V1 - Chapter 20

2282 Words
'Any spoke will lead an ant to the hub.’ – Rex Stout -Donovan’s POV- The first responding officers were able to address victims and their needs when they determine the circumstances of the crime and the crime scene itself. Huli na. Huli na ang lahat dahil nahuli na naman kami ng dating. Kaya naman madalas kong marinig mula sa pamilya ng biktima na, huli na namang dumating ang mga pulis. “Hindi namin kayo kailangan! Kayong mga pulis! Dumadating lang kayo kapag patay na ang biktima.” “Hindi namin kayo kailangan! Kayong mga pulis! Dumadating lang kayo kapag patay na ang biktima.” “Hindi namin kayo kailangan! Kayong mga pulis! Dumadating lang kayo kapag patay na ang biktima.” Paulit-ulit ko itong naririnig sa aking isipan, naalala ko na naman ang panahon kung kailan nahuli kami ng dating para iligtas ang isang dalaga mula sa kamay ng masasamang tao. Nang mapansin ko ang kahina-hinalang nurse kanina, madali kong sinenyasan sina Detective Raynolds. Nang maayos ang lahat ay wala na kaming sinayang pa na oras at agad na nilapitan ang kahina-hinalang lalaki. Tuluyan kaming nakalapit sa lalaki nang bigla itong manlaban. At dahil nakabantay at alerto sina Detective Raynolds, tulong-tulong nilang pinabagsak ang lalaki. Nilapitan ko naman ang lalaking nasa wheelchair at tinaggal ang mask na nakatakip sa mukha nito. At tama nga ang akin hinala, sinubukang itakas ng lalaking nagpanggap na nurse si Anton. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya upang kumpirmahin ang hinala ko. At sa ikalawang pagkakataon ay tama na naman ako, ngunit nakaramdam ako ng dismaya at lungkot. Dahil kanina, habang pinagmamasdan ko ang lalaki, ang unang pumasok sa isipan ko ay baka wala na ‘tong buhay. Mabilis naman na lumapit sa pwesto ko sina Detective Roxas upang tignan ang kalagayan ng biktima. Ngunit huli na ang lahat dahil wala nang buhay ang katawan na nasa harapan namin. Nahawi ang kumpulan namin ng may matandang lumapit sa katawan ng biktima. Tila nawalan ng lakas ng matandang lalaki ng makita ang binata. Nakasunod naman sa kanyang likuran ang dalawang lalaki na naka-black suit. “Siya ‘yong tatay ni Anton. He’s the vice president of this hospital,” bulong sa akin ni Detective Villares nang mapansin niya na kinikilala ko ang matanda. Gumilid naman kami upang malapitan ni Vice President Evangelista ang katawan ng kanyang anak. “It can’t be. No. It can’t be,” hindi makapaniwalang wika nito habang dahan-dahan na lumalapit sa kanyang anak. “No. No. Hindi pwede,” paulit-ulit na wika niya habang umiiyak. Mas lumakas ang kanyang iyak ng mahawakan ang wala nang buhay ng kanyang anak. “No. No! Hindi maaari. Anak ko!” Napaupo naman siya sa sahig dala ng matinding emosyon. “Please calm down, sir. Please calm down,” pakiusap naman sa kanya ng lalaking nasa likuran niya ngunit hindi ito umalis sa kanyang pwesto. Wala na kaming magawa kung hindi ang panoorin ang pagluluksa ng isang ama sa kanyang anak. Marami ngang pera ang mga Evangelista, maraming koneksyon, at may katungkulan sa lipunan, ngunit hindi pa rin ‘yon naging daan upang maligtas ang kanyang nag-iisang anak at tagapagmana. Pinabayaan na naming magluksa ang vice president kaya naman sinenyasan ko na sila na kailangan na naming umalis. Lumapit naman ako sa lalaki para posasan ito. “You are under arrest for murder and has the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court law,” sabi ko habang nilalagay ang posas sa kanyang kamay. Hindi naman siya pumalag kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. “You have the right to talk to an attorney before being questioned.” “Let’s go.” At dinala na siya ni Detective Villares palabas. Bago tuluyang umalis ay tinignan ko sa huling pagkakataon ang katawan ng biktima. Nasa harapan pa rin niya ang kanyang ama na nagluluksa. “Detective Portman, speaking. Anton Evangelista’s drunk driving and assault case, case close. And Anton Evangelista’s murder, case close.” Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay hindi pa rin umiimik ang lalaki. Base sa kanyang itsura, mukhang hindi niya pinagsisisihan na nakapatay siya ng tao. Kung titignan ay mukhang ka-edad niya lang ang biktima at mukha namang may pinag-aralan siya. Nagmaneho na si Detective Raynolds pabalik sa istasyon. Wala namang nagtangkang magsalita kaya naging tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating kami. Nang makarating, nauna na akong bumaba habang nakasunod sa likuran ko sina Detective Roxas kasama ‘yong lalaki na nahuli namin na hanggang ngayon ay hindi namin alam ang pangalan. “Team leader, ayos lang ba kayo? Walang nasaktan?” tanong ni Detective Ventura ng makita kaming paparating. “Ayos naman,” sagot ko sa kanya saka bumaling kina Detective Roxas. “Dalhin na ‘yan sa interrogation room, paniguradong papunta na rin ang prosecutor dito para kunin ‘yan.” “Yes, sir,” at dinala naman ni Detective Villares ang lalaki sa loob. Agad namang dumiretso sa kanya-kanya nilang pwesto si Detective Raynolds at Detective Roxas. Mauupo na sana ako sa p’westo ko ng biglang lumapit sa akin si Detective Angeles. “What do you need, detective?” tanong ko sa kanya saka ako naupo sa upuan ko. “Team leader, kasi pinapatawag ka ni colonel sa opisina niya. Pinapasabi na puntahan mo kaagad siya pagkarating mo.” Hindi pa man ako nakakaalis ay may hinala na ako kung tungkol saan ang kanyang sasabihin. “Okay, aakyat na ako. By the way, can you identify that man and let me know what his relation to Anton.” “Okay, sir,” he said at bumalik na sa kanya p’westo. Ako naman ay tumayo na at umakyat papunta sa opisina ni colonel. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng kanyang opisina, kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko na tahimik na nakaupo si colonel sa kanyang p’westo. Nararamdaman ko na agad na inaasahan na niya ang pagdating ko. “You’re here. Have a seat,” at sinenyas na maupo ako sa sofa na nasa harapan niya. nang makaupo ay inabutan naman niya ako ng tsaa, kahit na may pagtataka ay tinanggap ko pa rin ang alok niya. “Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin, colonel,” magalang na wika ko. “I think you already heard to Detective Ventura that I ask your team to pull out Anton Evangelista’s case, right?” sabi niya matapos uminom ng tsaa. Tinignan ko muna siya diretsa sa kanyang mata bago ako sumagot. “Yes, sir.” “Then what happened? How can you let Anton die? Didn’t your team members told you that he’s the heir of Evangelista Group?” wika niya. Halata naman na nagagalit na siya dahil tumataas na ang boses niya. “With all due respect, sir. Aminado ako na may pagkakamali ang grupo ko, pero hindi na namin kasalanan ang pagkamatay ni Anton,” paliwanag ko sa kanya, pero parang hindi niya pinansin ang sinabi ko. “I hope. I hope, Detective Portman, that this would be the last time that you’ll have a mistake like that,” sabi niya at tumayo na saka bumalik sa kanyang mesa. “Yes, sir,” I said at tumayo na. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam at lumabas na ng kanyang opisina. Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi ni colonel. Oo nga at nagkamali kami sa parteng nasaktan si Anton, pero hindi na namin kasalanan kung bakit siya pinatay no’ng lalaki. Ang naging pagkakamali lang naman namin sa part na ‘yon ay ang hindi pagkakapansin na nawawala na ang biktima. Ang gusto ba nilang mangyari ay pakawalan si Anton? Para ano? Para gumawa ulit ng panibagong kasalanan? At para magkaroon ulit ito ng bagong mabibiktima? Iba rin talaga kapag mayaman, kayang gawin lahat ng gustuhin nila, at kakayaning makaiwas sa kaso na isasampa basta tatapalan ng pera ang lahat. Napailing na lang ako saka bumalik sa opisina. “Detective Angeles, how is the thing that I asked you?” tanong ko sa kanya ng makabalik ako. “Here, team leader,” at inabot niya sa akin ang papel na naglalaman ng pinagawa ko sa kanya. “The suspect’s name is Kyle Importa, the son of the victim who was killed by Vice President Evangelista. Base sa testimonya ni Kyle, pauwi na sila mula sa celebration na ginanap sa bahay ng tita niya ng gabing maganap ang insidente. Patawid na sila sa highway, nang bumangga ang sasakyan ni Vice President Evangelista kay Erick Importa, tatay ni Kyle, na agad nitong ikinamatay.” “Anong nangyari sa kaso?” tanong ko habang binabasa ang personal na impormasyon ni Kyle Importa. “Ipinagpilitan ni Kyle Importa na nakita niyang si Mr. Evangelista ang nagmamaneho ng sasakyan ng gabing ‘yon. Pero ang personal driver ni Mr. Evangelista ang naabutan ng mga pulis sa driver’s seat at kusa rin nitong sinuko ang kanyang sarili. That’s why Mr. Evangelista was release without any charges.” “And that was a year ago, right?” tumango naman siya bilang sagot. “The court judged that Kyle Importa was culpable for being drunk, so the driver was sentence only for two years in prison.” That’s why. That’s why Kyle Importa planned to kill Anton Evangelista to revenge the death of his father. And he tries to kill himself afterwards. Kaso nga lang hindi niya nagawa dahil nahuli na namin siya. “Thank you, Detective Angeles,” I said at itinabi ang papel na hawak ko. “It’s been a long day, everyone. You can go home.” Kanya-kanya naman sila ng unat ng sabihin ko na pwede na silang umuwi. Sa loob ng araw na ‘to, dalawang kaso agad ang hinawakan namin. Tapos na ang isang kaso, kaya naman kaso ni Ryan Rocques naman ang kailangan naming resolbahin. “We already close this case and the prosecutor’s will now handle this. Good job, everyone,” bati ko sa kanilang lahat. Hindi rin naman namin mare-resolba ‘tong kaso na ‘to kung hindi kami nagtulungan. Buti na lang din at sila ang team na napunta sa akin. “And that calls for inuman!” masayang wika ni Detective Villares habang nakataas sa ere ang kamay na tila ba nakikipag-cheers. “Tama! May alam akong resto bar na malapit dito. Masarap ‘yong barbeque nila, paniguradong magugustuhan niyo,” gatong pa ni Detective Angeles sa sinabi ni Detective Villares. At dahil nagkayayaan silang mag-inuman, mabilis din silang natapos sa pag-aayos. “Team leader, hindi ka pwede mawala kaya dapat kasama ka,” napatingin naman ako kay Detective Raynolds dahil sa sinabi niya. Wala akong balak na uminom kaya naman tinaggihan ko sila. “Pass muna, detective. May kailangan akong gawin kaya hindi muna ako makakasama sa inyo.” “Sige na, sumama ka na, team leader. Minsan lang naman, saka kailangan natin ng kaunting pagsasaya dahil masyado tayong natambakan ng kaso ngayong linggo na ‘to,” segunda pa ni Detective Ventura. “Naku, mukhang mahina sa inuman si team leader kaya ayaw sumama,” dagdag pa ni Detective Raynolds. Alam ko na ‘yan, paniguradong aasarin ako ng mga ‘to at sasabihin na mahinang uminom para mapilit nila ako na sumama sa kanila. “Grabe, team leader. Wala ka pala, idol pa naman kita,” at umarte pa si Detective Roxas na akala mo ay nasasaktan. “Para namang wala tayong pinasamahan, team leader. Saka minsan lang naman ‘to, sa susunod mas busy na tayo, saka tignan mo ikaw lang ang kulang,” gatong pa ni Detective Villares. Wala na. Halatang pinagtutulungan na ako ng mga ‘to. Plano ko sana na mag-imbestiga ulit mamayang gabi para mas mabilis naming ma-solve ang kaso ni Ryan Rocques, kaso mukhang mauudlot muna ang plano ko. Sigurado akong hindi ako tatantanan ng mga ‘to hangga’t hindi ako pumapayag. Makulit pa naman mamilit si Detective Raynolds. “Fine, sasama na ako,” at para naman silang mga bata na nag-apiran pa sa isa’t isa ng marinig ang sinabi ko. “At dahil d’yan, lilibre tayo ni Detective Raynolds,” wika ni Detective Roxas at inakbayan ang katabing si Detective Raynolds. Tinanggal naman ni Detective Raynolds ang pagkaka-akbay sa kanya ni Detective Roxas. “Anong libre, KKB tayo mga p’re, kanya-kanyang bayad.” Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Nang masiguradong maayos na ang lahat ay sabay-sabay na kaming lumabas. At dahil malapit lang naman daw ang pupuntahan namin na resto bar, nagpasya ako na iwan na lang ang ibang gamit ko sa sasakyan. Hindi naman na kasi kami magdadala ng sasakyan dahil pwede naman na raw lakarin, kaya maglalakad lang kami papunta roon. Babalikan ko na lang ang sasakyan ko rito bago umuwi. Habang naglalakad ay nag-aasaran pa rin sila. As usual, pinagtutulungan ng tatlong detective si Detective Raynolds. Kinukulit nila ito kung may girlfriend na raw ba ‘to. Tuwing pinagmamasdan ko sila ay nakikita ko kung gaano kahigpit ang bond nila sa isa’t isa. Halata rin naman kung gaano sila ka-close sa bawat isa. Palakaibigan din sila kaya naman hindi rin ako nahirapang kilalanin sila, isa pa, mabilis din akong naging komportable sa kanila dahil ang welcoming ng aura nila. Naalala ko tuloy ‘yong ibang kasamahan at kaibigan kong detective sa Marnina. Kumusta na rin kaya ang Marnina? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD