V1 - Chapter 58

2076 Words
‘Fear of death is worse than death itself…’ -Donovan’s POV- “Drop the gun. Ibaba mo ‘yang baril na hawak mo kung ayaw mong mamatay kaagad ang matandang ‘to,” sigaw nito. Nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ko sa baril habang nakatutok ito sa direksyon ng lalaki. Kating-kati na akong kalabitin ang gatilyo ng baril ngunit hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa mapansin ko ang pasimpleng pagsenyas ni Chief Tanner. Nakuha ko kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naman dahan-dahan kong inilapag ang baril ko at itinaas ang dalawang kamay. “Sipain mo palayo.” Tinignan ko muna sila bago ko ginawa ang sinabi niya. sinipa ko palayo ang baril at pinanatili ang pagtaas ng dalawang kamay at dumiretso ng tayo. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Matapos kong masipa palayo ang baril ko ay inuntog ni Chief Tanner ang lalaki kaya naman nabitawan siya nito. Wala na akong sinayang na oras at kaagad na sumugod sa kanila para tulungan si Chief Tanner. Binilisan ko ang pagtakbo at ng makalapit sa pwesto nila ay kaagad kong sinipa sa sikmura ang lalaki na naging dahilan ng pagtumba niya sa sahig. Wala siyang suot na mask kaya naman nakita ko ang kabuuan ng mukha niya dahil natanggal din ang suot niyang sombrero. Kaagad din siyang nakatayo at mabilis akong sinugod. Nagpalitan kami ng suntok sa isa’t isa. Masasabi ko na malakas ang isang ‘to at mukhang bihasa sa pakikipaglaban kaya naman nahihirapan ako na patumbahin siya. Halos magkasing laki rin kami ng pangangatawan ngunit kakaiba ang lakas ng bawat suntok na binibitawan niya. Habang nagpapalitan kami ng suntok ay nahawakan niya ang kamay ko habang hawak ko naman ang isang kamay niya. Dahil hindi ko magagamit ang dalawang kamay ko ay siniko ko siya sa mukha na ginantihan naman niya ng pagtulak at saka ako binalibag sa sahig. Ack! Ang sakit sa likod! “Hindi mo ako kaya!” malakas na wika niya kaya kaagad akong tumayo at muling sumugod. Bawat suntok niya ay muli kong sinasalag habang sinasabayan ko ng pagtadyak sa kanya. Ngunit masyado siyang magaling sa hand combat dahil bawat atake ko ay naiiwasan niya. At sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong binalibag sa sahig. Hindi ako makatayo kaagad dahil sa sakit ng katawan ko. Lagot talaga sa akin ang isang ‘to, masyado akong pinapahirapan. Nang tuluyan akong makatayo ay may hawak na siyang kutsilyo. Mas naging mabilis at marahas ang bawat pag-atake niya kaya puro pag-iwas ang ginawa. Nang makakuha ng tamang tyempo ay tinadyakan ko ang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Ilang suntok din ang inabot niya mula sa akin hangggang sa parehas kaming matumba sa sahig. At dahil hawak ko ang kwelyo ng damit niya ay naging madali para sa akin na patumbahin siya. Sabay kaming bumagsak sa sahig nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan at hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ng damit niya upang gawin ang binabalak ko. Sinubukan niyang magpumiglas kaya naman mabilis ko siyang sinakal gamit ang mga binti ko. Headlock. Habang ang isang kamay niya ay pinipilipit ko naman. Gamit ang dalawang kamay ko. Nagamit ko rin ang natutunan ko sa kapapanood ng wrestling no’ng bata ako. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasal sa kanya hanggang sa mapansin ko na paulit-ulit na niyang tinatapik ang sahig. Wala naman akong balak na patayin ang isang ‘to, pansamantala lang naman siyang mawawalan ng malay, at kapag nangyari ‘yon ay sana naman dumating na ang backup. Ilang segundo pa ang tinagal namin sa ganitong posisyon hanggang sa maramdaman ko na hindi na siya gumagalaw kaya naman tinanggal ko na ang binti ko sa leeg niya. Mabilis kong dinaluhan si Chief Tanner na kanina pa namimilipit sa sakit. Hindi ko alam ang nangyari pero nakarinig ako ng pagpalo bago ako tuluyang makalapit sa kanila kaya naman sa palagay ko ay pinukpok ng lalaki ang kamay ni Chief Tanner. Ngunit napatunayan kong mali ang hinala ko ng tuluyan akong makalapit sa kapwa ko detective. Hindi pinukpok ang kamay niya. F*ck! Mali ko. Ang ingay na narinig ko kanina ay hindi dahil sa pagpukpok niya sa kamay ni Chief Tanner… kung hindi dahil sa pagputol niya rito. F*ck! Pinutol niya ang kamay ni Chief Tanner! Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na tinanggal ang tela na nakatali sa bibig niya at saka ito tinali sa palapulsuhan niya para mapabagal pa ang pag-agos ng dugo mula rito. “C-chief Tanner.” “Portman… Portman…” “Chief, stop talking. ‘Wag mong pwersahin ang sarili mo. The whole team and backup will be here soon, so hang in there. Napansin ko na gusto pang magsalita ni Chief Tanner pero pinigilan ko siyang muli dahil nahihirapan na siya. Nang maayos ko ang pagkakatali sa kamay niya ay inalalayan ko siya sa pagtayo para makalabas kami. Hindi ko alam kung nasaan na ang buong team pero kailangan ko na naming makaalis dahil kung hindi baka maubusan na ng dugo ang kasama ko.   -Third Person’s POV- Dahan-dahang inalalayan ni Detective Portman si Chief Tanner hanggang sa tuluyan silang makatayo. Habang abala ang dalawa sa pagtayo ay hindi nila napansin na nagkamalay na ang lalaki. Dahil malapit sa pwesto nito ang kutsilyo ay kaagad niya itong dinampot at naglakad papalapit sa dalawang detective. Hindi napansin ni Detective Portman ang papalapit na lalaki dahil nakatalikod siya mula sa pwesto nito habang si Chief Tanner lamang ang nakakita sa papalapit na lalaki. Kaagad niyang napansin ang hawak nitong kutsilyo kaya naman buong lakas niyang tinulak papalayo sa kanya si Detective Portman. Natumba naman ang detective at hindi kaagad nakagalaw sa nangyari habang ang lalaki naman ay nagtagumpay na masaksak ang matandang detective. “Tss! What a hero! You are acting cool until the last moment,” wika ng lalaki kay Chief Tanner at mas lalo pang diniinan ang pagkakasaksak dito. Mabilis naman na nakatayo si Detective Portman upang tulungan ang kapwa detective ngunit huli na ang lahat dahil tuluyan nang naibaon ng lalaki ang kutsilyo sa sikmura nito. Nang mapansin nito na papalapit sa kaniyang pwesto si Detective Portman ay tinulak niya sa direksyon nito ang duguang katawan ng matandang detective. Parehas na natumba ang dalawang detective kaya ginamit itong pagkakataon ng lalaki upang tuluyang makatakas. Pagkatapos dumapot ng kutsilyo na nakalapag sa mesa ay mabilis itong tumakbo papalayo. Hindi na nag-abala pa si Detective Portman na habulin ang lalaki dahil sa kalagayan ni Chief Tanner. “Chief Tanner. Chief Tanner! Detective!” paulit-ulit na tawag ng detective. Kasalukuyan namang kumakaripas ng takbo sina Detective Portman papalapit sa bahay na tinuro sa kanila ni Detective Ventura. Kaagad din nilang nakita ang sasakyan na ginamit ng suspek upang kidnap-in si Chief Tanner. “Detective! This is the same car!” malakas na wika ng isang pulis na siyang unang nakakita sa sasakyan. “Tignan niyo! Mabilis! Look for Chief Tanner and Detective Portman!” sigaw ni Detective Roxas sa mga kasama. “Chief! Chief Tanner! Darn it!” naiinis at natatarantang wika ni Detective Grey. Nang makita niya ang sasakyan na ginamit ng suspek ay kaagad siyang lumapit dito at tinignan ang likurang bahagi ng sasakyan. “Darn it! It’s Chief Tanner’s phone,” nang makita ang cellphone ng kanilang team leader ay hindi niya napigilan pa na magwala dala ng matinding galit. Pinigilan at pinakalma naman siya ni Detective Villares na siyang pinakamalapit dito. “Calm down Detective Grey. Mahahanap natin si Chief Tanner kaya kumalma ka. Ayusin moa ng sarili mo.” “This is Detective Raynolds, speaking, we arrived at the said house. We found the suspect’s car. Please continue monitoring the whole area and the possible exits here in Farm Village.” “Noted. Please be careful everyone,” muling paalala ni Detective Ventura sa mga kasama. “Detective Villares, please search the perimeter with the patrols. Detective Raynolds and Detective Grey let’s move. Quick!” kaagad naman na sumunod ang lahat sa sinabi ni Detective Roxas at nagkanya-kanya na ng alis. “Be careful,” paalala ni Detective Villares bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay ang mga kasamahan. Kasalukuyan namang kalong ni Detective Portman ang naghihingalong detective. Gamit ang nanginginig na kamay ay pilit nitong pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula sa sikmura nito. “Chief Tanner!” “D-donovan… you poor kid. How lonely it must have been for you. I’m sorry I didn’t tell you about your father and me. We’ve been friends. I’m sorry that I didn’t tell it sooner. P-promise me that you’ll end this case and remove all the corrupted officers,” naghihingalong wika nito. Nagulat man sa sinabi ng matandang detective ay nakuha pa ring sumagot ni Detective Portman. “Naiintindihan ko. Stop. Stop talking please, Chief Tanner.” Ngunit hindi siya pinakinggan nito at nagpatuloy sa pagsasalita ang kapwa detective. “I-I know about your c-condition. Astral projection. A-always remember that you’ll never hurt people with that ability of yours. Always remember that no matter what, we will always be a police officer. P-police officer that saves people.” Hindi na napigilan na Detective Portman na maluha sa sinasabi ng kapwa detective. Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan niya ngayon ngunit hindi niya alam kung mabibiyan kasagutan pa ba ang mga ito. Lalo na nang malaman niya na dating kaibigan ni Chief Tanner ang kanyang ama. Higit pa sa lahat na alam pala ng matandang detective ang kanyang kakayanan na gawin ang astral projection. “No… N-no… H-hindi, Chief Tanner. Gumising ka!” sunod-sunod naman na pumatak ang luha ni Detective Portman kasabay ng pagbitaw ng kamay ni Chief Tanner na nakahawak sa kanyang kamay. Tuluyan nang binawian ng buhay si Chief Tanner ng hindi man lang naabutan ang iba nilang ka-grupo. Napuno naman ng poot at galit ang dibdib ni Detective Portman ng dahil sa nangyari. Nanatiling hawak niya sa kanyang mga bisig ang wala nang buhay na katawan ni Chief Tanner ng sakto naman na dumating sina Detective Roxas. “Detective Roxas, speaking, we found a man lying on the ground… and another man beside him.” Napahinto sila sa paglalakad ng mapansin ang dalawang lalaki ngunit nanatiling nakatutok ang kanilang mga baril sa direksyon nito.” “Si Chief Tanner at Detective Portman ba ‘yan?” tanong ni Detective Grey ng makilala ang dalawang lalaki. “S-sandali, bakit…” hindi na matuloy pa ni Detective Raynolds ang kanyang sasabihin ng mapansin ang sitwasyon ng dalawang lalaki. “H-hindi, baka mali lang tayo ng nakikita. Let’s go. We need to check if it’s Chief Tanner,” pagtutuloy ni Detective Roxas sa dapat na sasabihin ng kasama. Tuluyang lumpapit ang tatlong detective sa dalawang lalaki na nanatiling nasa sahig. Nahinto sila sa paglapit ng makita ang itsura ng kasamahang detective. “Chief, what are you… Chief Tanner, anong nangyari… b-bakit…” at tuluyan na ring humagulgol ng iyak si Detective Grey na siyang pinakamalapit kay Chief Tanner. Dahan-dahang ibinaba ni Detective Portman si Chief Tanner upang malapitan ng ibang kasamahan. At dahil nakahiga na ito sa sahig ay nakita nila ang kabuuang ayos ng detective. Mula sa bugbog sarado nitong mukha, putol na kamay hanggang kutsilyo na nanatiling nakasaksak sa sikmura nito. Sandaling nanahimik ang lahat at tanging palahaw na lamang ni Detective Grey ang naririnig. “This is Detective Raynolds, Chief Rico Tanner… was found dead.” Nang marinig ang sinabi ni Detective Raynolds ay natahimik at nagulat din ang lahat ng nasa istasyon. Nabitawan naman ni Detective Angeles ang kanyang hawak na folder ng dahil sa narinig at wala sa sariling napaupo sa kanyang pwesto habang ang iba naman ay napatigil sa kanilang ginagawa. Patuloy sa pag-iyak at pagluluksa si Detective Grey dahil sa nangyari sa kanilang team leader kaya hinayaan na lang muna nila ito. Matapos ang ilang sandali ay huminto ito sa pag-iyak at hinawakang mabuti ang kamay ng pumanaw na detective. “We will catch that jerk. No matter what!” desididong wika nito bago tuluyang tumayo. Sa kabilang banda naman ay hindi kaagad makalabas ang suspek dahil sa mga pulis na nagkalat sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD