"MATAGAL na ba kayo ng iyong kasintahan, Ligaya, hija?" Bungad na tanong ni nanay matapos kong ihatid sa labas ng bahay si Messiah. Alas syete na kasi ng umaga at kinakailangan na nitong umalis dahil may pasok pa ito mamayang alas dyes. Samantala ay alas nwebe naman ang pasok ko ngayong umaga. "H-hindi pa naman ho," sambit ko. Nag-iwas ako ng tingin. "S-sige po, nay. Mag-aayos na po ako," dagdag ko pa. Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon ni nanay at dali-dali na akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Napabuntong hininga na lamang ako at pinikit ang mga mata ko nang makapasok ako sa loob. Ilang beses pa ba akong magsisinungaling kay Nanay? Patagal nang patagal ay dumadami ang nagiging kasalanan ko sa kanya. "I'm sorry, Nanay. I lied to you again," pabulong na sambit ko pa. Hang

