‘The criminal is the creative artist; the detective only the critic.’ – Gilbert K. Chesterton -Third Person’s POV- “Detective Angeles, ito na ‘yong hinihingi mong impormasyon,” sabi ni police officer 1030 at may inabot na papel na naglalaman ng impormasyon. “Thank you,” at agad namang binasa ang mga impormasyon na nakasulat sa papel. Nang mabasa ang mga impormasyon ay saglit itong natigilan bago muling magsalita. “Detective Roxas, you shouldn’t be with that man right now. Lumabas ka na!” babala niya sa kasamahang detective. “Huh? Ano? What made—“ at hindi na naituloy pa ni Detective Roxas ang kanyang sasabihin nang maramdaman niya na may matigas na bakal ang tumama sa likod ng kanyang ulo. “Detective Roxas? Detective Roxas? Please answer me, Detective Roxas,” tawag ni Detective Ang

