‘Crime isn’t a disease, it’s a symptom. Cops are like a doctor that gives you aspirin for a brain tumour.’ - Raymond Chandler -Third Person’s POV- Dala ng stress at galit sa kanyang ama, hindi muling na-kontrol ng binata, si Anton, ang kanyang sarili. Kinuha niya ang nakatagong sachet ng droga na nakaipit sa kanyang medyas sa kaliwang paa. Nang makuha ang droga, itinaktak niya ito sa kanyang kaliwang kamay at hinayaan na ang kanyang sarili at ang droga ay maging isa. Ilang minuto pa ang nagtagal bago siya makuntento sa ginagawa. Magkasama naman na lumabas ng opisina papuntang lobby sina Detective Raynolds at Detective Portman upang harapin at kausapin ang mga paparating na prosecutor. Habang kinakausap ang salarin kanina, nakatanggap ng tawag si Detective Portman mula kay Detective

