'To read of a detective’s daring finesse or ingenious stratagem is a rare joy.’ – Rex Stout
-Donovan’s POV-
Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Hindi ako natatakot sa posibleng mangyari sa akin kung hindi sa posibleng malaman ko.
Base sa incident report na nabasa ko kanina, nasa Marnina ang buong pamilya ng biktima na si Amanda Reyes. She’s 22 years old and working at a grocery store as a cashier near where her rented room was located.
Ngayon, may dalawang pagpipilian ako kung paano ako magi-imbestiga. Una ay, pwede akong mag-imbestiga physically, less my physical appearance which is my body, which were known as an astral projection. Pangalawa ay, pwede akong pumasok sa panaginip ng taong pipiliin ko, which is sa panaginip kami mag-uusap, also known as lucid dream.
Astral projection is an intentional out-of-body experience or the ability to separate physical body from the spiritual soul. Na naging kakayanan ko na sa paglipas ng panahon. While the lucid dream, it is the process of dreaming with complete consciousness and controlled in the dream.
Makalipas ang ilang minuto na pakikipagtalo ko sa aking sarili, naisipan ko na gawin ang astral projection sa araw na ‘to. Sa mga susunod na lang ako dadalaw sa panaginip ng taong gusto kong makausap kapag may nakalap na akong sapat na impormasyon.
Para magawa ang astral projection, I let myself feel drowsy and then I create the right atmosphere. Kailangan na relaxed ang aking isip at katawan para magawa ko ng maayos ang astral projection.
Nang medyo inaantok na ay agad akong pumunta sa kwarto at nahiga sa kama. Pinikit ko ang aking mata at sinubukang alisin ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa aking isipan.
After I reach the hypnotic state, I let my body and mind approach to sleep, but I don’t completely lose my consciousness. While keeping my eyes closed, I let my mind wander to a part of my body, such as hand and foot.
I tried to move my body parts one by one until I was able to move my whole body as a whole in my mind alone.
As I enter the state of vibration, I succumb myself to the vibrations as I prepare my soul to leave my body. Hinayaan kong humiwalay ang sarili ko sa aking pisikal na katawan.
Matapos ang matagumpay na astral projection ay nagsimula akong maglakad patungo sa grocery store na pinagta-trabahunan ng biktima. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang lahat ng bagay na madaanan ko.
Hindi ko man ito mahawakan ay tinatandaan ko pa rin ang mga importanteng bagay na nakikita ko na sa tingin kong makatutulong sa kaso.
Nang makarating sa grocery store ay sarado na ito. Kaunti na lang din ang tao sa kalsada, marahil ay pasado alas-dose na rin kaya malamang ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay ang karamihan.
Kahit nakasarado na ang gate ay nagtagumpay pa rin ako na makapasok sa loob ng grocery store. Pagpasok sa loob ay isa-isa kong sinuri ang lahat ng bagay na madaanan ng mata ko. Agad na naagaw ang pansin ko ng logbook na nakalagay sa mesa na nakabukas, lumapit ako para mas makita ng mabuti ang nakasulat.
“Buti na lang bukas,” bulong ko habang isa-isang binabasa ang nakasulat sa logbook.
Mukhang logbook ng mga empleyado ang nakita ko dahil may nakalagay na time in at time out. Nakalagay pa ang pangalan ng biktima, na si Amanda Reyes. At base sa logbook ay pasado alas-otso ng gabi siya umalis sa trabaho.
Pagkatapos suriin ang logbook ay lumabas na ako para naman magtungo sa bahay ng biktima. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng makarinig ako ng mahinang tunog. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling pero wala akong makitang ibang tao.
The noise from behind came and went, almost inaudible to hear. May mga oras na humihina at minsan naman ay lumalakas. One minute it would fade away into the distance then the next minute the noise would be loud and clear, like suggesting that the noise is behind my tail.
I wouldn’t dare to look around because of what I might see but I still decided to look. Pakiramdam ko ay may ibang tao rito sa loob, hindi ko lang sila masilayan.
At hindi nga ako nagkamali, may nakita akong dalawang lalaki, isang chubby na may tattoo sa kanang braso at isang matangkad na medyo malaki ang pangangatawan. Parehas na nakabalot ang kanilang mukha at may dala silang tig-isang bag.
Mukhang may mawi-witness pa ako na pagnanakaw.
Tinignan ko ang kabuuan ng grocery store at iilan lang ang CCTV na nakalagay, mas marami pa ang blind spot.
Pinagmasdan at sinuri kong mabuti ang dalawang lalaki at ang kanilang mga kilos. Matapos magmasid ay napag-desisyonan ko nang umuwi.
“Lagot kayong dalawa sa akin bukas,” wika ko bago tuluyang umalis.
-Third Person’ POV-
“Hello? Is this the police? Tulungan niyo kami. Please, hurry!” nagmamadaling wika ng nasa kabilang linya.
“Hello, this is 911. Huminahon po kayo at ipaliwanag ng mabuti ang sitwasyon,” paliwanag naman ng pulis na nakasagot sa tawag.
“I’m the manager of Bistek Meryenda, a restaurant here in San Bernin Capitolio. There’s a lunatic here and is killing people. Pumunta na kayo rito. Parang-awa niyo na. Please!” tila takot na takot na wika ng nasa kabilang linya.
Bigla namang naalarma ang pulis at agad na tumawag sa Violent Crime Unit.
“Police officer 7012 speaking,” tawag nito sa kabilang linya.
“This is Violent Crime Unit 1, Detective Villares, speaking,” sagot naman ni Detective Villares na nakasagot sat wag ng pulis.
“Detective, we received a call. May hindi kilalang tao ang umaatake ngayon sa Bistek Meryenda sa kapitolyo,” sagot naman ng police officer. Nang malaman ang impormasyon ay ipinasa naman ni Detective Villares ang telepono kay Detective Portman.
“Put me through,” utos ng detective na agad namang sinunod ng pulis. Nang makonekta ang tawag ang muli itong nagsalita. “Hello, this is Detective Portman, team leader of crime unit 1,”
“Isarado niyong mabuti ang pinto! Hold it tight! Isarado niyo para walang makapasok,” narinig na sigaw ng detective sa kabilang linya.
“Detective Angeles, identify the reporter of this call and his whereabouts,” utos nito kay Detective Angeles.
“Yes, sir,” sagot nito at agad na naghanap ng kalakip na impormasyon.
“Sir, huminahon po kayo. Try to calm down and try to explain everything in detail,” mahinahon na tugon ng detective sa kausap.
-Flashback-
“Magandang umaga, sir,” bati ng mga empleyado sa kanilang manager at sa may-ari.
“Magandang umaga, nakahanda na ba lahat para mamaya?” tanong ng may-ari habang sinusuri ang kabuuan ng restaurant.
“Ayos na ang lahat, sir,” tugon naman ng isa sa mga empleyado.
“Good! ‘Yong mga putahe, ayos na ba?” tanong naman ng manager at nagtungo sa kusina.
“Naayos at nahanda na rin naming para mamaya, sir,” sagot ng isang empleyeado na naka-assign sa pagluluto. Tumango-tango naman ang manager habang tinitignan isa-isa ang mga nakahandang rekado.
“Wow! Who made this? Mukhang masarap,” masayang tugon ng may-ari habang nakatingin sa cake.
“Ako po, sir,” sagot ng babaeng empleyado na nasa edad bente pataas.
Good job, guys!” papuri ng manager sa mga empleyado.
Sa labas naman ng kainan ay may kahina-hinalang tao na kanina pa nagmamasid sa loob. Nang lumabas na sa kusina ang mga empleyado ay saka pumasok ‘yong taong kanina pa nagmamasid sa labas.
“Sandali, sino ‘yon? May pumasok, who’s that?” tanong ng may-ari at tinignan ang katabing manager.
“Excuse me, who are you? Sino ang nagpapasok sa’yo rito?” tanong ng chef ngunit hindi ito sumagot.
Agad naman na lumapit ang isang lalaking empleyado para tignan kung sino ang bagong dating, ngunit hindi pa siya nakakalapit ay itinulak na siya nito palayo.
Sa sobrang gulat ay hindi agad nakakilos ang lahat, at kinuha ‘yong pagkakataon ng kahina-hinalang tao, at agad itong nagsaboy ng mantika patungo sa direksyon ng mga empleyado ng Bistek Meryenda, at mas ibinuhos pa ang isang baldeng mantika na dala nito.
Mas lalong nagulat ang lahat at nagkagulo sa loob ng kainan. Isa-isang nagtakbuhan ang mga empleyado palayo.
“What’s going on?”
“Sino ‘yon? Anong nangyayari?”
“Mantika! Tulong!”
Ang kanya-kanyang sigaw ng mga tao sa loob. Walang g’wardiya na nakabantay sa kainan, hindi pa oras ng kanilang operasyon kaya naman wala ring kustomer sa mga oras na ‘yon.
Kanya-kanyang takbo ang karamihan ngunit hindi rin sila makatakbo ng maayos dahil madulas ang sahig.
Agad namang nakapagtago ang ibang empleyado sa storage room na nasa kanang bahagi lang ng kusina.
-End of Flashback-
“Napakagulo ng sitwasyon dito. Nagkakagulo ang lahat, may iilan din na hindi makaalis sa pwesto nila,” huminto sa pagsasalita ang manager at sumilip sa maliit na siwang upang makita ang nangyayari sa labas. “He poured some liquid that prevented the people from running away. Masyadong madulas, tingin ko ay mantika ang binuhos niya. May tinutusok din siya sa ibang empleyado na hindi makatakbo. Please come here as soon as possible!” mahabang paliwanag ng manager.
“At last, I found him. He’s Joshua Dela Cruz, 47 years old. Kasalukuyang manager ng Bistek Meryenda, isang kilalang restaurant sa Capitolio. He’s currently inside the restaurant,” salaysay ni Detective Angeles.
“Sir, if it is possible, could we do a video call? Para makita namin kung ano ang nangyayari sa labas,” sabi ni Detective Portman sa kausap.
“Okay. Sandali, ayusin ko,” at dahil may maliit na siwang sa loob ng storage room, doon pinatong ng manager ang kanyang cellphone para ma-video ang nangyayari sa loob ng restaurant.
“The video call has been made. Let’s put it up on the screen,” sabi ni Detective Raynolds at inayos ang projector para makita nilang lahat ang kabuuan ng nangyayari.
“Team leader, nagsalita siya ng ibang lengguwahe na sa tingin ko ay Italian, na ang ibig sabihin ay ‘mamatay kayong lahat’. Babae ang nagsalita na gumagaya lang sa boses ng lalaki,” paliwanag ni Detective Ventura na siyang maraming alam na lengguwahe.
“The weapon used was a syringe. At sa tingin ko ay may kung anong drugs na laman ‘yon,” dagdag naman ni Detective Villares.
“Call the crime unit 2 and 3,” wika ni Detective Portman habang ang tingin ay nasa screen pa rin.
Mabilis naman na lumapit sa kanya ang iba pang detective sa loob. “The reporter is Joshua Dela Cruz, a 47 years old. He has reported that an unidentified assailant has broken in their restaurant, Bistek Meryenda. The culprit is wearing a mask and is using syringe as a weapon that we identified that might have poisonous drug inside. The number of victim is increasing. And seeing how the assailant speaking Italian, it’s highly likely that the culprit is from Italy.”
Tumingin sa mapa si Detective Portman bago muling nagpatuloy. “The location is Bistek Meryenda in San Bernin Capitolio. Dispatch team and San Bernin crime unit division, please hurry!” at nagkanya-kanya na ng alis ang lahat. “Detective Angeles, continue monitoring the crime scene and inform us kung ano mang ibang mangyayari,” bilin nito bago tuluyang umalis
“Yes, sir,” sagot nito at saka pumunta sa kanyang pwesto at humarap sa computer.
Sumakay na sa kani-kanilang sasakyan ang mga detective at ibang police officer papuntang Capitolio habang naiwan si Detective Angeles para mag-monitor.
Tumawag naman siya sa fire department para ipaalam ang nangyari. “Fire department, come to the Capitolio and Bistek Meryenda and monitor the area for possible fire,” muli niyang ibinalik ang kanyang ear piece at muling nagsalita. “All must wear stab proof vests and gloves, and watch out,” bilin niya sa mga kasama.
“Sir, this is Detective Angeles of crime unit 1, the police are on their way and they will arrive soon.”
“That lunatic is coming towards the owner,” agad naman na napatingin sa screen si Detective Angeles kung saan kasalukuyan pa ring nagp-play video. Sa video, makikita na walang habas na itinurok ang syringe sa leeg ng may-ari. “The culprit ran away. Tumatakas na siya!”
“Detective Angeles speaking. The culprit has ran away,” pagbibigay impormasyon ni Detective Angeles sa mga kasama. “It seems that there are many victims at the crime scene. Dispatch team and crime unit department should split into two teams and each focus on catching the culprit and tending to the victims.”
At dahil umalis na ang salarin ay agad na lumabas ang manager para puntahan ang may-ari. “Sir! Sir, Vernard. Sir! I thinks it is poison.” Natatarantang wika ng manager.
“Those who are injured seems to have been injected with the poison,” wika ni Detective Angeles sa walkie talkie, pagkatapos ay tumawag naman siya sa hospital. “191, please bring antidotes with you.”
“If the body of the victim is suffering from shock, it might life threatening,” wala sa sariling wika ng detective. “Sir, follow my orders. Please lay the victim on their back. Making big movements might cause the poison to spread faster, so please be careful.”
Walang alinlangan na sinunod ng manager ang pinagawa ng detective. “Ayos na. I did it.”
“He was injected in his neck, right?” tanong ni Detective Angeles.
“Yes, you are right,” sagot naman ng manager sa kabilang linya.
“May nakikita ka ba sa paligid na pwedeng makatulong para ma-suportahan ang leeg niya?”
“Sandali, let me look around,” at naghanap naman ito ng bagay na p’wedeng ilagay sa leeg ng biktima. “Sir, kumalma kayo.”
“Place it on his neck and make sure that his airway is fully open. Bantayan mo siyang mabuti, so that he won’t pass out or move around too much,” bilin ng detective.
“Detective, I think I did it.”
“Well done,” bumaling naman ang detective sa kasamang pulis. “Police officer.”
Tumango naman ang pulis at may tinawagan sa telepono. “Police officer 1330, speaking. May mga biktima kami na naturukan ng lason. They are vomiting and passing out. Please hurry.”