CHAPTER 3

1005 Words
NASA loob pa lamang ako ng Auditorium at hanggang sa makalabas ay hindi na natapos ang usap-usapan ng mga estudyante sa naka ugaliang hindi pag-sipot ng anak ng may-ari ng unibersidad sa tuwing may orientation. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang mga naririnig ko at dumiretso na sa BSBA department. Lalo na at wala naman akong oras para pagtuunan pa ang mga ganoong bagay. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may tumawag naman sa pangalan ko. Napakunot pa ang aking noo dahil wala pa naman akong kakilala dito. I’m just wondering at bakit kilala ako nito. Napalingon ako sa tumatawag sa akin. "Wait up, Ligaya!" Hinihingal na huminto sa harapan ko ang isang babae. Kayumanggi ang kulay, katamtaman ang tangkad nito, hindi singkit at hindi rin malaki ang kaniyang mga mata, tama lang din ang tangos ng kaniyang ilong at mapula din ang labi niya. Ito ang tamang depenisyon ng maganda. Pinay na pinay ang itsura. Naka-nerd glass din ito na bumagay naman sa kaniya. Mas lalo siyang pinaganda ng salamin na suot niya. "Ako? Tawag mo ako?" nag-aalangang ani ko ngunit tumango naman ito. "You know me? How come?" muling saad ko. "You're a BSBA student, right?" paputol putol pa ang pagsalita nito dahil sa paghahabol nito ng kanyang hininga marahil ay sa pagtakbo niya para lang maabutan ako. "I'm Mutya. I saw your tentative form last enrolment. Ako 'yung kasunod mo sa line. Pupunta ka na sa department hindi ba? Sabay na lang tayo!" Nagulat man ay walang pag-aalangang ngumiti at tumango ako sa kaniya. Mabuti na ito para may kakilala na kaagad ako. Madaldal pala itong si Mutya at nakakatuwa siya. Napag-alaman kong Governor ang tatay niya at dito raw siya pinag-asral sa HIS U para hindi na siya malayo sa kaniyang pamilya. Katulad ko ay labing walong taon na rin siya. Pangatlo at bunso din ito sa magkakapatid. "If we have enough time, ipapakilala kita sa mga kuya ko. Mga gwapo ang mga 'yon, baka may magustuhan ka sa kanila." Pag hagikhik nito at kinurot ako sa aking tagiliran. "Naku! Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend," pagtanggi ko naman. Sa nakikita ko kasi sa mga magulang ko, sakit lang sa ulo ang may commitment sa iba. Gusto ko maliban kay nanay, sarili ko na lamang muna ang iniisip ko. Kaya ang magkaroon ng kasintahan ay huli sa aking listahan. "Weh?! Ang ganda mo ah! Sayang friend kung 'di mo gagamitin. Ang dami pa namang gwapo dito sa HIS U. Lalo na sa batch natin at kina kuya!" saad naman ni Mutya. Hindi bagay sa itsurang pinay na pinay ni Mutya ang kaniyang pag-uugali. Konserbatibo man ang mga tao dito sa Sagrada, hindi pa rin talaga mawawalan ng mga estudyanteng maalam na sa ibang bagay. Sa tingin ko si Mutya ay siya iyong tipo ng babaeng basta may itsura ang lalake ay pwede na sa kanya. Nabanggit niya sa akin kanina that she stayed at US for how many years. At her age, marahil ay nakuha niya na ang kultura doon. And she also said na isa din iyon sa dahilan kung bakit dito siya pinag-aral imbis sa Maynila o sa ibang bansa. Pumwesto kaming dalawa ng upo sa hulihan nang marating namin ang silid. Panay pa rin ang pag daldal niya ngunit natigil lamang nang dumating na ang aming Propesor. Katulad noong hayskul, isa-isa niya kaming pinapunta sa unahan upang magpakilala. Napabuga ako ng hangin. Kahit pala sa kolehiyo ay ganito pa rin. Hindi pa rin mawawala ang introduce yourself. "Ligaya Serenity Secorata,” nahihiyang pakilala ko nang ako na ang nakatayo sa unahan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at saka pilit na ngumiti. Hindi ko pa maiwasang magulat nang may ilang kalalakihan pang mga wala na talagang hiya at nagtangkang magtanong sa akin kung may kasintahan ba ako. Ngunit hindi koi yon inintindi at pinilit na lamang na inignora. "Taray! May admirer na agad!" tudyo ni Mutya nang maka upo na ako na inilingan ko lamang. Wala akong panahon sa mga ganyan. Hindi naman nagtagal ang pagpapakilala sa unahan at nag simula na sa pag-discuss si Mrs. Manoguid tungkol sa mga rules niya sa loob ng klase. Ang iba nga ay napahalakhak pa nang sabihin nito na bawal ang magligawan sa loob ng kaniyang klase. "Ganiyan daw talaga iyang si Mrs. Manoguid kaya dapat masanay ka na. Ampalaya kapag oras ng klase." Tumango ako sa bulong ni Mutya at nagpatuloy sa pakikinig. Tama naman si Mrs. Manoguid. Wala namang mali sa sinabi niya. Bitter man o hindi ay maling magligawan sa loob ng klase dahil pumasok ang mga estudyante upang matuto. Sunod ay pinaliwanag niya ang mga percentages ng pag bigay niya sa amin ng grado. Naalis lamang ang aking atensyon doon nang bigla na lamang impit na tumili si Mutya sa aking tabi. Nagtatakang nilingon ko ito. "Oh my God! Messiah? What is he doing here?!" anito hindi makapaniwala habang nakatingin sa unahan. Tila kinikilig pa ito dahil sa bahagyang paghampas sa aking balikat. Sinundan ko ang kaniyang paningin at nadako ito sa lalakeng kadarating pa lamang. Mahaba ang kulay tsokolateng buhok nito na umabot sa kaniyang balikat, itim na itim ang mga matang wari'y mapanganib. Matangos na ilong, mapupulang labi at prominenteng panga. Hindi ko alam ngunit habang tumatagal ang titig ko sa kaniya, gumagaan ang pakiramdam ko. Ngunit wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng dibdib ko nang maramdaman ang pag-kirot nito—kabaligtaran ng sinasabi ng utak ko sa puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagdudulot ng iba't ibang emosyon ang pagtitig ko sa kaniya. Nalilito ako at hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko ba nararamdaman ito. Nakapagtataka. Sino siya? Sa huli ay iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung bat ko naramdaman iyon. Napabuga ako ng hangin at doon lamang bumalik ang normal na pag t***k ng puso ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit pinakalma ang sarili ko. Napatapik pa ako sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD