NAPAKALAKAS ng kalabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Para na akong mabibingi dahil doon. Ito lang ang hinihintay ko. Ang magkaroon ng formality itong ginagawa namin ni Messiah. "A-ano pa?" ani ko makaraan ang ilang segundo. "Ano pa ang napag-usapan ninyo ni Daddy?" Hindi ko kasi alam kung ano ang resulta ng pag-uusap nila. Kung pabor ba o hindi si Daddy kay Messiah. Bumuntong hininga si Messiah saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You don't need to know, Serenity. It's a man thing." Hinalikan nito ang aking noo bago muling hinaplos ang pisngi ko. "It's getting late, pasok ka na sa loob. Mauuna na rin ako." Wala na akong nagawa nang marahan nitong tinulak ang balikat ko pabalik sa loob. "Mag-iingat ka," ani ko naman sa kanya. Tumango si Messiah. "I will Goodnight, Serenity

