Chapter 3

1194 Words
"Kayo na ang bahala rito, Nathan. Bukas ng umaga na siguro kami makakauwi ng Papa mo," bilin ni mama habang nag-eempake ng ilang damit sa bag. Alas singko ng umaga iyon at pupunta sila ng Nueva Ecija para makipaglibing sa kamag-anak ni Papa. Gusto sana naming sumama pero hindi raw magandang ideya iyon ayon kay Mama. Mahirap na raw at baka pagtsismisan pa kami ng mga kamag-anak ni papa roon. Lalong-lalo na si Leila. Hindi kasi maganda ang relasiyon namin sa side ni papa. "Uuwi naman kami agad. Hindi rin naman kami makakatagal doon dahil sa mga negang kamag-anak ng iyong ama. Kung hindi lang napakabait ni Susan ay hindi kami pupunta sa libing ng kanyang asawa," mahabang litanya ni mama. Napairap pa ito sa aking ama na kasalukuyang nakatayo sa malapit. Napasulyap ako kay Leila na nakamasid lang sa gilid at tahimik. "Tara na't baka abutan tayo ng ulan. May bagyo pa naman yata ngayon," ika ni Papa na nagmamadali nang kinuha ang bag kay mama. "Kuh! Natakot ka na agad, hindi ba't sabi ay sa Maynila ang tama ng mata. Tamaan man tayo rito ay pahapyaw lamang," saad naman ni mama na nakasunod na kay Papa sa sasakyan. Nakasunod din kami ni Leila kila mama. "Ingat kayo, Ma." Nagkatinginan kami ni Leila nang sabay kaming magsalita. Tipid lang siyang ngumiti sa akin at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa aking katawan. Mukhang kailangan ko ng maraming pagtitimpi at pagpipigil nito. Lalo na at kami lang na dalawa ngayon sa bahay. Nakaalis na sila Mama. Nasa kusina si Leila at nagluluto. Ako naman ay nanonood lang at nagse-cellphone habang prenteng nakaupo sa pandalawahang sofa. Napakatahimik ng buong bahay. Napanguso akong tumingin sa labas. Nagsimula na kasing umulan at may kasama pang hangin. Kaya siguro hindi na pumarito ang mga pamangkin kong yagit. Mga kalaro sila ni Leila, mahilig kasi siya sa mga bata. Wala naman sinabing signal ng bagyo ang bayan ng Santa Lucia pero siguro ay damay pa rin naman kami talaga. Napalingon ako sa kanya noong lumabas siya galing kusina dala na ang nasandok na ulam at kanin. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya habang nilalapag ang pagkain sa mesa. "Kain na tayo," yaya niya at naunang umupo. Agad naman akong tumalima pero nilipat ko muna ang istasyon ng TV sa paborito niyang panoorin sa tanghali. Nilakasan ko ang volume nito. Awkward kasi dahil wala kaming mapag-usapan. Nakakabingi ang katahimikan sa aming dalawa. Naupo ako sa harap niya, hindi katulad noong nandito sina Mama na sa tabi niya ako umuupo. Hindi ako nakaimik noong sandukan niya ako ng kanin at ulam. Kaya ko naman pero nasanay siguro siya lalo na at araw-araw na ganoon ang ginagawa niya sa tuwing kami ay kumakain. Pinagsisilbihan niya ako kahit hindi naman dapat. Nagpasalamat ako noong ilapag niya ang pagkain sa harap ko. Tipid lamang siyang ngumiti pagkatapos. Tahimik din siyang nagsandok at kumain na. Pareho kaming tahimik habang kumakain. Tanging kalansing lang ng kubyertos at pinggan ang maririnig. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang siya ay abala naman sa panoood. Nakakatuwa nga dahil tumatawa siya mag-isa kapag nakakatawa ang eksena ng mga host sa programa. Hindi ako natatawa dahil hindi naman ako interesado roon. Nasamid lang ako nang biglang bumaling ang kanyang tingin sa akin. Agad siyang nagsalin ng tubig sa baso at iniabot iyon. Agad kong kinuha at nilagok ang tubig. "Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Bigla ay parang may naglalandiang paru-paro sa aking tiyan. "Okay lang." Pinilit kong ngumiti kahit pa parang may nakabara pa sa aking lalamunan. Muli akong uminom ng tubig. "Siya nga pala, pupunta ako sa palengke ngayon. Bibili na ako ng stock sa ref. Baka kasi lumakas lalo ang ulan bukas mahirap kapag mawalan tayo ng kakainin." Tumango ako sa sinabi niya. Ngunit parang may multo ng lungkot ang itsura niya sa pagsang-ayon kong iyon. Nakonsensiya tuloy ako. Naisip kong gusto niya sigurong magpasama. "Sasamahan na kita," wala sa sariling saad ko habang nagpatuloy na sa pagkain. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tugon niya at umaliwalas ang hilatsa ng mukha. "Oh sige magbibihis lang ako at ililista ang mga kailangan." Agad siyang tumalima para magligpit ng pinagkainan namin. Napailing na lamang ako at pinigilan siya sa kamay. Napapitlag nga lamang siya dahil sa pagkakahawak ko sa kanya. Ako man ay biglang napaatras. Hindi ko inaasahan ang biglang pagsikdo ng puso ko sa kaunting pagdaiti ng aming mga balat. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Tumikhim ako para alisin ang tila nakabara sa aking lalamunan. "Ako na, mag-ready ka na. Medyo tumila ang ulan kaya makakapag-motor pa tayo," utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Ni hindi ako tinapunan ng tingin. Para siyang napaso sa ginawa ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapagalaw ang panga dahil sa pagkadismaya. Alas dose pa lang naman kaya may mabibili pa kami sa palengke. Natapos na ako sa paghuhugas at nag-ready na rin ako noong mag-ring ang cellphone ko. "Hello, Tom? Ano na?" Ini-loudspeak ko ang aking cellphone dahil nagsisintas ako ng sapatos at ibinaba iyon sa mesa. "Brad, halika na rito. Nandito na ang buong barkada, inuman na. Masarap uminom kapag ganito ang panahon," yaya niya, halata na sa boses na may tama na siya ng alak. Sasagutin ko na sana siya noong sumilip si Leila. Narinig niya siguro na may kausap ako. Agad kong ini-off ang loudspeaker. "O, sige ba. Hintayin ninyo ako. Sige bye. Maghahanda pa ako." Pinatay ko na ang tawag at tinignan ang nakatayo ng babae sa harapan ko. "M-May pupuntahan ka?" nauutal pa niyang tanong. Napalunok ako at hindi agad nakasagot sa nahimigang lungkot sa boses niya. Bakit ba apektadong-apektado ako ng kalungkutang ipinapakita niya? Bakit parang pakiramdam ko may mali akong ginagawa? Bakit ba parang nagi-guilty ako na iiwanan siya at pupunta sa barkada ko? "Kung may pupuntahan ka, ako na lang mag-isang mamalengke," malungkot pa rin niyang saad at kinuha na ang basket. Nag-umpisa nang maglakad papunta sa labas. Hinabol ko siya at hinablot ang basket na hawak niya. Grabe magtampo. Nag-walk-out ang asawa ko! Asawa? Naipilig ko ang ulo ko sa naisip. "Sasamahan na muna kita bago ako pumunta kila Tom," saad ko pero hindi niya ako pinansin. Kaya pinigilan ko na rin siya sa kamay, dahilan ng pagkakapatda niya sa kinatatayuan at hindi pagkakakilos. Wala siyang nagawa noong sinuotan ko siya ng helmet at inilagay sa harap ang basket na dala niya. Sumampa na ako sa motor samantalang nanatiling nakatayo lamang siya. "Sakay na. Mamalengke muna tayo. Wala kang alam sa pagbili ng fresh na karne kaya sasamahan kita," untag ko. Napanguso siya at parang batang nagmamaktol na sumampa sa motor. "Kumapit ka. Baka ka mahulog," paalala ko. Pero parang ako naman ang nahulog noong lumapat ang kamay niya sa beywang ko at mahigpit na yumakap doon. Bigla ang panlalamig ng mga kamay ko at ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Siyete, bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nakakaramdam ng ganitong damdamin? Sa totoo lang hindi ko matanto kung nagugustuhan ko ba itong sumisibol na damdamin sa loob ko. "First time ko sumakay ng motor kaya huwag ka sana mabilis magpatakbo," pakiusap niyang nagpangisi sa akin ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD