PINASALAMATAN ni Lavender ang kawaksi nina Pablo sa pagpapapasok nito sa kanya sa tahanan ng mga Munis. Kilala na siya nito dahil nakailang beses na siyang bumisita roon kasama ang ate at stepfather niya. Paboritong pintor ni Papa Simeon si Pablo at tuwing nais nitong magpagawa ng mga portrait ay si Pablo ang nilalapitan nito. Ayon sa Ate Blythe niya, hindi iyon ginagawa ni Pablo sa ibang tao. Malapit lang ang stepfather niya sa magkapatid na Munis kaya may ganoon itong pribilehiyo.
Walang pag-aalinlangang sinabi sa kanya ng kawaksi na nasa studio si Pablo. Doon ito karaniwang nagpipinta. Kanugnog ng studio ang silid nito. Alam na niya kung saan iyon dahil minsan ay sumama siya sa Papa Simeon niya upang tingnan ang mga bagong obra ni Pablo.
Tumango ang kawaksi nang sabihin niyang siya na ang bahalang umakyat sa studio ni Pablo. Tila antok na antok na ito kaya hinayaan na siya nito.
Excited na inakyat niya ang grand staircase. Maganda ang mansiyon ng Papa Simeon niya pero modernong-moderno ang arkitektura. Ang mansiyon nina Pablo ay may-kalumaan na ngunit naroon pa rin ang rangya at ganda. Ang mansiyon daw na iyon ang pinakamatagal na bahay sa area na iyon, ayon kay Papa Simeon. Maayos ang pagme-maintain niyon kaya matatag pa rin sa kabila ng panahon. Parang lumang palasyo iyon sa isang fairy tale.
Ngiting-ngiti siya habang naglalakad patungo sa studio ni Pablo. Masaya siya dahil masisilayan niya ito. Sapat nang regalo sa kaarawan niya ang matamis na ngiti nito.
Kakatok na sana siya sa pinto ng studio nito nang mapansin niyang bahagyang nakaawang iyon. Natigilan siya nang may naulinigan siyang kakaibang tunog mula sa loob. Ungol ba ang naririnig niya?
Sumilip siya sa pintuan. Wala siyang gaanong makita kaya maingat na itinulak niya ang pinto. Ano ba ang nangyayari kay Pablo? Ano ang mga ungol na iyon na palakas nang palakas? Hindi lang yata si Pablo ang nasa loob. Sino kaya ang kasama nito?
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung bakit napapaungol nang ganoon si Pablo. Hindi lang ito nag-iisa sa studio nito, may kasama itong babae. May kahalikan itong babae. Hindi lang basta naghahalikan ang mga ito. Magkadikit na magkadikit ang katawan ng mga ito habang nakasandal ang likod ng babae sa pader. Walang suot na pang-itaas si Pablo.
Hindik na hindik siya sa nakita niya. Tila siya binabangungot at hindi niya magawang gumising. Naeeskandalo siya sa mga naririnig at nakikita niya. Nang marinig niya ang tunog ng pagbaba ng zipper ay napahawak siya sa doorknob. Bumukas ang pinto at lumikha iyon ng ingay.
Agad na napalingon sa kanya si Pablo. Napatili siya at naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Wala na rin palang pang-itaas ang babaeng kaulayaw nito. Tila hindi alintana ng babae kahit nakabuyangyang ang malulusog na dibdib nito. Si Pablo ay nakababa ang zipper ng pantalon. Nasilip niya ang p*********i nito bago pa man niya natakpan ang kanyang mga mata.
Dinig na dinig niya ang malakas na t***k ng kanyang puso. Nais niyang bumuka na lang ang lupa nang mga sandaling iyon at lamunin siya nang buo. Hindi siya tanga upang hindi malaman ang ginagawa ng mga ito. Napapanood niya ang mga ganoon sa TV. Kabisado na rin niya ang human anatomy ng tao. Nakakita na siya ng male s*x organ sa reference books at documentaries ng human anatomy and physiology, s****l development, pregnancy, at kung ano-ano pa. c****s. s****l i*********e. Alam niya ang tungkol doon dahil nasa medical field siya.
Gayunman, iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng male s*x organ sa personal.
Ganoon pala ang hitsura sa personal. Parang ang laki naman. Paano magkakasya sa...
Marahas na ipinilig niya ang kanyang ulo nang ma-realize niya kung ano ang tinatakbo ng kanyang isip. Bakit ba iyon ang iniisip niya? Hindi ba dapat ay tumatakbo na siya palayo? Hindi iyong tila siya itinulos sa kinatatayuan niya at patuloy na nagdurusa sa kahihiyan.
Bakit ko ba naisipang puntahan ang lintik na prinsipeng ito? Kung ano-anong kahalayan tuloy ang nakita ko! Buwisit ka talaga, Pablo!
“Lavender? What are you doing here?” nagtatakang tanong ni Pablo.
Sa wakas ay nagawa niyang kumilos. Mabilis na tumalikod siya at tumakbo palayo.
“Lavender,” tawag nito.
“Shit.” She hissed. Nakasunod sa kanya si Pablo. Dahil mabigat at mahaba ang gown na suot niya, hindi niya gaanong mabilisan ang takbo niya. Kaagad itong nakahabol sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya at pinaharap siya rito. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito pinakawalan. Naiinis na sinuntok niya ang dibdib nito.
“Ano ba?”
Ngumisi ito. “Pulang-pula ang mukha at leeg mo. Bakit ka ba kasi napasugod dito? Nanilip ka pa. Nakakita ka tuloy ng hindi dapat makita ng nene na katulad mo.”
Sinuntok uli niya ang dibdib nito. Naluluha na siya. “Ibutones mo `yang pantalon mo at isara ang zipper. Nakabuyangyang `yang genitals mo! s**t ka, Pablo!”
Natatawang ginawa nito ang sinabi niya. Tila aliw na aliw talaga ito sa kanya. “Genitals? Hindi mo masabi sa ibang term? p***s. Magdodoktor ka, `di ba? Dapat ay maging kumportable ka na sa mga ganito.”
Hinampas uli niya ang dibdib nito. “I hate you! Sino `yong babaeng kalampungan mo? Mas inuna mo pa `yang s****l needs mo kaysa um-attend sa party ko. Puwede namang mamaya na `yan, ah! Nakakainis ka talaga! Paano mo `to nagawa sa `kin?”
Dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Masamang-masama ang loob niya rito. Hindi naman labis ang hinihingi niya rito. Hindi rin siya humihingi ng kahit anong espesyal na regalo. Ang gusto lang niya ay makita niya ito sa party niya, maisayaw siya nito kahit na ilang sandali lang.
Sumeryoso ito. “This is me, Lavender. I told you I’m not Prince Charming. Ayokong sumali sa fairy tale fantasy mo. Nakikita mo na ba ngayon ang pagkakaiba natin? You’re just a girl who still believes in ‘happily ever after.’ I’m a man with a healthy s****l appetite. I don’t believe in fairy tales, I’m practical and realistic. Iyong babae sa studio, she’s my girlfriend. She’s mature and game. Pareho kami ng pananaw sa buhay. She doesn’t believe in fairy tales anymore. She’s not a girl, she’s a woman.
“Go home. Cry and curse me to death. Then tomorrow, start anew. Madali lang `yon, Lav. Parang computer lang. Delete and restart. Everything will be all right.” Sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya at hinagkan ang kanyang mga labi. Sandali lang iyon ngunit banayad na banayad ang hagod ng mga labi nito sa mga labi niya. “Happy birthday, babe,” sabi nito nang pakawalan ang kanyang mga labi. Bago pa man siya makasagot ay tinalikuran na siya nito at naglakad na ito pabalik sa studio nito.
Nanghihinang napaupo siya. Tila sirang gripo ang mga mata niya. Hindi maampat ang kanyang mga luha. Mientras na pigilan niya ang mga iyon ay lalo siyang napapahagulhol.
Ang sama-sama mo, Pablo.
Tama ang stepsister niya; hindi si Pablo ang kanyang Prince Charming. Ngunit bakit naroon pa rin ito sa kanyang puso? Bakit mahal pa rin niya ito sa kabila ng mga nakita niya, sa kabila ng mga ipinakita at sinabi nito sa kanya?