Chapter 2

1054 Words
Isang linggo na kaming kasal ni Leila. Kasal na parang hindi naman nag-e-exists! Magkahiwalay kami ng higaan. Hindi kami masyadong nag-uusap.  Ni wala kaming honeymoon! Ano pa nga ba ang aasahan ko? In the first place, hindi naman kami nagmamahalan na dalawa! Sa papel lang kami kasal. Pero paano naman ako? Paano naman ang pangangailangan ko bilang lalaki? Hindi ako santo para hindi pagnasaan ang asawa ko. Lalo na sa tuwing nakikita ko siya o kaya nadidikit ako nang 'di sinasadya sa katawan niya ay parang gusto ko siyang yakapin at halikan! Bigla ang pagsilab ng matinding pagnanasa sa sistema ko. My lust for  her is betraying my righteous mind! Gusto kong panindigan ang respeto at ang pangako kong aalagaan ko siya. Pero, Tang-ina! Hindi ko yata kakayanin. Nakikipagtalo ako lagi sa aking sarili, asawa ko naman na siya. Karapatan niya dapat na ibigay ang pangangailangan ko bilang asawa! Tigang na tigang na ako dahil hindi ako puwedeng makipagkita sa ibang babae. Isa pa,wala sa kasunduan namin na walang mangyayari sa amin. Bakit pa kasi pinasok ko ang sitwasyong ito! Kasi, hanggang ngayon ay  hindi pa rin malinaw kung ano ang nagtulak  sa akin para  pumayag sa isang kasunduang pakasal kami ni Leila. Ngayong asawa ko siya! Nanggigigil akong hawakan siya, yakapin, halikan at higit pa roon! Shit! Nandito ako ngayon sa banyo. Nagmamaryang palad na naman ako. Makita ko ba naman siya na nakatapis lang ng tuwalya at katatapos lang maligo. Kung hindi ba naman kasi ako gago na bigla-bigla na lang pumapasok na hindi kumakatok. Ayun tuloy, nagkasala ang aking mata at imahinasyon. Kailangan ko na talagang gawin ang saraduhan ng kuwarto. Kung hindi ay magkakasala talaga ako. Shit! s**t!s**t! Tang-ina talaga. Isang linggo pa lang ito, nababaliw na ako sa pagpigil sa sarili ko. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" Mula sa labas, narinig kong tanong ni Leila. Napamura na naman ako sa sarili. Ano na naman? Hindi pa humupa ang nararamdaman kong libog eh! "Hindi pa, bakit ba?" sagot kong medyo may pagkairita sa tono habang lalong binibilisan ang pagmamaryang palad. "Gagamit sana ako ng banyo," sagot niyang nakapagpapapikit sa akin ng mariin. Biglang uminit ang ulo ko. Kumulo lalo ang dugo ko sa kanya. Eh kung hilain ko na lang siya at dalawa kaming gumamit nitong banyo! "Akala ko ba tapos ka na!"medyo singhal ko dahil hindi ko naman pwedeng gawin ang kademonyohan sa utak ko. "Magbibihis sana ako!" Napatampal ako sa noo. "Magbihis ka na riyan. Puwede naman ah!" Medyo galit na ako. Kasing galit ng alaga kong tigang. "Baka kasi bigla kang lumabas," mahina niyang sagot. Oo nga naman, pumasok nga ako bigla sa kuwarto na hindi kumakatok. Buti ang banyo safe dahil puwede niya i-lock. Napangisi ako. Naalala ko kasi ang itsura niya kanina noong napasukan ko siyang tuwalya lang ang nakabalabal sa kanyang katawan. Kalalabas lamang niya ng banyo at kasalukuyang naglalagay ng lotion sa paa. Nakataas ang isang paa sa upuan at naglalagay ng lotion. Sa gulat, kamuntikan pang mahulog ang tuwalya kung hindi niya naagapang hawakan. Iyon lang ay tumambad ang halos kalahati ng kanyang kaliwang dibdib.  Pulang pula ang kanyang mukha na napasigaw at napatakbo sa gilid, blind spot mula sa kinaroroonan ko. Napabuntong hininga ako. "Don't worry, matatagalan ako rito. Kailangan kong magpalabas ng init este maligo muna!" Hindi siya agad sumagot. "Okay, huwag kang lalabas ha!"bilin niya makalipas ang ilang sandali ng pananahimik. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Halata naman na natatakot siya sa akin. Alam kong magkaiba kami ng ugali ni Kuya. Kung si kuta ay soft, ako ay garapal ang ugali. Good boy si Kuya at ako ang bad boy. Pinadaloy ko ang malamig na tubig sa aking katawan. Unti-unti na ring huminahon ang aking pakiramdam kasama ng aking kaibigan sa baba. Natagalan ako sa paliligo kaya naman talagang late kami sa papunta sa simbahan. Hindi ako palasimbang tao. Pero naging maka-Diyos yata ako simula noong dumating siya. Kailangan ko kasi siyang samahan. Para maipakita na maayos ang pagsasama naming dalawa. Hikab ako nang hikab kahit hindi naman inaantok. Napapatuwid na lang ako ng upo sa tuwing susulyap siya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pagkaabala ko sa mga sulyap niyang iyon. Apektado pa rin ako ng mga mata niyang hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin. May kung anong damdamin ang puso ko sa tuwing matititigan ko ang mga mga ni Leila. Mga matang nangungusap. Buti na lang at nagsimula na ang panalangin ng pastor. May pagkakataon akong titigan siya na hindi niya nahahalata. O walang matang nagmamasid habang abala ang mga mata ko sa kanyang mukha. Hindi kami close noong kasintahan siya ni Kuya. Hindi ko siya pinapansin kapag dinadala siya ni Kuya sa bahay. May kakaiba akong nararamdaman sa tuwing  napapalapit ako sa kanya. At hindi ko iyon matanto kung ano kaya umiiwas na lamang ako. Kinakausap ko siya kapag kinakausap niya ako pero hanggang ganoon lang ang interaksyon namin. Hindi gaya ng ibang naging kasintahan ni kuya na naloloko ko pa at naaayang makipagkulitan sa akin. Matagal silang magkasintahan ni kuya Erickson. College pa lang sila, third year si kuya at firts year naman si Leila noong naging sila. Noong magkatrabaho si kuya ay sinuportahan niya si Leila sa pag-aaral nito. Working student si Leila pero halos hindi sapat ang kinikita niya lalo na noong tumuntong ito sa third year sa dami ng projects at fieldtrip. Dahil isang taon lang ang agwat sa akin ni Leila.  Nagkikita kami lagi sa iskwelahan pero hindi nagpapansinan. Nakikita niya rin ako na napapabarkada, nag-iinom at naninigarilyo. Akala ko nga noon isusumbong niya ako sa kuya ko. Pero hindi naman niya ginawa. Kaya naisip ko na wala talaga siyang pakialam sa akin at sa mga kabulastugan ko. Hanggang sa nakatapos si Leila sa tulong ni Kuya. Noong magka-oportunidad na makarating sa Canada si Leila, plinano na nila ang makasal upang madala na rin si kuya pagkatapos ng dalawang taon. Napakarami nilang planong dalawa para sa kanila at kasama na kami roon nila Mama at Papa. Dalawang taon na nagtiis silang dalawa para lamang wakasan ng isang trahedya! Ang pagmamahalan at matagal nilang paghihintay na makapiling ang isa't isa, ninakaw lang ng aksidenteng mahirap kalimutan ng lahat. Na siyang nag-udyok ng lahat sa pangyayaring ito. Ang maging asawa ko ang asawa ng kuya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD