DAPAT ba akong maging masaya? Dapat ko bang ikatuwa na umuwi na si Mommy at nagsasama na ulit sila ni Daddy. Dapat ba akong magpanggap na hindi naaapektuhan kahit na alam ko naman ang totoong dahilan nang pag-uwi n'ya. Nanay Belen, our Mayor Doma, told me everything nang tawagan ko s'ya. Sinabi n'ya ang pinaka-unang dalihan kung bakit nandirito si Mommy sa bansa. She wants annulment from my dad at hindi ko iyon matanggap. Ang sakit-sakit sa dibdib dahil wala na talaga. Wala nang chance na maayos pa ang kung anu man pagitan sa kanila. Wala nang chance na maayos pa ang pamilya naming tatlo. Dalawang araw na ang nakalolipas simula nang dumating si Mommy sa bansa. And according to Nanay Belen, hinahanap na ako ni Mommy. Nagwala pa daw ito sa harapan ni Dad nang hindi nito sinabi kung nas

