V1 - Chapter 59

1927 Words
'With a keen eye for details, one truth prevails!' – Gosho Aoyama -Third Person’s POV- Tahimik na nag-aabang ng balita si Colonel Martinez sa kanyang opisina. Taliwas man sa desisyon ng ibang kasamahan ay wala rin siyang magagawa dahil buhay ng tauhan niya ang nakasalalay. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay matalik na magkaibigan sina Colonel Martinez at Chief Tanner, nagkalayo lamang ang kanilang loob simula nang mapabilang ito sa mga corrupted na opisyal at maging gahaman sa pera. Mabilis na kumilos ang detective ng marinig na tumunog ang kanyang telepono. “What happened?” kaagad na tanong nito ng masagot ang tawag. “Chief Tanner… he was found dead,” nang marinig ang sinabi ng detective ay hindi ito nakaaimik. Ilang segundo itong tulala bago inihilamos ang kamay sa kanyang mukha. Parehong tahimik ang dalawang linya dahil sa sinapit ng kasamahan at kaibigan. Nanaig naman ang galit sa puso ni Colonel Martinez ng dahil sa nalaman. Kahit na matagal nang hindi nag-uusap ang dalawa ay tinuturing pa rin nitong matalik na kaibigan ang yumaong detective. Kaya naman buo ang loob nito na mahuli ang salarin. “No matter what, you must catch that jerk. ‘Wag kayong babalik dito hangga’t hindi niyo siya nahuhuli.no matter what. Use all resources of our team, if necessary. Mahuli niyo lang ang kriminal na ‘yon,” mahabang wika nito at saka ibinaba ang tawag. Tuluyan nang napaupo ang detective habang nasa isipan pa rin ang pagpanaw ng kaibigan. Hindi nito namalayan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. At dahil do’n ay tahimik na umiyak at nagluksa si Colonel Martinez para sa pagpanaw ng kasamahan at isang matalik na kaibigan. ----- Patuloy naman sa pagtakbo palayo ang lalaki matapos nitong masaksak ang matandang detective. Hindi nito intensyon na patayin kaagad ang detective ngunit hindi niya rin inaasahan na mabilis siyang masusundan ng mga kasamahan nito kaya kailangan niyang madaliin ang plano. Hindi nga lang siya tuluyang nagtagumpay dahil hindi niya rin nakuha ang hinahanap. Dahil kabisado na ito ang lugar ay naging madali para sa lalaki na magpaliko-liko sa mga palayan. Katatakbo ay nakarating siya sa pinakamalapit na kalye, sakto naman na may papadaan na sasakyan kaya kaagad niya itong hinarang. Mabilis na nakapag-preno ang driver ng makita nito ang lalaki na biglang humarang sa gitna ng daanan. Dahil sa nangyari ay galit na galit na bumaba ang driver upang kumprontahin ang lalaki. “Hoy! Siraulo ka ba? Gusto mo bang magpakamatay? Mandadamay ka pang gag* ka—“ hindi na nito natapos pa ang kanyang sasabihin dahil mabilis siyang inuntog ng lalaki sa windshield ng sasakyan. Ilang beses pa nitong inuntog ang lalaki sa harapang bahagi ng sasakyan hanggang sa balutin ng dugo ang buong mukha nito. Hindi na nakapanlaban pa ang driver dahil sa lakas ng lalaki hanggang sa tuluyan itong nawalan ng balanse at napasalampak sa sahig. Nagtagumpay naman ang lalaki na maagaw ang sasakyan at walang alinlangan na sumakay ito at kumaripas ng takbo papalayo. Tuluyan nang nakalayo ang sasakyan ng makarating si Detective Portman sa kalye. Naabutan pa nito ang driver ng sasakyan na namimilipit sa sakit habang nasa sahig. Hindi na nag-abala pa ang detective na tulungan ang lalaki at kumaripas ng takbo pahabol sa sasakyan sa pag-asang maabutan pa ito. Makilapas naman ang ilang segundo ay sunod naman na dumating si Detective Raynolds. Kaagad nitong tinulungan ang lalaki kahit na hindi alam kung ano ang nangyari. “Fvck!” gusto mang habulin ang kasamahang detective ay hindi na rin niya ito maabutan dahil malayo na ang natakbo. “Siraulo ‘yong lalaki. Baliw ata ang isang ‘yon. Puno pa ng dugo ang buong katawan niya,” wika ng lalaki sa detective ng tulungan ito. “Detective Raynolds, speaking, I think team leader Portman is chasing after the suspect. They are heading to Summerville District.” Nabahala naman sina Detective Ventura at Detective Angeles na kasalukuyang nasa istasyon upang bantayan ang mga pangyayari. Pabalik na sana sa mga kasamahan sina Detective Raynolds at ang lalaki ng sakto namang dumating sina Detective Villares at Detective Roxas. “The suspect stole the car of this man and drove off and team leader Portman is chasing after him,” imporma nito sa mga kasamahan. Sunod naman na dumating ang iba pang pulis na nagtangkang humabol sa suspek ngunit nabigo. “Detective Villares, speaking, police officers on standby, please do a more thorough search at the checkpoint to Summerville District. Matapos no’n ay sabay-sabay na silang bumalik sa iba pang kasamahan. ----- “I will head to the scene,” hindi na nakasagot pa si Detective Ventura sa sinabi ni Detective Angeles. Hindi na nagawa pang magtanong ng iba dahil alam nila na si Chief Tanner ang naging ama-amahan nito kaya naman napalapit na rin ang loob nito sa detective at ang malaman na pumanaw na ito ay paniguradong nakakabigla para sa kasamahan. Mabilis na nakarating sa pinangyarihan ng krimen si Detective Angeles. Pagdating sa bahay kung saan binawian ng buhay ang detective ay naabutan nito ang iba pang kasamahan, pati na rin si Colonel Martinez na kararating lang din. Tuluyan nang napaluhod sa walang buhay na bangkay ng detective si Detective Angeles at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng kanyang mga luha. Walang naglakas-loob na magsalita at tanging iyak lamang ni Detective Angeles at Detective Grey ang maririnig. Lahat ay mabigat ang kalooban dahil sa pagkawala ni Chief Tanner. “What’s the reason?” basag ni Colonel Martinez sa katahimikan. “The culprit must have a reason for cutting off Chief Tanner’s hand. And it seems that Chief Tanner put up a good fight,” sagot ng head forensic analyst. Napasapo na lang sa kanyang noo si Colonel Martinez at muling binalot ng katahimikan ang buong paligid. Ilang minuto pa ang tinagal nila sa gano’ng kalagayan bago napagpasyahan na kunin na ang bangkay ni Chief Tanner. Bigla namang napaluhod sa sahig si Detective Angeles na tila ba naubusan ng lakas ang kanyang tuhod ng makita ang kanang braso ni Chief Tanner na wala nang kamay.   -Donovan’s POV- Kaagad kong inayos ang mga gamit ko matapos kong maligo. Matapos ang nangyaring krimen kagabi at ang pagtangkang pagtakas ng suspect ay hindi ko na nagawa pang bumalik. Panigurado naman akong naayos na nila ang crime scene lalo na at nando’n naman sina Detective Raynolds. Nawalan na ako ng lakas na bumalik pa ng mabigo akong habulin ang suspek. Alam ko na sa umpisa pa lang ay malabo nang mangyari na mahabol ko ito pero nabigo pa rin ako. Pakiramdam ko ay hindi ko nagampanan ng maayos ang tungkulin ko bilang isang alagad ng batas. Isa pa, hindi ko man lang nagawang iligtas si Chief Tanner. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang mahuli ko ang suspect at siguraduhing mabubulok ito sa kulungan. Ngayon na may ideya na ako kung sino ang kailangan kong hanapin ay hindi na ako mahihirapan na mangapa. Habang hinahabol ko ang suspek kagabi ay hindi sinasadya na malaglag nito ang isang bagay na kaagad ko namang nakuha. Laking pasasalamat ko na lang at malaking tulong sa akin ang bagay na ‘yon. Ang wallet ng suspek. Nakumpirma ko rin na sa kanya iyon dahil sa ID at litrato nito, buti na lang din at nakita ko ang mukha nito kagabi. Pero hindi pa rin sapat ang alam ko hangga’t hindi ko napagbabayad ang lalaking ‘to. Habang nag-aayos ng gamit ay naisipan ko na buksan ang TV, para kahit papaano naman ay mawala sa isip ko ang nangyari kay Chief Tanner. Kahit na saglit lang. Pero hindi man lang ako pinagbigyan ng kapalaran. Pagbukas ko ng TV ay balita tungkol sa nangyari kagabi ang bumungad sa akin. “Magandang umaga sa lahat ng ating tagapanood. Bali-balita ngayon ang nangyari kagabi. Bandang alas-onse ng gabi, ang team leader ng Violent Crime Unit na si Chief Tanner ay pinaslang ng hindi pa nakikilang suspek.” Napatigil ako sa ginagawa ko binigay ang buong atensyon sa balita kung saan binabalita ang tungkol sa pagkamatay ni Chief Tanner. “Habang nagi-imbestiga tungkol sa isang kaso ay na-kidnap ang detective at natagpuan sa Farming Village kung saan siya binawian ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang suspek at malayang nakakalabas—“ Pinatay ko na ang TV dahil hindi ko na nagugustuhan ang napapakinggan ko. Hindi ko man lang namalayan na nalukot ko na ng todo ang papel na hawak ko.   -Third Person’s POV- Tahimik naman na nakikinig ng balita si Recluse nang bigla nitong ibato ang hawak na remote sa TV. Napatay man nila ang detective ay hindi rin sila nagtagumpay na makuha ang gusto mula rito. Idagdag pa na marami na ang nakakaalam sa nangyari kaya mahihirapan silang mas gumalaw dahil hindi basta-bastang pulis ang ginalaw nila. Napatingin naman ito sa cellphone ng marinig itong tumunog. Nang makita ang pangalan ng tumatawag ay kaagad niya itong sinagot. “Sir, I’m sorry. Sa tingin ko ay may alam na si Detective Portman sa pagkakakilanlan ko. Hinala ko ay naiwala ko ang wallet ko kagabi habang abala ako sa pagtakas,” mahabang paliwanag ng nasa kabilang linya. “Hindi ba at sinabi ko sa’yo na mga mangmang at mahihina lang ang gumagawa ng dahilan? Youb were confident that you can do task that I assigned to you. You were so full of yourself,” mahinahon na wika nito ngunit bakas sa boses nito ang pagpipigil ng galit. “Sir. Just give me one more chance. Isa pang pagkakataon.” “You better stay hidden until I call you again. Tama na ang isang pagkakamali,” at saka ibinaba ang tawag. Matapos ang tawag ay hindi mapgilang magwala ni Matteo dahil sa lahat ng inuutos sa kanya, ngayon lamang siya pumalpak. Laking pasasalamat na lang niya na hindi pa siya pinapapatay ng amo. ----- “Hello, Detective Ventura, nandito na kami sa funeral hall,” wika ni Detective Raynolds sa telepono. Kasalukuyan silang nasa funeral hall kung saan gaganapin ang lamay ni Chief Tanner. Nauna na sila ni Detective Roxas kaya naman hinihintay na lang ang iba pang kasamahan. “May inayos lang kami sa opisina. Papunta na rin kami r’yan.” “Okay, mauna na kami sa loob,” sagot nito at saka ibinaba ang tawag. Sa pinto pa lang ay hindi mapigilang mapa-buntong hininga ni Detective Roxas. “We have lost so many lives. And yet, the suspect is is still roaming around freely.” “’Wag kang mag-alala, Detective Roxas, sinisigurado ko sa’yo na mahuhuli rin natin ang suspek,” pag-aalo nito sa kasamahan. “Dapat lang. Anyway, tumulong muna tayo sa loob para naman makapagpahinga muna ang asawaa ni Chief Tanner.” “Yeah. Kung nandito lang din sana si team leader Portman. Ano na kayang nangyari sa kanya.” Natigil naman sa pag-uusap ang dalawa ng biglang sumingit si Detective Grey. “Ayoko sanang makisabat sa usapan niyo, pero mas mabuti sana kung hindi niyo muna babanggitin ang pangalan na ‘yan. Simula nang dumating siya ay naging magulo ang buong unit at namatay si Chief Tanner.” Hindi na sumagot pa ang dalawa at tumango na lang sa sinabi ni Detective Grey. Ayaw din naman nilang gumawa ng gulo lalo na at nasa lamay sila ni Chief Tanner. Saglit na natahimik ang tatlo at saka sabay-sabay na pumasok sa loob na para bang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD