V1 - Chapter 7

2345 Words
‘All violence consist in some people forcing others, under threat of suffering or death, to do what they do not want to do.’ –Tolstoy -Donovan’s POV- “Team leader, nasa labas si Atty. Cesar, gusto ka raw niyang makausap.” “Okay, Detective Roxas, lalabas na ako. Thanks,” I said at lumabas na para makipagkita kay Atty. Cesar. Paglabas ko ay bumungad sa akin si attorney na may dalang briefcase. “Detective Portman,” bati niya na tinanguan ko lang. “Follow me, attorney,” I said at naglakad papuntang meeting room at agad naman siyang sumunod. Pagpasok sa loob ay agad akong umupo sa dulong bahagi at siya naman sa kabilang dulo na katapat ng upuan ko. “Take a seat,” alok ko sa kanya. “Have some tea,” at inabutan ko siya ng maiinom pagkaupo niya. “Thank you. Dinala ko lang talaga sa’yo ‘tong kontrata para mapanatag ang loob mo tungkol sa kaso,” kinuha naman niya ang briefcase na dala niya at inilabas ang dalawang envelope na nasa loob. Inabot niya sa akin ‘yong mga envelope at agad kong sinuri. “I’m impressed how things work so fast,” I said habang sinusuri pa rin ang mga dokumento. To think na kahapon lang napasa ang incident report, kaninang hapon lang nakausap ang magkabilang partido, at ngayon naman ay settled na ang kaso. “Well, thanks to their family’s connection and money,” he said while sipping his tea. Binasa ko ang kontrata na pinirmahan ng biktima, at isa lang ang masasabi ko. You can easily distinguish and identify how money works and what it can do to you. “So the medical expenses connected to the death including hospital bills, anesthesiologist bills, and medical treatment of any kind of the victim will be compensated, am I right?” I asked habang binabasa sa kanya ang nakasulat sa kontrata. “Well, as you can read in the contract, that is right.” This implies that the victim’s family will be compensated for financial loss caused by the doctor and or hospital’s negligence, medical expenses, and burial expenses. Kung usapang justice, wala kang makikita na nakalagay sa kontrata. Ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko ay ang halaga ng pera na ibibigay sa pamilya ng biktima. “They’re going to give five hundred thousand cash?” “You read it right, detective,” he said at bumaling siya sa akin. “Barya lang sa kanila ang halagang ‘yan kung tutuusin.” “Kung nakapirma at pumayag na ang pamilya ng biktima, wala na akong magagawa,” at inabot ko sa kanya pabalik ‘yong kontrata. “Don’t worry to the victim’s family Detective Portman, we already settled everything. Nagbigay din kami ng scholarship para sa mga anak ni Ronald Buenaventura, to secure the children’s future, and other compensations.” “That will do,” I said. Kung ‘yon ang desisyon nila wala naman kaming magagawa. “Then, I have to go,” pagkatapos mag-ayos ng gamit ay tumayo na siya. “Nice meeting you again, Detective Portman.” “Nice meeting to you too, Atty. Cesar,” I said at sinamahan siya palabas ng unit. “No need to walk me through the exit. Thank you again, Detective.” “No problem,” I bid my farewell and headed back to the office. I sighed. What happened to the justice prevails? Our whole society is now worshipping wealth, money, and material possessions. And now, people measures everything – even human person – by their monetary value. Now, people are living with the life as flashy and attractive. And now, since people always go with the flow, we become the product of our environment people have no choice but to follow what other people do, what they give to you, and pleasuring everybody else is now people’s aiming for. Many of us see greed in others, but not in our selves. And I think, that’s what set in Dr. Theodore Williams’ mind. That it’s okay even if the patient died because whatever happens they can’t be convicted since their family had a tons of money and great influence. “Team, let’s wrap up,” sabi ko na nakaagaw sa atensyon nila. “The case is already close. Let’s pass the report tomorrow, you can go home.” Agad kong inayos ang mga papel na nakakalat sa mesa ko at nilagay sa ilalim na drawer. “Paanong settled na ‘yong kaso, team leader?” tanong ni Detective Roxas. “Pumirma na ng kontrata ‘yong pamilya ng biktima. They accepted the compensation and dropped the case.” Bigla namang pumalakpak si Detective Raynolds kaya napatingin kami sa kanya. “Grabe! Iba talaga kapag mapera. Tignan niyo, agad-agad na-close ‘yong kaso.” “To think na isang araw pa lang, pero naasikaso na nila kaagad,” segunda naman ni Detective Angeles. “Ikaw ba naman ma-report sa ika-limang pagkakataon, ewan ko lang kung hindi ka maghanda,” dagdag pa ni Detective Villares. Napangiti na lang ako sa mga sinabi nila. At least, may ibang pulis pa rin na hindi nadadala at nasisilaw sa pera. “Pack up na, team. May bagong kaso pa tayo na aasikasuhin bukas,” bilin ko sa kanila at tinuloy na ang pag-aayos. ----- Nagkalakat na dugo sa buong paligid ang bumungad sa amin. The stench of blood was still fresh as it dripped onto the ground coming from the flesh that was in the comfort room. Detective Raynolds shivered from the eeriness of the place, perhaps the actual temperature of the whole room hovering around. Sinuri ko ang buong paligid habang ang iba namang kasama ko ay kumukuha ng ebidensya at impormasyon. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ng biktima and it was a suicide case based on the witness who reported the incident. Lumabas ako sandali para tignan kung may iba pa bang kahina-hinala na makakatulong sa amin sa kaso. “Kailan niyo natuklasan na wala na ang biktima?” tanong ni Detective Angeles sa landlord ng bahay na siya ring nakakita sa biktima. “Kaninang umaga lang. Kakausapin ko sana siya tungkol sa bayad niya sa renta kaya pumunta ako sa kwarto niya. Nakakailang katok na ako kaso wala namang sumasagot kaya pumasok na ako sa kwarto, sakto naman na nakabukas din ‘yong pinto ng kwarto niya,” salaysay ng matanda. “Kailan mo huling nakita at nakausap ang biktima?” dagdag na tanong ni Detective Angeles. Hindi ko na narinig pa ang sagot ng matanda dahil pumasok na akong muli sa kwarto. Wala namang kakaiba sa labas at loob ng ibang bahay. May suicide note rin na iniwan ang biktima kaya naman mabilis naming na maisasara ang kaso. Pero hindi ako mapalagay. Parang may mali. Parang may kakaiba. Hindi ko pa lang matukoy sa ngayon kung ano. Muli akong naglibot sa buong kwarto at isa-isang sinuri ang mga gamit ng biktima. Maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit. Malinis din ang buong bahay. Naagaw ang pansin ko ng isang notebook na nasa study table ng biktima. Agad ko itong nilapitan at sinuri ang bawat pahina. Isang journal. Journal ng biktima ang notebook na hawak ko. Walang ibang nakalagay sa journal kung hindi mga gawain niya sa araw-araw, schedule sa trabaho, at listahan ng mga utang. Possible ba na magpakamatay ang isang tao dahil sa utang? Hindi rin gano’n kalaki ang utang niya kapalit ng buhay niya. “Police officer,” tawag ko sa pulis na nasa harapan ko. “Patingin naman no’ng suicide note na iniwan ng biktima.” “Ito, sir,” at may inabot siya sa akin na papel na kasing laki ng notebook. Tinignan ko ang papel at binasa ang nakasulat. ‘It was never supposed to get this bad. I want to die right now. I don’t want to live right now. I want to be alone. I want to be in a place where no one can harm and neglect me. I want to be in a paradise.’ “Nakumpirma niyo ba na sulat kamay nga ng biktima ‘to?” tanong ko sa police officer na siyang nag-abot ng papel sa akin. “Yes, sir. Ganyan din ang sulat sa journal niya, kaya walang duda na nagpakamatay nga ang biktima.” Tumango-tango lang ako sa bawat salitang sinabi niya. Muli kong binalik sa kanya ‘yong papel at inabot ‘yong journal na hawak ko. “Isama mo ‘yan sa mga ebidensya,” I said at muling nilbot ang paningin sa buong paligid. “Okay, sir,” at umalis na siya sa harapan ko para ayusin ‘yong mga binigay ko sa kanya. “Team leader,” tawag ni Detective Villares na siyang umagaw sa atensyon ko. “Ano ‘yon, detective?” sagot ko at bumaling ako sa direksyon niya. “Isasara na naming ang kaso at si Detective Ventura na raw ang gagawa ng incident report,” at may inabot siya sa aking maliit na notebook. “Ayan ang listahan ng mga gamit na nakuha namin na gagawing ebidensya.” “Nasaan na ang mga gamit na ‘to?” tanong ko habang tinitignan isa-isa ang nakasulat. “Pinadala na namin sa unit para maasikaso na. Na-contact na rin namin ang pamilya ng biktima at papunta na sila sa morgue kung saan nakalabi ang bangkay ng biktima.” “Okay then, let’s head back to the office,” I said at binalik sa kanya ‘yong notebook na binigay niya. Dumiretso ako sa van na sinakyan namin papunta rito at agad na sumakay sa passenger’s seat at pinaandar na ni Detective Ventura ang sasakyan na siyang nasa driver’s seat. ----- “Detective Roxas, can I talk to you for a second?” I called for him as soon as we arrived. “Sure, team leader,” he said at sumunod naman siya sa akin papuntang meeting room. “Anong pag-uusapan natin, team leader?” “Ikaw ang gumawa ng report regarding to the incident kanina ‘di ba?” I asked. “Yes, team leader. Actually, kapapasa ko lang no’ng report nang dumating kayo.” “Can I have the copy of the report? Also, can you give me the personal details of the victim?” “Sir? ‘Di ba closed na ang kaso?” nag-aalangan na tanong niya. “Yeah, it just that I need to know the victim,” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na gusto kong imbestigahan pa ang kaso. Pakiramdam ko kasi ay may foul play sa krimen. At dahil closed na ang kaso, hindi na ako makakapag-imbestiga freely and the only choice I have is to investigate this case later at night. Well, suicide cases are on the rise. Suicide prevention is given a low priority in many countries due to competing health problems and poor understanding of its incidence. Only few have known about the epidemiology of suicide and suicidal behavior. Pero ang gumugulo talaga sa isip ko na baka staged lang ang krimen at pinagmukhang suicide para maitago ang tunay na krimen. The thing about human is we are all fools. Before seeing it with our very own eyes, we want to doubt the truth. “Team leader, ito na ‘yong hinihingi mo na files,” Detective Roxas said at inabot sa akin ang isang brown envelope na naglalalaman ng mga impormasyon na hinihingi ko sa kanya. “Thank you, and by the way, can we keep it to ourselves?” I asked for the second time. “Wala pong problema, team leader,” kahit nag-aalangan ay sumang-ayon pa rin siya sa gusto ko. “Thank you, Detective Roxas,” I said at bumalik na siya sa kanyang p’westo. So, I just need to prepare myself later for tonight’s task. It’s been a while n’ong ginawa ko siya, sana hindi ako mapagod kaagad.   -Third Person’s POV- “Who are you? Why are you doing this to me?” sigaw ng hardinero sa lalaking dumukot sa kanya sa mansyon na pinapasukan niya. At dahil sa nanghihina pa siya at nahihilo ay hindi siya makalaban sa lalaking dumukot sa kanya, kaya walang hirap siya nitong naitali. “I can’t believe that you disguise yourself as a gardener. Magandang idea ‘yang naisip mo. You are definitely worthy of being part of the group,” sabi nang lalaki habang itinatali siya sa isang upuan. “You got the wrong person. Hindi ako siya. I’m not him,” pagmamakaawa ng hardinero sa lalaki. “Una pa lang, dapat ginalingan mo na ang pagtatago. Nagtago ka dapat sa lugar na hindi kita madaling mahahanap,” sabi ng lalaki habang pinagmamasdang mabuti ang hardinero, ang lalaki na kanyang dinukot. “Kill oneself or another before one becomes the prey,” makahulugang wika nito. “Hey! Ikaw! Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Hindi ko alam. Please… P-please, spare me,” paulit-ulit na wika ng lalaking dinukot. “I don’t know anything. I can’t die like this. Hindi pwede. I really don’t know anything. Please.” “If you want to disappear entirely, you should have risk your life,” wikang ng lalaki at tumayo sa likod ng hardinero habang inaayos ang baril na kanyang hawak. “No. Please, don’t kill me. I beg you. Please, s-spare me, don’t k-kill me,” muling pagmamakaawa niya sa lalaki. “Ayoko pang mamatay.” Ngunit huli na ang lahat dahil walang alinlangan na binaril siya ng lalaki sa ulo. “May you rest in peace,” muling wika ng lalaki bago tuluyang umalis at iniwan ang walang buhay na katawan ng hardinero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD