MISTER Santiago thought me that every woman should be respected. Hindi dapat sila pinapa-iyak. Wala ni sino mang lalake ang may karapatan magpa-iyak ng babae. Lumaki ako ng ganun ang paniniwala. Kapag may konting away ang mga magulang ko, ni isang beses hindi ko pa nakitang umiyak si Mom dahil kay Mister Santiago. Bagkus s'ya ang nagpapakumbaba upang maayos agad ang pinag-aawayan nila. Pero ganunpaman, hindi lumaki ang ulo ni Mom. Mas lalo n'yang minahal si Mister Santiago na s'yang naging dahilan upang mas tumibay ang relasyon nila. Habang lumalaki ako, mas madami akong natututunan sa tatay ko. Hero Isaiah Santiago is the best. Lahat ng pag-uugali n'ya, nakuha ko na. At lahat ng tinuro n'ya, nakatatak na sa puso ko. It was the first day of class. Nakasanayan ko nang hindi pumu

