'The detective story is the normal recreation of noble minds.’ – Philip Guedalla -Third Person’s POV- “Tingin ko ay isa ‘tong organized crime. Kagaya sa kaso ng US na may isang gang group ang involve sa isang s*x trafficking case at may mga miyembro rin sila na killer for hire,” Detective Ventura said habang nakikinig sa interogasyon kay Vanessa. Nasa kabilang bahagi sila ng interrogation room kung saan one way mirror lang ang pagitan nila mula kina Detective Portman. “What about Vernard? Ano na ang kalagayan niya?” tanong ni Detective Raynolds kay Detective Ventura. “He’s still in the intensive care unit of Winsley Medical Hospital. At wala pa rin siyang malay hanggang ngayon.” Naputol ang usapan ng dalawang detective ng biglang pumasok sa loob si Detective Roxas kasama si Detective

