'Kill every enemy twice, Wilky said. Better than getting shot by a soldier pretending to be dead.’ – Joseph Bruchac -Donovan’s POV- “Bakit mukha ka namang stress Detective Roxas?” pabirong wika ni Detective Raynolds sa kararating lang na sina Detective Roxas at Detective Villares. Kaagad naman na napabaling ang tingin ko sa kanila. Akala ko ay nagbibiro lang si Detective Raynolds pero mukhang problemado talaga si Detective Roxas. “Hindi lang ako mukhang stress bata dahil stress talaga ako,” sagot naman nito at saka diretsong naupo sa kanyang pwesto. Gano’n din naman ang ginawa ni Detective Villares at inisang lagok nito ang isang bote ng tubig. Kagagaling lang kasi nila sa labas para imbestigahan ‘yong ni-report kahapon tungkol sa mga namataan na lalaki na naghuhukay sa may San Benito

