V1 - Chapter 9

2232 Words
‘The main purpose of a significance test is to inhibit the natural enthusiasm of the investigator.’ – Frederick Mosteller -Third Person’s POV- “Agent 1030, please replay the video earlier,” wika ng detective at binaling ang atensyon sa screen na nasa kanilang harapan. Habang sinusuri ang video ay may napansin na kakaiba si Detective Angeles. “Team leader, I think the culprit was aiming for the owner. Lahat ng tinuturukan niya ay ang mga tao na nakaharang sa daan niya papunta sa may-ari. And he was only walking towards the owner’s direction. I’ll send you the video.” Habang nasa sasakyan naman ay natanggap ni Detective Portman, ang video na ipinadala ni Detective Angeles. Agad nila itong pinanood at sinubaybayan ang galaw ng salarin. “Tama ka, naglalakad lang siya papunta sa may-ari. Check where the culprit went to. Paniguradong ang may-ari ng restaurant ang target niya,” sagot naman ni Detective Portman. “Excuse me, sir, pero nakita mo ba kung saan dumaan ang salarin kanina?” tanong ni Detective Angeles sa manager. “Sorry, masyado akong natakot kanina kaya hindi ko nakita kung saan pumunta ‘yong salarin—“ hindi na natapos ng manager ang kanyang sasabihin dahil biglang inagaw ng isang lalaki ang kanyang cellphone. “Detective, nakita ko siya. Dumaan siya sa likurang pinto, saka tumakbo siya papuntang Central Capitolio,” sagot sa kanya ng lalaki. “Team leader, they say that the culprit went to the Central Capitolio way.” Sakto namang kararating lang ng dispatch team at crime unit department sa crime scene. Wala silang sinayang na oras at agad na bumaba. “Detective Ventura and Detective Roxas, you should go inside and save people first. Detective Raynolds and I will chase the culprit along with Detective Villares,” Detective Portman says as he give instructions to his team. “Kung sa Central Capitolio nagtungo ang salarin, mabilis natin siyang mahuhuli kung magmamadali tayo,” dagdag ni Detective Villares. Matapos mabigay ang kanya-kanyang gawain ay nagkanya-kanya na ring alis ang mga detective, ang iba ay dumalo sa mga biktima at ang iba naman ay nakatoka na humabol sa salarin na nakatakas. Agad na tumungo sina Detective Ventura at Detective Roxas sa mga biktima kasama ang dispatch at medical team sa loob ng restaurant upang alalayan at bigyan ng paunang lunas ang mga biktima. “Mag-ingat kayong lahat, madulas. Magdahan-dahan!” bilin ni Detective Ventura sa mga kasama. Nang dumating ang mga detective ay agad naman ng umalis ang lalaki sa tabi ng manager at may-ari. Mabilis namang inasikaso ng mga pulis ang mga biktima at nilapatan ng paunang lunas ang mga nalason. “Detective Roxas, speaking. We have more victims who were injected by the poison, but fortunately, they are all lightly wounded.” Nakahinga naman ng maluwag sila Detective Angeles ng marinig ang sinabi ng kasama. Ang natitira na lang ay ang paghuli sa salarin kaya naman mas pinagbutihan nila ang pagmamasid sa CCTV footages. Kasalukuyan naman ay patuloy pa rin sa paghabol sa salarin sina Detective Portman. Naikot na nila ang buong Central Capitolio pero hindi pa rin nila nakikita ang hinahanap. “Sir, we can’t find the culprit,” sabi ng police officer na nakasalubong nila. “The culprit must have been escaped,” dagdag pa ng isang officer. Napahinto naman ang detective na tila may iniisip. “This isn’t it,” bulong ni Detective Portman. “Huh? Pero sabi ng lalaki na nakakita na tumakbo ang salarin papuntang Central Capitolio,” kontra ni Detective Raynolds sa sinabi ng team leader niya. “Malamang ay nagtago na ang salarinin sa lugar kung saan siya ligtas at kung saan siya pamilyar at maraming tao,” suhestiyon ni Detective Portman. “At kung tatakas ako—“ hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil agad siyang tumawag kay Detective Angeles. “Detective Angeles, we are going to Pamilihan ng San Bernin, monitor our location.” “Sa Pamilihan ng San Bernin?” nagtatakang tanong ni Detective Villares. “Wala nang oras. Let’s go!” at nauna nang tumakbo si Detective Portman papuntang Pamilihan.   -Donovan’s POV- “Detective Angeles, I want you to check if there’s any woman that from Italy on the guest list,” I said habang tuloy pa rin sa pagtakbo. Kung ako ang magtatago o kaya naman tatakas, mas pipiliin ko na sa mas maraming tao magpunta ng sa gano’n ay hindi kaagad ako mapapansin ng mga taong humahabol sa akin. Kaya sigurado ako na hindi sa Central Capitolio nagtungo ang salarin, kung hindi sa Pamilihan ng San Bernin, kung saan mas maraming tao at mas maraming eskinita na pwedeng daanan. “Team leader, the only person from Italy is this woman, I already send to you the picture and her details,” he said at sakto namang may na-receive ako na files. Huminto kami sa pagtakbo at tinignan ang files ng babae na sinasabi ni Detective Angeles. “She’s from Milan, and have been staying there since her birth. And it’s been five years since she came here in San Bernin,” patuloy ni Detective Angeles. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Detective Roxas kaya itinuon ko ang aking atensyon sa walkie talkie na hawak ko. “Team leader, the culprit is assumed to be a woman. Her name is Vanessa and she is 25 years old,” salaysay ni Detective Roxas na siyang tumutugma sa babaeng sinasabi ni Detective Angeles at sa babaeng nasa larawan. “Paniguradong nandito lang siya sa paligid, tignan niyong mabuti ang bawat tao na dumadaan,” I said habang pinapakita sa kanila ang larawan ng biktima. “Team leader, dito kami maghahanap sa kabilang kalye, kayo naman sa kabila—“ hindi na natapos pa ni Detective Raynolds ang kanyang sasabihin dahil may biglang sumigaw. “Magnanakaw! Hoy! Stop right there! Ibalik mo ang sasakyan ko!” sigaw no’ng delivery boy sa nagnakaw sa motor niya. “Hoy! Magnanakaw! Bumalik ka rito! Ang sasakyan ko!” walang tigil nitong sigaw. Nang dumaan sa harapan namin ang magnanakaw ng motor ay agad kong napansin ang mantsa ng mantika sa kanyang pantalon at sapatos. Hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad na hinabol ang salarin. “Detective Ventura, speaking. Nakita na namin ang pinaghihinalaan na suspect. The suspect is now escaping on a scooter,” Detective Ventura said habang tuloy pa rin sa patakbo. “We’re passing through Pamilihan ng San Bernin.” “Hey! Stop right there! Lagot ka sa akin kapag naabutan kita! Hoy!” sigaw ni Detective Raynolds. “I’ll go right there,” sigaw ni Detective Ventura pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tinuloy ang paghabol sa salarin. Huminto ako sa pagtakbo at nagbigay ng instruction. “Dispatch team from the San Bernin precinct waiting on the west, should go out on the big road and block all possible escape route. Madali!” hindi siya p’wedeng makatakas. “Detective Angeles, I want you to track the culprit. Now!” “Yes, sir.”   -Third Person’s POV- Mabilis na ginawa ni Detective Angeles ang instruction na binigay sa kanya ng kanilang team leader. Kasalukuyan namang patungo ang biktima sa kanlurang bahagi ng pamihilan, kung saan papunta na rin ang dispatch team. Saktong pagdating ng police patrol ay siya naman pagsalubong sa kanila ng salarin ngunit agad din itong nakaiwas at nag-iba ng direksyon. “Hey! Get her!” sigaw ng isang police officer sabay takbo para habulin ang salarin. Lumiko sa kanan ang salarin at sakto namang nasa kanang bahagi ng pamilihan si Detective Ventura at Raynolds ngunit hindi pa rin nila ito naabutan. Mabilis na pinaharurot ng salarin ang motorsiklo dahil sa mga pulis na humahabol sa kanya. “Jackpot! I found her, team leader. Magkakasalubong kayo sa susunod na kanto, sa kaliwang bahagi” sabi ni Detective Angeles kaya naman mas binilisan pa ni Detective Portman ang pagtakbo. Mabilis na lumiko pakaliwa si Detective Portman para salubungin ang salarin pero agad naman itong lumiko pakanan para maiwasan ang detective. Habang tunatakbo ay nabagsakan ng mga kahoy si Detective Raynolds dahil sa pagbangga ng salarin. Huminto si Detective Portman para tulungan ang kapwa detective. “Are you okay?” tanong ni Detective Portman sa kasama. “I’m fine,” sabi nito habang tumatayo. “Hoy! Ikaw! Lagot ka talaga sa akin kapag nahuli kita!” sigaw ng detective. At dahil naka-motorsiklo ang biktima hindi nila masabayan ang bilis nito pero hindi pa rin sila tumigil sa pagtakbo. “Putek. Sa’n na napunta ‘yon? Darn it!” reklamo ni Detective Villares. Dahil sa makipot ang daan at maraming pasikot-sikot, mas nahirapan pa silang habulin ang salarin. “Team leader, she disappeared from the camera,” Detective Angeles said. Napahinto naman sa pagtakbo si Detective Raynolds dala na rin ng pagod. “That motorcycle. Peste!” reklamo pa nito at muling tumakbo. Naisipan naman ni Detective Portman na dumaan sa shortcut para mas mabilis na makahabol ngunit hindi na nila ito magawang habulin dahil biglang nabundol ang sinasakyan nitong motorsiklo, mabuti na lamang at hindi napuruhan ang salarin at kaunting gasgas lang ang natamo. Mabilis silang lumapit sa salarin ngunit hindi pa sila tuluyang nakakalapit nang maglabas ito ng syringe at tinangkang lasunin ang sarili. Mabuti na lamang at mabilis siyang napigilan ni Detective Raynolds na mabilis na nakalapit sa kanya. “Tumigil ka! Stay still. Vanessa, you are under arrest for attempted murder. You have the right to remain silent,” mabilis naman siyang pinosasan ni Detective Raynolds upang hindi na makawala pa. “Anything you say can and will be used against you in a court law.” “Detective Villares, speaking. We now apprehended the culprit, Vanessa. The Bistek Meryenda terror incident is now closed,” pahayag ni Detective Villares at inalalayang tumayo ang salarin. “Get up!” “I request an ambulance,” Detective Portman said nang maitayo ang babae. “Team leader, I don’t think she has enough motive to commit such crime,” Detective Angeles said. “It doesn’t look like a simple case.” “We will find out during the interrogation about why she escaped like that. She seemed so desperate. Balak niya pang patayin ang sarili niya kanina. Isa pa, ipasuri niyo sa laboratory kung ano ‘yong lason na itinurok niya sa mga biktima,” sagot naman ni Detective Portman. “But I’m quiet suspicious about the chef earlier. Parang sinadya niya na magbigay ng maling impormasyon kanina.” “Sigurado ako na may iba pang motibo ang kaso. There’s something odd about this case,” dagdag pa ni Detective Angeles. “Agent 1030, look for personal records of the chef of Bistek Meryenda and any related cases to that person.” “Yes, sir,” mabilis na kumilos ang pulis. “Nahanap ko na, sir. Ronaldo Quintos and he is 34 years old. Sa Manila siya ipinanganak at naging permanent resident ng San Bernin ten years ago.” “That’s not enough. Mahanap ka pa ng ibang impormasyon.” “Yes, sir.” Kasalukuyan namang inaasikaso nila Detective Roxas at Detective Ventura ang mga biktima. “Detective Ventura, kulang ng isa ang bilang mga biktima,” sabi ng police officer na nagmo-monitor ng biglang ng tao. “Sino ang kulang?” tanong naman ni Detective Roxas. “’Yong chef po, detective. Si Chef Ronaldo, wala pang nakakakita sa kanya na lumabas,” sagot nito at inabot ang listahan ng mga biktima sa detective. “Sige ako na ang titingin sa loob. Detective Ventura, maiwan ka na rito sa labas para i-double check ang lahat.” “Okay, detective,” sagot nito kaya naman agad na bumalik sa loob si Detective Roxas para hanapin ang chef. Dumiretso sa kusina ang detective pero hindi niya nakita ang hinahanap kaya naman tinignan niya isa-isa ang bawat kwarto na madaanan hanggang sa mapadpad siya sa opisina ng may-ari, at doon niya nadatnan ang chef na tila may hinahanap na kung ano. “Chef, anong ginagawa mo rito sa opisina ng boss mo?” tanong ni Detective Roxas at napalingon naman sa kanya ang chef. “Well… the things is… is that… Ahh… Hinahanap ko ‘yong mga importante kong papeles,” uutal-utal na sagot ng chef na tila ba ay hindi mapakali. “But must you do that now? Pwede naman kapag naayos na ang lahat.” “Boss Vernard is injured, right? That’s why I must take care of things right now,” sagot naman nito. ----- “Detective Ventura, nasaan si Detective Roxas?” tanong ni Detective Portman ng makabalik sila sa crime scene. “Huh? Team leader, nasa loob pa ata. Nagkulang kasi ng isang biktima kaya hinanap niya sa loob,” sagot ni Detective Ventura na tila naguguluhan. “Okay. By the way, Detective Ventura, after you finished assisting all the victims, follow us inside, okay?” bilin ni Detective Portman sa kasamahan. Agad na tumakbo papasok sa loob sila Detective Portman para puntahan ang kasamang detective. Mabilis silang umakyat at wala nang sinayang na oras. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD