V1 - Chapter 23

2150 Words
‘There’s only one truth.’ Aoyama Gosho -Donovan’s POV- Kahit na medyo may nahihilo pa ay nagpasya na akong bumangon. Hindi rin naman kasi ako makatulog ng maayos nang dahil sa nalaman at nakita ko kagabi. Masyadong na-overwhelm ang utak ko sa mga nalaman ko. At ang nakakaloko pa, imbes na mabigyan kasagutan ang mga tanong ko, though may iilan na nabigyan nga ng kasagutan, mas nadagdagan naman ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Nanatili pa ako sa kama ng ilang minuto bago tuluyang bumangon. Pagkabangon ko ay nag-asikaso na ako papasok. Paniguradong pagdating ko sa istasyon mamaya ay may mga hang-over pa mga kasama ko, lalo na ‘yong tatlong nagpakalasing talaga. Matapos mag-asikaso, inayos ko na ang mga gamit ko at isa-isang nilagay sa bag. Nang masigurado ko na kumpleto at maayos na lahat ng gamit ko ay bumaba na ako at dumiretso sa parking. Pagkatapos kong maligo kanina ay nahimasmasan na ako, idagdag mo pa na nag-kapeng barako ako kaya paniguradong gising na gising ako buong araw. Pagbaba ko sa parking lot ay hinanap ko kung saan ko pinarada ‘yong kotse ko dahil nakalimutan ko kung saan ako nagparada kagabi. Nang hindi ko makita ‘yong kotse ko ay nilibot ko pa ang buong parking, tinignan ko rin sa labas dahil baka mamaya hindi ko pala naipasok sa loob, dahil sa kalasingan ko kagabi. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko pa rin nahahanap ‘yong kotse ko. Nakailang pindot na rin naman na ako sa susi pero hindi ko pa rin naririnig tumunog ‘yong kotse ko. “Takte! Saan ko ba kasi pinarada ‘yon?” napakamot na lang ako sa ulo ko at saka muling nilibot ang kabuuan ng parking. Bakit parang pakiramdam ko ang tanda ko na dahil nagiging makakalimutin na ako. Damn! Saan na ba kasi napunta ‘yong kotse ko? After a few minutes of contemplating on what I should do, I decided to commute. Kung magtatagal pa ako ng ilang minuto kahahanap sa kotse ko ay paniguradong male-late na ako papasok. Lumabas na ako ng condo at nagpara ng tricycle, wala kasi masyadong jeep dito, unlike sa Marnina na halos jeep ang main transportation ng mga tao, dito ay tricycle, wala ring taxi. Kaya naman mas okay talaga kung may sarili kang sasakyan para mas madaling pumunta sa lugar na gusto mong punatahan. Good thing, at dinala ko ang sasakyan ko rito sa San Bernin. Kaso hindi ko naman mahanap ‘yong sasakyan ko ngayon. Habang nasa byahe, napaisip ako na baka naman na-carnap ‘yong kotse ko kaya hindi ko makita. Pilit kong inaalala lahat ng nangyari kagabi bago kami uminom, hanggang sa pag-uwi ko. “Aha!” bigla naman napahinto sa pagmamaneho si manong driver. “Ser, ayos lang baga kayo?” tanong niya nang mahinto ang tricycle. Tumango na lang ako at humingi ng paumanhin. Mukhang nagulat ko pa si manong dahil sa lakas ng boses. Eh, kasi naman, naalala ko na kung saan ko huling nakita ‘yong kotse ko. Hay, Donovan, mukhang kailangan mo na ng Memory Plus, nagiging makakalimutin ka na. Naalala ko na, na iniwan ko pala sa parking lot ng presinto ‘yong kotse ko dahil naglakad lang kami papunta sa resto bar na pinag-inuman namin kagabi. At dahil medyo may tama na ako ay naglakad ako pauwi. Nang makarating sa presinto ay bumaba na ako ng tricycle at nagbayad, dinagdagan ko na lang din ‘yong binayad ko dahil nakakahiya ‘yong nagawa ko kanina. Matapos magbayad ay hinintay ko muna na makaalis si manong bago ako pumasok sa loob. Tuluyan nang nakalayo ‘yong tricycle na minamaneho niya kaya naman pumasok na ako sa loob. Habang paakyat, nakasalubong ko pa si Detective Raynolds na pupungas-pungas habang papasok ng elevator. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil hindi pa siya bumabati. May tama pa ang isang ‘to. Hangover. Hindi naman puno ang elevator kaya naman pumwesto ako sa pinakadulo, gano’n din ang ginawa ni Detective Raynolds. Nang mahanap ang pwesto kung saan siya kumportable, saka siya sumandal sa railings at ipinikit ang mata. May tama pa nga, bulong ko at itinuon na sa hara pang atensyon ko. Nang makarating sa tamang palapag, magkasunod kaming lumabas ni Detective Raynolds. Nauuna siyang maglakad sa akin kaya naman kita ko na medyo paggewang-gewang pa siyang maglakad. Malamang ay nasa dreamland pa ang isang ‘to. Nang makapasok sa loob ay napansin ko na kumpleto na silang lahat. Si Detective Raynolds ay agad na dumiretso sa pwesto niya at isinubsob ang kanyang mukha sa mesa. Si Detective Angeles at Detective Ventura naman ay nakatutok sa kani-kanilang computer. Si Detective Roxas at Detective Villares ay parehas na nakasandal sa kanilang upuan at nakapikit. Grabe ba naman kasing uminom kagabi, ayan tuloy. Na hangover is real tuloy sila. Dumiretso na ako sa pwesto ko at inayos ang gamit ko. Kailangan ko nang simulant ang imbestigasyon sa dalawang kaso. Sigurado ako na may koneksyon ang dalawang kaso, at si Tomas Stein, may kinalaman siya sa dalawang biktima na namatay. Nang mapansin na ako ay bumati silang lahat sa akin at saka bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Hinayaan ko na muna na matulog ‘yong tatlo dahil wala pa namang masyadong kaso na inaasikaso ngayon. Ang naka-pending na kaso namin sa ngayon ay ang suicide case ni Ryan Rocques, na sa tingin ko ay may koneksyon sa pagkamatay ni Amanda Reyes. Dahil sa mga nakita ko kagabi, nakasisigurado ako na sa Tomas Stein ang pumatay sa dalawang biktima at parehas na pinagmukhang nagpakamatay ang dalawa para isarado agad ang kaso. At ‘yong Looker na sumundo sa kanya kagabi ay paniguradong kasabwat din nito, at ang Boss naman na kausap nito kagabi ang siyang nag-utos na ipapatay ang dalawa. Ngayon, kailangan kong malaman kung ano ang koneksyon ng dalawang kaso. “Detective Angeles,” tawag ko sa kanya. “Yes, team leader?” tanong niya saka bumaling paharap sa akin. “Can you check if Amanda Reyes knows Ryan Rocques and Tomas Stein? At saka, pwede mo bang alamin kung nasaan si Tomas Stein no’ng araw na natagpuang patay si Amanda Reyes at Ryan Rocques?” “Okay, team leader,” he said and go back to work. Lumapit naman ako sa p’westo ni Detective Ventura. “Detective, can you look for the gang mates of Ryan Rocques? And look for their alibi during the day Ryan Rocques died.” “Okay, sir,” he said and started to look for the information I am asking. Bumalik na ako sa p’westo ko at pumalakpak ng tatlong beses para kunin ang atensyo ng buong grupo, busy naman ang katabing crime unit team kaya hindi nila kami naririnig. Nang marinig ang palakpak ko ay napamulat ang tatlong detective na natutulog. “Detectives, let’s close the Ryan Rocques case today. Detective Roxas and Detective Villares, I want you to confirm if the man that Ryan Rocques with is Tomas Stein. Detective Raynolds and I, will look for possible eye witness. And after that, we will have our meeting.” “Yes, team leader,” they answered in unison. “Detective Angeles and Detective Ventura, I’ll leave the two of you here and do the thing that I ask. Thank you.” I said at sumabay na kay Detective Raynolds palabas. As usual, siya ang nasa driver’s seat habang ako naman sa passenger’s seat. “Saan ang unang destinasyon natin, team leader?” tanong ni Detective Raynolds habang ini-start ang sasakyan. Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot. “Let’s go first to a coffee shop.” “Hindi ka pa ba naga-almusal, team leader?” tanong niya at pinaandar na ang sasakyan. At dahil nagmamaneho, sa kalsada na nakatuon ang kanyang tingin. “Nope. Nag-almusal na ako, pero ikaw, mukhang kailangan mo.” Natawa naman siya sa sinabi ko at saglit akong tinignan saka muling ibinalik ang kanyang tingin sa kalsada. “Tama ka r’yan, team leader. May hangover pa ako. Hindi na talaga ako magpapakalasing,” hirit niya pa. Hindi na ako sumagot pa at tumingin na lang din sa kalsada. Kung alam niya lang, ang dami ko nang kakilala na nagsabi na hindi na sila magpapakalasing pero hindi naman nangyayari. Dahil may malapit na coffee shop sa istasyon, mabilis din kaming nakarating. Bumaba na ako at pumasok sa loob habang nakasunod sa akin si Detective Raynolds. Hindi na kami nag-dine-in, pagka-order ay pina-take-out na lang namin dahil tinapay at kape lang naman binili namin. Bumili na rin ako ng kape dahil medyo kumakalam na kaagad ang sikmura ko kahit na kumain naman ako kanina. Inubos muna ni Detective Raynolds ang kanyang pagkain bago bumalik sa pagmamaneho. Hindi pa naman pala kasi soiya naga-almusal kaya pala lantang gulay siya ng makita ko papasok kanina. Ang destinasyon namin ngayon ay ang bahay na tinutuluyan ni Tomas Stein. Natandaan ko ang address niya dahil sa impormasyon na pinahanap ko kay Detective Angeles kahapon. Nang makarating kami ay akala ko nasa Marnina na ulit ako, paano ba naman, ang mga bahay dito ay parang katulad sa Marnina. Hindi naman sa ibinababa ko ang mga nakatira sa squatter’s area, pero parang ganito ang itsura ng mga bahay dito. Umagang-umaga ay may nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan, mga bata na naglalaro sa kalye, mga nanay na naglalaba malapit sa may poso, at magkakadikit na bahay. Bigla ko tuloy naalala ang Manila, sa may subdivision kami nakatira ni mama, pero no’ng high school pa lang ako ay sa may squatter’s area rin kami nakatira. Though, magulo at lagging may nag-aaway dati sa lugar namin, pero masaya naman dahil malayo akong nakakapaglaro sa kalsada no’ng kabataan ko. Okay, enough of reminiscing. Ipinarada lang ni Detective Raynolds ang kotse at dumiretso na kami sa bahay ni Tomas Stein. At dahil nga magkakalapit lang ang mga bahay-bahay at marami ring nakatambay, mabilis naming natunton ang bahay ni Tomas Stein. Lumapit sa pinto si Detective Raynolds at kinatok ito habang sinisigaw ang pangalan ni Tomas, medyo maingay kasi sa paligid kaya naman kailangan naming lakasan an gaming mga boses. Muling kumatok si Detective Raynolds nang walang lumalabas mula sa bahay. Halos limang minuto na kaming nakatayo at naghihintay pero wala pa ring lumalabas. Nangawit na rin kakakatok ang kasama ko. “Kuya Pogi,” napatingin ako sa bata na tumawag sa amin. “Pasok na lang kayo, bukas naman ata ‘yan,” sabi nito at umalis na. Nagkatinginan muna kami ni Detective Raynolds bago nagpasya na buksan ang pinto. Ako ang pumalit sa pwesto niya at pumunta malapit sa pinto upang buksan ito. Nakaabang naman sa likuran ko si Detective Raynolds kung sakali man na iba ang sumalubong sa amin. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at mas naging alerto dahil madilim sa loob. Hindi kami pwedeng maglabas ng baril dahil maraming sibilyan sa paligid kaya mas lalo kaming nag-ingat. Posible kayang tulog pa ito dahil anong oras na siya umuwi kagabi? Pero imposible naman na hindi siya magising sa paulit-ulit na pagkatok at pagsigaw ni Detective Raynolds. Nang tuluyang makapasok sa loob ay nilabas ko ang flashlight na nakalagay sa bewang ko. May nakita akong bumbilya sa bubong pero hindi naman namin mahanap ang switch ng ilaw kaya hindi namin masyadong makita ang kabuuan ng bahay. Hindi gano’n kalaki ang loob kaya naman medyo limitado ang mga galaw namin. Kanina ko pa rin napapansin na parang may tumatama sa ulo ko kapag pumupunta ako malapit sa may kusina kaya naman nanatili ako malapit sa may pinto. Masyadong madilim sa loob kaya hindi kami makaabante. “Team leader, nahanap ko na ‘yong switch,” bulong niya kaya naman tumungo ako, senyales na buksan niya ito. Sandal kaming napahinto ng magliwanag ang buong lugar. Mas lalo naman kaming hindi nakagalaw sa kinatatayuan namin ng isang kagimbal-gimbal na senaryo ang bumungad sa amin. Nagkatingin kaming muli ni Detective Raynolds bago na-realize kung ano ang nasa harapan namin. Lumapit ako kay Tomas Stein at hinawakan ang kanyang pulso. Nang maramdaman na wala na itong pulso ay muli akong umatras. Ngayon alam ko na kung ano bagay na parang kanina pa tumatama sa ulo ko. Pero hindi pala isang bagay, kung hindi katawan. Walang buhay na katawan ni Tomas Stein na nakabitin sa kisame ang kanina pa na tumatama sa ulo ko, at ang senaryo na nabungaran namin ni Detective Raynolds ng buksan niya ang ilaw. Nang makumpirma na wala nang buhay ang biktima, agad na tumawag ng medic at backup si Detective Raynolds. Habang ako naman ay tinitignang mabuti ang katawan ng biktima. Nagpakamatay ka ba? O pinatay ka lang din siya kagaya ng mga biktima na binawian mo ng buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD