Naka upo kami ngayon dito sa loob ng foodcourt. Magkatabi kami ni Frank habang sina Lucas at Lance ay nasa harapan namin. Tapos si Shine naman ay nasa center. Hinihintay namin yung order naming pagkain.
Bigla akong napatanong sa kanila.
"Btw, bakit ang daming tao dito sa school? Ano bang ganap?"
"Di rin namin alam eh" sagot ni Shine.
"Teka, wait lang magtatanong ako"
Nagtanong-tanong si Shine kong anong ganap sa school.
"Hello po? Alam niyo po ba kong anong ganap sa school?" Tanong ni Shine sa isang babae.
"Meron po kaseng seminar ng mga IT students" sagot nong babae.
"Ahhh... sige po samalat"
Kaya pala ang daming tao may seminar pala. Akala ko may birthday.
Maya-maya dumating na yong order namin.
"Limang lomi po?" Tanong nong waiter.
Napatulala ako sa waiter pati rin si Lucas at Lance. Grabe ang gwapo ng waiter tapos ang laki pa ng katawan.
"Opo, dito po" sagot ni Shine.
Inilagay na ng waiter yung pagkain sa lamesa. Kong pwede lang orderin si kuya baka siya na yong umagahan ko hahaha. Napaka landi ko naman hayyystt!
"Anong oras na?" tanong ko sa kanila.
"Eh 8:30 magsisimula klase natin"
"Anoo? 8:30? Hindi ba 9:30?" Padabog na salita ni Shine.
"Oo nga... 9:30 naka sulat sa notebook ko" wika ni Lucas.
Nagpipilitan kaming tatlo. Habang si Frank naman ay nanahimik hanggang kanina. Tapos biglang siyang nagsalita.
"10:00 ang klase natin..." Wika ni Frank.
Napatigil kami sa pagsasalita. Nagulat rin kami sa kanya. Bakit alam niya yung time ng klase namin. Di ko alam kong sino ba ang totoo sa amin?
"Pano mo naman nasabing 10:00 ang klase natin?" Tanong ni Shine.
"Tinanong ko na kanina si ma'am habang papunta palang ako dito sa school" sagot niya kay Shine.
"Akala ko 9:30? Hahaha!"
Confirmed talaga na 10:00 ang klase namin sabi ni Frank.
"Guys.... lumalamig na yung pagkain" wika ni Lance.
Pagkatapos ng pangyayating iyon. Kumain na kami.
9:30 na 30 minutes nalang magsisimula na ang klase namin.
Naglalakad kami ngayon papunta sa room namin. Grabe ang sarap nong lomi nila don. Sobrang nabusog kami.
"Ang sarap nong lomi nila no?" Tugon ni Shine.
"Oo nga... pati rin yong waiter! Hahahah!" Wika ni Lucas.
Tumawa ang lahat sa sinabi ni Lucas.
"Hahaha... ikaw talaga basta gwapo! hahaha" patawang salita ni Shine.
Malamit na kami sa room namin.
Makalipas ng limang minuto nakarating narin kami sa room. Grabe ang daming tao sa gym namin.
Pumunta na kami sa upuan namin.
"Huyy! Anyan na si ma'am!" Padabog ng presidente sa room.
Nagsitigil ang lahat. Mukhang masaya ngayon ang propesor namin. Dati ang sungit niya pagpapasok palang sa room namin.
"Ok class i have a good news for you"
"Magkakaroon kayo ng 1 week vacation starting bukas... magbabakasyon lang kayo pagnaipasa niya ang mga requirements niyo" salita ng propesor.
Nagsigawan ang buong klase.
"Wuuuhhh yessss!"
Kita ang ngiti ng mga classmates ko. Tanong ko sa sarili ko saan kaya akk mag babakasyon? Debale nalang sa bahay nalang ako.
"Uyyyy Tom saan mo balak magbakasyon?" Tanong ng classmate kong babae.
"Ahhh... di ko alam" sagot ko sa kanya.
Buti pa sila magbabakasyon ng malayo.
"Ok class thats all for today... goodbye and enjoy your vacation" wika ng propesor namin.
Nagpaalam na ang propesor namin. Di kinalaunan nagsalita si Lucas.
"Guysss saan tayo magbabakasyon?"
Tanong niya.
"Di ko alam sa inyo" tugon ko
"Alam ko na guys... sa beach resort namin sa probinsiya" padabog na salita ni Shine
"Wag na kayong magalala sa entrance fee at hotel sagot ko na yun"
"Ano? Game?"
"Game!"
Sumang-ayon silang lahat maliban sakin.
"Ano Tom? Game?" Tugon nila sakin.
"Magpapaalam mo na ako kay mama" wika ko sa kanila.
"Wag kang magalala ako magpapaalam sayo sa mama mo" sabi ni Shine.
Lumabas na kami sa room namin para ipasa ang mgarequirements namin by subject.
Kumpleto naman lahat ang requirements namin.
Pagkatapos naming ipasa ang mga requirements namin. Kumain muna kami sa labas.
"Kumain muna tayo guys?" Wika ni Lucas.
Naglalakad kami ngayon papuntang mang-inasal.
Maya-maya napatingin ako sa infinitea. Nakita ko yung kotse ni Bright. Curious kong anong ginagawa niya doon.
Baka kasama niya mga barkada niya? Or family?
Di kinalaunan lumabas si Bright na may kasamang babae. Parang na mumukaan ko yung babae hindi ba si Mich yun? Yung nangbully sakin noon?
Patuloy parin akong naglalakad na nakatingin sa kanila. Wag mong sabihin na magjowa sila!
(~Nauntog sa poste~)
"Arayyyyy!!"
Dahil sa katangahan kong tingin ng tingin sa kanila nauntog ako sa poste.
"Hahahahahahahahaha!"
Tinawanan nila ako. Buti nalang ang mga barkada ko lang ang nakakita sa akin. Arayyy! Ang sakit talaga.
Patuloy parin silang tumawa habang nag lalakad kami.
"Tignan ko nga kong may sugat!" Patawang salita ni Shine.
"Ano ba kase ginawa mo?! Hahaha"
"Wala!"
Alangan naman na sasabihin ko sa kanila malamang pagtatawanan nanaman ng mga ito.
Malapit na kami. Makalipas ang ilang minuto nakarating narin kami.
Tinignan niya kong may sugat.
"Mukhang wala naman eh?!"
"Ano ba talaga ginagawa mo?" Tanong niya ulet.
Nakoooo! Bakit pa kase ako tingin ng tingin sa kanila eh wala namang kami.
Hindi ko nalang pinansin si Shine.
"Sa wakas andito narin tayo"
"So... sino magoorder?"
"Ikaw!" Padabog ming salita.
"Anooo?! Ako nanaman?!"
Umupo kami lahat maliban kay Shine. Hindi namin siya tinirahan ng space sa upuan para siya ang magorder ng pagkain namin hahahaha.
"Ok.. fine! Fine! Ako nalang mag oorder!"
Binigay namin ang pera namin sa kanya para pambayad sa kakainin namin.
Pumunta na si Shine sa counter. At umorder ng pagkain.
"Ate lima nga pong m1 with extra rice"
"Ahhh dine in po ma'am?"
"Opo... tapos yung drinks namin ice tea po" wika ni Shine.
Pagkatapos umorder ni Shine pumunta siya sa amin.
"So... Hindi niyo ko pauupuin?" Sabay irap sa amin.
Hindi namin pinansin si Shine. Di kinalaunan nakaupo rin siya dagil kay Frank. Gentlemen naman ni Frank.
"Dito nalang sa upuan ko Shine" wika ni Frank.
"Oh darling! Thank you so much! Muah!" Sabay labas ang dila sa amin.
Aba kong makapaglabas ng dila to daig pa ang ahas. Kong hindi lang kay Frank hindi ka sana naka upo.
Inirapan namin siya. Si Frank ngayon ang nakatayo. Pauupuin kona sana siya sa upuan ko pero nahihiya ako sa kanya.
"Ahhh... Frank? Dito ka sa tabi may space pa naman" pahiya kong salita.
"Ahhh.. hindi ok lang salamat nalang"
Tugon niya sakin.
Maya-maya naka set na yung no. Ng table namin. Pumunta na kami sa table namin. Madami kasing tao kaya naghintay muna kami.
Nakaupo na kami habang hinihintay namin yung order.
Di kinalaunan nandyan na ang order namin. Nagugutom na kami sa kakahindi kaya.
"Wait lang kong sino ang maliit ang kakaining rice siya manlilibre ng mga pagkain sa vacation natin bukas. Pero dapat magkamay tayo walang kotsara at tinidor." salita ni Lucas.
"Game ako jan!" Padabog na salita ni Shine.
Hallah! Baka matalo ako hindi pa naman ako magaling kumain. Kailangan madami akong kakainin para di ako matalo.
Nagsimula na kami kumain.
Grabe ang lalakas nilang kumain. Dalawa lang kami ni Frank ang hindi malakas kumain. Nakaka limang rice na si Lucas tapos si Shine naman 4 pati rin si Lance.
"Anooo na! Tom hahahah" patawang salita ni Shine.
"Sana all malakas kumain hahaha!" Wika ko sa kanila.
Nakakatatlong rice na ako pero si Frank dalawang rice palang. Malapit ng matapos si Shine,Lucas, at Lance. Tapos kami ni Frank hindi pa.
"Tapos na ako!" Tugon ni Frank
"Pati rin ako!" Salita ni Lucas at Lance.
Kami nalang ni Frank ang natira. Halos pantay na ang laban. Naka apat na rice na kami. Pinipilit ko paring kumain para hindi ako matalo kahit busog na ako.
"Ayoko na busog na talaga ako" sabi ko sa kanila.
Ayaw narin ni Frank mukhang busog narin siya.
"Ayaw mo na rin Frank?" Tanong ko sa kanya.
"Uu.. busog narin ako"
Tapos na kaming lahat pantay ang laban halos magkapareho lang kami ni Frank.
"So... dahil kayong dalawa ang pinaka maliit na kinain. Kayong dalawa ang bibili ng kakailanganin natin bukas" wika ni Lucas.
Sumangayon si Frank. Maliban sakin. Hindi pa nga ako sigurado kong sasama ako sa kanila bukas.
"Hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay mama na magbabakasyon ako" tugon ko sa kanila.
"Madali lang yan Tom!" Sabi ni Shine.
"Akin na phone mo?!"
"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ehh? Malamang ipapaalam kita!"
Binagay ko yung phone ko sa kanya. Tignan lang natin kong gusto ni mama.
Tinawagn ni Shine si mama.
Ringing...
"Tignan Tom.. sasangayon siya" wika niya.
Abaaa! Ang angas naman tong babaeng to hindi pa nga niya sinasagot alam na niya yung sasabihin ni mama. Advanced ka magisip gurl?
Sinagot na ni mama yung tawag.
"Hellow tita?"
"Hellow.. sino to?" Tanong ni mama sa kabilang linya.
"Si Shine po yung kaibigan ni Tom"
"Ahhh.. Shine! Ano yun?"
"May sasabihin po ako tita.. kong ok lang po sa inyo" wika ni Shine.
"Ahhh.. ok lang.. ano ba sasabihin mo?"
"Ipapalam sana namin si Tom tita? magbabakasyon po kami sa probinsya namin don sa beach resort namin"
"Mmmm? Oh sige pero magiingat kayo hah"
Di ko akalain na sasang-ayon si mama. Ramdam ko na ngayon ang ngiti sa aking katawan. Sa wakas makakabaskasyon narin ako ng sa malayo.
Masaya ang buong grupo dahil napayagan akong magbakasyon kasama sila. Pero ang problema ko cash! Saan ako kukuha?
Inabot sakin ni Shine yung phone ko.
"Kakausapin kadaw ng ni tita" wika ni Shine.
Kinuha ko yung phone ko.
"Hello mah?"
"Hello nak.. oh ano? mageempake naba ako ng gamit mo?" Salita ni mama sa kabilang linya.
"Ok mah"
"Ilang araw niyo ba don?" Tanong ni mama.
Tininanonh ko sa kanila kong ilang araw kami dun.
"Ilang araw ba tayo dun?" Tanong ko sa kanila.
"Sabihin mo 5 days"
"Ok"
"5 days daw kami don mah" sagot ko kay mama.
"Oh.. sige sige na.. para makapag empake na ako"
Binaba na ni mama yung linya. Linagay ko na sa bulsa ko yung phone ko. Pagtinginko sa kanila Nakatingin silang apat sakin.
"Congratsssss!" Sigaw ni nilang tatlo tapo sabay yakap sa akin.
Nagulat lahat ng lahat ng mga tao sa loob. Meron pang nabulunan dahil sa gulat. Meron pang naihagis ang manok na kinakain. Meron ding umiinom na naibuhos sa kanya ang iniinom niya. Nakoooo! Lagott! Kayo..
"Ha.. ha.. ha.. sorry po..." sabay peace.
Nagulat rin ako. Pero pinipigilan ko talaga ang tawa ko. Dahil sa mga nabulanan. Dahan-dahan kami lumabas nakatitig sila sa amin papalabas. Ewan koma kase sa mga tatlong to! Pahamak!
Nakalabas na kami.
"Sa totoo lang guys nahihiya na akong pumunta dito" wika ko sa kanila.
"Akalain mo ang daming nagulat tapos may nabulunan pa dahil sa gulat! Hahaha"
At proud pa sila dahil sa ginawa nilang yun. Muntik na nga silang mabubug ang saya-saya pa nila. Hayyy! Ewan koba sa kanila.
"At proud pa kayo?!" Padabog kong salita sa kanilang tatlo.
Dinilatan nila ako. Abaaa! Bastos kayo hah. Maya-maya makakarma din kayo. Inirapan ko nalang sila.
"So? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Shine.
May naka tinig sa salita ni Shine.
"Edi sa puso!" Sabi nong aglalakad na lalake.
"Abaaa! Loko ka ah!" Sigaw ni Shine sa lalake.
Nagsitakbuhan silang lahat hahabulin sana ni Shine kaso pinigilan ko siya.
"Huyyy! Pabayaan mona baka type kalang nila"
"Eeehheeee enebee!" Sabay tapik sa balikat ko.
Ayyy lande? Ang rupok mo naman gurl Hahahaha.
"Lande!" Tapos sabay pindot sa noo niya.
"Arayyy!"
Tumawa kaming apat.
"Hahahah"
Nagdesisyon kaming lahat na bibili kami ng kakailanganin namin bukas.
"What if.. bumili na tayo ng kakailanganin natin bukas?" Wika ni Lucas.
Sumangayon kaming lahat. Ngunit ang problema wala kaming sasakyan. Medyo malayo ang mall. Magtataxi sana kami kaso kulang ang pera namin. Naglakad muna kami papalayo.
Maya-maya may huminto na van sa gilid. Akala namin kidnappers. Hahahaha. Binuksan nong driver yun bintana tumingin siya sa amin. Si tito pala yun. Bumili pala siya ng bagong sasakyan niya.
"Takbooo!" Sigaw ni Shine.
Nagsitakbuhan sina Lucas, Lance, at Shine maliban si Frank kasama ko siya naiwan HAHAHAH!. Sobra talaga akong napatawa.
"Hahahahahahaha!"
Halos ang sakit na ng puson ko sa kakatawa. Napansin nila na hindi ako tumatakbo. Huminto sila.
"HUYYY! TOM! FRANK!" sigaw ni Lucas.
"Halik kayo! Hahahah!" Sigaw ko sa kanila.
Tawa parin ako ng tawa hanggang lumapit sila.
Patuloy parin akong tumatawa. Habang sila ay hinihingal sa pagtakbo kanina.
Bumaba na so tito.
"Ohh? Bakit kayo tumakbo?" Tanong ni tito.
Hindi makapag sila makapag salita dahil hingal na hingal parin sila. Ako nalang ang sumagot sa tabong ni tito.
"Ganito kase tito.. ang akala nila kikidnapin niyo kami kaya nagsitakbuhan sila.. habang kami namin ni Frank hindi tumakbo" sagot ko kay tito. Tapos sabay tawa.
Tumawa rin si tito.
"Hahahaha!"
"Tito ako ni Tom kaya wag niyo kong paghinalaan kidnapper"
Tinanong ko kay tito kong saan niya kinuha yung van.
"Btw tito? Saan niyo nakuha yang van?"
"Ahhh... kakabili kulang yan nong last week kase yung kasin mo gusto niya sa kanya na daw yung lumang kotse ko.. kaya ayon pinagbigyan kona"
"Ahhh... kakainggit naman.. sana balang araw magkakakotse rin ako"
"Hahaha! Mag-aral ka ng mabuti para pagnakapagtrabaho kana tapos nakapag ipn-ipon kana makakbili ka ng sarili mong kotse.. ganon lang yun"
Buti pa si tito isang engineer. Balang araw makaka bili rin ako niyan. Kagagaling lang ni tito sa kompanya.
"Btw, saan nga pala kayo pupunta?" Tanong ni tito.
"Pupunta sana kami sa mall tito para bumili ng kakailanganin namin bukas" sagot ko sa kanya.
Sana isasakay niya kami para libre pamasahe hahaha.
"Ahhh! pupunta din ako dun.. halina kayo sabay na kayo sakin.. wala naman akong kasama"
Yesss! Buti nalang napadaan si tito. Wala na sana kaming sasakyan papunta don.
Nauna akong sumakay tapos sumunod yung mga kaibigan ko.
Naglalakbay na kami papunta sa mall.
Pinakilala ko sa kanilang apat si tito.
"Ahhh.. guys siya ang pangalawa kong tito na kapatid ni mama bale siya yung mangalawa sa kanilang mag kakapatid.. ang pangalan niya ay Chimon. Isa siyang engineer"
"But you can call me tito chimz" sabi ni tito.
"Nice to meet you po" wika ng mga kaibigan ko.
Napatanong si tito kong saan kami pupunta bukas.
"San ba kayo pupunta bukas?"
"Ahhh.. sa beach resort po ng kaibigan ko" sagot ko.
"Ahhh... magsisimula naba bukas ang vacation niyo?"
"Opo.. bale 5 days po kami don"
"Ahhh... ganon ba... pero magingat kayo hah wag na kayong lalabas pag gabi na"
"Opo"
Makalipas ang ilang minuto malamit na kami sa mall.
"Kumain naba kayo?" Tanong ni tito.
"Ahhh... opo kanina nong nakita niyo po kami sa daan.. nanggaling na po kami sa mang-inasal"
"Ahhh... ganon bah"
Biglang lumiko si tito. Nag drive thru kami sa jolibee. Nagulat kami nong iniliko ni tito yung sasakyan niya.
"Ahhh... anim nga pong cokefloat"
"Ano pa sir?"
"Wala na yun lang"
Ililibre atah kami ni tito. Tamang-tama nauuhaw ako dahil sa kakatawa ko kanina. Yan tuloy nalala ko nanaman. Pinipigilan ko ang aking pagtawa.
Maya-maya nakuha nanamin yung order ni tito. Kumuha si tito ng isa pagkatapos iniaboy niya sa amin yung lima.
"Oh ayan.. libre ko sa inyo baka nauuhaw na kayo" tugon ni tito chimon.
Nagpasalamat kami sa kanya.
"Salamat tito" wika ko sa kanya.
"Salamat po" wika ng mga kaibigan ko.
Patuloy kaming naglakbay. Malapit na kami. Makalipas ng ilang segundo.. naka rating narin kami hayy... salamat.
Sakto naubos nanamin yung cokefloat ang sarap! Bumaba na kaming lima. Ipaparking pa ni tito sa likod ng mall ang sasakyan niya.
Bigla niya akong tinawag.
"Tom?!"
Pumasok ulit ako sa loob ng sasakyan.
"Ano yun tito?" Tanong ko sa kanya.
Linuha niya yung wallet niya sa bulsa niya. Mukhang bibigyan ata ako ng pera ni tito.
"Oh heto.. pera mo.. para may panggastos ka bukas.. wag mong sasabihin sa mama mo para bigyan ka niya ulit hah?"
Binigyan ako ni tito ng 10k. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Maraming salamat po tito.. alam niyo po iniisip kopo talaga kong san ako kukuha ng pera para bukas"
"Walang anuman yun.. basta mag-aral ka ng mabuti hah?. Yung sinabi hah."
"Opo tito"
Binigyan ulit ako ni tito ng pera.
"Oh etoh pa.. diba bibili kayo ng kakailanganin niyo? Sagot ko na yun"
"Maraming salamat po talaga tito"
"Oh basta wag mong sasabihin sa mama mo hah? Pupunta ako mamaya sa bahay niyo.. bibili lang ako ng regalo ko sa mama mo tapos mga pagkain"
"Cge po tito... maraming salamat po ulit"
Umalis na si tito. At sinabi ko sa kanila na binigyan ako ni tito ng pera para pambili ng kakailanganin namin bukas.
"Guys binigyan ako ni tito ng 5k pambili ng mga kakailanganin natin bukas"
"Ano bayan sayang naman yung challenge kanina... andami ko po namang nakain" wika ni Shine.
"Buti nga binigyan tayo ng 5k... hindi ka paba masaya dun?" Wikang tanong ni Lucas.
"Tama na yan ang importante may pambili tayo"
Pumasok na kami sa loob ng mall para bumili.
Next chapter...