‘Be grateful for every second of every day you get to spend with the people you love. Our time together is short and so very precious.’ – Brad Turnbull -Donovan’s POV- “Sigurado ka na ba r’yan sa desisyon mo Detective Raynolds?” tanong kong muli sa kanya. Tila napaisip itong muli kaya hindi siya nakasagot kaagad. Ilang beses ko na siyang sinabihan na pag-isipan muna niya ang balak niyang gawin. Bukod sa illegal ang gagawin niya na pag-trace sa pinsan niya ay baka pag-awayan pa nila ‘to lalo na at sinabi niya na ayaw ng pinsan niya sa gano’ng pamamaraan. “Para sa ikatatahimik ko na rin team leader, gagawin ko. Hindi na kasi maganda ang kutob ko kaya naman kailangan kong makasigurado na nasa maayos siyang kalagayan.” Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na siya. Kanina niya pa pinag-ii

