V1 - Chapter 24

2125 Words
‘The truth must be quiet plain, if one could just clear away the litter.’ – Agatha Christie -Donovan’s POV- “Detective Raynolds, nahanap mo na ba ‘yong file na pinapahanap sa’yo ni Chief?” narinig kong sabi ni Detective Villares. Looking at the whole station, you can see that all detectives are busy trying to finish the tasks and cases that were assigned to them. Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko habang may tinatapos na file report. Ginagawa ko kasi ngayon ‘yong mga report na hindi naman natapos last week, kailangan na rin kasi ‘tong mapasa kay colonel para mai-record kaya naman sobrang busy ko sa harap ng computer. Gano’n din ang mga kasama ko na busy sa paghagilap ng mga file cases na ilang b’wan nang natambak. Kung hindi lang dahil sa bagong grupo na naubo rito, malamang ay hindi kami matatambakan ng gawain ngayon. Paano ba naman, ‘yong bagong commissioner dito sa San Bernin ay bumuo ng special task force group. Ang grupo na ‘yon ay binubuo ng isang profiler, tatlong detective, at isang hacker analyst. Ang layunin ng grupo na ‘to ay i-solve ang mga cold cases dito sa San Bernin. An unsolved criminal investigation which remains open pending the discovery of new evidence is considered cold case. It is a crime, or suspected crime, that has not yet been fully resolved and is not the subject of the recent criminal investigation. Cold case investigators, typically work on unsolved cases of homicides, missing persons, police shootings, or unidentified victims. At ang pangunahing kahaharapin nila na problema ay ang pamilya ng biktima, pati na rin ang media. Hindi ko alam kung ano ang plano ng commissioner dito sa San Bernin dahil gumawa siya ng panibagong ingay. Ngayon pa lang, naaawa na ako sa bagong grupo, paano ba naman kasi, kaya nagiging cold case ang isang kaso ay dahil kulang sa ebidensya, walang witness, o kaya naman hindi ma-identify ang suspek. Hanggang sa maiwang nakabukas ang kaso pagkalipas ng ilang taon. Next week na kasi ang dating ng bagong grupo kaya naman, kailangan na namin makapagpasa ng mga file report for this month, which is tinatapos ko na. habang sila Detective Raynolds naman at ibang team ay busy sa paghahanap ng mga kaso na lulutasin ng cold case team. Last week, na-meet ko na rin pala si Chief Rico Tanner, ang team leader ng crime unit 2. Twenty years na siyang detective kaya naman isa siya sa mga tao na pamilyar na sa lahat ng kaso rito sa San Bernin. Nalaman ko na naka-leave pala siya no’ng nakaraang buwan at no’ng nakaraang linggo lang siya bumalik kaya naman hindi ko siya nakita no’ng mga araw na bagong dating ako rito. Ilang beses ko nang nakasama si Chief Rico sa mga kaso, simula no’ng bumalik siya, at masasabi ko na isa siya sa mga magagaling at bihasang detective na nakilala ko. Simula no’ng makasama namin siya, mas bumilis ang pagresolba at pagresponde namin sa mga kaso. “Team leader, papirma naman ako rito para mapasa ko na,” nahinto ako sa ginagawa ko ng lumapit sa akin si Detective Roxas na may dalang bulto-bulto ng folder. Napatingin naman ako sa kanya at sa mga dala niya. “Lahat ‘yan? B-bakit ang dami?” Napakamot naman siya sa kanyang buhok at saka nilapag sa mesa ko ‘yong mga dala niya. “Eh, kasi naman, team leader, bago ka dumating ay wala kaming team leader, at ngayong nandito ka na, ikaw ang pipirma ng mga file report na ‘yan para maipasa na namin sa taas,” nakangiting sagot niya sa akin. Sa ikalawang pagkakataon ay tinignan ko ang mga folder saka muling tumingin sa kanya. “Okay,” ‘yon na lamang ang nasabi ko dahil wala naman akong magagawa pa. “Salamat, team leader, galingan mo sa pag-pirma,” paalam ni Detective Roxas at sumaludo pa sa akin bago tuluyang umalis. Loko talaga ‘tong si Detective Roxas. Nailing-iling akong bumalik sa ginagawa ko. Akala ko pa naman ay makakauwi ako ng maaga ngayon, patapos na rin naman na kasi ako sa gawain ko, kaso naman ay nadagdagan pa dahil sa mga dala ni Detective Roxas. Tinapos ko na ang file report na kasalukuyan kong ginagawa, report lang naman ‘to tungkol sa dalawang magkapitbahay na nag-demandahan dahil sa hindi pagbabayad ng utang na inabot na raw ng ilang taon. Nang matapos ako sa ginagawa ay sinend ko na lahat ng file report na ginawa ko kay Detective Raynolds, siya kasi ang magp-print ng mga ‘yon at pipirmahan ko bago ipasa kay colonel. Matapos kong i-send ang mga file ay ‘yong mga folder sa mesa ko naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Pipirmahan na lang naman na kaya hindi na masyadong ma-trabaho, ang kaso nga lang ay napakarami na paniguradong aabutin ako ng ilang oras sa pagpirma. Pansin ko na ngayong araw, simula nang pumasok ako kanina ay hindi pa ako tumatayo sa kinauupuan ko, p’wera na lang kapag pumupunta akong banyo at no’ng break time, pero bukod pa ro’n, hindi na ako tumayo sa upuan ko. Ilang oras na nakatapat ang mata ko sa computer kaya naman pakiramdam ko ay malulusaw na ang lens na suot ko, hindi ko kasi mahanap kanina ‘yong salamin ko kaya naman lens ang ginamit ko. Idagdag mo pa na ang sakit na ng likod, braso, at kamay ko dahil sa ilang oras na pagta-type. Tapos ngayon, pagpi-pirma naman ang gagawin ko. Masyadong gamit na gamit ang kamay ko ngayong araw. “Team leader, gusto mo ng kape?” alok ni Detective Angeles sa kape na hawak niya. Umiling naman ako. “Tsaa na lang sa akin, detective,” I said. Kapag nagkape kasi ako ay baka hindi ako makatulog kaagad mamaya, plano ko pa naman na mag-imbestiga mamaya kaya kailangan na makatulog ako. “Sige, team leader, gawan kita,” he said at dumiretso sa loob para gumawa ng tsaa. May maliit kasi kaming parang kusina rito, though hindi talaga siya kusina, pero may mga naka-stock lang na kape, baso, at mainit na tubig para sa mga detective na gising magdamag. May mga oras kasi na inaabot kami ng 24 hours para sa isang kaso, may mga monitoring naman na kailangan magmanman kaya dapat gising buong gabi. Kaya naman ang iba ay hindi na nakakauwi at dito na mismo natutulog dahil pagkatapos ng ilang oras na pahinga ay balik trabaho na ulit. Nang makaalis si Detective Angeles ay bumalik na ako sa pagpi-pirma. Ang dami ko nang napirmahan pero kapag tinitignan ko ‘yong mga folder sa harapan ko ay parang hindi sila nababawasan. “Team leader, papirma lang po. Ito ‘yong mga file report no’ng nakaraang b’wan bago ka dumating dito,” singit ni Detective Ventura sa ginagawa. Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko ang ilang piraso ng folder na hawak niya. “Sige, ilapag mo na lang d’yan sa gilid,” turo ko sa ibaba ng mesa, puno na kasi ang mesa ko ng mga folder na dala ni Detective Roxas kanina. Napatingin na lang ako sa mga folder na pipirmahan ko at napailing. Mukhang masasabak ako sa puyatan ngayon. Kapag hindi ko ‘to natapos agad ay posibleng hindi matuloy ‘yong plano ko para mamaya na mag-imbestiga. “Team leader, tsaa ka muna,” napatigil ulit ako sa pagpirma nang dumating si Detective Angeles dala ‘yong tsaa na ginawa niya. Kinuha ko ‘yong tsaa mula sa kanya bago nagsalita. “Thank you, Detective Angeles.” Ngumiti lang siya at bumalik na sa kanyang ginagawa. Bago bumalik sa gawain ko ay humigop muna ako ng mainit na tsaa at saka nag-unat. Hay, ramdam ko na ang pagod sa buong katawan. Inubos ko muna ang tsaa saka ako bumalik sa pagpirma. Gusto ko nang tapusin ang lahat ng gawain ngayon para kung may bago mang ipapagawa bukas ay hindi ako matambakan ng gawain. ----- Halos isang oras na akong nagpi-pirma at sa wakas, kaunti na lang sila, patapos na ako sa ginagawa ko. At isa lang ang ibig sabihin no’n. Makakauwi na ako! Sa wakas! “Team leader,” bigla akong napatingin sa tumawag sa akin. “Yes, Detective Raynolds?” tanong ko sa kanya ng makita siya na nakatayo sa gilid ko. “Ito na ‘yong mga file report na ginawa mo, team leader. Pirma mo na lang ang kulang bago sila ipasa,” bigla akong napahinto sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang tinignan at ang mga folder na hawak niya. Ilang segundo ang lumipas bago ako tuluyang nakasagot sa kanya. “Ah okay, pakilagay na lang dito,” sabay turo ko sa gilid ng mesa. Nilagay ko na kasi sa baba ng mesa ko lahat ng file report na napirmahan ko na, para nakaayos na at ipapasa na lang bukas. “Okay, team leader. Maiwan na kita,” he said at umalis na. napabuntong hininga na lang ako ng mga kita ang mga folder na bagong dating. Akala ko pa naman ay makakauwi na ako, mukhang hindi pa pala. Okay! Pirma lang ng pirma, Donovan, matatapos din tayo. Matapos i-motivate ang sarili ay bumalik ako sa pagpipirma. Ilang piraso na lang din naman na kaya hindi na ako aabutin ng isang oras. Kaunting tiis na lang at mararamdaman ko na sa likod ko ang malabot na higaan ko. Last batch na ‘tong pipirmahan ko, kapag may nagdagdag pa, ewan ko na lang. Gusto ko nang makauwi dahil pagod na talaga ako, kaya sana naman ay wala nang lumapit pa at magdagdag ng gawain. “Team leader, mauna na kami,” napatingin ako kay Detective Ventura na siyang nagpaalam. Nag-aayos na siya ng gamit niya at paniguradong pauwi na. bigla tuloy akong nainggit sa kanya. “Kami rin, team leader, tapos na kami. See you bukas, team leader!” masayang wika naman ni Detective Raynolds. Bilib din ako sa isang ‘to, kami ay halatang patulog na at bakas na sa mga mukha namin ang pagod, habang siya ay hyper pa rin at may malawak na ngiti sa mukha. Minsan mapapa-sana all ka na lang talaga kay Detective Raynolds. “Okay, ingat kayo. See you bukas,” paalam ko naman sa kanila at muling bumalik sa ginagawa. Hindi ko na sila tinignan pa dahil lalo akong naiinggit. Paano ba naman kasi, aalis na silang lahat kaya naman ako na lang ang maiiwan sa grupo namin, though may iilang detectives pa na narito dahil may monitoring sila mamaya. Nang matapos silang mag-ayos ay napansin ko na paalis na sila, bago tuluyang lumabas ay nagpaalam silang muli sa akin at sa iba pang detective na naiwan. Nang tuluyan silang makaalis ay itinuon ko na ang buong atensyon ko sa pagpirma para makauwi na rin ako. Ramdam na ramdam ko na rin kasi ang pagod at ngalay sa kanang braso ko, dala ng ilang oras na pagpirma. Hindi na ako magtataka bukas kong bigla paralisado ‘tong kanang kamay ko, pero ‘wag naman sana dahil importante ‘tong kamay ko. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na rin ako sa ginagawang pagpirma. Sa wakas, tapos na talaga ako! Finally, I can go home! Uwian na. Ni-double check ko muna ang mga folder kung may nakalimutan akong pirmahan, nang masiguradong ayos at kumpleto na ang lahat ay ginilid ko na ang mga papel, saka ako nag-ayos ng gamit at naghanda pauwi. Napaisip tuloy ako kung kakayanin ko pa bang magmaneho pauwi dahil parang nanghihina na ang kanang kamay ko. Pero kaya ‘yan, may kaliwang kamay pa naman, ang mahalaga makauwi ako. Nang maayos ko na ang lahat ay nagpaalam na ako sa iba pang detective at lumabas na patungong parking lot. Nang mahanap ang kotse ko ay agad akong sumakay at nagmaneho pauwi. At dahil dis-oras na ng gabi ay mas binilisan ko ang pagmamaneho para mas madaling makarating sa condo, nararamdaman ko na rin kasi ang antok na may kasamang pagod, pero sa tingin ko ay kaya ko pa naman na mag-imbestiga mamaya. Ilang minuto lang ang inabot ko sa kalsada at nakarating naman ako ng ligtas sa condo. Inaayos ko an gang pagparada at saka umakyat sa unit ko. Nang makapasok ay mabilis akong nagbihis at nagtungo sa kama, bukas na ako kakain dahil napapagod na talaga ako. Nang makapasok sa kwarto ay mabilis akong humiga. This is it! This is the feeling, nakaka-relax. Nilasap ko muna ang sarap sa pakiramdam ng kama ko bago ako natulog at ginawa ang astral projection.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD