‘Missing is the sure mind. It bends to whomever it wishes. It is now them in a different body.’ – Apostle of Eventide -Donovan’s POV- “Hay, sa wakas at makakauwi na rin,” wika ni Detective Villares habang nag-uunat pa. Dahil sa kaso ng isang binata na isa palang anak mayaman, napilitan kami na mag-overtime upang asikasuhin ang demanda sa kanya. Ang biktima ay ang kasambahay nila na dalaga at sinabi nito na sinubukan siyang gahasahin ng kanyang amo ngunit nakatakas siya at agad na nakapunta rito sa presinto. At nang sabihin nito ang pangalan ng suspek ay kaagad naman na nakaramdam si Colonel Martinez dahil sumadya pa ito sa presinto kahit na kaaalis lamang nito. Hindi rin natuloy ang kaso dahil matapos kausapin ng abogado ng kabilang panig ang biktima ay nagpasya ito na iurong ang dem

