V1 - Chapter 57

2109 Words
‘Don’t judge for the outside. Like any beautiful rose has thorns… the more a person appears nice on the outside, the more you should doubt the inside.’ – Gosho Aoyama -Donovan’s POV- Dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Detective Raynolds ay nakarating din kami kaagad sa Farming Village. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na bumaba ng sasakyan ng maiparada ito sa gilid ng daan. “F*ck! Paano natin malalaman kung saan dinala nang hayop na ‘yon si Chief Tanner?” tanong ni Detective Villares ng makababa rin ng sasakyan. Kasalukuyan kaming nasa gitna ng kawalan. Kanina sa daan ay nalaman namin na sa bungad ng Farming Village lamang nakatira ang mga mamamayan dito at abandona na ang dulong bahagi. Kaya naman napagpasyahan namin na rito na dumiretso habang naiwan sa maliit na barangay na ‘yon ang ibang pulis upang mag-imbestiga. Halos magkakatabi at sunod-sunod ang mga bahay sa dulong parte na ito at masyadong mahaba ang kalye kaya maraming bahay ang nakahilera. Iilan pa lang din kaming narito at papunta pa lang ang iba kaya naman mukhang matatagalan bago namin tuluyang matukoy ang lokasyon ni Chief Tanner. Pero hindi rin kami p’wedeng magtagal pa dahil mas lalong malalagay sa panganib ang kanyang buhay. “Let’s separate. Detective Villares and Detective Roxas, search the right part. Detective Raynolds, search the left area, the rest of police officers come with them and secure the area. Report immediately if you find something suspicious.” “Ikaw, team leader?” napabaling ako kay Detective Raynolds dahil sa tanong niya. “I’ll look in this area,” sabay turo sa dulong bahagi ng village. “Mas mapapabilis ang paghahanap kung maghihiwalay-walay tayo. Just keep safe, everyone. Detective Angeles, continue trying to monitor the location of the suspected vehicle and possible location of Chief Tanner.” “Wear all your earpiece and make sure that your walkie talkie are always on. Let’s go!” bilin ni Detective Roxas sa lahat at nagsimula na kaming maghanap. Nang tuluyang makaalis ang lahat ay nagsimula na rin ako sa paghahanap. Inilabas ko ang baril at flashlight na nasa tagiliran ko. Madilim ang buong lugar dahil walang mga street lights at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag. Tahimik din ang buong lugar kaya naman rinig din ang paghampas ng hangin sa aking katawan. Maingat akong naglakad patungo sa unang bahay na nadaanan ko. Bago pumasok ay muli kong tinignan ang buong kalsada, wala namang kakaiba kaya tumuloy ako at dahan-dahang pumasok sa loob. Katamtaman ang laki ng bahay na ‘to kaya naman kailangan kong mas maingat dahil hindi ko alam kung ano ang p’wedeng bumungad sa akin. Matapos malibot ang unang palapag ay dumiretso ako paakyat, ngunit kagaya kanina ay walang tao sa loob. Ilang bahay pa ang pinasok at nilibot ko ngunit ni anino ni Chief Tanner ay hindi ko man lang nakita. Marami na akong napuntahan na bahay pero marami pa ring bahay na kailangan tignan. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin nakakahanap sa kanila. Puro negative ang naririnig ko sa mga kasama ko at hindi maganda ang kutob ko rito. Muli akong nagpatuloy sa paghahanap hanggang sa mapansin ko ang isang sasakyan na nakaparada sa gitna ng dalawang bahay. Dahan-dahan akong lumapit sa sasakyan at mas naging alerto. Malakas ang hinala ko na ito ang sasakyan na ginamit ng suspek. Nang makumpira ang hinala ko ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad na dumiretso sa bahay na nasa kaliwang bahagi ng sasakyan. Papasok na ako sa loob ng makarinig ako ng mahinang sigaw kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Masyadong mahina ang sigaw kaya hindi ko narinig ng mabuti pero malakas ang kutob ko na si Chief Tanner ‘yon. Posibleng sinisimulan na ng suspek ang balak niya sa kapwa namin detective. Kailangan kong magmadali. Hindi na ako tumuloy pa sa bahay na nasa harapan ko at kaagad na dumiretso sa bahay na nasa kanan ko. Sigurado ako na rito nangaling ang ingay na narinig ko. Nang makalapit sa bahay ay walang alinlangan na dumiretso ako papasok. Bawat segundo na lumilipas ay posibleng may mangyari kay Chief Tanner kaya kailangan ko siyang mahanap kaagad. Matapos kong marinig ang ingay kanina ay tumahimik na muli ang buong paligid kaya naman hindi ko matukoy kung saang bahagi sila ng bahay naroroon, lalo na at medyo malaki ang bahay na ‘to. Tinalasan ko ang aking pandinig at pinikit ang aking mata para mas marinig kong mabuti ang nasa paligid ko ngunit nanatili pa rin akong alerto. Imposibleng nasa taas na palapag sila. Kung may balak man ang suspek na saktan si Chief Tanner ay paniguradong manlalaban ito at gagawa ‘yon ng ingay. Aha! May hinala na ako sa posibleng kinaroroonan ng dalawa ngunit kailangan kong makasigurado. Kaagad kong idinilat ang aking mga mata at nagsimulang maghanap ng pinto o hindi kaya ay hagdan. Kung may balak man akong gumawa ng ingay pero ayaw kong marinig ng iba ay mas magagawa ko siya kung nasa basement ako dahil matatabunan ng ibang ingay mula sa paligid ang ingay na gagawin ko. At kung tama man ang hinala ko, ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin ang daan patungo sa basement. Patuloy ako sa paglalakad ngunit wala pa rin akong nakikitang daan patungo sa basement o kung may basement nga ba ang bahay na ‘to. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng kusina. At bingo! Nakita ko na ang hinahanap ko. Ang daan patungo sa basement. “Detective Portman, speaking. Detective Ventura, track my location and inform others. I think that the culprit is in this house, in the basement room specifically.” “Noted, team leader. It will probably take 10 minutes for them to arrive.” F*ck. Masyadong matagal ang sampung minute, masyadong marami ang posibleng mangyari. “I can’t wait them. Mauuna na ako sa loob. Just send me a backup.” “Pero team leader—“ pinutol ko na ang sasabihin niya dahil paniguradong pipigilan niya lang ako. Hindi na kami p’wedeng magsayang pa ng oras. “We can’t afford to waste any more seconds. Just send the backup and others. I’ll check what’s happening in there.” Narinig ko naman ang buntong hininga niya mula sa kabilang linya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at dahan-dahang dumiretso pababa. Abot kamay ko na ang suspek kaya hindi ako papayag na matakasan niya pa ako. Sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa niyang kahangalan. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at palakas ng palakas ang ingay na naririnig ko. Mukhang ilang metro na lamang ang layo ko mula sa kanila kaya naman mas lalo akong nag-ingat sa paglalakad upang hindi kaagad ako mapansin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko at mula sa p’westo ko ay natatanaw ko na ang anino ng dalawang tao kaya naman mas lalo pa akong nag-ingat. Ngunit napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang malakas na palahaw ni Chief Tanner. Bastard! Walang sabi-sabi na pinaputok ko ang baril na hawak ko ng makita ko ang ginawa ng lalaki. Hindi siya natamaan ng bala kaya naman nagawa niya pang gawing hostage si Chief Tanner at tinutok dito ang itak na hawak. “Drop the gun. Ibaba mo ‘yan kung ayaw mong mamatay kaagad ang matandang ‘to.”   -Third Person’s POV- Itinigil ng lalaki and ginagawang pagsuntok sa lalaki at tumayo upang kuhanin ang kanyang cellphone. “Hello, boss. I’m about to begin,” wika nito ng masagot ang kanyang tawag. Tumango-tango naman ang lalaki at lumapit sa detective saka itinapat ang cellphone sa mukha nito. “Talk to him. Magmakaawa ka. Beg him to save your life. Who knows? Baka maawa pa siya sa’yo at hayaan kang mabuhay.” Napatingin naman ang detective sa cellphone na nasa kanyang harapan at nakita niya ang pangalang Recluse na naka-register sa tawag. “Hi, Chief Tanner,” magiliw na wika ng nasa kabilang linya. “Gusto kong marinig ang boses mo sa huling pagkakataon kaya naman napatawag ako.” “Dung beetle,” tipid na wika ni Chief Tanner. “Oh! Kilala mo na siya? Kaso nakakalungot naman kung ‘yan ang huling sasabihin mo.” Huminto ito sa pagsasalita at biglang tumawa. “’Parang-awa mo na, gusto ko pang mabuhay’, ganyan dapat ang sinasabi mo. Sumigaw ka kung gaano ka ka-desidido na mabuhay. Malay mo magbago ang isip ko. Make me excited, Chief Tanner.” “Isa kang demonyo! Sinisigurado ko na mabubulok kayo sa impyerno!” sigaw ng detective ngunit hindi na siya pinakinggan pa ng mga ito. “Check his files. Siguraduhin mong malinis ang lahat dahil kung hindi… alam mo na kung ano ang p’wedeng mangyari sa’yo. Isa pa, patahimikin mo na ang isang ‘yan.” “Yes, boss,” huling wika ng lalaki at saka pinatay ang tawag. Matapos makipag-usap sa kanyang boss ay kaagad na sinunod ng lalaki ang ipinag-uutos nito at kinapkapan ang detective. Nang makita ang kanyang hinahanap ay kaagad kaagd nitong sinunog ang mga papel kasama na ang flashdrive na hindi man lang tinitignan ang laman. “Tingin mo ba ay matatapos ang lahat kapag nasira mo ang mga ebidensya na ‘yan?” matapang na wika ni Chief Tanner habang pinapanood na matupok ng apoy ang mga ito. “Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin dahil huli na ‘yan,” walang gana na wika ng lalaki. “Isa ka lang namang aso na kaagad kumakawag ang buntot kapag nakakita ng tira-tirang buto,” dagdag pa nito ngunit hindi siya pinansin pa ng lalaki. “Paniguradong ikaw naman ang susunod na itatapon nila kapag wala ka nang pakinabang.” “Wala kang alam kaya itikom mo ‘yang bibig mo!” “Dahil ba tama ang mga sinasabi ko kaya nagagalit ka?” “Gusto mo bang mamatay ng walang dila?” wika ng lalaki habang mahigpit na hawak sa baba ang detective. “Kung ‘yang mga daliri mo kaya ang unahin ko? O ‘yang kamay mo?” Hindi na sumagot pa ang detective ngunit ngumisi ito na siyang ikinainis pa lalo ng lalaki. Bara-bara nitong itinayo ang detective at inilapit sa kabilang mesa kung saan nakalagay ang mga gamit na inihanda niya kanina. At dahil bugbog sarado na ang buong katawan ng matandang detective ay wala na itong nagawa habang kinakaladkad siya ng lalaki. “Unahin muna natin ‘yang dila mo dahil masyadong matabil. Sunod ang mga daliri at kamay mo dahil masyadong pakielamero,” wika pa nito habang pumipili ng kutsilyo na gagamitin. Matapos makapili ay isinubsob niya ang mukha ng detective sa mesa ngunit nagpumiglas pa ito kaya naman nabitawan ng lalaki ang hawak na kutsilyo. Dahil sa ginawa ni Chief Tanner ay kaagad siyang sinikmuraan ng lalaki dahilan upang mapaubo siya ng dugo. Pahihirapan pa sana ng lalaki ang detective ngunit naalarma ito ng makarinig ng yabag ng tao. Muli ay sinikmuraan nito ang detective at inilapag ang kamay sa mesa at dinampot ang maliit na itak na nasa kanyang harapan. Nang mahawakan ang itak ay walang habas nitong pinutol ang kanang kamay ng detective. Kasabay ng palahaw ni Chief Tanner ay siya namang pagpapaputok ni Detective Portman na nasa hindi kalayuan. Mabilis na inilapit ng lalaki ang detective sa kanyang harapan at itinutok ang itak na hawak sa leeg nito. “Drop the gun. Ibaba mo ‘yang baril na hawak mo kung ayaw mong mamatay kaagad ang matandang ‘to.” Sigaw nito kay Detective Portman. Nanatili namang mahigpit ang hawak ni Detective Portman sa kanyang baril kahit na nagbanta na ang lalaki. Sa loob-loob niya ay gusto niyang saktan at barilin ng paulit-ulit ang lalaki dahil sa ginawa nito kay Chief Tanner ngunit kinalma niya ang sarili dahil posibleng masaktan pa lalo ito kung magiging pabaya siya. Nagawi ang tingin ni Detective Portman sa kapwa detective at napansin niya na sumesenyas ito kaya naman kahit labag sa loob niya ay ibinaba niya ang hawak na baril. “Sipain mo palayo.” Kaagad na sumunod si Detective Portman sa sinabi ng lalaki at sinapa palayo ang baril at itinaas ang kanyang dalawang kamay. Nang masipa ang baril ay mabilis na inuntog ni Chief Tanner ang lalaki gamit ang kanyang ulo kaya nabitawan siya nito. Ginamit naman ‘yong pagkakataon ni Detective Portman upang saklolohan ang kasama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD