Chapter VII: 《"ENJOYABLE"》

2620 Words
Nandito na kami sa loob ng mall. Papunta na kami sa lemon store para bumili ng mga pagkain at gamit para bukas. Kumuha kami ng tatlong basket na di tulak na may gulong. Hawak ko ang isang basket tapos yung dalawang basket naman ay hawak ni Shine at Frank. "So... ano una nating kukunin?" Wikang tanong ni Shine habang tinutulak namin ang basket. Nagplano-plano kami na maghihiwalay na muna kami. "Ganito nalang para mas mabilis..." wika ni Shine. "Frank? Ibigay mo kay Lucas yang basket mo" sabi ni Shine. "Ganito hah?! By partners nalang para mas mabilis..." "Kayong dalawa.. Frank and Tom kayo mag partners ang kukunin niyo mga snacks" paliwanag ni Shine sabay turo sa amin. Hinila ako ni Shine papunta kay Frank. Halos! Muntik na kaming matumba ni Frank dahil sa lakas ng hila ni Shine. Nako ito talagang babaeng to! "Dahan ka naman Shine!" Padabog kong sabi kay Shine. "Ayyyy!! Malakas ba?! Hahaha! Sorry beh!" Sabay peace. Wag mo akong beh! Beh! Muntik na nga kaming matumba. Muhkang sinadya niya pero pinabayaan ko nalang ganyan talaga yan. "Tapos dalawa naman kayo ng kambal mo Lucas.. ang bibilhin niyo ay mga frozen foods.. maliwanag!" Paliwanag ni Shine. Pupunta na sana kami sa aming parte kaso napaisip ako. Eh lima lang kami pano magkakaroon ng partner si Shine. "Magisa nalang ako... tutal! Mga gamit  lang naman ang kukunin ko" paliwanag ni Shine. Ok! Pumunta na kami sa aming mga parte. Kasama ko ngayon si Frank. Naglalakad kami ngayon papunta sa lagayan ng snacks. Hindi kami nagpapansinan. Patuloy parin kaming naglalakad pupunta don. Maya-maya pinansin niya ako. "Tom? Akin na yang basket.. ako na humawak" pahinhin niyang sabi. "Heto" Ibinigay ko na sa kanya ang basket. Nandito na kami ngayon sa lagayan ng snacks. Kumuha ako ng tig-iisa sa bawat snacks tulad ng piattos, chippy, at iba pa. Masyadong mataas yung mga ibang snacks. Pilit kong inaabot yung snacks.. di kinalaunan biglang may kumaha. Humarap ako... Si Frank pala yung kumuha nong snacks. Napatigil ako at hindi ako nakapagsalita.. magkaharap kami. Nagsitinginan sa amin yung mga tao. "Magjowa ba sila?~" "Diba siya kanina yung kasama ni Bright" "Grabe naman siya... cheater" Sabisabi ng mga tao na nakatingin sa amin. "Ahhhh... salamat" pahinhin kong salita tapos umalis agad ako sa harapan ni Frank. Grabe naman sila.. kala ata nila magjowa kami ni Bright. Eh! Hindi pa nga siya nanliligaw sa akin! Hayyyyst! Mga kabataan talaga ngayon! Maissue kayo.. Inilagay na ni Frank yung mga snacks Sa basket. Hindi ko nalang pinansin ang mga nagiissue sa amin. Medyo marami yung snacks baka hindi namin maubos kapag pupunuin namin yung basket. "Ano Frank? Marami na ata toh?" tugon ko sa kanya. "Ewan ko? Ikaw bahala" Tinawagan ko si Shine. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Ringing... "Hello Shine?" "Oh? Bakit?" "Tapos na kaming kumuha ng snacks" tugon ko sa kabilang linya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa counter habang tinutulak ni Frank yung basket. "Oh sigi sigi! Malapit narin akong matapos kita tayo sa counter.. tatawagan kolang si Lucas kong tapos na rin sila" wika ni Shine mula sa telepono. Binaba kona yung linya habang naglalakad kami papunta sa counter. Nakita ko yung lalagyan ng mga cup noodles. Huminto ako para kumuha. "Wait lang Frank?! Kukuha lang ako ng Cup noodles" sabi ko kay Frank at huminto siya. Kumuha ako ng sampong cup noodles. Pagkatapos inilagay ko ito sa basket. Tuloy na kaming naglakad papunta sa counter. Pagdating namin don.. nakita ko Si Lucas at Lance na nakapila sa counter 5 lumapit kami ni Frank. "Frank? Don tayo kina Lucas at Lance... naka pila na sila" sabi ko kay Frank sabay turo. "Ohhh sige" Papunta na kami sa counter 5. Natingin sa amin ang tao na nakapila kada counter. Hindi ko sila pinansin habang si Frank naman ay tahimik lang. Pagdating namin don. Pumila na kami. Magkasunod lang kami ni Lucas at Lance. Tinapik ko si Lance sa likod. Tapos humarap siya sa akin. "Oh? Andyan na pala kayo?" Sabi ni Lance. Halos kararating din nila sa counter. Napansin kami ni Lucas. "Oh? Andito na pala kayo.. asan naba si Shine?" Wika at tanong ni Lucas. "Di ko alam? sabi niya malapit nadaw siyang matapos" paliwanag at sagot ko kay Lucas. Habang naguusap kami ni Lucas. Andyan na si Shine. Sumunod siya sa amin ni Frank. "Oohhh? Bakit ngayon kalang?" Tanong ko kay Shine "May hinanap ako na gamit... kaya natagalan ako" paliwanag ni Shine. Makalipas ang ilang minuto. Nabayaran nanamin lahat. Iniwan mo nanamin yung mga binili namin sa store babalikan namin mamaya. "Shopping mo na tayo ng damit? tutal may natira pang 2k yung ibinigay ni tito" wika ko sa kanila. "Gameeeee!" Pasayang salita ni Shine. Papunta kami ngayon sa penshoppe. Para bumili ng damit namin para bukas. "Dapat magkakapareho tayo ng damit bukas" tugon ni Shine habang naglalakad kami. Sumang-ayon kami lahat. Papasok na kami ngayon sa penshoppe. Grabe ang daming tao. Nagsale kasi sila kaya ang daming bumili. Naghanap kami ng stripe na t-shirt. Tinignan at kinuha ni Shine ang mga t-shirts. "Heto maganda to kulay asul at puti tapos may nakasulat na qoute" sabi ni Shine habang isinukat niya sa kanyang katawan. Nagikot-ikot ako baka may mas makita akong better kaysa sa nakita ni Shine May nakita akong t-shirt.. ang ganda ng kulay parang pinag halong white and brown. Parang kulay ng kape. Kinuha ko siya at isinukat ko. "What if ito?" Sabi ko sa kanila sabay patingin sa kanila. "Wow! Ang ganda ng kulay para siyang kulay kape" pahangang salita ni Lucas. "Mas maganda parin tong sakin! asul at puti na stripe" pasungit na salita ni Shine tapos sabay labas ng dila. "Magbotohan nalang tayo? Gusto niyo?" Nagbotohan kami kong ano ang pipiliin naming damit para bukas... yung nasa akin bah? Or yung nasa kay Shine? "Ikaw Lucas? Ano gusto mo? Itong sakin? or yung nasa kay Tom?" Tanong ni Shine kay Lucas "Syempre yung kay Tom! Bet ko yung kulay niya gurl!" Sagot ni Lucas sabay lumapit sa akin. Sunod ko namang tinanong si Lance... "Ikaw lang Lance? Ano gusto mo?" "Mmmmm?? Gusto ko yung..... kay Shine kase mahilig kase ako sa stripe" Sagot ni Lance. Aba! maganda ang laban parehas kaming 1 point.. tinanong ni Shine si Frank. "Frank? Ikaw ano mas maganda?" "Mmmm?? Di ako makapili.. maganda naman silang dalawa?" Pahinhin na  sagot ni Frank sabay kamot sa buhok. Walang mapili si Frank.. nagdesisyon nalang kami na dalawa nalang ang kukunin namin. Hayyssst! "Itong dalawa nalang kukunin natin para walang tampuhan?" Tugon ko sa kanila. Sumang-ayon silang lahat... tinignan ko yung presyo ng t-shirt. Baleh?! Dati 499 siya pero naging 249 nalang siya kase nag sale sila ng 50%. Buti nalang nag sale sila kulang sana pambayad namin. Tinignan ko rin yung presyo nong nasa kay Shine mas mura siya kaysa yung akin. Yung nasa kay Shine 199. Tinawag ni Shine yung sales lady. At kinuha niya yung haaak kong damit. "Akin nayan Tom" sabay abot sa kanya. "Ate?! Dito po!" Sigaw ni Shine sa sales lady. Lumapit yung sales lady. "May stock pa po kayong ganito?" Tanong ni Shine. "Ah... meron po wait lang po?" Sagot ng sales lady. "Ma'am? Ilan pong ganito?" Tanong ng sales lady. "Baleh?tig lilima silang dalawa ate" "Iisang size po ba?" Tanong ulit ng sales lady. "Ahhhh... apat pong medium at isang large" sagot ni Shine. "Ma'am? Hintayin niyo nalang ako po ako dito" Umalis na yung sales lady. Napatanong ako kong sino yung iyang large. "Sinong large ang size saten?!" Pabigla kong tanong kay Shine. "Hindi paba halata?" Padabog na sagot ni Shine sabay turo kay Sobrang natawa ako sa sagot ni Shine. "Hahahaha!" Medyo mataba kase si Shine kaya large ang size niya hahaha! Maya-maya andyan na yung sales lady. "Ma'am heto na po, thank you ma'am and sir!" Wika at pasalamat ng sales lady. "Thank you din po!" Ibinigay kona kay Shine yung pera. Lumabas na kaming apat maliban kay Shine. Pumunta na si Shine sa counter para bayaran yung mga damit. Medyo matatagalan siya kase ang daming pila. Umupo muna kami habang hinihintay namin si Shine. Biglang tumunog yung phone ko. Mother is calling... Tumatawag si mama... Mahina ang signal sa loob kaya lumabas muna ako... "Guys labas mona ako... kakausapin ko lang si mama" paalam ko sa kanila. "Hellow mah?" Wika ko kay mama habang naglalakad ako papunta sa labas. "Hellow nak? Naka empake na ako ng gamit mo para bukas" tugon ni mama sa kabilang linya. "Ganon po ba? Salamat po!" Nagtanong si mama kong nasaan ako. "Nasan kah nak?" "Nandito po kami sa mall?!" Sagot ko "Bakit kayo nasa mall?!" Pabiglang tanong ni mama. "Wala po kase kaming klase... kaya pumunta kami dito sa mall para bumili ng kakailanganin namin para bukas... nakisabay po kami kanina kay tito chimon" paliwanag ko kay mama. "Ahhh... ganon ba? Ohh sige na anak magluluto pa ako! Byee magingat kayo!" Wikang paalam ni mama. Binaba na ni mama yujg linya at pumunta agad ako sa loob. Padating ko sa loob saktong nabayaran nani Shine yung mga damit. "Ohh? San ka pumunta?" Tanong ni Shine. "Ahhh... lumabas ako kase tumawag si mama.. mahina kasi signal dito sa loob" Sagot ko kay Shine. Bumalik kami sa lemons store para kunin yung mga binili namin kanina. Naglalakad kami ngayon papunta don. Meron kaming problema! Kung pano kami uuwi ngayon?! Makalipas ang ilang minuto nakarating narin kami. Pagdating namin don. Nandon si Bright kasama niya yung kapatid niyang lalake na nagngangalang Benji.  Di ko akalain na makikita ko siya don. Nandon lang kanina sa infinitea kasama niya yung slapsoil na babae tapos nandito nanaman siya. Ano kayang ginagawa niya dito? Oversized ang kanyang damit tapos naka casual pants siya na naka sandal na kulay black. Nakatingin ako kay Bright habang kinukuha namin yung mga groceries. Napansin ako ni Shine na nakatingin sa iba. "Huyyy!!!" Pagulat ni Shine. "Anong tinititigan mo hah?!" Pagualt niyang tanong. "Ahhh? wala... wala... hindi pa ba tayo uuwin?" Palusot kong sagot at tanong. Tinignan ni Shine kong saan naka derekta yung mata ko kanina... buti nalang hindi niya nakita si Bright. Lumabas na kami ng mall habang bitbit namin yung mga binili namin. Hinatid kami ni kuya sa labas habang tinutulak niya yung basket na may lamang groceries. Nandito na akmi ngayon sa labas. Binaba na ni kuya yung mga groceries namin. "Salamat po!" Pasalamat namin kay kuya. Umalis na yung lalake na naghatid nong mga groceries namin. "So? Ano sasakyan natin? Hahaha!" Patawang tanong ni shine. "Magtutunga nalang tayo dito?!" Patawang sagot naman ni Lucas. Problema namin ngayon ang sasakyan! Nakooooo! Pano kami uuwi ngayon hahaha! Nakaupo kami ngayon dito sa harap ng mall habang naghihitay ng sasakyan. "Alam kona! Sinong may load!" Pagulat at tanong ni Shine. "Ako! Tignan mo kong meron pang natira?!"  Padabog na sagot ni Lucas. Ibinigay ni Lucas yung phone niya kay Shine. Tinawagan ni Shine yung tito niya. Ringing... Di sinasagot ng tito niya. Cannot be reached... please try again~~~ Inulit ni Shine na tawagan yung tito niya. "Tito! Sagultin mo naman!" Di mapakali si Shine. Nanggigil siya dahil di sinasagot ng tito niya ang tawag niya. Biglang sumagot yung tito niya. "Hellow?" "Hellow tito?! Si Shine po to!" "Sinong Shine?!" Tanong ng tito niya. "Si Ekang po to!" Padabog na salita ni Shine. Napatingin kami kay Shine dahil sa sinabi niya. Ekang pala ang palayaw mo hah! Lagot ka sakin ngayon! Tumawa kaming lahat dahil sa palayaw ni Shine. Ang ganda ng pangalan tapos "Ekang" palayaw niya hahaha! Yari ka sakin ngayon ekang! "Oh! bakit ka napatawag?" Tanong ng tito niya. "Tito pwede niyo po ba kaming sunduin dito sa mall? Dito sa tabi ng pagawaan ng damit" sagot ni Shine "Oh! Sige sige siba ba kasama mo?" Tanong ulit ng tito niya. "Kasama ko po barkada ko... bale lima po kami" sagot ni Shine. "Oh sige.. sige andyan na... hintayin niyo lamg ako diyan!" Paalam ng tito niya. Binaba na ni Shine yung Phone. Pagtingin niya sa min nakatingin kami lahat sa kanya. Nagtaka siya kong bakit kami napatingin tapos bigal kami tumawa. "Hahahahahahah!" "Oh bakit? Ano nakakatuwa don?!" Padabog na tanong ni Shine. Hindi namin sinagot yung tanong niya tuloy parin kaming tumatawa. Ibinalik na ni Shine phone ni Lucas. Naiinis si Shine dahil sa tawa namin. "Ekang!" Asar ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Magkalapit ang kanyang mga kilay para siyang daig pa ang leon kong makatingi sa akin. Lumapit siya sa akin at hinampas niya yung siko ko. "Anong problema mo sa palayaw ko hah?!" Pagalit niyang salita. "Bakit?! Ano bang mali sa palayaw mong ekang?!" Patawa kong sabi sa kanya. "Ahhhhh! Kaya pala tumawa kayo kanina!" Wika niya sa amin. Tumawa kaming lahat maliban kay Shine. "HAHAHAHAHA!" Nagtampo si Shine. Tumalikod siya sa amin. Lumapit ako sa kanya. "Wag kanang mag tampo beh!" Palambing ko kay Shine. Nakasimangot parin siya. Sumunod namang lumapit sina Lucas,Lance, at Frank. Kiniliti namin siya sa tagiliran. unti-unti siyan ngumingiti. Nakikiliti siya. "TAMA NA! NAKIKILITI NA AKO!" Iniisa-isa niya kami hinampas. Hahampasin niya sana ako kaso biglang may nagbusinang kotse. Tumingin kami sa kalsada. Pagtingin namin yung tito ni Shine. Bumaba yung tito ni Shine. At lumapit sa amin. "Karga niyo bah lahat yan?" Tanong ng tito ni Shine. "Oo tito" sagot ni Shine. Tinulungan kaming magbitbit yung tito ni Shine. Papunta na kami ngayon sa kotse habang bitbit ang mga binili namin. Tumingin ako sa harap ng mall kong lumabas na ba si Bright. Pero hindi pa siya lumabas hanggang ngayon?! Pabayaan mo na nga! Nandito na kami ngayon sa kotse. Sa likod ako umupo tapos katabi ko si Frank tapos sunod naman si Lucas at Lance. Buti nalang walang mataba sa aming apat sa likod hindi sana kami kakasiya. Si Shine naman ay nasa harap katabi ng tito niya. Pinaandar na ng tito ni Shine yung kotse. Saktong lumabas si Bright kasama niya yung kapatid niyang lalake nong umalis na kami. Sayang hindi ko siya naabutan! Hinatid kami isa-isa. "So? Sino sa inyo mauunang ihatid?" Tanong ni Shine sa amin sa likod. "Kami muna! Tutal malapit lang naman dito yung bahay namin" Wika ni Lucas. Si Lucas at Lance ang una naming inihatid. "San ba bahay niyo?" Tanong ulit ni Shine. "Diyan lang... sa barangay cambalan!" Sagot ni Lance. "Hahahaha! Siguro maraming kambal sa inyo" pabirong wika ng driver. Tumawa kaming lahat sa joke ng driver.  "Hahahahaha!" Nakalipas ang ilang minuto naming paglalakbay naihatid nanamin si Lucas at Lance. Kami nalang ni Frank ang nasa likod. "Sino sa inyo ang susunod?" Tanong ni Shine. "Siya nalang!" "Siya nalang!" Sabay kaming nasumagot sa tanong ni Shine. "Ehem?! Alam niyo ang sweet niyo diyan sa likod!" Pabirong wika ni Shine. Hindi kami nagsalita ni Frank. "Bakit di nalang kayo magjowa!" Pabirong wika ulit ni Shine. Hindi ako nagreact sa biro ni Shine. Napatingin nalang ako sa labas. "So? Sino ba talaga sa inyo?" Tanong ni Shine. "Ako nalang" sagot ko kay Shine. "Ok?! Itong mga gamit natin para bukas ako nalang magtatago" wika ni Shine. "Sige" Ako na ang susunod na ihahatid nila. "San ka namin ihahatid Tom? Sa bahay niyo or sa condo mo?" Tanong ni Shine. "Sa bahay namin.. baka kase may mga bagay pa na hindi naimpake ni mama" sagot ko at paliwanag ko kay Shine. "San bah bahay niyo?" "Sa barangay tres, sitio rizal" "Ok" Inihatid na ako sa bahay namin. 6:00 na ng gabi. Makalipas ang ilang minuto. Nakarating na kami sa bahay namin. Pagdating namin dun nasa labas si mama. "Ahhh tuloy na ako Frank?" Pahinhin kong wika kay Frank. "Ohh.. sige sige" "Thank you shine!" "Thank you tito!" "Sige... thank you din!" Bumaba na ako ng kotse. "Hi tita!" Sigaw ni Shine kay mama sabay kaway. "Uyyyy! Hellooww!" Sigaw ni mama sabay kaway. "Alis na po kami tita!" Sigaw ni Shine kay mama. "Sigeeeee salamattt!!" Sigaw rin ni mama. At nagsigawan pa talaga sila ni mama?! Hayyy!!!! Umalis na sila habang ako naman ay papasok sa bahay. Nagmano ako kay mama. "Mano po mah!" "Si Shine ba yun?!" Tanong ni mama. "Opo mah, siya po yung kumausap sayo kanina" Sagot ko kay mama. "Ayyyy! ang ganda niya anak!" Wika ni mama. "Sige na po mah, pagod po ako punta na ako sa kuarto ko" sabi ko kay mama habang naglalakad ako papunta sa kuarto. Himiga agad ako sa kama. Di na ako nag palit ng damit. Di narin ako kumain parang busog palang ako kaya natulog na ako. Next Chapter...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD