V1 - Chapter 12

2185 Words
‘Nothing has such power to broaden the mind as the ability to investigate systematically and truly all that comes under thy observation in life.’ – Marcus Aurelius -Third Person’s POV- “Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko rito? Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa ng lalaking nakagapos sa upuan. “Did you know that being accidentally cut with a knife is really painful? It’s the same way with your pain. Hmm… how would I kill you? In what way I’ll let you experience death?” wika ng lalaking naka-maskara habang umiikot sa upuan kung saan nakatali ang lalaki. “Please, spare me. Ayoko pang mamatay. Maawa ka! I did everything you told me to do! How can you kill me like this?” sabi ng lalaki ngunit hindi siya nito pinakinggan, bagkus ay kumuha ng maso ang lalaking mascara at buong lakas na inihampas sa mesa na naging dahilan ng pagkasira nito. “Ah, I don’t like the sound of this. Ang pangit pakinggan,” ibinaba niya ang maso at kinuha ang nylon na nasa kanyang bulsa. “Why did you have to run away like a fool? Alam mo naman na kahit saan ka pumunta ay mahahanap kita. Well, mamamatay ka rin naman kung sumakay sa eroplano na ‘yon.” “Please, don’t kill me. Ayoko pang mamatay. Maawa ka na. I only did what I was told to do. Bakit kailangan kong mamatay?” At walang ano-ano ay sinakal siya ng lalaking naka-maskara gamit ang nylon na hawak nito. “P-please, d-d-don’t… I d-don’t want t-to—“ hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang binawian ng buhay. “Ang mga peste na wala nang pakinabang ay dapat na ring binubura sa mundo. Rest well,” huling wika ng lalaki bago tuluyang umalis at iniwan ang walang buhay na katawan ng biktima.   -Donovan’s POV- Sa isang linggo na paninirahan ko rito sa San Bernin ay ang Bistek Meryenda ang pinaka-nakakapagod na kaso na nahawakan ko. Ang tagal ko rin palang hindi nakatakbo ng gano’n kaya naman parang nabigla ang katawan ko. Kanina pa ako nakauwi pero hindi pa rin ako nakakapagbihis dahil tinatamad na ako. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng kaso tungkol sa suicide case no’ng nakaraan.  “Aha! Sabi na may nakalimutan ako,” lagad akong napabangon ng may maalala ako. Mabilis kong kinuha ‘yong notepad ko na nakalagay sa side table ng kama ko. Naalala ko na ‘yong nakalimutan kong gawin. ngayon ko dapat aasikasuhin ‘yong kaso tungkol ‘don sa dalawang lalaki na nakita kong nagnakaw sa grocery store malapit dito sa apartment. Tuluyan nang nawala sa isip ko kanina dahil sa kasong inasikaso namin. Mukhang magandang mamasyal mamaya dahil pagod din ako at hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung totoo ngang nagpakamatay ‘yong babae o isa ‘yong murder case na pinagmukha lang na suicide case para hindi na ungkatin pa ng mga pulis. Kung sakali man na makita ko ulit ‘yong dalawang magnanakaw na ‘yon lagot talaga sila sa akin. Agad akong nagbihis at nagpalit ng damit pagkatapos kumain para ihanda ang sarili ko para mamaya. Naisipan ko na gawin muli ang astral projection ngayong gabi para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa suicide case. ----- Matapos ang ilang minutong pakikipagtalo sa sarili ay ipinikit ko na ang mata ko upang gawin ang astral projection. Ang balak ko sana ngayong gabi ay gawin ang lucid dreaming, kaso naalala ko, kulang pa rin pala ang impormasyon na mayroon ako at wala pa akong taong p’wedeng makausap tungkol sa kaso. I let myself be drowned by sleep, and as I reach the hypnotic state, I let my mind wander to my whole body. Hinayaan kong humiwalay ang aking sarili sa aking pisikal na katawan. As I confirm that I am projecting my soul from my body, agad akong nagtungo sa pinto palabas ng apartment, naisipan ko na bumalik sa kwarto na inuupahan ng biktima bago siya pumanaw. Pakiramdam ko may ibang ebidensya pa na maari akong mahanap na p’wedeng makatulong sa kaso niya. Kung mali man ang hinala ko, at least nalaman ko ang totoo, hindi matatahimik ang kalooban ko hangga’t hindi ko mismo nalalaman ang totoong nangyari. Kung sakali man na nagpakamatay nga siya, bakit? Anong dahilan? Kung pinatay naman siya, bakit siya pinatay? Anong alam niya na hindi pwedeng malaman ng iba? Kasalukuyan na ang daming tanong ang umiikot sa isipan ko. At kailangan mabigyan ng sagot ang mga tanong ko dahil kung hindi baka mabaliw at masiraan ako ng bait kaiisip ng posibleng sagot. Nang makarating sa bahay na tinutuluyan ng biktima, dumiretso agad ako sa kwarto kung saan naganap ang krimen. Wala namang ipinagbago ang mga gamit niya simula no’ng pumunta ang mga pulis dito. Ang ipinagtataka ko ay bakit nandito pa rin ang mga gamit niya kung tapos na ang imbestigasyon at sarado na ang kaso? Base sa pagkakaalam ko ay nasabihan naman ang pamilya ng biktima tungkol sa nangyari kay Amanda. Pero bakit nandito pa ang mga gamit niya at hindi nila kinukuha? Ilang araw na rin simula nang maasikaso ang kaso. Wala namang kakaiba sa kwarto na ‘to. Ang nakapukaw ng pansin ko ay ang mga litrato na nakalagay sa study table ng biktima. Una kong kinuha ang isang group picture, sa unang tingin, aakalain mo na nasa isang masayang outing ang buong pamilya, ngunit kapag tinignan mo ng mabuti ang larawan, mapapansin na si Amanda lamang ang tanging hindi nakangiti. Kumpara rin sa mga nasa litrato, lahat sila ay halos nakadikit sa isa’t isa, siya lamang ay may distansya sa katabi. Ang mga sumunod na larawan naman ay mga stolen shots ng aso na mukhang sa google niya lang nakuha. Wala naman akong napansin sa record na may alagang aso ang biktima, at ayon sa may-ari ng bahay ay hindi siya tumatanggap ng tenant na may alagang hayop. As far as I know, empathy is a complex emotion for us, human beings. If a person is into pets, it is highly probable that he or she desires for a company of a person. And since, Amanda has no one to be with, she tend to divert her attention to the animals. And according to some sayings, “Animals touch the most intimate parts of a person’s heart: the need to nurture and to protect, and the need for companionship and love.” That’s why some people choose to take care of abandoned animals than to have their own children. Also, having a pet at home is therapeutic and it helps to some people to relieve their stress by taking care of their pets. After checking the photos, I visited the bedroom of the victim. Wala siyang masyadong mga gamit kaya naman hindi rin gano’n karami ang nandito. Bukod sa mga picture ng hayop at isang family photo wala nang ibang larawan pa ang makikita. Napunta ang tingin ko sa mga libro na nasa side table malapit ssa kanyang higaan. Pamilyar ako sa mga libro niya dahil nabasa ko na ang ilan sa mga ito, at base pa lang sa mga title, mukhang mahilig sa malulungkot at tragedy na novel ang biktima. May iilan ding CD’s na puro blues song ang laman. Mukhang may hindi mahilig makisalamuha ang biktima sa mga tao. Kung hindi siya sanay na makihalubilo, bakit naisipan niya na sa grocery store magtrabaho bilang cashier? Kung saan posibleng mas maraming tao siyang makaharap. Does she feel like an outcast? O hinihiwalay niya lang talaga ang sarili niya sa mga tao? Naglibot-libot pa ako sa ibang bahagi ng kwarto ngunit wala na akong ibang makita na pwede kong magamit. Mukhang kailangan ko ngang gawin ang lucid dreaming para mas makakalap ng impormasyon. Pwede kong subukan sa mga katrabaho ni Amanda at may-ari ng grocery store, o kaya naman sa kanyang pamilya. Matapos maglibot ay lumabas na ako sa kwarto upang sa ibang lugar naman maghanap ng impormasyon. I tried to explore farther than usual. During my subsequent astral projection, I usually go to places that are familiar to me. Hindi ako masyadong lumalayo ng mahigit sampung kilometro sa katawan ko. Kaya naman ngayon na mas lumayo ako ay hindi ko alam kung ano ang posibleng maging epekto nito sa isip o katawan ko. Bahala na bukas kung ano man ang mangyari. Some says that doing astral projection is dangerous, especially when one gets enough practice to explore unfamiliar places that doesn’t need to be explored. There is so much to get into, but I think, harm will come unless you personally think it will. For those who does astral projection and experiences out-of-body experience, there’s this thrill for long period of time which is said that if you keep your soul out of your body for a long period of time will weaken the silver cord. But some says that the silver cord cannot be weakened, since it is the pure energy of our body and this energy can’t be eliminated or removed but only will be moved from one place to another. It is said that a person’s soul, who is doing astral projection, can be delayed from re-entering the body if spend too much energy outside of it and that includes travelling too far away from the body. Another advantage of doing astral projection is that it is possible to heal the person; a form of distance healing that is believed to be very powerful. Bago pumunta sa ibang lugar ay naisipan ko na muling dumaan sa grocery store kung saan nagta-trabaho ang biktima at kagaya ng inaasahan ay sarado  na ito. Pumasok ako sa loob at wala namang kakaiba, gano’n pa rin ang ayos kagaya ng huling punta ko. Nilibot ko muna ang buong lugar bago ako nagpasya na umalis. At dahil hindi ko pa alam kung saan madalas pumunta ang biktima, naisipan ko na libutan na lamang muli ang San Bernin. Hindi ko rin naman ‘to nalibot lahat no’ng araw na dumating ako. Hindi kagaya sa Marnina ay wala na masyadong tao sa kalsada gayong pasado alas-dose pa lang ng gabi, kung sa Marnina ay malamang buhay na buhay pa ang mga tao sa kalsada at nagsasaya. Tahimik na ang buong paligid, may mga tanod din naman na nagbabantay bawat barangay at wala namang kahina-hinala sa kalsada. Habang sa naglalakad, napadpad ako sa isang abandonadong gusali na sa tingin ko ay lumang eskwelahan dahil sa karatula. Hindi naka-lock ang gate dahil sira na kaya naman hindi ako nahirapang pumasok. Malawak ang harapang bahagi ng paaralan, may maliit na parang playground sa kanang bahagi at sa kaliwang bahagi naman ay may maliit na kwarto na may salaming bahagi na sa tingin ko ay garden. Nasa tatlong palapag lamang ang paarala at hindi gano’ng kalakihan. Burado na ang pangalan sa harapang bahagi ngunit may iilang letra pang naiwan na MABA—N- PAA-A—N NG S-N B—NI- na sa tingin ko ay MABABANG PAARALAN NG SAN BERNIN ang ibig sabihin. Base sa itsura ng lugar ay mukhang ilang taon na itong nagsara. Kinakalawang at sira na ang ilang bahagi ng playground. Sira na rin at lanta na ang mga halaman sa garden. May mga lumot at maruming tignan na rin ang harapang bahagi ng paaralan. Matapos pagmasdan ang labas ay pumasok ako sa loob upang tignan ang itsura. Sira ang ibang pinto sa mga kwarto at parang dinaanan ng bagyo ang buong gusali. Pagkatapos tignan ang ika-una at ikalawang palapag ay umakyat ako sa huling palapag ng gusali. Kumpara sa dalawang naunang palapag, mas madilim at mas malawak ang bahagi na ito, iilan lang din ang kwarto at mukhang gym o auditorium ang kanang bahagi. Kung pagbabasehan ang buong lugar, saktong-sakto siya sa mga mahilig sa paranormal activity o ibang katatakutang bagay. Una kong pinasok ang mas malaking kwarto at mukhang auditorium siya dahil sa mga hilera ng upuan at maliit na stage sa harapan, kagaya ng mga naunang kwarto sa baba ay sobrang gulo at halos sila na rin ang mga kagamitan dito. Sunod kong tinignan ang mga kwarto, wala namang kakaiba at halos pare-parehas lang ng kalagayan ang mga kwarto na napasok ko. Nasa huling kwarto na ako ng may mapansin ako kakaiba. Mula sa labas ay tila may anino akong nakikita sa loob na tila nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana. Kahit na hindi maririnig ang bawat hawak ko ay dahan-dahan pa rin akong pumasok upang tignan kung ano ang nasa loob. Pagpasok ay hindi inaasahang tanawin ang bumungad sa akin. Tama ang hinala ko na may nakaupo sa loob. Nang lapitan ko ito ay hindi inaasahang eksena ang bumungad sa akin. Ang nakaupo pala ay isang lalaki. Katawan ng isang lalaki na wala ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD