V1 - Chapter 39

2194 Words
‘Very few of us are what we seem.’ – [The Man in the Mist] Agatha Christie -Donovan’s POV- Halos buong araw ay pagre-review sa mga ebidensya ang ginawa namin. Inabot na rin kami ng gabi sa pag-identify sa mga posibleng biktima at possible suspects ng kaso. Buti na lang din wala emergency case ngayon, may iilan na nag-report pero mabilis namang naasikaso dahil minor cases lang naman. “Team leader,” napatingin naman ako kay Detective Angeles na nasa harapan ko na pala. “Yes, Detective Angeles?” “Regarding to the omitted CCTV footages. Wala akong nakita na iba pang video, kung ano lang ‘yong mayro’n tayo ay ‘yon lang din ang lahat ng kopya nila,” imposible. It’s impossible to happen. Paano mangyayari na pumasok ang kotse na sinasakyan ni Stephanie Cruz pero hindi nakita sa CCTV? Sigurado ako sa narinig ko na may tinanggal sila. May inalis sila sa mga kuha. “Then, can you send me the CCTV footage on the day na nawala si Stephanie?” “Okay, team leader,” he said and he goes back to his seat. Nang ma-receive ko ang file ay kaagad ko itong sinuri. Ang akala ko ay deleted ang file na kuha no’ng araw na ‘yon ngunit hindi. Kaagad kong pinanood at sinuring mabuti ang footage. Sinimulan ko sa mismong umaga hanggang sa dumating sa oras na nakitang pumasok ang sasakyana sa hotel. Bandang alas-syete hanggang alas otso ay siniri kong mabuti ang kuha ng CCTV. Maski ang pagkurap ay hindi ko ginawa, mamaya ay makaliigtaan ko ang sasakyan. Bandang alas-siyete y medya ay sunod-sunod na pumasok ang dalawang sedan at isang van. At hanggang sa sumapit ang alas-otso aya wala nang iba pang pumasok na sasakyan. Nakakapag-taka. Imposible talaga na hindi makita ang sasakyan. Sigurado ako. ilang beses namin pinanood ni Detective Ventura ang footage at kitang-kita mula sa labas ng hotel na pumasok ang sasakyan sa parking. Kaya napaka-imposible na hindi man lang ‘yon makuhanan. Depende na lang kung nag-teleport ang kotse. What a joke, Donovan. Ilang beses ko pang pinanood ang footage dahil baka nililinlang na lang ako ng mata ko. Ngunit sa ilang beses na ‘yon ay bigo rin akong makita ang hinahanap ko. Tumayo muna ako sa p’westo at dumiretso sa banyo matapos makuha ang salamin ko. Lalo lang sumasakit ang mata ko dahil sa contact lens. Mas okay talaga kapag gamit ko ang salamin ko. Hindi naman gano’n kalabo ang mata ko. Nakakakita pa rin naman ako kahit walang salamin or contact lens na suot. Pero mas okay na may suot pa rin akong salamin, lalo na sa ganito. Para na rin mas malinaw kong makita ‘yong mga videos. Pagkatapos kong magpalit ng salamin ay nagtimpla muna ako ng kape bago muling bumalik sa p’westo ko. Lapag alas-nueba na ng gabi pero nandito pa rin kami. Ngayon na may mga ebidensya na kami, kailangan ko na lang makahanap ng mas matibay pa. Dahil posible na ma-counter attack ang mga ebidensya namin. Hindi rin naman ako matatahimik sa bahay kung uuwi kaagad ako habang hindi pa sapat ang mga ebidensya na mayro’n kami. Matapos magtimpla ng kape ay bumalik na ako sa upuan ko at sinimulan na panoorin ulit ang footage. Sanay naman na akong manood ng paulit-ulit. Sa isang footage ata ay halos isang daang beses namin pinapanood hangga’t hindi kami nasa-satisfy sa panonood. Para bang hindi kami matatahimik hangga’t hindi namin nakikita ‘yong bagay na gusto naming makita sa footage na ‘yon. Kagaya na lang ngayon. Pakiramdam ko kasi ay may mali sa footage na ‘to, hindi ko nga lang matukoy kung ano ‘yong kakaiba na ‘yon. Hanggang sa naubos ko na lahat-lahat ‘yong kape ko ay pinapanood ko pa rin ‘yong footage. Teka! Napaayos ako sa pagkakaupo ko ng may mapansin akong kakaiba sa video. Tinutukan kong mabuti ang bagay na ‘yon at paulit-ulit na pinanood. Sabi na! Tama ako! Sabi na nga ba at may mali talaga sa video na ‘to. Ngayon alam ko na. “Detective Raynolds. Can you take a look at this for a while?” tawag ko sa kanya sabay turo sa computer na nasa harapan ko. Kaagad naman siyang lumapit sa p’westo kaya pinindot ko na ang play button sa video. No’ng una ay napakunot lang ang noo niya habang nanonood. “What do you notice in the footage?” tanong ko sa kanya dahil hindi ma-explain and itsura niya habang pinapanood ang footage. “Wala naman, team leader,” he said at muling pinanood ang footage. “Sandali! Parang may napansin ako,” he said at siya na ang nagpindot ng play button kaya naman hinayaan ko na siya. Ilang beses pa naming pinanood ang footage hanggang sa ihinto niya. “What?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saglit na muling tumingin sa screen at muling tumingin sa akin. “Team leader,” he said. “Sandali nga, panoorin ko ulit.” Napa-face palm na lang ako sa sinabi niya. akala ko naman ay napansin na niya. “Go,” I said at muli kaming nanood. Matapos ang ilang beses pa na panonood ay itinigil na niya ang pag-play at tumabi sa akin. “Tama ba ‘yong nakita ko, team leader?” he asked as soon as he seated. “Yeah, ‘yon din ang napansin ko kaya tinawag kita.” “Hindi ako magaling sa ganyan, pero napansin ko na putol ‘yong video. Tama ba? Parang sinadya na tanggalin ‘yong parte na ‘yon,” napatango naman ako sa sinabi niya. ‘Yan din ang napansin ko kanina. Sulit din ang paulit-ulit na panonood ng footage. Buti na lang at hindi ko tinatanan ang isang ‘to. “Hindi kaya sinadya nila na putulin ang footage kung saan nakuhanan na pumasok ang sasakyan? Sabi na eh, may ginawa ‘yong mga ‘yon kaya hindi na pumalag,” he said at hinimas-himas pa ang kanyang baba. “That’s what I’m also thinking. By the way, thank you for the help Detective Raynolds,” sabi ko at iniwan siya sandali. Lumapit ako kay Detective Angeles upang ipakita ang footage. “Detective Angeles, is it possible to recover the deleted part in this footage?” tanong ko sa kanya. Kaagad naman niyang tinignan ang video at sinuri ito. “Yeah, I can do that, team leader. Just give me some time,” he said at bumalik na sa ginagawa. Bumalik naman na ako sa p’westo ko at nagpatuloy sa iba pang ginagawa. “Team leader.” “Yes, Detective Ventura?” “Here’s the files na pinapahanap mo kanina. Ow, sinama ko na rin pala r’yan ‘yong dalawang lalaking employee na huling pumasok sa room 505,” he said and give me the folder that he was holding. “Thank you, detective,” I said. Binuksan ko na ang folder at binasa. Ito pala ‘yong personal files no’ng babaeng nakita ko sa hotel kagabi pati na rin ‘yong sa dalawang lalaking maintenance. Una kong binasa ‘yong personal files no’ng babae, may nakalagay din na picture nito kaya naman nakumpirma ko ang kanyang itsura. Hmm, mukhang bata pa. Mary Jane Ong, she’s 21 years old and working student in Sta. Catalina. Both of her parents are OFW, only child din siya kaya naman ang kasama niya lang sa bahay ang tita niya, ang kapatid ng mama niya. May record din na inaabuso siya ng kanyang tiyahin pero hinyaan niya lang at hindi itinuloy ang pagsampa ng kaso. Agad naman akong napatingin sa note na nasa dulo ng papel. Last seen was two days ago? Kung dalawang araw na siyang nawaawala bakit hindi man lang siya hinahanap ng kamag-anak niya? No’ng nakita ko siya kagabi ay ibig sabihin na nawawala na siya. Mukhang hindi lang talaga basta-basta ang kaso na ‘to. Malakas ang pakiramdam ko na may mas malalim pa na motibo. Sunod ko naman na tinignan ang personal information no’ng dalawang lalaki. Hinanap ko ang pangalan nila sa listahan ng mga empleyado ng hotel at nakalagay naman do’n ang kanilang pangalan. Wala rin silang criminal record, malinis ang lahat. Ang napansin ko lang ay simula nang maitayo ang MS Hotel ay nagta-trabaho na sila rito. Dati silang empleyado ng Salvador Construction Firm at nalipat lang sa hotel na ‘yon. Ibig sabihin ay mas alam na nila ang pamamahala ng buong hotel. At mas kilala nila si Michael Salvador dahil matagal na silang nagta-trabaho rito. ----- “Team leader, mukhang magaling kung sino man ang hacker nila. Ito na lang ang na-recover ko na video mula sa footage na binigay mo,” Detective Angeles said. Binigay naman niya sa akin ang file na na-recover niya. “It’s okay, Detective. Thank you for your hardwork.” Nang matanggap ang file ay pinanood ko na ito. Halos ilang minute lang din pala ang na-recover niya. pero p’wede na, basta makakatulong sa kaso. Sa unang minuto ng video makikita na naghahanda ang mga ssecurity guard na para bang may dadating silang mahalagang bisita. Hanggang sa makita sa video ang pagpasok ng itim na sedan. Kaagad kong tinignan ang plate number kung tugma bas a plate number ng sinakyan ni Stephanie Cortez. Confirmed! Ito na nga ‘yon. Muli kong pinanood ang video. Nang maiparada ang sasakyan, ilang minuto pa ang lumipas pero walang bumababa. Hanggang sa matapos ang video na hindi lumabas ang dalaga pati na rin ang driver ng sasakyan. Fuck! Akala ko ito na ‘yong hinahanap ko. Confirmed na pumasok nga ng hotel ang sasakyan, pero pagkatapos no’n, wala na. Bad trip! Dahil sa nalaman ko saglit akong napaisip. Kailangan kong makahanap ng paraan upang ma-imbestigahan ng maayos ang kaso. At isa lang ang solusyon do’n. Kailangan ko ng suspek. Hindi naman ako barumbado na pulis na basta na lang manghuhuli kahit wala namang kasalanan ‘yong tao. Pero sa kaso na ‘to ay mayroon na kaming person of interest. Isa pa, mukhang may r**e case na nangyari sa hotel na ‘yon. Kailangan ko na lang kumpirmahin ang hinala ko. Tumayo ako sa gitna kaya naman napatingin ang buong grupo sa akin. “Detectives, let’s pack up for today. Magpahinga muna ang lahat. Bukas ay may panibago tayong kaso na lulutasin. I’ll update you all regarding the new case tomorrow on our meeting,” “Yes, team leader.” “Go, team leader.” Kanya-kanyang sagot nila. Nag-asikaso na kami at naghanda pauwi. Inayos ko na lahat ng gamit ko at nilagay sa bag ‘yong mga files na aaralin ko mamaya. I decided na umuwi na lang din dahil kailangan kong pumunta sa hotel mamaya. May gusto akong makita. May gusto akong malaman. Pero hindi ko ‘yon magagawa ng nakikita nila ako. Kaya naman, ang solusyon lang sa ganyan, ang mag-astral projection. “Detectives, just be prepared for the meeting. Let’s talk all the details tomorrow. Thank you!” huling paalala ko sa kanila bago umuwi. “Noted, team leader. See you guys!” paalam ni Detective Raynolds at nauna nang lumabas. Dala-dala niya pa ang ilang folder kaya naman nagmukha tuloy siyang estudyante sa ayos niya. sabagay, siya naman ang pinakabata sa grupo. Hinitay ko muna na makaalis ang lahat bago ako tuluyang lumabas. Nang makuha ko rin lahat ng kailangan ko na files ay lumabas na ako at dumiretso sa sasakyan. Nang makarating sa unit ko ay mabilis kong inahanda ang mga kailangan ko. I decided na tapusin muna ang ibang kailangan gawin bago ako mag-astral projection. Dahil for sure, after kong makabalik sa katawan ko ay umaga na ako magigising. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Matapos kong ma-compile lahat ng files regarding sa missing case ay nag-email ako kay Detective Gallardo, one of my trusted friend, and he’s a private investigator. Naalala ko pa no’ng tumawag siya ng nakaraan. May pina-imbestigahan kasi ako sa kanya. Well, pina-background check ko lang naman si Doctor Theodore Williams, una pa lang kasi nararamdaman ko na, na may kakaiba sa kanya. Pero until now ay hindi ko pa rin nare-review ‘yong file na pinasa niya sa akin. Naging busy na rin kasi kami rito sa missing case ni Stephanie Cortez. Nang ma-send ko ang email ay niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag ang mga kailangan para bukas. Mamaya ay makalimutan ko pa dahil sa dami ng iniisip ko. Nagiging makakalimutin pa naman ako nitong mga nakaraang araw. Kaya naman maganda na ‘yong sigurado. Matapos magligpit ng mga gamit, nagpalit na ako ng damit at naghanda na para sa astral projection. This is the time para alamin ang misteryo ng MS Hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD