V1 - Chapter 14

2191 Words
‘What the detective story is about is not murder but restoration of order.’ – P. D. James -Donovan’s POV- “Pwede ka nang maging tour guide,” pagbibiro ko sa kanya. Saglit naman siyang bumaling sa akin saka muling bumaling sa harapan at nag-pokus sa pagmamaneho. “Dati talaga akong tour guide, team leader,” ako naman ang napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. “Bago ako naging detective naging tour guide muna ako. Nag-trabaho ako bilang tour guide no’ng pa-graduate na ako ng high school, medyo mahirap kasi ang buhay kaya naman kailangan kumita ng pera para makapag-aral.” Napangiti naman ako dahil sa kwento niya. Napakasipag na bata. No’ng nasa high school kasi ako ay puro libro lang naman ang kaharap ko. Hindi rin pumasok sa isipan ko na mag-trabaho, dahil bukod sa nag-iisang anak ako, nabibigay naman lahat ng pangangailangan ko at sakto para sa pamilya namin ang kinikita ni papa. “Saan ka pala nag-graduate ng college? Sa Marnina o rito rin sa San Bernin?” nice one, Donovan! Buti naipasok mo ‘yon. “Dito na sa San Bernin, team leader. Simula elementary hanggang college, nandito na ako. Pumunta lang ako sa Manila para mag-masteral at sa board exam,” sagot niya pero nasa kalsada pa rin ang kanyang atensyon. Elementary hanggang college. Kung dito nga siya nag-aral simula elementary posible na nag-aral siya sa lumang paaralan na napuntahan ko kahapon. “Gusto mo bang daanan din natin ‘yong dati kong paaralan, team leader? Ang tagal na rin simula no’ng huling bisita ko,” agad naman akong pumayag sa paanyaya niya dahil ‘yon naman talaga ang plano ko. Una naming binisita ‘yong school niya no’ng college siya, ‘yon din kasi ang una naming madadaanan. Nang marating naman ang destinasyon ay hindi rin kami nagtagal dahil may mga klase rin ‘yong iba niyang naging guro dati. Gano’n din sa high school na pinasukan niya. Weekdays kasi kaya naman may pasok at may mga klase ‘yong mga teacher niya. At ang huli naming pupuntahan ay ang elementary school na pinasukan niya. Sana lang ay tama ako sa naisip ko na ro’n nga siya nag-aral. “’Yong huling pupuntahan nga pala natin team leader ay sarado na. Naging abandonado na kasi ‘yon simula no’ng masalanta ng bagyong Undoy,” nang dahil sa sinabi niya ay nakumpirma ang hinala ko. Bingo! Napangiti ako ng mapansin na pamilyar ang kalsada na tinatahak namin. Natatandaan ko ‘to dahil dito rin ako dumaan kagabi. Nang marating ang destinasyon ay agad akong bumaba. Pinagmasdan ko muna ang paligid habang hinihintay na bumaba rin si Detective Raynolds. “Gaano katagal na ‘tong sarado?” tanong ko at bumaling sa kanya ng makalapit siya sa akin. “Mahigit sampung taon na rin, team leader,” sabi niya at pinagmasdan din ang buong lugar. “Wala rin kasing budget ang municipal kaya naman hindi na napaayos. Ilang taon ding nakihati ng classroom ang mga elementary student sa high school. At matapos ang limang taon ay nakapagpatayo ng panibagong mababang paaralan ang San Bernin malapit sa may Capitolio.” Katulad ng kagabi ay gano’n pa rin ang itsura ng buong paligid, pero mas malinaw nang makikita ang lahat dahil maliwanag na mula sa sikat ng araw. “Naalala ko pa no’ng naglalaro ako sa playground na ‘to tapos nakikipaghabulan ako sa crush ko,” kwento niya habang may malawak na ngiti sa kanyang mukha. “Gusto mo bang makita ang loob, team leader?” And that’s it! Ako naman ang napangiti dahil sa sinabi niya. “Sure, paniguradong na-miss mo rin ang dati mong school. Sayang nga lang at hindi na ‘to napaayos,” I said at sabay kaming naglakad papasok. Habang naglalakad ay isa-isa kong sinusuri ang bawat kwarto na nadadaanan namin. “Alam mo ba team leader, ‘yong auditorium ang pinakagusto ko sa lahat ng kwarto rito sa school namin,” auditorium? Ang natatandaan ko ay nasa ikatlong palapag ang auditorium at kung aakyat kami ay posible na makita namin ang bangkay. “Talaga? Bakit naman?” tanong ko sa kanya. Huminto naman kami sa gitnang kwarto rito sa unang palapag. “Dito ‘yong classroom namin, sa may harapan naman ako nakaupo dati, medyo bibo kasi ako no’ng bata ako,” sabay mosyon niya sa harapang bahagi ng classroom. “Auditorium. Kasi no’ng nagkaroon kami ng play no’ng grade 2, ako at ‘yong crush ko ‘yong bida. Sleeping Beauty ‘yong play na ginawa namin kaya naman nahalikan ko siya.” “Mukhang masaya at memorable ang childhood mo, Detective Raynolds. Ang dami mong naaalala sa crush mo ah,” pambubuyo ko sa kanya. “Hindi naman, team leader. Halika, tignan natin ‘yong auditorium. Ang dami kong memories do’n with crush.” Nauna na siyang umakyat sa akin kaya naman sumunod ako sa kanya. Akalain mo ‘yon napaka-memorable pa pala sa kanya nitong lugar na ‘to. Kaso mukhang mababahiran pa ng masamang alaala dahil sa makikita namin mamaya. Una naming pinuntahan ang auditorium, kagaya ng inaasahan, maganda nga ang lugar na ito para paggawan ng krimen. Tahimik at malawak na lugar. Walang iistorbo. Walang makakakita. Kahit na sumigaw ka ay walang makaririnig dahil walang malapit na bahay. Habang pinagmamasdan ang buong paligid ay naagaw ng tanawin sa labas ang atensyon ko. Kitang kita ko ang mga puno at ang buong kalsada sa labas. Napakagandang tignan. Maaliwalas atb nakakagaan ng pakiramdam. “Detective Raynolds—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nang lumingon ako ay wala na ang kasama ko. “Team leader!” dali-dali akong lumabas ng marinig ko siyang sumigaw. Paniguradong nakita na niya ang katawan ng lalaki. Akala ko pa naman ay ako ang magtuturo sa kanya. Pagkakita ko sa kanya ay tama nga ang hinala ko. Nakita na niya ang walang buhay na katawan ng lalaki. Nakatayo lang siya sa pintuan at hindi pa tuluyang nakapapasok, hindi pa siya gumagalaw marahil sa gulat. Mabilis kong nilapitan ang bangkay at tinignan ang pulso nito. Kahit na alam kong wala na itong buhay ay ginawa ko pa rin. Katulad ng posisyon niya kagabi ay gano’n pa rin ang ayos ng bangkay. Nakaupo ito habang may nakapulupot na lubid sa kanyang leeg. Agad kong kinuha ang atensyon ni Detective Raynolds dahil nakatayo pa rin siya malapit sa may pintuan. “Call the forensic team and ask for backup. Ako na ang tatawag kina Detective Angeles,” I said at nilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. “Yes, team leader.” Matapos tumawag ay sinuri kong muli ang katawan ng biktima. Pinatungan ko muna ng panyo ang aking kamay bago hawakan ang bangkay dahil baka maiwan at mapinsala ko ang ebidensya kung sakali. Una kong tinignan ang kanyang palapulsuhan at naroon pa rin ang marka, maging sa kanyang damit ay may manipis na marka pa rin ng tali. “I already call for backup and they’re on their way. They will be here after 5 minutes,” he said after calling the station. “Let’s preserve the scene but let’s investigate now. Look for some clues and evidences.” “Noted, sir,” he said at nag-umpisa nang libutin ang buong kwarto. Marumi ang buong lugar dahil sa kaliwa’t kanan na mga kalat at alikabok, pero kung titignan ito bilang isang crime scene, napakalinis nito. Pero sabi nga, walang perpektong crime scene. Walang dugo na nagkalat, walang kahit anong bakas na may ibang pumuntang tao rito. Napatingin kami sa labas ni Detective Raynolds ng marinig namin ang pagdating ng ambulansya. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Detective Ventura na kabababa lang mula sa sasakyan, kasunod naman nilang dumating ang forensic team at agad na umakyat kung nasaan kami ng kasama ko. “Team leader!” tawag ni Detective Villares na kaaakyat lang. “Anong nangyari rito?” tanong niya ng makita ang katawan ng biktima. Nagkibit balikat lang ako dahil maski ako ay hindi rin alam kung ano ang nangyari rito. “Detective Angeles, check the identity of this man at kung sino huling nakasama at nakausap niya.” “Yes, sir,” matapos magsuot ng gloves ay agad niyang nilapitan ang biktima at kinapkapan. “Detective Villares and Detective Ventura, look for the CCTV footages near hear that would be possible to appoint the assailant. And Detective Roxas, ask around if someone sees our victim.” “Noted, sir,” they all said at lumabas na. pumasok naman ang forensic team para kuhanan ng litrato ang crime scene at asikasuhin ang katawan ng biktima. Muli akong lumapit sa biktima matapos akong abutan ng gloves ni Detective Raynolds. Kanina ko pa tinitignan ang mukha ng biktima dahil parang pamilyar siya sa akin. Hindi ako sigurado kung saan ko siya nakita o nakasalamuha. Kung sakali man na nakausap ko siya ay paniguradong matatandaan ko kaagad ang lalaki na ‘to. Isang linggo pa lang din ako rito sa San Bernin kaya naman hindi pa gano’n karami ang tao na nakaharap ko. “Team leader, wala siyang dalang wallet o cellphone, kailangan ko pang bumalik sa istasyon para tignan ang database,” pahayag ni Detective Angeles matapos kapkapan ang biktima. “Kung nag-suicide siya, paniguradong hindi talaga siya magdadala ng personal gamit. Malamang ay nasa bahay niya ang kanyang cellphone at wallet. Kailangan ko lang malaman ang pangalan niya para mas madali kong mahanap ang iba pang impormasyon,” dagdag niya pa. “Okay, pwede ka nang bumalik. If you find anything important call me, okay? Also, find all relative information about this man.” “Will do, sir,” he said at nagpaalam na sa iba. Nang makaalis si Detective Angeles ay sakto naman paglapit ni Detective Raynolds. “Team leader, I think this is a simple suicide case.” “Kung gano’n, bakit dito niya napiling magpatiwakal? Bakit hindi sa mismong bahay niya? Bakit hindi niya dinala ang suicide note?” tila napaisip naman siya sa mga tanong ko. “Here, look at this,” at itinuro ko sa kanya ang mga marka na nakita ko. “B-bakit? Hindi kaya…” napatingin naman siya sa akin kaya napataas ang kilay ko. “Hindi kaya what?” “Hindi kaya pinatay siya?” well, same with my assumptions, obviously hindi nga nagpakamatay ang biktima. “What if, he was tied and then someone killed him? Imposible kasi na magbigti siya ng nakaupo, hindi ba?” yeah, you got my point, detective. That was I am also thinking. “Let’s see.” I said at iniwan ko na siya. Agad akong lumapit sa head crime scene investigator. “Sir, good afternoon, I’m Detective Portman,” pakilala ko sa kanya sabay abot ng kamay ko. “Good afternoon, detective. I’m Joshua Romero, the head of crime scene investigators. What may I help you?” “Can you do an autopsy to the body? I think there’s a foul play in here.” Napatingin naman siya sa biktima saka muling bumaling sa akin. “I see. We’ll do that, I’ll send you the result tomorrow.” “Thank you, sir,” and I bid my goodbye to him. “Detective Raynolds!” Agad naman siyang lumapit sa akin matapos makipag-usap sa isa miyembro ng forensic. “Let’s go back to the station.” “Okay, sir,” at sabay kaming naglakad palabas. Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansin ako sa sahig. Tinignan ko ‘tong mabuti at sa pagkakatanda ko ay wala naman ‘to kanina. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang nakita ko. Panigurado akong ang salarin ang may-ari nito. Habang pababa ay nakita ko ulit ang kaparehas na bagay na nakita ko kanina sa loob ng crime scene. Muli, tinignan ko ito ng mabuti para makumpirma na parehas nga at tama ako, iisang tao lang ang may-ari nito. Kagaya ng kanina ay kinuhanan ko rin ‘to ng litrato, pagkatapos ay dumiretso na ako papunta sa sasakyan. Parehas kaming tahimik bumabyahe ni Detective Raynolds pabalik ng istasyon, parehas walang nagtatangkang magsalita kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa nakita ko kanina. Ngayon, sigurado na akong pinatay nga ang biktima, ang kailangan ko na lang gawin ay alamin kung sino at bakit siya pinatay. Hindi malabong may maiwan na bakas ang salarin. Gaano man siya kagalin ay paniguradong may maiiwan at maiiwan na bakas mula sa kanya. At ‘yon ang kailangan kong hanapin at alamin. Buong byahe ay tahimik lang ako habang iniisip ang posibleng kasagutan sa mga tanong ko. Ilang beses na ring sumulyap sa p’westo ko si Detective Raynolds na para bang may gusto siyang sabihin, pero sa huli ay mas pinili na lamang niyang hindi magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD