat na magkasalungat sila. Magkaiba ang mga ugali nila, ang mga gusto at ayaw nila, pati ang pananaw nila sa mga bagay-bagay. Ngunit magkasundo na sila. Itinuturing niya itong ate. Nalaman din niya na mabait pala ito. Ang mga dating materyal na bagay na pinapangarap lang niyang makamit ay abot-kamay na lang niya ngayon. Hindi na niya kailangang mag-ipon nang napakatagal bago niya mabili ang mga gusto niyang libro, sapatos, at damit. Nakakapag-aral siya sa isang kilalang unibersidad. Hindi na kailangang problemahin ng kanyang ina kung saan nito kukunin ang pangmatrikula niya. Matutupad na niya ang pangarap niyang maging doktor. Kinse anyos pa lang siya pero first year college na siya sa premed course niyang Medical Technology. Hindi niya inaabuso ang kabaitan ni Papa Simeon. Simple lang ang pangangailangan niya. Basta nakakapag-aral siya ay masaya na siya. Labis-labis na iyon para sa kanya. Hindi naman siya pinalaki ng kanyang ina na maluho. Naglalakad-lakad siya sa malaking parke na malapit sa bahay nila. Maraming mga batang naglalaro sa playground. Umupo siya sa isang bench at inilabas ang librong dala niya. Maganda ang kapaligiran sa bago nilang tirahan. Maraming puno roon kaya malinis ang hangin na nalalanghap niya. Ang lahat ng mga nakatira doon ay pulos mayayaman. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon nang may bigla na lang tumawag sa pangalan niya. Nag-angat siya ng paningin. “Ikaw nga ba `yan, Lavender?” Namilog ang kanyang mga mata nang makilala niya ang lalaking tumawag sa kanya. “Kuya Cef?” namamanghang sabi niya. Lumapad ang ngiti nito. “Ako nga. Hindi ko akalaing dito uli kita makikita, Lavender.” Dati nilang kapitbahay si Ceferino. May dalawang taon na rin marahil niya itong hindi nakikita. Ang totoo, ang kaibigan talaga niya ay ang kapatid nitong si Jennifer. Noong bata pa siya, sa bahay ng mga ito siya iniiwan ng kanyang ina. Dahil kapareho niyang wala nang tatay ang magkapatid at palaging wala rin ang nanay ng mga ito upang maghanapbuhay. Si Ceferino ang madalas na nag-aalaga sa kanila ni Jennifer. Isa si Ceferino sa mga dahilan kung bakit nais niyang maging doktor. Bumilib siya rito nang husto noong makapasa ito sa UP Manila. Doon ito nag-aral ng premed course nito hanggang sa makakuha ito ng scholarship na makapag-aral ng Medisina sa Amerika. Ang tali-talino kasi nito. Ang sipag-sipag pa nito. Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit nito ang mga pangarap nito sa buhay. Itinuturing na rin niya itong kuya kaya nalungkot siya nang magtungo ito sa ibang bansa upang mag-aral. Nalungkot siya pero maligaya rin siya dahil unti-unti na nitong natutupad ang mga pangarap nito. Nais niyang maging katulad nito. Nais niyang makapanggamot at makatulong sa ibang tao. Inudyukan niya itong maupo sa tabi niya na ginawa naman nito. “Ikinasal uli si Nanay,” masayang pagbabalita niya rito. “Dito na kami nakatira.” “Nasabi nga sa akin ni Nanay na ikinasal uli si Tita Lara. Mayaman daw ang napangasawa ng nanay mo. Kukunin ko talaga ang address mo kay Jenny  para mabisita kita bago uli ako umalis. Maigi at nakita na kita rito.” Pinisil nito ang pisngi niya. “I’ve missed you.” Napangiti siya nang matamis. “Na-miss din kita. Kumusta ka na? Kumusta ang Amerika? Maganda ba ro’n? Nakakita ka na ng snow? Malamig ba talaga ro’n? Ikaw, ha? Hindi ka na sumusulat sa `kin. Bakit ka nga pala narito?” Tumawa ito nang marahan at ginulo ang kanyang buhok. Ganoon ito palagi tuwing magkasama sila noon. Ang sabi nga nito, parang mas kapatid siya nito kaysa kay Jenny—hyper ito—dahil mas magkasundo sila. Mas pareho ang mga hilig nila. Pareho silang masaya habang nasa isang sulok at nagbabasa ng libro habang ang kapatid nito ay hindi mapakali sa iisang lugar. Madalas nitong sabihin na dalaga na ang kapatid nito kaya hindi na nito ginugulo ang buhok ni Jenny. “Busy lang ako sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya hindi na ako gaanong nakakasulat. Saglit lang ako rito, babalik din agad ako sa Amerika. Kinulit lang ako ni Nanay na umuwi dahil miss na miss na niya ako. Maganda sa Amerika pero medyo malungkot kasi malayo ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Alam mo—” “Narito ka lang pala, akala ko kung saan ka na napadpad.” Bigla siyang napatingin sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Nang makita niyang palapit sa kanila si Pablo ay agad na naging eratiko ang t***k ng kanyang puso. Habang palapit ito ay mas lumalakas at mas bumibilis ang pintig niyon. Tila sasabog na ang kanyang dibdib anumang sandali. He was the most gorgeous man she had ever seen! Inililipad ng hangin ang buhok nito na kumawala sa pagkaka-ponytail. Hindi ito ngumingiti pero para sa kanya ay ito pa rin ang pinakamakisig na lalaking nakilala niya. Nakatulala lang siya rito hanggang sa makalapit ito sa kanila ni Ceferino. Kahit kapitbahay nila ito, hindi niya ito madalas na nakikita sa paligid. Dahil isa itong pintor, madalas itong nakakulong sa malaking bahay ng mga ito. Kahit gustuhin niyang puntahan ito, nahihiya siya. Hindi kasi masasabing magkaibigan sila. Kahit na ang Ate Blythe niya na kaibigan nito ay hindi nagpupunta sa bahay ng mga ito. Tinapik nito ang balikat ni Ceferino. Mas nawala yata sa ayos ang buong sistema niya nang sa wakas ay ngumiti ito. Hindi man ito sa kanya nakatingin, hindi man para sa kanya ang ngiting iyon, she was still mesmerized. “Iniwan mo na lang ako basta para makipagkilala sa neighbor ko?” tanong nito kay Ceferino. Sinulyapan siya nito at kinindatan. “Huwag kang magpapaniwala sa boladas nitong kaibigan ko, Lavender.” Tuluyan na yata siyang nawala sa sarili. Hindi nito nakalimutan ang pangalan niya! Hindi lang iyon, nakangiti ito sa kanya. Kinindatan pa siya nito! Ah, heaven! “`Tado, matagal ko nang kaibigan itong si Lavender. Nagkataong nakita ko siya rito. Magkakilala na pala kayo? Saan...” Hindi na niya nawawaan ang ibang mga sinabi ni Ceferino kay Pablo. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso. Wala siyang ibang nakikita kundi ang guwapong mukha ni Pablo. Wala na rin siyang pakialam kung mukha siyang lovesick nang mga sandaling iyon. Nahigit niya ang kanyang hininga nang balingan siya ni Pablo. Nabasa niya ang magkahalong pagkasuyo at kaaliwan sa mga mata nito. Pinisil nito ang ilong niya. “You’re so cute when you look at me like that,” tila wala sa loob na sabi nito. Pakiramdam niya ay nalaglag ang puso niya sa kinalalagyan niyon. Hindi na niya ito crush. In love na siya rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook