bc

The Perfect Man

book_age18+
414
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
forbidden
HE
confident
drama
bxg
campus
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

(Sequel of The Devil's Obsession)

"I'm no Superman but I will trade anything that I have-even my heart, just to get you._

Ligaya Serenity-kung anu ang kahulugan ng pangalan niya, ay siya ring kabaligtaran ng buhay niya.

She's longing for a happy family. Hinahanap niya ang kalinga ng isang pamilya, pero dahil sa hindi ito maibigay sa kaniya; she decided to escape.

Ngunit nang umalis siya, saka naman niya nakilala ang lalakeng magdudulot ng iba't ibang pakiramdam sa puso niya.

Emosyong ni minsan ay hindi niya pa nararamdaman. But she's afraid to let it go. Takot siyang aminin sa sarili, na may nararamdaman siya sa binata kahit na unang kita pa niya lamang dito.

Yes--she believes in love but not for herself. Takot siyang magmahal, she's afraid to gumble.

Ngunit anong gagawin niya kung puso niya na mismo ang gumagawa ng desisyon? Ang nag-didikta?

Katangahan man ngunit sa pag-ibig, totoong parating nauunang ginagamit ang puso.

What would she do kung ang binata na mismo ang ayaw sa kaniyang lumayo?

No matter what it takes, he will stay. Hindi nito hahayaang mabigo sa unang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"ITO na muna ang magiging silid mo, anak. Pasensya ka na ha? Hayaan mo at ipapaayos ko sa tatay mo ang silid sa kabila para naman ay komportable ka," ani nanay Myrna at iminuwestra sa akin ang isang makipot at masikip na silid. Tila natataranta pa ito sa pagdating ko. Agad ko naman hinawakan ang kamay ni nanay at pinisil iyon ng marahan bilang tugon. "Nay, ayos lang ho. Ako na po ang nakaka-abala sa inyo ni Tatay kaya ayos lang sa akin dito. Basta po kasama ko kayo ay ayos na ayos na po." Niyakap ko si Nanay ng mahigpit. Okay lang naman sa akin ang silid. Hindi naman ako maarte. Ako na nga ang nakikituloy, may karapatan pa ba akong magreklamo? Isa pa ay komportable ako. Their house feels like home, hindi katulad ng sa amin. Si nanay Myrna, siya ang nag-alaga sa akin simula pa lang nang ipanganak ako ni Mommy. Siya iyong parating nasa tabi ko kapag busy ang mga magulang ko sa kompanya namin. Ngunir matanda na ito kaya nagdesisyon na rin itong umalis na rin siya sa amin. Bumalik siya sa probinsya nila sa Sagrada at doon tahimik na namuhay kasama ni tatay Sito. "Ikaw talagang bata ka, dalaga ka na pero napaka-malambing mo pa rin…” Pabirong kinurot ni nanay ang magkabilang pisngi ko at saka humalakhak. Ganito na kami noon pa. Pakiramdam ko nga ay parang mas napalapit pa ako sa kanya kaysa kay Mommy. Sanay ako na nasa tabi ko lang parati si Nanay Myrna. Kaya nga nung umalis na siya sa amin ay hindi ko maiwasang malungkot. Kaya rin nang mapagdesisyunan ko munang umalis sa amin ay sa kanila ko naisipang tumuloy pansamantala. "Hindi ko ho kayo matiis, Nay!” natatawa ko din namang tugon. Kadarating ko lang kasi sa kanila dito ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Ang dami kong pinagtanungan kung paano ba ang direkson papunta sa kanila dito. Pasalamat ako at may mga mabuting tao na tumulong sa akin. "Ang mga magulang mo ba ay alam na dito ka muna sa akin pansamantala? Ang mommy mo?" may pag-aalalang ani Nanay. Panandalian akong natigilan bago tumikhim at sumagot. "Opo naman po, Nay! Alam din po nila na dito na ako mag-aaral ng kolehiyo!" masiglang ani ko ngunit sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako kaya napaiwas ako ng tingin. Natatakot akong baka malaman ni Nanay na nagsisinungaling ako. Kalahati ang kasinunglingan sa sinabi ko at ang natirang kalahati ay ang katotohanan. Kasinungalingang nagpaalam ako kay Mommy at katotohanang si Daddy lang ang nakaka-alam at sumuporta sa paglayas ko. Labag man sa kaniya, sinunod niya na lang ang gusto ko. I’m still his favourite. But not enough favourite para hindi mabigyan ng sapat na oras at pagmamahal. Hindi masaya ang pamilyang kinagisnan ko. Bukod sa nag-iisang anak ako ay parati ring nag-aaway ang mga magulang ko. When I was still a kid ay hindi naman ganito ang mga magulang ko. They always have time for me. Pero unti-unti iyong nagbago nang magdalaga ako. Dinig ko parati ang sigawan nila sa kanilang kwarto. Kaya nang napuno at nagsawa, I decided na umalis sa amin nang hindi nila nalalaman (unfortunately, my Dad caught me). Total naman ay wala na silang pake sa akin at parati silang wala ay sinamantala ko iyon. Umalis ako sa amin at pinuntahan ang taong alam kong mahal na mahal ako—si Nanay Myrna. Walang anak si Nanay Myrna at Tatay Sito. Marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit napakalapit ng loob namin sa isa't isa. "O siya, magpahinga ka na muna. Gusto mo bang mag meryenda muna o tatawagin na lamang kita mamayang tanghalian?" "Mamayang tanghalian na lang po, Nay!" Nang maisara ni Nanay ang pinto ay tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag. Nahiga ako sa matigas na kama at kinuha ko ang aking telepono at tinignan kung malakas ba ang signal dito sa probinsya. Kaylangan kong ide-activate ang lahat ng accounts ko upang hindi ako ma-trace kung saka-sakaling hanapin ako ni Mom kay Dad. Kaylangan ko na rin sigurong mag-palit ng numero. Bumangon ako sa higaan at nagsuklay ng buhok. Nang makitang ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako. "Saan ang iyong tungo, anak?" ani nanay nang makita ako. "Maglalakad-lakad lang ho sa labas, Nay. Magpapahangin po," gusto ko kasing langhapin ang simoy ng hangin ng probinsya. Sariwa at malinis hindi tulad sa mga siyudad na mausok at puro polusyon. Nakakapanibago. "Naiinitan ka? May electric fan naman doon sa silid mo. Ba't hindi mo binuksan…? Teka nga at bubuksan ko.” Binitiwan ni Nanay ang walis na hawak niya at akmang papasok na sa aking silid nang pigilan ko ito. "Nay, hindi naman po ako naiinitan. Gusto ko lang ho tingnan ang labas. Nakakatuwa lang ho kasi at ang sarap ng hangin tapos iyong paligid ay puro berde. It’s so refreshing,” I said then giggled. Totoo rin naman na hindi mainit sa kwarto ko dahil may mga pumapasok na hangin sa loob dahil na rin sa malalaking puno sa labas na napansin ko kanina. "Ganun ba? O siya, mag-iingat ka ha at ‘wag kang masyadong lumayo. Mababait ang mga tao dito pero baka lang ay maligaw ka. Gusto mo bang samahan na lang kita?" sunod-sunod na ani Nanay Myrna.          Napailing naman ako habang nangingiti. She’s really concern for me. And I like the feelings. Sa huli ay natakasan ko si nanay. Dala ang aking wallet at telepono ay naglibot ako sa buong Sagrada. Hindi naman ako natatakot lumabas at katulad nga ng sinabi ni Nanay ay mukhang mababait naman ang mga tao dito. May ilan nga akong nakasalubong at ngumiti sa akin kahit hindi ako kilala. Kaya nginitian ko rin pabalik. Kung narito lamang ang mga kaibigan ko ay ngingiwian lang ako ng mga iyon. Mas gusto kasi nila ang Siyudad at ayaw na ayaw nila sa Probinsya. Hindi lang nila alam kung gaano kaganda dito. Nararamdaman ko ang kaginhawahan sa tuwing dumadampi sa balat ko ang simoy ng hangin. "Ate magkano ho ang simcard?" ani ko nang may nadaanang tindahan. May mga kalalalkihan pang nakatambay sa tapat nun at nag-iinuman pero hindi ko na lamang inintindi kahit na panay ang sulyap nila sa akin. "Bago ka dito, ano? Taga-saan ka ineng?"  Bigla akong nangilabot ako nang may tumabi sa aking isang lalake. Wala pa itong saplot pang itaas. Mukhang binabawi ko na ang sinabi ko na mukha namang mababait ang mga tao dito. Akmang sasagot ako nang sumingit naman ang tindera. "Hoy! Tigilan mo nga iyan, Gudo! Kabago-bago ng isang 'yan, tinatakot mo!" anito dahilan upang mapakamot sa kanyang ulo ang tinawag na Gudo at saka bumalik sa pagkaka-upo. Nagpasalamat ako sa tindera sa pagtatanggol niya sa akin na nginitian niya lamang. Nang makabili ay umalis na ako doon at bumalik na sa bahay ni Nanay Myrna. Inilagay ko ang bagong simcard na bili ko sa aking telepono. Dahil malapit naman ang tower dito sa bahay ay nakapag-bukas ako ng f******k at nakagawa ng bagong account dahil malakas ang signal. Gumamit din ako ng bagong pangalan at apelyido at tsaka finollow ang mga kaibigan ko. Makikibalita ako sa kanila sa pamamagitan ng ganito. Tsaka ko na lamang sila kakausapin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook