V1 - Chapter 22

2224 Words
‘Dead men are heavier than broken hearts.’ – Raymond Chandler -Donovan’s POV- Kahit na inaasahan ko nang si Tomas Stein ang lalaking makikita ko ngayon ay nabigla pa rin ako. Kahit na nakatalukbo ang ulo niya ng hood mula sa jacket at may suot siyang sombrero, malapitan ko pa ring nakikita ang kanyang mukha. Kahit na nakatayo ako sa kanyang harapan ay hindi niya ako napapansin. Patuloy niyang iniikot sa buong bahay ang flashlight na hawak niya na tila ba may kung anong hinahanap. Katulad ng pagbisita ko kanina, gano’n pa rin ang itsura ng bahay, nakakalat pa rin sa sala ang tambak ng basura, mga basyo ng alak na walang laman at mga damit na pinaghubaran. Naglakad patungo sa kwarto ng biktima si Tomas kaya naman sinundan ko siya. Dahan-dahan niyang pinihit ang sedura ng pinto, at ng mabuksan ay saka siya pumasok. Kagaya ng ginawa niya kanina ay pinalibutan niya ng liwanag ang buong lugar na tila ba sinusuri. Ilang beses niya pa itong ginawa bago tuluyang naglakad papasok. Pagpasok ay dumiretso siya sa drawer at saka lumuhod sa harap nito. Ngunit bago niya buksan ang drawer ay may kinuha siyang muli sa bulsa ng kanyang pantalon. Natawa na lang ako sa isip ko ng makita ko ang bagay na inilabas niya. Kung hindi lang ‘to seryosong usapin ay baka nabilib na ako sa kanya. Paano ba naman, mukhang handing-handa talaga siya, mula sa susi, flashlight, hanggang sa gloves. Matapos isuot ang kanyang gloves ay saka niya isa-isang binuksan ang drawer at kinalkal ang bawat laman nito. Kada drawer na binubuksan niya ay tinataktak niya ang laman, matapos matignan ang mga gamit, saka niya ito muling aayusin at ibabalik ng maayos. How meticulous. Inulit niya pa ‘yon sa iba pang drawer. Ngayon, alam ko na kung bakit itong kwarto na ‘to ang naiiba bukod sa dalawang napasukan ko kanina. Kaya pala. Dahil matapos niyang maghanap ay lilinisin at ililigpit niya muli ito sa pagkakalagay. Kaya naman hindi na ako magtataka kung sakaling pumunta ang mga pulis dito ay wala silang mahanap na ebidensya na makakapagturo sa kriminal. Hindi ako sigurado kung ano ang hinahanap niya, pero paniguradong makatutulong ‘yon sa kaso. Kaya naman kailangan kong malaman kung ano ‘yong bagay na hinahanap niya at dapat na maunahan ko siyang mahanap ang bagay na ‘yon. Nang mahalughog ang bawat drawer at maayos ulit ito sa dating pagkakalagay. Sunod naman niyang pinuntahan ang aparador kung saan nakalagay lahat ng damit ng biktima. Lumapit siya rito at binuksan iyon, kaya naman tumambad sa amin ang maayos na damitan ng biktima. Bigla siyang umupo at may kinuha sa loob ng aparador, ‘yong bilog na lalagyan na nakita ko kanina. Binuksan niya ‘yon pero wala namang laman. “Oo nga pala, nakuha ko na ‘yong pera rito,” sabi ni Tomas at muling binalik sa loo bang bilog na lalagyan. Pera? Pera ang laman ng bilog na lalagyan na ‘yon? Bigla akong napaisip, kung sakali man na siya ang pumunta rito bago ako pumunta kanina, ano pa ang binabalikan niya ngayon? Risking his life for that thing. Without thinking to the possibilities nab aka lalo siyang madiin sa ginagawa niya? Is he really that confident? Or sadyang sobrang mahalaga lang talaga ng bagay na ‘yon? Matapos niyang mabalik sa loob ang bilog na lalagyan ay isa-isa naman niyang kinapkap ang damit ng biktima. Bawat damit na may bulsa ay tinitignan niya. Posible kaya na pera? Pera ang dahilan kung bakit bumalik siya rito? “Tang*na naman, saan niya nilagay ‘yon?” inis na bulong niya habang patuloy pa rin sa pagkapkap, pati tuloy ako ay naintriga sa kung ano ba talaga ang hinahanap niya. Iilang damit na lang ang natitira pero hindi niya pa rin nahahanap ‘yong bagay na ‘yon. Napatigil naman siya sa pagkalkal at bigla siyang nagsalita. “Paksh*t, nahanap din kita.” Nilabas niya mula sa bulsa ng isang jacket ang isang maliit na papel na mas malaki lang ng kaunti sa papel na pera. “Nandito ka lang pala.” Dinala niya ‘yon sa ilong niya at inamoy-amoy pa na tila ‘yon ang pinakamabagong bagay sa mundo. Matapos lasapin ang amoy ay dinala niya ‘yon sa harapan niya kaya naman nabasa ko kung ano ang hawak niya. Cheke. It’s a check worth one million pesos. Ang that’s it? Pera? Pera ang hinahanap niya? Ilang beses niya pa muna itong inamoy at hinimas-himas saka niya naisipang itago sa bulsa ng jacket niya. Nang masigurado na nakatabi ito ng maayos ay saka naman niya inayos ang pagkakalagay at pagkakasampay ng mga damit. Matapos maayos ay isinara na niya ang aparador at dumiretso na sa pinto patungo sa labas ng kwarto. Hindi na siya muling lumingon pa, marahil ay nakuha na niya ang kanyang hinahanap. Bago tuluyang lumabas ng bahay ay muli siyang humarap sa pinto ng kwarto ng biktima na kasasara lang. Lumapit siya rito at naglabas ng panyo galing sa kanyang bulsa, saka pinunasan ang sedura ng pinto, at ang iba pang parte kung saan siya humawak. Napakahanda. Mukhang sanay na sanay na talaga siya sa ganitong gawain. Napaka-expert kumilos. Natapos na niyang punasan ang pinto kaya naman nagdahan-dahan muli siya sa kanyang pag-alis. Nang makarating sa pinto ay maingat niya itong binuksan, muli ay tinignan muna ang buong paligid bago tuluyang lumabas. Nakalabas na siya ng maayos kaya naman isinara na niya ang pinto ng hindi gumagawa ng ingay at maingat na lumabas ng gate. Naging maingat siya sa kanyang mga hakbang hanggang sa tuluyang makalabas ng gate. At matapos isara ang gate ay saka siya naglakad na para bang walang nangyari at para bang wala siyang ginawang masama. Ngayong nakita ko na siya ay naisipan ko na sundan siya kung saan man siya pupunta. Nakita ko na ang personal files niya kanina kaso hindi ko natandaan kung ano ang address niya kaya naman hindi ko alam kung saan siya nakatira. Makakuha lang talaga ako ng matibay na ebidensya ay huhulihin ko siya agad-agad. Lumiko siya sa isang eskinita na ngayon ko lang nadaanan kaya naman lumiko rin ako at sumunod sa kanya. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad kaya naman tumigil din ako pero may kaunting distansya sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at may tinawagan. Tsk, sayang. Hindi ko nakita kung sino ang tinawagan niya, dapat pala mas lumapit ako ng pwesto. Dahil sa pagkadismaya, mas lumapit ako sa kanya para naman marinig ko ang usapan nila ng kausap niya sa cellphone. “Hello, boss,” sabi niya. Boss? ‘Yon ba ang amo nila? Pero sino? “Napatahimik mo na ba si Ryan?” sagot naman ng nasa kabilang linya. So siya ang nagpautos na patayin si Ryan Rocques? “Yes, boss, no’ng nakaraan lang. Nagpalamig muna ako bago nag-report, mahirap na, baka may makatunog.” “Good, I’ll call you kapag may ipapagawa pa ako,” muling sagot nito at narinig ko na ang dial tone. Malamang ay binaba na nito ang tawag. Matapos makipag-usap sa sinasabi niyang boss ay nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya naman sinundan ko ulit, but this time ay mas malapit na. Mahirap na kapag may nakalagpas na details. Kung nakita ko lang sana kung sino ‘yong boss na sinasabi niya, mas magiging madali ang lahat. Ngayong alam ko na kung sino ang pumatay at nagpapatay kay Ryan Rocques, kailangan kong malaman kung bakit siya pinatay, ano ang dahilan? At syempre, matibay na ebidensya na makakapagturo sa salarin. Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay hindi ko na napansin na halos pamilyar na ang dinadaanan namin. Tama, pamilyar nga, alam ko ‘tong daan na ‘to dahil ito ang daan patungo sa bahay ni Amanda Reyes. Mas lalo pa akong naguluhan ng huminto siya sa isang sasakyan malapit sa bahay ng biktima. Tinignan niya muna ang buong paligid, nang masiguradong walang abala ay saka siya naglakad papalapit sa bahay na pamilyar sa akin. Kagaya sa bahay ni Ryan Rocques ay mababa lang din ang gate nito, kaya naman tinalon lang ni Tomas ang pagitan mula sa labas papasok sa loob. He successfully entered the place and tiptoed his way thru the backdoor. Pinihit niya ang pinto pero naka-lock ito, nang hindi mabuksan, may kinuha muli siya sa kanyang bulsa na manipis at maliit na bakal saka ipinasok sa butas ng sedura. He’s lock picking the door. Ilang segundo lang ay matagumpay niyang nabuksan ang pinto kaya naman agad siyang pumasok. Wala na siyang sinayang na oras at dumiretso agad sa isang kwarto. Hindi ako p’wedeng magkamali dahil kilala ko ang may-ari ng kwarto na ‘yon. Pero bakit? Anong kailangan niya sa kwarto na ‘yon? Sa kwarto ni Amanda? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Amanda? O siya rin ang pumatay dito? Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng pumasok nga siya sa kwarto nito, ngunit dismaya ang bumalot sa kanyang mukha. Nadismya nang makitang wala nang kalaman-laman ang kwarto. Pero hindi pa rin ‘yon naging hadlang para pasukin niya ang loob. “Hay, dapat pala no’ng nakaraan pa ako pumunta.” Lalabas n asana siya ng bigla siyang huminto at may damputin sa ilalim ng mesa. Tinignan ko kung ano ‘yong pinulot niya. Isang litrato, litrato ni Amanda. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng biktima at hinimas ang larawan na para bang hinihimas ang mukha ni Amanda. “Kung hindi ka lang sana dumaan sa lugar na ‘yon, buhay ka pa sana.” He said at itinapon ang litrato na hawak. Napatingin ako sa litrato na tinapon niya na bumagsak sa sahig, saka ko muling ibinalik sa kanya ang tingin. Hindi kaya, isang witness ang biktima? Posibleng nakita niya ang isang krimen na ginawa ni Tomas Stein at hindi na nasabi pa sa mga pulis dahil pinatay na siya nito? Dahil kung hindi, bakit bibisitahin ni Tomas Stein ang bahay ni Amanda? Sa pag-aakalang kahit papaano ay masasagot ang ilan sa mga tanong ko, itinuloy ko pa rin ang astral projection kahit na medyo lasing ako. Pero sa nakita at nalaman ko ngayong gabi, mas lalo lang nadagdagan ang mga tanong na iniisip ko na mas lalong nagpagulo sa utak ko. Tuluyan nang lumabas si Tomas Stein kaya sumunod muli ako sa kanya. Sa backdoor ulit kami dumaan palabas. Naglakad muli siya patungo sa makitid na eskinita na malapit lang din sa bahay na tinutuluyan ni Amanda. Habang naglalakad ay may ginagawa siya sa kanyang cellphone kaya mas lalo akong lumapit para makita kung ano ang ginagawa niya. May ka-text siya sa kanyang cellphone. Pinagmasdan kong mabuti ang palitan nila ng text. Wala namang kahina-hinala sa usapan nila pero nararamdaman ko na kasabwat niya rin ang ka-text niya sa paggawa ng krimen. Mas nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya para mabasa ang pangalan ng kanyang ka-text. Kasi naman, keypad ang cellphone na gamit niya kaya naman nahihirapan akong basahin ang mga nakasulat. Partida, napakaliit ng screen tapos naglalakad pa kami sa gitna ng dilim. Looker? Tama ba ang nabasa ko o baka naman naduling lang ako? Pero nakita ko ay Looker ang name sa phonebook no’ng ka-text niya. 123 Balerian street. ‘Yan ang text message na sinend niya kay Looker. Address ng bahay? Ito ba ang sunod nilang biktima? Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang bahay. Tinignan ko kaagad ang bahay ay pumukaw sa atensyon ko ang address na nakalagay dito. 123 Balerian street. Hindi kaya? Muli akong napatingin sa lalaking kasama ko na tila ba may hinihintay. Ilang minuto lang ang lumipas ay may papalapit na motorsiklo sa kinaroroonan namin. Napatingin ulit ako sa bahay na nasa likuran namin. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka may masamang mangyari na naman ngayong gabi. Pero mukhang mali naman ang hinala ko dahil ng makalapit sa amin ang lalaking sakay ng motorsiklo, bilang umangkas sa likuran niya si Tomas Stein matapos niyang abutan ng helmet. Saka sila kumaripas ng alis. Napahinga naman ako ng maluwag ng makaalis si Tomas, akala ko ay may mapapahamak na naman ngayong gabi. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko pa ang papalayong motorsiklo na sinakyan ni Tomas Stein, hinala ko na ang lalaking nagmamaneho kanina ay ang Looker na kausap niya sa kanina. At ‘yong address na ni-send niya ay kung saan lang pala siya makikita, hindi ang susunod nilang biktima. Nakatingin pa rin ako sa daan kung saan dumiretso ang sinasakyan nila kahit na hindi ko na natatanaw ang kanilang sasakyan. Gustuhin ko man na sundan pa rin sila ay hindi ko na magagawa dahil hindi kakayanin ng paa ko ang bilis ng motorsiklo. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago tuluyang umalis at bumalik sa unit ko. Kahit na medyo may tama ng alak ay maaga pa rin akong nagising. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog dahil sa mga nalaman ko kagabi. Mabilis akong naghanda papasok dahil marami akong dapat asikasuhin. When I arrived at the station, I thought that good news would greet me, but I was wrong. Ang narinig ko na balita ang nakapagpasira ng araw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD