CHAPTER 2

1003 Words
"BUKAS na ang punta mo sa Unibersidad?" Dalawang linggo na kasi ang nakakalipas at ilang araw na lamang ay hunyo na. Lumabas na kasi ang result ng exams ko noong nakaraang linggo at nakapasa ko. I’m already expecting it pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa sa naging resulta. Being a teen, it’s also an accomplishment to me. Bukas na rin ang enrollment sa HIS U at plano kong personal na mag-enrol. Pwede namang mag-enrol through email pero nais kong makita ng personal ang unibersidad bago magpasukan. Besides, hindi ko iyon nalibot noong nag-take ako ng exams ko. Gusto kong maging pamilyar sa lugar para naman hindi na ako maligaw at baka iyon pa ang maging dahilan ng pagiging late ko sa unang klase ko. May mapa naman na binibigay pero iba pa rin kung nakita mo na sa personal. Isa pa ay gusto ko rin maglibang muna bago ako mag-focus sa pag-aaral ko. That’s my priority now. "Opo Nay. Pagkatapos ko ho ay didiretso na ho ako sa pamilihan para sa mga gamit na gagamitin ko sa pasukan,” sagot ko sa tanong ni nanay Myrna. "Anong oras ba ang alis mo bukas? Gusto mo bang samahan kita?" Umiling ako. "Hindi na ho, Nay. Kaya ko na naman po. Alas otso rin po sana ang alis ko bukas." "Ang mabuti pa ay alas syete pa lang ay umalis ka na dahil isang oras ang layo ng papasukan mo. Waka bang plano na mag-dorm, Ligaya anak? Meron namang Ladies Dormitory doon hindi ba?" muling tanong ni nanay Myrna sa akin. "Pag-iisipan ko po,” tugon ko naman. Sa totoo lang ay hindi pumasok sa isip ko ang mag-dorm. Hinahanap ko kasi ang kalinga ng isang ina kaya hangga't maaari, kahit mahirapan ako sa biyahe araw-araw patungong HIS U, ay ayokong mag-dorm. Mag-aadjust na lang ako. Kinagabihan nga ay inihanda ko ang mga dadalhin ko bukas sa Hero Isaiah University. Iyong records ko noong hayskul ako at certificate ko. Matapos kong mag-ayos ay nahiga na ako at pinikit ang mga mata ko. Maaga pa ako bukas kaya kinakailangan ko ng matulog ng maaga. *** "LIGAYA Serenity Secorata…” Napangiwi ako nang tawagin ng registrar ang pangalan ko. Tinanggal pa nito ang salamin na suot at pinaliit ang mga mata tsaka ako pinagmasdan nang makalapit ako sa kaniya. "Ikaw si Ligaya?" pag-uulit nito sa aking pangalan. Dinig ko pa ang ilang paghahagikhikan ng mga babaeng kasunod ko sa linya. Marahil ay hindi sila sanay na sa panahon ngayong—Millennial ay may magpapangalan pa sa mga kabataan—sa 'kin ng ganun. "Ako nga po," sagot ko naman at inabot ko dito ang brown envelope na hawak ko kung saan nakapaloob ang mga records ko. Kinuha niya naman ito at saka ini-scan. Matapos ay binigyan ako ng tentative form. "Pwede ka nang mag-enroll. Ang student I.D number mo ay nariyan na sa tentative form na binigay ko sa 'yo. 'Wag mo iyang wawalain dahil 'yan na ang numero mo sa ilang taon mo dito sa kolehiyo..." Tumango-tango ako. “Salamat po…” "Sige na. Pero payo lang Miss Ligaya na sana iyang pananamit mo ay kasing conservative ng pangalan mo." Nagsalubong ang magkabila kong kilay. Agad naman akong napatingin sa dress na suot ko. Bakit, ano ba ang mali sa suot ko? Sa huli ay napatango na lamang ako sa Registrar dahil naalala ko ang sinabi ni Nanay kanina. Ang probinsya ay hindi Siyudad na malaya kang suotin ang nais mo. Konserbatibo ang mga tao sa Sagrada at hindi sila sanay na makakita ng mga babaeng naka-bestida. Bagkus ay puro naka-tight jeans ang suot nila. Hindi ko lang akalain na kahit pala prestihisyosong paaralan ang HIS U, sumusunod pa rin sila sa kultura dito. Mukhang kaylangan kong idispatsya sa ngayon ang mga dress ko. Kaylangan kong mamili ng mga Jeans at sweat shirt at mga simpleng blouse. *** KALAHATING oras lang ang itinagal ko sa pag-enrol. Hindi na kasi ganoon kahaba ang pila sa posting at payment dahil katulad ng sinabi ko ay pwede namang mag-enrol through online. Dumiresto ako sa mall pagkatapos at namili na rin ng kakailanganin ko. Dahil sa masyado akong nalibang sa paglilibot ay ginabi na ako ng uwi. *** MABILIS na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan. Hindi pa man alas syete ay nag-abang na ako ng tricycle upang sakyan. Maaga pa ngunit nang marating ko ang HIS U ay madami na ang estudyante. May mga dati ng magkakilala at sabay na pumapasok. Mayroon ding katulad ko na baguhan at palinga-linga pa sa paligid. Matapos kong mag bayad sa driver ay pumasok na ako at dumiretso sa Auditoriom dahil doon gaganapin ang orientation. Napapunas pa ako sa pawis ko dahil malayo pa pala ang gate papunta sa Auditorium. Hindi naman pinapasok ng guard ang tricycle na sinakyan ko dahil wala daw itong gate pass. Nakipagsiksikan ako sa loob sa dami ng students pagkadating ko doon. Pinagpawisan pa ako dahil sa dami ng tao. Nang makakita ng upuan ay agad akong pumwesto at umayos ng upo. Sinuklay ko pa ang aking buhok gamit ng aking daliri dahil sa nagulo ito kanina. Muli ko ring pinunasan ang aking pawis. Hindi rin nag-tagal ay nagsimula na ang orientation. Pinaliwanag din nila ang rules ng paaralan, mga clubs na dapat naming salihan at kung anu-ano pa. Dumating din ang may-ari ng paaralan, Hero Isaiah Santiago with his wife, Eleyna Santiago. Just by looking at them, I smiled bitterly dahil nakita ko kung paano titigan ni Hero Santiago ang asawa niya. They looked perfect at walang wala ang mga magulang ko sa kanila. Nagtagal lamang ng halos isang oras at kalahati ang orientation. Hanggang sa mag closing remark na ang may ari ng unibersidad na si Ginoong Hero Isaiah Santiago. "Inaasahan kong maging masaya at kapanapanabik ang unang araw niyo sa paaralang ito. Again, welcome to the HIS University, freshmen’s Students!" pumalinlang ang masayang boses ng may-ari ng unibersidad. Napabuga ng hangin si Ligaya at saka tipid na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD