V1 - Chapter 40

2308 Words
'The world’s trying to change itself in a new way. I can smell death. Nothing new comes without death.’ – [Demian] Herman Hesse -Donovan’s POV- Sulit naman ang kalahating oras na paglalakad dahil nakarating din ako sa dapat kong puntahan. Ang MS Hotel. Nang makarating sa hotel ay sa parking lot na ako dumaan. May nagbabantay na guard sa gilid ng parking, pero hindi naman niya ako nakikita kaya dire-diretso lang ako sa pagpasok. Nang makarating sa loob ay kaagad kong pinuntahan ang maintenance room. Pagpasok ko sa loob, nadatnan ko na may dalawang lalaki na nag-aayos ng mga drum. May Maintenance Team na nakalagay sa kanilang mga t-shirt. Natatandaan ko ang mga mukha nila dahil nakita ko sila sa listahan ng mga empleyado. Lumapit ako sa p’westo nila upang panoorin ang kanilang ginagawa. No’ng unang pasok ko rito ay mukha siyang maliit sa una, kaya naman hindi na ako nag-abala pa na libutin ang buong kwarto no’ng panahon na ‘yon. Pero ngayon na napansin ko na may pintuan pa pala, at sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi lang ‘to basta-bastang maintenance room. Para siyang imabakan ng mga drum, though may storage room sila sa kabilang kwarto. Pero rito ay puro drum lang talaga. Kung bibilangan lahat, tingin ko ay lagpas singkwenta ang mga drum na narito. Magkakapatong ang iba at halos lahat ay may takip, sa tingin ko may laman lahat ng drum. Sa kabilang dulo naman ay nakahilera ang patong-patong na walang laman na drum dahil hindi naman ito nakatakip. “P’re,” tawag no’ng mapayat na lalaki sa kasama niya. “Problema mo, boy?” “Kailan ang pag-transfer ng mga ‘to?” tanong nito. “Wala pang sinasabi si madam, balita ko kasi may mga pumunta na pulis dito kahapon saka kanina. Kaya naman pinapalinis na nila lahat ng kalat. Pero sa tingin ko aabutin ng mahigit isang linggo para matanggal lahat ng ‘to,” sagot naman nito sa kausap niya sabay turo sa mga drum na inaayos nila. Hindi na sila muling nag-usap pa kaya naman nilagpasan ko na sila. At dahil hindi ko mabuksan ang mga drum ay pinagpatuloy ko na lang ang paglilibot. Ang hirap din pala kapag hindi ka makahawak, pakiramdam ko tuloy wala akong kamay kahit mayro’n naman talaga. ----- Matapos ang ilang oras na paghahanap ng ebidensya sa hotel, wala rin naman akong napala. Ngunit may pakiramdam ako na hindi basta-basta ang laman ng mga drum. Imposible na hindi na lumabas ang babaeng kasama nina Michael Salvador at Jaycee Gonzales. Nang matapos ako sa paglilibot sa hotel ay bumalik na ako sa unit ko. Bukas ng umaga. Magsisimula na ang lahat. ----- Mabilis akong nag-ayos ng mga gamit para sa meeting mamaya. Kailangan lang naman na mabuksan muli ang kaso upang makapag-imbestiga kami ng maayos. “Are you guys ready?” tanong ko sa mga kasama ko at nauna nang pumasok sa meeting room. Nang makapasok silang lahat ay nagsimula na kaagad kami. “Along with the missing case, we have r**e case here,” panimula ko. Pinakita sa kanila ang file ng biktima at kanya-kanya naman silang lista ng mga impormasyon sa kanilang papel. “This is m*******e Ong, 21 years old working student. She’s on her last year of college and she’s gone missing four days ago. Both of her parents are OFW and she’s living with her aunt, her mother’s older sister. Three days ago, dumalaw sa kanilang bahay ang kanyang betfriend na si Lily Math, at hinahanap ang kanyang kaibigan, ngunit maski ang kanyang mga kamag-anak ay hindi alam kung nasaan siya.” Sunod naman na nag-flash sa screen ang ilan sa kuha ng footage na nakitang sakay ng SUV ang dalaga kasama ang dalawang lalaki. “On the day of May 12, at 2:30 am. m*******e Ong was seen in the footage along with Michael Salvador, the owner of MS Hotel, and Jaycee Gonzales, friend of Michael. On the next footage, the three of them were seen entering room 505, and at 8:00 am in the morning, Michael and Jaycee was seen leaving the room. Following, at 10:00 am in the same day, it was seen that two employee of the hotel entering the room 505 with a drum and leaving the room 15 minutes after.” Wala pa naman nagtatanong sa kanila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “It is assumed that the victim, m*******e Ong was r***d and killed on the room 505 and our primary suspects are Michael Salvador and Jaycee Gonzales.” Bigla namang nagtaas ng kamay si Detective Roxas. “Wait, team leader,” tumingin ako sa kanya at hinayaan siya na magsalita. “Paano mo naman nasabi na na-r**e ang biktima? Kita nga sa CCTV na sabay-sabay pumasok ang tatlo pero hindi sapat ‘yon upang makasuhan sila.” Yeah, what Detective Roxas said was true. Hindi sapat ang ebidensya sa mayro’n kami. We need to find some evidences, but the scene was clean, that’s why we don’t have one. “Malakas ang kutob ko na patay na ang biktima. Pero kagaya nga ng sinabi ni Detective Roxas hindi sapat ang CCTV footage na mayro’n tayo. Kaya naman I’m planning to investigate the case properly and I know, this r**e case is connected with the missing case.” “Kaso, team leader, paano kung wala rin tayong mahanap na ebidensya? Hindi basta-basta ang mga taong binaggit mo,” wika ni Detective Villares. “We should be able to find some clues if we investigate this case now. If there are nothing, we’ll make them give us clues.”   “Team leader, tingin mo ba makakakuha ka ng arrest warrant? Sa tingin ko, sa pagkuha pa lang ay mahihirapan na tayo, ang papuntahin pa kaya ang mga ‘yan?” tanong naman ni Detective Raynolds. “Consider that as done. Kagabi, bago umuwi ay nagpasa na ako ng draft arrest warrant para sa dalawa, pati na rin ang search warrant sa MS Hotel. And it was approved this morning,” sagot ko sa tanong niya. Bigla namang napakamot sa ulo niya si Detective Angeles. “Do you have a problem, Detective?” tanong ko sa kanya. Mukhang nagda-dalawang isip pa siya kung magsasalita siya o hindi, pero sa huli ay sinabi niya pa rin ang bumabagabag sa kanyang isipan. “Hindi kaya magka-problema tayo sa mga nasa itaas? Hindi naman sa tutol ako sa pagi-imbestiga, pero kasi team leader, ‘yong mga patakaran kasi rito sa San Bernin ay iba sa Manila. Hindi ba mas mabuti na ipaalam muna natin kay Colonel Martinez ang plano bago tayo magsimula?” “Kung magliligtas ka ng isang biktima na nasa bingit ng kamatayan, Detective. Kailangan mo pa bang humingi ng permiso sa iba bago mo siya iligtas?” tanong ko sa kanya pabalik. Hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Ang goal natin dito ay hulihin at ikulong ang lahat ng nagkasala sa batas. At wala akong nakikitang mali sa ginagawa natin.” “I’m sorry, team leader.” “It’s okay Detective Angeles. I understand. Let’s all get back to work. Magre-report muna ako kay Colonel and then we’ll head out soon,” I said and packed my things. Iniwan ko muna sa table ko ang lahat ng files saka umakyat sa taas. Nang makarating ay kumatok ako bago pumasok.”You’re here. Have a seat. May gusto akong sabihin sa’yo,” wika ni Colonel Martinez ng mapansin ko. “Colonel, I just came here to show you this,” at pinakita ko sa kanya ang hawak kong warrant of arrest. “I didn’t know you would be this impulsive. Kilala mo ba kung sino ‘tong mga taong sinangkot mo sa kasong ‘to?” wika niya habang binabasa ito. Sinagkot? As far as I know dawit na talaga sila sa kaso, and I even saw it with my own two eyes. Hindi ko lang masabi sa kanya ang mga katagang ‘yan dahil paniguradong hindi rin naman siya maniniwala. “Sir, base sa mga footage na nakuha namin na galing mismo sa security team ng hotel. Malinaw na kitang-kita sa video si Michael Salvador at Jaycee Gonzales kasama ang biktima.” Bigla namang nagbago ang eksperyon niya. “Whatever you think, whatever you assume, whatever suspicion you may have, it's fine. However, can you prove it on your own? You lack both evidence and witnesses. Are you sure you can face the consequence?” makahulugang wika nito. “That’s the purpose why we want to investigate this case. Don’t worry, Sir, I’ll take full responsibility,” desididong wika ko sa kanya. “Do you know what you are talking about Detective Portman?” “Yes, Sir. So if you’ll excuse me, we need to head out soon,” I said at lumabas na ng kanyang opisina. Bumalik ako sa opisina na para bang walang nangyari. “Detective Roxas and Detective Villares, here’s the arrest warrant for Jaycee Gonzales. Detective Raynolds and I will be on our way to get Michael Salvador. Detective Ventura, please check and locate Michael and Jaycee and update us while we are on our way. Detective Angeles, please prepare for the interrogation later.” “Yes, team leader!” sabay-sabay na sagot nila kaya naman nagkanya-kanya na kami ng gawain. Lumabas na ako habang kasunod ko naman ‘yong tatlo “Please take care, Detectives, update me once in a while,” I said at pumasok na ng sasakyan. “Let’s go to MS Hotel,” I said ng magsimula na si Detective Raynolds na paandarin ang sasakyan. “Team leader, magiging ayos ka lang ba?” basag ni Detective Raynolds sa katahimikan. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. “Don’t worry, Detective. I’ll be fine,” I said to assure him. “Kaya idol talaga kita, team leader,” dagdag niya pa pero hindi na ako sumagot. Nang makarating sa hotel ay kaagad kaming dumiretso sa reception area.  Hindi rin muna kami nagsama ng backup team dahil baka wala rito ang may-ari. “Excuse me,” bati ni Detective Raynolds sa babae. Inilabas naman niya ang kanyang ID at pinakita rito. “I’m Detective Clayton Raynolds from Crime Unit 1. Nandito ba si Michael Salvador?” “Sorry, sir. Pero wala po si Sir Michael ngayon, minsan lang po siya pumupunta rito sa hotel.” “Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?” tanong ko naman. “Sorry, sir, pero hindi po. Kung gusto niyo, p’wede po kayong pumunta sa opisina niya, nando’n po ‘yong secretary ni Sir Michael,” tumango lang kami at saka nagtungo sa elevator. Nang makapasok ay pinindot ko ang button na papuntang basement. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa maintenance room ng hotel na ‘to. Paglabas namin ng elevator ay kaagad na sumalubong sa amin ang dalawang security guard. “I’m Detective Donovan Portman, team leader of Crime Unit 1 and we have a search warrant so please cooperate,” I said at ipinakita sa kanila ang warrant na dala namin. Pipigilan pa sana kami ng ibang security guard pero pinigilan na kaagad sila no’ng lalaking may hawak ng search warrant. At dahil wala na silang magawa ay mabilis akong nagtungo sa maintenance room. Pagdating sa pinto ay may dalawang empleyado na kalalabas lang. “Sir, ano pong kailangan nila?” tanong no’ng isa. Napahinto kami sa pagpasok dahil nakaharang sila sa pinto. “We’re from San Bernin Police Station at may search warrant kami for this place, so if you could excuse us,” sagot ni Detective Raynolds sa kanila. “Mga imbak na gamit lang naman ang nandito, sir. Ano po bang hinahanap niyo?” “If you don’t want to be an accomplice to a murder case, hahayaan niyo kaming pumasok sa loob.” Mukhang natakot naman sila sa sinabi ko dahil kaagad silang gumilid para makapasok kami. Naunang pumasok sa loob si Detective Raynolds kaya nakasunod lang ako sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay mukhang naguluhan pa siya kung ano ang hinahanap namin kaya naman hinawi ko ang mga nakaharang na karton at bumungad sa amin ang isang pinto. “P-paanong…” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binuksan ko na ang pintuan at naunang pumasok. Nice! Nandito pa rin ang mga drum. Gano’n pa rin ang ayos nila kagaya nang makita ko ‘to kanina. Ang kaibihan lang ay mukhang nadagdagan ang mga ito. “Para saan ang mga drum na ‘to? Ang dami.” Komento ng kasama ko nang makita ang nasa paligid namin. Lumapit ako sa isang drum at tinignan ang laman nito ngunit wala akong ibang nakita bukod sa itim na malapot na tubig. Napatakip kaagad ako ng aking ilong ng maamoy ko ang matapang na amoy galing sa drum. Mabilis naman na lumapit sa akin si Detective Raynolds. “Team leader, ayos ka lang ba?” pagkalapit niya ay napatakip din siya ng kanyang ilong dahil sa tapang ng amoy. Kaagad kong sinirado ang drum dahil sa amoy nito. “What the hell? It’s impossible?” napatingin ako sa katabi ko ng hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Detective Raynolds, ano ang tinutukoy mo?” “Team leader, mukhang alam ko na kung ano ang laman ng mga drum na ‘to.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD