V1 - Chapter 32

2161 Words
‘Envy is ever joined with the comparing of a man’s self. And where there is no comparison, no envy.’ –Francis Bacon -Donovan’s POV- It’s been a long day and hectic week. It’s been a week since the medical malpractice case of Doctor Willy Wilson. At pagkatapos no’n ay wala naman nang masyadong malalang kaso nitong mga nakaraang araw. Pero tambak pa rin ang mga gawain na kailangan naming tapos. Sa iba’t ibang kaso na nire-report sa amin araw-araw ay natatabunan na ang missing case na hinahawakan namin. With no new progress from the evidence techs and witnesses, we can’t properly continue and investigate the case. Kumbaga, masyado kaming nangangapa sa kaso. Earlier today, Detective Raynolds and I leave the office and grab a quick lunch as we make our way to meet the friends of Stephanie Cortez, the missing case victim. As we interview them, Detective Raynolds take recorded interviews with each of them and most of the information we get confirms what we already knew from the case, but a couple of new pieces of the puzzle are falling into place. Well, it’s a progress after all. Just because you don’t see any progress doesn’t mean nothing happened. Slow progress does not equal failure. It is a progress. A few statements from the friends contradict each other, which is really frustrating but a common occurrence when dealing with different people who have a different perspectives—witnesses’ minds often try to make sense of what they saw after the fact. And the challenge here as a detective is to separate the facts from the speculation—a challenge to be sure, and what we have dealt with a hundred of times before. Iba-iba man ng sinasabi ang mga witness, halos iisa naman ang context ng gusto nilang sabihin. After we interview the last witness, we immediately go back to the station and here I am, making some notes to go over my facts, I developed a line of questions and devise a game plan. I just need to play with the rules. With the new information we gathered, I have got some good leads and ideas of where to look for some key evidence. Since hindi pa naman kailangan ng maraming detective para tutukan ang kaso na ‘to, si Detective Raynolds ang napili kong isama sa pagi-imbestiga, since siya rin naman ang partner ko. “Detective Raynolds, come with me,” I said as I called him. Mabilis naman niyang inayos ang kanyang mga gamit at kaagad na sumunod sa akin. Nang makasakay sa kotse ay saka lang siya nagtanong kung saan kami pupunta. “Susundin natin lahat ng pinuntahan ni Stephanie. Gagawin natin lahat ng ginawa niya no’ng araw na nawala siya,” simpkeng sagot ko sa kanya. Tumango lang siya at pinaandar na niya ang kotse, papunta kami ngayon sa paaralan ng biktima. Base sa imbestigasyon namin kanina, huling kita nila kay Stephanie Cortez ay matapos ang huling klase nila ng araw na ‘yon. At nagkahiwa-hiwalay lang sila ng maguwian na dahil iba-iba rin naman ang daan nila pauwi. Ayon din sa isa sa mga kaibigan ni Stephanie Cortez na si Mindy Morren ay siya na lang ang naiwan sa waiting shed dahil naghihintay siya ng tricycle na masasakyan pauwi. Dahil gabi na inalok niya ang kaibigan na sumabay sa kanya pauwi at ihahatid na lang ito sa bahay nila dahil may sariling sundo naman si Mindy, pero tumanggi ang biktima kaya naman walang nagawa ang kanyang kaibigan kung hindi mauna nang umuwi. Hanggang sa kinabukasan ay hindi na pumasok si Stephanie Cortez sa kanyang klase, at ‘yon na rin ang araw na nag-report ang kanyang ina sa mga pulis na nawawala ang kanyang anak dahil hindi rin ito umuwi ng gabing ‘yon. Pero dahil wala pang bente kwatrong oras simula ng mawala ang biktima ay hindi kaagad naaksyonan ang kaso at pinauwi na ang magulang ni Stephanie. At matapos nga ang isang linggo, saka lang nag-report muli ang ina nito dahil isang linggo na ring hindi nagpapakita sa kanila ang dalaga. Natignan na namin ang lahat ng CCTV sa paaralan patin na rin ang mga CCTV sa kalapit na lugar pero wala kaming nakitang kahina-hinala. Ang tanging kakaiba lang sa video na napanood namin ay matapos umalis ng kaibigan ni Stephanie na si Mindy, naka-receive siya ng text mula sa kanyang phone, at matapos niyang mabasa ito ay naglakad siya papunta sa kaliwang bahagi ng daan kung saan salungat ang daan pauwi sa kanilang bahay. Nakita pa ang biktima na naglalakad papuntang Winsley Shopping Mall kung saan pagkarating sa mall ay parang may hinihintay siya at saka may dumating na itim na sasakyan. Matapos no’n ay sumakay ang biktima at ‘yon na ang huling video na nakita siya. Nang makarating kami sa paaralan ng biktima, kaagad na ipinarada ni Detective Raynolds ang sasakyan. Mula rito ay plano ko na lakarin at sundan ang lugar na pinuntahan ni Stephanie Cortez bago siya sumakay ng kotse. Base sa video ay hindi siya sapilitang isinakay, kaya I assume na kakilala niya ang kung sino mang nag-text sa kanya at ang driver ng sasakyan na ‘yon. “Team leader, lalakarin lang natin hanggang Winsley Shopping Mall?” tanong ng kasama ko ng makababa kami ng sasakyan. Tumango lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa. Simula sa gate ng San Bernin University ay sinimulan namin ang paglalakad papuntang Winsley Shopping Mall. Pinagmamasdan ko ang buong lugar na dinadaanan namin at tinitignan ang mga CCTV na posibleng nakahagip sa biktima habang ang kasama ko naman ay busy sa paglilista ng mga bagay na nakikita niya. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa Winsley Shopping Mall. May CCTV ang labas ng mall, ngunit mula sa kinatatayuan namin ay hindi rin makikita ng malinaw ang mga dumadaan. Wala namang CCTV ang intersection kaya naman mahirap malaman kung ano ang plate number ng sasakyan. “Detective Raynolds, may alam ka ba na paraan para malaman natin kung anong plate number no’ng itim na sedan na sinakyan ni Stephanie Cortez?” Tumingin naman siya sa akin at tila nagiisip ng isasagot. “Bukod sa CCTV at witness na nakita sa sasakyan, kung mayro’n man ay wala na. Wala na akong ibang alam na way, team leader. Pero kung si Detective Ventura ang tatanungin mo sa mga ganyan—“ “Tama! That’s right, we can ask Detective Ventura to look on that car for us,” pagpuputol ko sa sinasabi ni Detective Raynolds. Bakit ng aba ngayon ko lang naalala na magaling sa ganito si Detective Ventura? Kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan ang detective. Nang ma-dial ko ang number niya ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago masagot ang tawag. Matapos ang ilang ring ay sinagot na ni Detective Ventura ang tawag ko. “Hello? Team leader?” “Hello, Detective Ventura. Can I ask you for some favor?” “Ayos lang. Ano ba ‘yon, team leader?” “I already sent you the video file. And can you look for the plate number of that car and track the owner of it?” Ito na lang ang last alas namin sa kaso. At kung sakali man na ma-track ni Detective Ventura ang sasakyan na ‘yon ay mas magiging madali na ang lahat. “Base rito sa video na ni-send mo team leader, medyo mahirap siya. Pero bigyan mo ako ng isa hanggang dalawang araw, mabibigay ko ang impormasyon na hinihingi mo.” Kung isa o dalawang araw, mabilis pa ‘yon sa inaasahan ko. “Okay, just update me on the progress of that video. Thank you!” I said at ibinaba na ang tawag. Ang kailangan na lang namin gawin ay maghintay. Being a detective and solving a case, it’s always like a waiting game. Kailangan mong maghintay hanggang sa may magpakitang isang bagay na makakatulong sa kaso. Pero kung wala ay mangangapa ka talaga. I can feel that this case won’t end here. There’s something more about this case. At ang kasong ‘to ay nagsisimula pa lang sa kanyang misteryo.   -Third Person’s POV- “Jay, kamusta ang transaction mo kay Mr. Yamaki?” tanong ng lalaki na kararating lang. Nasa hideout sila ngayon at nagpapalipas ng oras. At dahil sila naman ang may-ari ng kanilang mga negosyo ay walang problema kung iiwan nila ‘yon sa oras ng trabaho. “I already paid Mr. Yamaki. By tomorrow morning, dadating na ang mga babae. Ilan ba ang sa’yo?” tanong naman nito sa kaibigan. “Dalawa. I wanna try threesome and that fvcking doctor recommend it to me,” simpleng sagot nito sabay tagay ng alak mula sa mesa. Natawa naman ang kanyang kaibigan sa sagot niya. “Threesome, Mic? Seryoso ka? Threesome? Ang hina mo naman pala.” Hindi na lang sumagot si Mic sa pangaasar ng kaibigan at itinuloy ang pag-inom. Ilang linggo na rin kasi siyang hindi nakakatikim ng babae kaya naman excited na siyang makilatis ang mga ipapadala ni Mr. Yamaki. Si Mr. Yamaki ang kanilang supplier ng babae. Sa Japan ito nakatira pero minsan ay pumupunta ng San Bernin kapag gustong makipagkita sa kanilang kaibigan na boss din nila. Bukod sa pagbebenta ng babae ay kilala rin na drug lord si Mr. Yamaki sa Japan, ngunit hindi ito mahuli-huli dahil sa koneksyon at pera na mayro’n siya. Kaya naman madali niyang nasusuhulan ng pera ang mga opisyal. “Mic, tumawag pala si Mr. Yamamoto, naghahanap siya ng organ para sa anak niya na may cancer.” “Hindi dapat ako ang kinakausap mo tungkol d’yan. Kay Theo ka magsabi,” simpleng sagot ni Mic sa kanyang kaibigan. “Wala ka talagang kwentang kausap, Fire Ant. Ang pangit pa ng codename mo,” pangaasar nito sa kaibigan na si Mic. “Akala mo naman napakaganda ng codename mo, Brown Recluse,” pambawi nito. Kapag magkakasama silang magkakaibigan ay lagi nilang pinagti-tripan ang codename ng bawat isa. Dahil sa kakaiba at hindi normal sa pandinig ng tao, kaya naman minsan ay ginagawa nila itong katatawanan. ----- Sa kabilang banda, abala naman si Theo sa paghahanda ng mga organ na ibebenta nila sa kanilang mga customer. Sa susunod na linggo kasi ay magkakaroon sila ng auction na ginaganap sa isang dark web. Dark web is a world wide web that exist on darknets—overlay networks that uses the internet but it requires specific software, configurations, or authorization to access. It is a decentralized network of internet sites that try to make users as anonymous as possible by routing all their communications through multiple servers and encrypting it at every step. “Mr. Atienza, did you already check the names and attendees for the auction?” tanong nito sa kanyang secretary habang busy sa pag-aayos ng mga organs. “Yes, sir. Here’s the list of the attendees. By the way, sir. Mr. Yamamoto request to be on VIP list,” sagot nito at inabot ang listahan ng lalahok sa auction. Kinuha naman ni Theo ang listahan at tinignan ang mga pangalan na nakasulat sa papel. Karamihan sa mga pangalan na nakalagay ay galing sa mayayamang pamilya at may mataas na posisyon sa lipunan. Ang ginagawa nila ay illegal o***************g. Many countries have laws that prohibit the selling and buying of organs and ban physicians from transplanting organs obtained through payment. However, they sell and purchase human organs for transplantation, collection and commemoration—and it is considered a widespread crime. “Okay then, confirm all the name on this list and give them an invitation. And put Mr. Yamamoto’s name on the VIP list but double the price for him,” utos nito sa secretary at ibinalik na ang listahan matapos makumpirma ang mga pangalan. Nang tuluyang makaalis si Mr. Atienza ay kaagad na tinawagan ni Theo ang mga kaibigan, na siya ring kasama niya sa pagma-manage ng kanilang organisasyon. “Taurus, napatawag ka,” sagot ng nasa kabilang linya.  “Black Spider. Just want to inform you that we’ll be having an auction this coming Friday. And I want you to monitor closely your team and make sure that they won’t do anything stupid.” “’Yon lang pala. That’s easy as pie,” mayabang na sagot naman nito. “Malaking pera ang nakasalalay dito kaya naman aasahan ko na walang aberya na mangyayari.” “You can count on me,” sagot nito at ibinaba na ang tawag. Matapos makausap ang kaibigan ay itinuloy na niya ang paghahanda sa auction na paparating. Kumbaga, isang big event para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD