V1 - Chapter 13

2208 Words
‘The trouble is that all the investigators proceeded in exactly the same spirit, the spirit that is of scientific curiosity, and with no possibility of telling whether the issue of their work would prove them to be fiends, or dreamers, or angels.’ – Robert Strutt -Donovan’s POV- Sinuri ko ang buong paligid at walang kung anong bahid ng dugo sa buong lugar bukod sa natural na dumi ng buong kwarto. Wala ring dugo ang katawan ng biktima, bagkus, may nakatali na lubid sa kanyang leeg na nakasabit sa kisame ng kwarto. Tinignan kong maiigi ang katawan ng biktima at mukhang hindi pa gano’n katagal simula ng mamatay ito dahil nagsisimula pa lang din maging ube ang kulay ng katawan nito. Nilapitan ko ang katawan ng biktima at sinubukan na hawiin ang lubid na nakatali sa kanyang leeg. Walang ibang marka sa kanyang katawan pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang hoody ng biktima na may marka ng manipis na tali. Agad kong tinignan ang palapulsuhan ng biktima at may mamula-mulang marka ito sa kanyang dalawang pulso na mukhang itinali bago siya namatay. At dahil wala pa akong magawa sa ngayon ay sinuri ko na lamang mabuti ang katawan ng biktima at ang buong lugar. Paniguradong bukas ng umaga ay may magre-report ng kaso, kung wala man ay agad namin ‘tong mapupuntahan ng crime unit. Nang masuri ang buong lugar ay umalis na ako at bumalik sa aking apartment. Pagbalik sa kwarto ay agad akong bumalik sa aking katawan, ngunit hindi pa rin nawawala ang ilang katanungan sa isip ko. Kung nagbigti ang biktima, bakit siya nakaupo? Bakit may manipis na marka sa kanyang leeg? Na para bang sinakal siya habang nakabalot sa kanyang leeg ang kanyang hoody. Bakit mayroon ding marka ang dalawang pulso niya? Hindi pa nasasagot ang mga tanong ko tungkol sa kaso ni Amanda ay may panibago na namang mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Sandali. Paano kung ang lalaking nakita ko kanina ay hindi nagpakamatay? Paano kung kagaya ng hinala ko sa kaso ni Amanda ay pinatay ang lalaki? Base sa mga marka na nakita ko sa katawang ng biktima, hindi malabong mangyari ang iniisip ko. Ang tanong nga lang, bakit siya pinatay? Anong dahilan? At sino ang pumatay sa kanya? Lalo tuloy akong naguluhan sa mga naiisip ko. Kung sino man ang pumatay o kung pinatay nga sila, paniguradong residente ng San Bernin ang salarin dahil ang mga residente lang din naman ang nakaalam ng mga lugar dito. At kung taga-San Bernin nga siya, paniguradong alam niya na matagal nang abandonado ang paaralan na ‘yon kaya naman do’n niya napili na paslangin ang biktima. Ang kailangan ko na lamang gawin ay hintaying mag-umaga at may mag-report ng balita sa presinto, dahil kung wala, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iba kung bakit alam ko na may bangkay sa abandonadong paaralan na ‘yon. Hindi ko rin naman p’wedeng sabihin sa kanila na nakakaalis ako ng katawan ko dahil paniguradong iisipin nila na nababaliw na ako. Kung ano man ang mangyari bukas, bahala na. ----- Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi rin ako makatulog ng maayos pagkatapos kong mag-astral projection. Kagabi pa rin gumugulo sa isip ko ‘yong bangkay ng lalaki na nakita ko. Kaninang umaga, bago pumasok ay napagtanto ko na kung sakali man ay hindi rin pala mare-report agad ‘yong kaso na ‘yon dahil matagal nang abandonado ang lumang paaralan, isa pa, wala ‘yong kalapit na mga gusali kaya naman kung may dadaan man sa lugar na ‘yon ay bihira lang. Kung hihintayin ko naman na may kusang makapansin sa bangkay ay baka abutin pa ako ng ilang araw o linggo, dahil kapag tumagal ay posibleng maamoy ng mga dumadaan ang pasingaw ng katawan ng bangkay. Kailangan kong makaisip ng paraan para may mag-report ng kaso dahil kung hindi, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin na alam kong may bangkay sa paarala na ‘yon. “Good morning, team leader, ang aga mo ngayon, ah,” bati sa akin ni Detective Roxas ng makapasok siya. “Good morning Detective Roxas, by the way malapit lang din naman kasi ‘yong condo kaya maaga ako,” sagot ko sa kanya. Naagaw ang atensyon namin ng biglang may sumigaw sa pinto. “Good morning! Masigabong umaga sa ating lahat! Detective Roxas, team leader, mga kapwa ko detectives, magandang umaga!” maligayang bati sa amin ni Detective Raynolds habang isa-isang nilalapitan at kinakamayan ang lahat. Pansin ko na kung sino talaga ‘yong pinakabata sa grupo sila ‘yong tipo ng tao na napakataas ng energy, tipong hindi na kailangan ng chocolate para sumigla. “Ang saya mo ngayong araw Detective Raynolds, anong mayro’n?” tanong sa kanya ni Detective Roxas ng makalapit siya sa pwesto namin. “Ano ka ba, Detective Roxas, masayahin lang talaga ako,” at bigla naman siyang tumawa. Napailing na lang ako sa ikinikilos ni Detective Raynolds. Kahit na minsan ay may pagka-isip bata siya pero pagdating naman sa trabaho ay lumalabas ang pagiging seryoso niya. Matapos ang ilang minuto ay sabay-sabay naman na dumating sina Detective Villares, Detective Angeles, at Detective Ventura na agad namang binati ng maligayang si Detective Raynolds. Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa pagtingin ng mga case report dito sa San Bernin. Hindi ‘gaya ng inaasahan ko ay marami-rami in pala talagang kaso rito. Akala ko pa no’ng una na magiging madali lang ang trabaho ko dahil maliit lang naman ang bayan ng San Bernin. Pero talaga nga na, wala sa lugar ang krimen, nasa tao. Kung may tao na halang talaga ang bituka at may masamang hangarin sa kapwa ay hinding-hindi mababawasan at mawawalan ng krimen sa mundo. As for the crime rate as of mid-year 2020, rank seventy one ang Pilipinas na may 42.22 na crime index sa buong mundo. Even though that the Philippines is in the rank seventy on crime indexes all over the world, hindi pa rin masasabi na mababa ang porsyentong ‘to dahil mahigit kumulang isang daang milyon din ang populasyon ng mga mamamayan sa Pilipinas. “Excuse me lang team leader,” agad akong napalingon sa tumawag sa akin. “Yes, Detective Ventura?” “Ngayong araw na ita-transfer sa Prosecutor’s office ang kaso ng Bistek Meryenda, kaya naman kailangan ko ang pirma mo,” at ibinigay niya sa akin ang folder na naglalaman ng case transfer report. I skimmed the file before signing. Nang mapansin na ayos naman ang mga nakalagay sa papeles ay agad ko ‘tong pinirmahan. “Here,” inabot ko sa kanya ang folder pagkatapos kong pumirma. “Thank you, sir.” Paniguradong mabubulok sa bilangguan ang mga salarin dahil hindi biro ang kasong kanilang ginawa. Bukod sa kasong a*******n at murder ay nalaman naming na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o droga ang iba sa kanila, idagdag pa na ang pinaka-kaso nila ay human trafficking. Para sa mga hindi nakakaalam, ang human trafficking ay napakalaking kasalanan sa paglabag ng karapatang pantao ng isang tao, mapa-babae, bata, matanda, may kapansanan o lalaki man. Trafficking in persons is a really serious crime and a grave violation of human rights of a person. It involves transporting or forcing someone into a situation of exploitation, such as, forced labor, p**********n, and s*****y and so on. Human trafficking has become a trade that is so lucrative and prevalent, that it knows no borders. Sa kasong kinaharap naming kahapon, I just realized that the victims, those minors are being lured by sweet talks, abducted, and yanked away from their families. It just so sad that they have to experience such crime at a young age. “Guys! Guys! Guys!” bigla akong napabalikwas mula sa pagkakaupo dahil sa sumigaw. Takte! Sino ba ‘yon? Nagulat ako. “Detective Ventura, ano bang nagyari sa’yo at nagsisigaw ka r’yan?” tanong sa kanya ni Detective Villares. Akala ko kung anong emergency na. “S-si… si…” hindi niya matapos-tapos ang sinasabi niya dahil sa hingal. Ikaw ba naman tumakbo paakyat mula ground floor hanggang fourth floor tapos sisigaw-sigaw ka pa sa hallway, ewan ko na lang talaga kong hindi ka hingalin. “Oh, tubig,” at inabutan naman siya ni Detective Roxas ng maiinom. “Uminom ka muna saka ka huminga ng masabi mo ‘yang sasabihin mo.” Pagkatapos uminom at huminga ng malalim ay nagsimulang sumeryoso ang mukha ni Detective Ventura. “Ganito kasi ‘yan, kausap ko kanina si Prosecuter Tan at nabanggit niya na wala na si Vernard. Namatay si Vernard kaninang madaling araw habang nasa Intensive Care Unit siya ng Winsley Medical Hospital.” “What caused his death? Akala ko ba naagapan at nabigyan kaagad siya ng paunang lunas? How about the antidote?” ‘sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “’Yon nga, team leader. Naturukan kaagad siya ng antidote, ang kaso masyadong marami ‘yong dosage ng lason na naturok sa kanya kaya mabilis na kumalat sa katawan niya.” “Anong gamot ba ang tinurok sa kanila? What kind of drug?” tanong naman ni Detective Raynolds. “Bo… botulo… bobotuli… ay ewan! Basta nagsisimula sa ‘bo’. Ang hirap naman kasi banggitin ng pangalan,” reklamo ni Detective Ventura ng hindi maalala ‘yong pangalan ng lason. Bo? Lason na nagsisimula sa ‘bo’? Botuli? Parang pamilyar kaso hindi ko maalala. Anong ‘bo’? “Botulinum toxin?” banggit ko ng maalala ko ‘yong pangalan. Bigla naman pumalakpak si Detective Ventura kaya lahat sila ay bumaling sa akin. “’Yon nga! ‘Yon nga, team leader. ‘Yan ‘yong pangalan na binaggit ni Prosecuter Tan kanina.” “Alam mo ‘yon, team leader?” tanong ni Detective Angeles kaya napatingin ako sa kanya at tumango. Pumalibot naman sila sa akin para marinig ang sasabihin ko kaya nagsimula na ako. “Sa mga kaso na inimbestigahan namin sa Manila, may kaso akong nahawakan na involve sa isang scientist na lumason sa kanyang kapitbahay. At hindi basta-bastang lason ang hinalo niya. It was botulinum toxin.” “Grabe ba talaga ‘yong epekto no’ng lason na ‘yon? Para hindi kayanin ng antidote?” Detective Raynolds asked. “Yes. Based on researches, some scientists agrees that the botulinum toxin, which is produced by anaerobic bacteria, is the most toxic substance known.” Botulinum toxin was first identified as a cause of food poisoning due to incorrectly prepared sausage in the late-18th century in Germany. This toxin causes muscle paralysis by preventing the release of the signaling molecule in our body. This same paralyzing property is a fundamental to the clinical use of botulinum toxin in cosmetic, particularly Botox. “Grabe naman pala,” sabi ni Detective Roxas habang hinihimas ang kanyang baba. “Ano raw? Hindi ko kasi naintindihan,” bulong niya sa katabing si Detective Angeles. Natawa na lang ako sa kanila, mukha silang mga bata na parang may bagong natutunan sa klase. And speaking of klase, wala pa ring nagre-report no’ng bangkay na nakita ko kagabi hanggang ngayon. Matapos mag-asaran ay nagsibalik na sila sa kani-kanilang gawain. Bago pa tuluyang makaupo si Detective Raynolds ay tinawag ko na siya. “Detective Raynolds!” “Yes, team leader?” Nangapa pa ako kung paano ko sasabihin sa kanya, pero ito na, wala nang atrasan. “Can you come with me? I want to explore more the San Bernin, iilang lugar lang din kasi ang napuntahan ko no’ng time na dumating ako rito.” “Now na, team leader?” mukhang nag-aalinlangan pa siya na sumama. Sana gumana palusot ko. “Yeah, wala pa naman tayong exclusive case at kung sakali man na may tumawag nandito naman sila Detective Angeles,” I said. Limang segundo ang inabot bago siya tuluyang nakasagot. “Okay, team leader. Let’s go mamasyal,” masayang wika pa niya. “Detectives, may pupuntahan lang kami ni Detective Raynolds. Kung may matanggap man kayo na report, tawagan niyo kaagad ako if it’s urgent, okay?” bilin ko sa kanila. “Yes, team leader,” sabay-sabay na sagot nila. “Let’s go!” yaya ko kay Detective Raynolds at agad naman siyang sumunod. Dumiretso ako sa passenger’s seat dahil siya ang nag-presenta na magmaneho, siya rin naman kasi ang magtuturo kung saan kami pupunta. Buong byahe ay nakikinig lang ako sa mga k’wento niya tungkol sa pagiging detective niya rito sa San Bernin. May iilang lugar din kami na napuntahan ko na pero hindi ko na binaggit pa sa kanya. Akala ko ay ituturo niya lang sa akin ‘yong direksyon at pangalan ng mga lugar na madalas puntahan ng mga tao, pero pinapaliwanag niya rin kung anong history ang mayroon sa lugar na ‘yon. Nag-ala tour guide si Detective Raynolds pero hindi ko na siya inawat dahil mukhang may talent siya. Siguro kung hindi ko alam na pagiging detective ang trabaho niya, iisipin ko na isa siyang tour guide.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD