‘If you’ve wrecked one train, you’ve a wrecked them all.’ – Charles Addams -Third Person’s POV- Matapos umalis ngd alawang detective sa barangay ay naisipan ng barangay chairman na magpatawag ng meeting sa mga tanod nan aka-assign sa gabing iyon. “Kardo, asan na ang mga kasama mo? Sabihan mo nga sila na magme-meeting tayo tungkol sa mga poste sa kabialng kalye,” wika nito sa tanod na nagbabantay sa labas. Alas-onse na ng gabi at maya-maya lang ay magsisimula na ang duty ng mga tanod na pang-gabi. Kaagad na kumilos ang tanod upang tawagin ang ibang kasamahan. At dahil may walkie talkie sila ay hindi na niya kailangan pa na puntahan isa-isa ang mga kasama upang tawagin. Matapos lang ang ilang minuto ay dumating na rin ang mga ito, ang iba ay mukhang kagigising lang. “Bilis, kanina pa

